makatapos manguha ng prutas at niyog na pang gata, kumuha rin ng luya at paminta si Peter upang madala nila Arnie kinabukasan
sa bahay abala sa paglilinis si Arnie ng kanyang kwarto ng tawagin siya ng kanyang nanay
BETTY : Arnie anak! pumanaog ka muna sandali dito sa baba at tuluyan mo akong magkatay ng manok na babaunin nyo bukas, tawag ni Betty sa anak.
opo inay, sandali lang po baba na ako! sagot ni Arni sa ina
pinagtulungang tanggalan ng balahibo ni Betty at Arnie ang dalawang manok na kinatay ng kanyang nanay
ARNIE : inay, bakit po kami magbabaon ng pagkain bukas? tanong ni Arnie
anak..... malayo ang byahe mula Indang hanggang Olongapo gugutumin kayo sa byahe, wala naman kayong makakainan sa highway sa imus rotonda , at pagsakay ninyo ng bus na Saulog deretso na ang byahe..paliwanag ni Betty
ARNIE : paano po kami kakain sa bus kung tumatakbo? muling tanong ni Arnie
BETTY : adobong tuyo ang gagawin kong luto sa native na manok anak kaya walang sabaw na matatapon, magbabaon kayo ng kutsarang disposable at sa lunch box naman ang kanin para hindi basta matapon kahit tumatakbo ang sasakyan habang kumakain kayo....
LIA : wag kang mag alala Arnie, sanay na ako na nagbabaon pag bumibiyahe. bayaan mo. makikita mo at hindi naman mahirap kumain sa bus kahit tumakbo ito. sambit ni Lia na narinig ang tanong ni Arnie sa kanilang nanay
ganoon ba ate Lia, buti naman pala kung ganon.... sagot ni Arnie sa kanyang ate