Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 50 - CHAPTER 38 : BANTAY???

Chapter 50 - CHAPTER 38 : BANTAY???

Si prinsipe Borjo, siwalat ni Arnie sa kanyang ate Lia

laking gulat ni Lia, sa narinig na sinabi ni Arnie, hindi siya makapaniwala na nasundan sila ng tikbalang sa Gapo....

naguguluhan si Arnie, habang nakahiga sa katreng kawayan hindi siya makatulog. paulit ulit na bumabalik sa kanyang isip ang sinabi ni Borjo. Hindi niya mawari kung ano ang ibig nitong sabihin, na ito ay kanyang tagapagtanggol tagapagligtas at kaibigan....

ARNIE : Ano kaya ang ibig niyang sabihin don sa sinabi niya? kunot noong bulong ni Arnie na di makatulog dahil sa kaiisip ng dahilan kung bakit sinabi ni Borjo ang ganoon, gayong malinaw naman na gusto siyang kuhanin nito at dalhin sa kanilang daigdig...

Kinabukasan, tinanghali ng gising si Arnie dahil sa puyat kakaisip ng kung anong dahilan paulit ulit ding sumisingit sa kanyang isip ang ala -ala ng magandang ngiti ni Borjo.

YEL : Arnie ? bakit nangangalumata ka? hindi kaba natulog, puna ni Yel sa hipag na kalalabas lang ng kwarto at mukhang napuyat.

ARNIE : Kuya, namamahay siguro ako..... hindi ako makatulog saka mainit ang panahon, pati singaw ng electric fan mainit na din, sagot ni Arnie sa bayaw habang hindi makatingin ng deretso dito dahil sa ginawang pag sisinungaling.

YEL : Ganoon ba? pasensiya kana Arnie, mainit talaga dito sa gapo di tulad sa kaytambog presko, maraming puno

Naisipan ni Arnie na maglakad lakad papunta sa malapit sa dagat, sa may dulo ng kalye ng Gordon pagkatapos mag almusal kasama ang pamangkin na si Irene

pagdating nila sa may waiting shed, sinamyo ni Arnie ang hangin ,bagamat ito ay kadugtong pa rin ng dagat, marumi na ito dahil sa mga taong nagtatapon ng mga basura at dumi sa dagat.

naglakad lakad si Arnie habang nakatanaw sa kabilang baybayin kung saan makikita ang halos patong patong na bahay doon.

maya _maya pa, tinawag na ni Arnie ang pamangkin na bumitaw sa pagkakahawak sa kanyang kamay.... nakita niya itong may kausap na lalake sa di kalayuan, sa may kabilang dulo ng shed malapit sa tulay.

ARNIE : andito kana naman??? bakit ba lagi ka na lang sumusulpot na para akong may bantay, sita ni Arnie sa lalake