Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 51 - CHAPTER 39 : GUWAPONG KAIBIGAN :

Chapter 51 - CHAPTER 39 : GUWAPONG KAIBIGAN :

Ngumiti si Borjo kay Arnie, bago nito sinabing....

hindi mo ba gusto na mayroon kang guwapong bantay?

ARNIE : taas ang kilay na tinitigan si Borjo..... Ayoko!!! hindi naman ako mayaman para bantayan mo ah

PRINSIPE BORJO : 😬😬😬 kung ganon pwede bang maging kaibigang bantay?

ayoko rin!!! bakit mo ba ako binabantayan? hindi naman kita kaano ano at lalong hindi kita boyfriend... asar na sagot ni Arnie dito...

nangiti ng maaluwalas si Borjo, dahilan upang lalong mahayag ang kanyang kakisigan....

kung ganon ba? gusto mo akong maging boyfriend? pasubok na tanong nito kay Arnie.

ARNIE : aba aba??? hoy! bakit ko naman gugustuhing maging boyfriend ka? hindi ko nga alam ang pagkatao mo...

biglang natigil sa pagsasalita si Arnie ng maalalang kabayo o sa mas malinaw na salita tikbalang ang kanyang kaharap at hindi totoong tao....

samantala si Borjo walang kamalay malay sa kung anong tumatakbo sa utak ni Arnie ay natawa ng malakas...

ha ha ha ang malakas na tawa ni Borjo na di nya nagawang pigilan...

hindi ba't alam mo kung anong totoong ako....

isa pa..... ikaw ang itinakda..... itinakda kang maging prinsesa ko, kaya binabantayan kita para hindi ka maagaw ng iba... nakangiting sabi ni Borjo matapos tumigil sa pagtawa.

ARNIE : aba??? at natawa ka pa??? pinagtatawanan mo ba ako? busit na busit na sabi ni Arnie habang namumula ang mukha at nag iinit ang magkabilang tenga.

BORJO: hindi kita pinagtatawanan, natawa lang ako sa sitwasyon paliwanag nito kay Arnie na nakita nya'ng namumula na sa inis....

ARNIE : ah diyan kana nga!!! kausapin mo ang sarili mo!!! hawak ang kamay ng pamangkin na si Irene, tinalikuran nito si Borjo at naglakad pabalik sa bahay.

BORJO : sandali..... mag usap pa tayo... habol ni Borjo sa mag tiya...

ARNIE : hmmmmp huwag kang sumunod!!!

ngunit patuloy pa rin si Borjo sa pagsunod sa kanila...

sige na Arnie mag usap pa tayo, wag ka nang magalit sa akin... pakiusap muli ni Borjo sa dalagitang mabilis na naglalakad hila sa kamay ang batang pamangkin

ARNIE ; hmmmmmppp wag ka sabing sumunod sa amin....

ang sabi ni Arnie na biglang huminto sa paglakad, humarap kay Borjo bago binuhat ang pamangkin saka muling itinuloy ang mabilis na paglalakad.....

walang nagawa si Borjo kung hindi ang sundan ng tingin ang papalayong mag tiya. nagtataka sa biglang pagkagalit ni Arnie sa kanya.....

walang wala sa hinagap niya na natumbok niya ang totoong dahilan...

unti unti nang nahuhulog ang loob ni Arnie sa kanya dahil sa kanyang angking kaguwapuhan at kabaitan..... ganon na rin sa ginawa niyang pagtatanggol kay Arnie mula sa tangkang pagkuha ni Prinsipe Matuling