Chapter 23 - 22

She saw that coming already but she was still a bit surprised. Hindi niya inaasahang magiging ganito ito kabilis. Ngunit hindi ba ay iyon ang pangarap niya noon? Ang maging boyfriend ito? Dapat ay masaya na siya. Ngunit wala siyang maramdaman.

You just need time to remember your feelings towards this man, Myla, remember? Oo, iyon ang plano niya. Ang makasama ang lalaki ng mas matagal upang maipaalala nito sa kanya na ito ang gusto niya. Na ito ang dapat na nagugustuhan niya. Naninibago lamang siya.

Gayunpaman ay binawi niya ang kamay mula rito saka nagpapaumanhing tinignan ito. Hindi niya alam ngunit hindi niya matagalan na hawak nito ang kamay niya.

"T-this is way too fast. I cannot---"

"You don't have to answer yet." Ang nakangiti naman sabi nito sa kanya. "Hindi naman ako nagmamadali. Alam kong matagal na panahon na rin ang nakalipas noong mga panahong may nararamdaman ka pa para sa akin. At hindi ko inaalis ang ideyang maaaring nawala na iyon. Pero hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat para bumalik ang nararamdaman mo para sa akin. I was in your heart before. It would not be as hard to claim that place again now." Ang determinadong sabi nito.

Mabuti pa ito, confident sa iniisip nito. Samantalang siya ni hindi sigurado sa nararamdaman. But this was what she think was right. Si Christopher at siya. Ito ang dapat na boyfriend niya kung hindi lang umentra noon si Darwin. They were the right match. He was safe. Her heart was safe with this man. Hindi siya nito pinagtripan noon. Panay kabaitan ang ipinakita nito sa kanya. Hindi ito kailanman nagsinungaling sa kanya. Ngunit bakit ganoon? Bakit kumokontra ang puso niya?