Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 49 - CHAPTER 37 ; KAIBIGAN AT TAGAPAGTANGGOL KAIBIGAN AT TAGAPAGTANGGOL KAIBIGAN AT BANTAY

Chapter 49 - CHAPTER 37 ; KAIBIGAN AT TAGAPAGTANGGOL KAIBIGAN AT TAGAPAGTANGGOL KAIBIGAN AT BANTAY

Ngumiti si Prinsipe Borjo kay Arnie bago nito sinagot ang tanong.

PRINSIPE BORJO : Kaibigan mo ako, tagapag bantay at tagapag tanggol.... mahiwagang sagot nito kay Arnie bago tumalikod at umalis.

Nahihiwagaang hinabol ng tanaw ni Arnie si Borjo, nagtataka siya sa naging sagot nito.... at nagtataka siya kung paanong nasundan siya ni Borjo sa siyudad...

LIA : oh Arnie... saan ka galing? tanong ni Lia na nakasalubong ang kapatid paakyat ng hagdan

ARNIE : diyan lang sa may tindahan ate Lia, bumili ako ng shampoo at conditioner, maliligo ako bago matulog, napaka lagkit ng balat ko at amoy usok ng bus at sigarilyo pati buhok ko..

LIA : aba.... bakit hindi mo sinabi? meron tayong stock na shampoo at creamsilk dito, sagot ni Lia kay Arnie

ARNIE; eh..... nahihiya ako magtanong kanina kay kuya Yel eh, may kausap siya kanina.

Ganon ba? oh sige..... maligo kana muna at nang makapagpahinga kana sa kwarto, untag ni Lia sa kapatid sabay turo sa direksyon ng paliguan.

pagkatapos maligo, tinutuyo ni Arnie ang kanyang buhok sa pamamagitan ng tuwalya at suklay.... namintana siya at tinanaw ang madilim na kalangitan, andap andap ang kislap ng mangilan ngilang bituin, maging ang buwan ay nagtago sa likod ng mga ulap.

Nilapitan siya ni Lia at tinanong kung hindi pa matutulog....

Maya maya na ate Lia, basa pa ang buhok ko sagot ni Arnie dito.....

tumalikod na si Lia papasok ng kwarto ng muli'y tinawag siya ni Arnie.....

ARNIE : ate..... ....tawag ni Arnie sa kapatid na pabalik na ng kwarto.....

Nakita ko siya kanina at nakausap..... dagdag pa nito

LIA : huh???? sino????