Kinahapunan ikinwento ni Peter sa kanyang asawang si Betty ang nakitang lalake nang siya ay pumailaya sa pulo....
laking pag aalala ni Betty sa asawa, siya man ay nangangaba na baka nga itim na nilalang nakita nito
maagang kumain ng hapunan ang mag anak upang maagang makapag pahinga, madaling araw pa lamang ay babangon na sila upang iluto ang mga pagkaing dadalhin, at muling ayusin ang iba pang dadalhin.
sa kwarto ni Arnie....
pabiling biling si Arnie sa kanyang higaan habang mahimbing na natutulog, naroong kumunot ang kanyang noo paminsan minsan.... tanda na ito ay nanaginip
ARNIE : sa isang pamilyar na lugar sa kadawagan ; ano kayang lugar ito? parang nanggaling na ako rito? ...
maya maya'y may narinig siyang kaluskos sa masukal na lugar
Krik .. .....krik... k....
narinig ni Arnie na tunog, unti unti syang naglakad palapit sa lugar kung saan nagmumula ang kaluskos ng biglang.....
ARNIE : aaaahhhh HALIMAW!!! malakas na sigaw ni Arnie na agad tumalikod upang tumakbo ngunit nahawakan siya sa braso ng pangit na nilalang na biglang bumulaga sa kanya ....
kasabay noon ay may nagsilabas pang mga maiitim na nilalang
ARNIE : sino ka ? anong kailangan mo sa akin? nahihintakutang tanong ni Arnie
ITIM NA NILALANG 2 : lapastangan ! yumukod ka at magbigay pugad sa mahal na prinsipe! sigaw ng nakakatakot na lalakeng napaka itim na nasa bandang kanan ng lalaking may hawak sa kanyang braso
ARNIE : ano kamo? SIYA ??? PRINSIPE NINYO??? gulat na tanong ni Arnie dito.
NILALANG NA ITIM 2 : tama! siya ang aming makisig na prinsipe! s prinsipe Matuling!!! dalian mo! yumukod ka at magbigay galang! utos nito Kay Arnie.
ARNIE : ano??? bakit naman ako magbibigay galang sa kanya? anong malay ko kung totoong prinsipe nga siya?!? isa pa hindi naman niya ako alagad, kaya walang dahilan para yumukod ako at magbigay galang! ....
matapang na sagot ni Arnie
ITIM NA NILALANG 2 : aba't isa ka talagang lapastangan! galit na itinaas ni blakito ( itim na nilalang 2) ang kanyang sandatang itiman at mahabang bulo na matulis ang dulo ganundin ang iba pang itim na nilalang
nahintakutan si Arnie ngunit, bago pa man maitutok ni Blakito ang kanyang sandata .....
itinaas ni prinsipe Matuling ang kanyang kamay na mabalahibo t maiitim ang kuko.
PRINSIPE MATULING : matapang ka babaeng itinakda, hindi ka man lang natatakot sa amin? ang sabi nito na pinuri pa si Arnie.
ARNIE : anong hindi ako natatakot? sa itsura nyon'g yan? itsura nyo pa lang... ka kila kilabot na! pwede ba bitiwan mo ang braso ko! galit na sagot ni Arnie
aba't talaga yatang gusto mong masaktan? galit namang banta ng mga itim na nilalang kay Arnie.....
bakit mo iniinsulto ang mahal na prinsipe? ikaw na babaeng itinakda na mukhang halimaw!!! humingi ka ng tawad sa prinsipe ngayon din!!! dagdag pa ng mga ito
ARNIE : ano??????????
ako mukhang halimaw??????? grrrrrrrrrr
galit na galit na tanong ni Arnie na kulang na lang ay umusok ang ilong nito at bumbunan sa narinig na sinabi ng mga ito.
bitiwan mo ako!!! mga impakto kayo! kayo pala ang narinig kong nagsabi na mukha akong halimaw ha!!! kayo nga ang mukhang halimaw at impakto kayong lahat pati na ang buong pamilya nyo!!! galit na galit na sigaw muli ni Arnie habang nagpupumiglas at pinipilit makawala sa pagkakahawak ni Prinsipe impakto... oooopppsss hindi pala..... prinsipe Matuling pala dapat....
sapilitang kinaladkad ni prinsipe Matuling si Arnie papasok sa madilim na kadawagan kasunod ang mga itim na nilalang
BITIWAN MO AKO!!!! BITIWAN MO AKO!!! ANO BA???? patuloy na pagsigaw at pagpupumiglas ni Arnie
pilit na kinakaladkad ni prinsipe Matuling si Arnie ng biglang may malakas na hangin na tumama sa kanya na naging dahilan upang mabitiwan nya ang braso ni Arnie na hawak nya..... kasunod noon ay nagsulputan ang mga tikbalang at nag simula ang matinding labanan....
si Arnie na natumba sa biglang pagbitaw ni prinsipe Matuling ay pagapang na lumayo sa mga naglalaban, nanlalaki ang kanyang mga mata na nakatingin sa magandang lalake na kasalukuyang nilalabanan si prinsipe Matuling
nagising si Arnie sa mabining pagtapik sa kanyang balikat ng imulat nya ang kanyang mga mata, nakita nya si Loida na nag aalang nakatunghay sa kanya kasama ang kanyang inay na may dalang baso ng tubig
LOIDA : ate Arnie binabangungot ka!!! nag aalang sabi ni Loida
ARNIE : PA... PANAGINIP lang pala??? akala ko ay totoo????