Hindi mabasa ni Myla ang ekspresyon ni Darwin ngunit sa bawat hakbang nitong palapit sa kinaroroonan niya ay siya namang lalo pang pagbilis ng tibok ng puso niya. She felt like hyperventilating. Dahil ba iyon sa halik na pinagsaluhan nila kanina?
"Where have you been? I've been looking for you inside." Ang seryosong sabi nito nang makalapit sa kanya. Ni hindi nito pinagtuunan ng pansin ang lalaking kausap niya basta siya ang hinarap nito.
"Ah... eh..." ni hindi niya magawang sumagot ng matino rito. Tinakasan na yata siya ng bokabularyo niya.
"You're Darwin right?" ang sabi ni Christopher mula sa likod ni Darwin. Nakita niya ang saglit na pagkunot ng noo ni Darwin sa harap niya ngunit agad ding nawala bago pormal na hinarap si Christopher.
"What's it to you?" ang malamig na balik ni Darwin kay Christopher na ikinagulat niya. He was playfully and nice to everybody else. Ngunit bakit ngayon ay parang gusto pa nitong maghamon ng away?
Mukha namang hindi apektado si Christopher dahil tumawa pa ito at napailing iling.
"Hindi ka pa rin pala nagbabago." Sabi nito kay Darwin. "At umaaligid pa rin pala kay Myla hanggang ngayon?"
"Again, what's it to you?" Darwin lazily said after sighing. Malamig ang boses nito at kalmado ngunit ramdam niya ang tensiyon sa pagitan ng dalawang lalaki.
"Darwin." Awat na niya sa lalaki saka hinawakan ang braso nito.
"Nevermind, pare." Ang mahinahong sabi na lamang ni Christopher. "I'll see you around, Myla. And soon." Nakangiting sabi nito sa kanya saka sila nilagpasan.
Nakahinga naman siya ng maluwag. Hindi niya alam kung anong meron sa pagitan ng dalawang lalaki ngunit hindi lingid sa kaalaman niya ang animosity sa pagitan ng mga ito. Hindi rin naman niya masasabing siya ang dahilan at nang dahil sa halik na iginawad sa kanya noon ni Darwin noong nasa kolehiyo pa sila. Bago pa man kasi mangyari iyon ay malayo na ang loob ng mga ito sa isa't isa. Maaaring kinasangkapan pa nga siya ni Darwin noon para lamang inisin ang lalaki.
"I don't want you seeing him again." Maya maya ay sabi ni Darwin mula sa tabi niya.
Kumunot naman ang noo niya sa sinabi nito. Ginugulo na nga nito ang nananahimik na sistema niya, ngayon ay parang may balak pa itong pangunahan siya?
"Excuse me?"
"I said I don't want you seeing that guy again." Seryosong sabi nito habang diretso nang nakatingin sa kanya. Napalunok siya. Ngunit wala sa bokabularyo niyang basta na lamang sumuko rito.
"At sinong may sabi sa'yong susundin ko ang sinasabi mo? Ano ba kita? Tatay 'ko?" taas ang kilay na sabi niya rito.
"Myla..." tila nagtitimping sabi nito.
"What? The last time I checked, you're not the boss of me. Kasosyo ka lamang ng pamilya." Simpleng sabi niya rito. "At saka magkalinawan nga tayo. Trabaho ang ipinunta nating pareho sa hacienda. Hindi kung ano pa mang bagay kagaya ng kung anumang kalokohang iniisip at ginagawa mo! Kaya tigilan mo ang panggugulo sa akin dahil hindi uubra iyon. We are business partners,no more no less!"
Sakit ba ang bumalatay sa mukha nito pagkatapos ng sinabi niya? Ngunit hindi siya sigurado sa nakita dahil saglit lamang iyon. A few seconds after, his face was devoid of emotion.
"Kaya ba tinugon mo din ang mga halik ko? Because we're business partners?"ang sarkastikong tanong nito na nilangkapan pa nito ng nakakalokong ngiti.
Hindi naman siya agad na nakahuma sa tanong nitong iyon. Bakit nga ba tinugon niya ang mga halik nito?
"I-I don't know. Maybe because you're a good kisser! Inaamin ko naman iyon!" gusto niyang mapangiwi sa isinagot. Di yata at pinuri pa niya ito.
"I'm a good kisser, hmmm?" tanong nito at humakbang palapit sa kanya.
"O-Oo." Napaurong naman siya. Tuloy tuloy itong humakbang palapit sa kanya habang paurong naman siya ng paurong. Ngunit nasukol din siya nito nang maurungan niya ang isang malaking puno sa likod niya. Inilapit pa nito ang mukha sa kanya. Napalunok siya.
"So if I kiss you again, you are saying that you will answer back just like the last time?" mababa ang boses na sabi nito.
"H-ha?" hindi niya nagawang intindihin ang sinasabi nito dahil sa lapit ng mukha nito sa kanya at sa mainit na hininga nitong dumarapo sa mukha niya. "L-lumayo ka nga!" sabi niya saka itinukod ang mga kamay sa dibdib nito upang itulak ito ngunitpara itong pader. Hindi ito kaya ng lakas niya. Nanigas pa siya nang bigla na lamang nitong hawakan ang kamay niyang nasa dibdib nito.
"Scared are we?" ang nakangising tanong nito.
"S-scared? Ako? Bakit naman ako m-matatakot sa'yo?" pilit niyang balik rito na kinulang naman sa lakas. "Bitawan mo nga ako." Hinila niya ang kamay mula rito ngunit hindi nito iyon pinakawalan sa halip ay hinila siya nitong palapit rito. Naramdaman niya ang paglapat ng isang braso nito sa beywang niya habang hawak pa rin nito ang isa niyang kamay.
"So which is it you are afraid of? My kiss?" bulong nitong direkta sa tainga niya. Agad na gumapang ang kilabot sa buong katawan niya nang maramdaman ang hininga nitong bahagyang kumikiliti na ngayon sa tainga niya. Ngunit parang tinakasan na siya ng lakas. She can't even pull herself away from the man! "Or that you might discover the feelings that you might already have for me?"