Nangiti si Arnie sa tinuran ng kanyang ate Lia, ipinagpatuloy nya na ang paglalakad kilik ang pamangking si chibog, habang ang kanyang bayaw na si yel ay pumara na ng dyip na byaheng Banicain 1st street upang sila ay makasakay pauwi ng Gordon.
Pagdating ng Gordon, sinalubong sila ng biyenan ni Lia na si Auring at Dado, tuwang tuwa ang mga ito at agad na kinuha si Chibog ganon na rin si Irene na hawak ng kanyang ate sa kamay....
AURING : naku Lia... mabuti naman at nakabalik na kayo! aba'y na miss namin ang mga bata ah!!! ang sabi ni Auring sa manugang na si Lia....
pasensiya na ho inay, kinailangan naming umuwi kahit ilang araw lang sa Kaytambog, babalik pa rin ho kami bago ang pista'ng bayan doon ho namin pabibinyagan si Chibog. paliwanag ni Lia
AURING : ah ganoon ba..... nalulungkot na sabi ni Auring
LIA : pwede ho kayo sumama sa amin pabalik ng kaytambog inay..... masaya din ho doon maraming prutas at sariwa ang hangin, pag aaya ni Lia dito
aba siyanga ba??? aba naku ay hindi ko tatanggihan ang anyaya mong yan! sagot naman ni Auring na tuwang tuwa.
YEL : marami din ho'ng batis at ilog doon inay, yun nga lang medyo may kalayuan sa bahay nila Lia, at malalim ang lulusungin nyo'ng daan paibaba sa ilog.
AURING : naku sayang naman kung ganoon, oh Lia papasukin mo muna sa kwarto ang iyong kapatid at ng makapahinga, doon mo na dalhan ng meryenda at mamaya mo na ipakilala sa mga kabinataan dito.
Kinagabihan makatapos mag hapunan ni Arnie kasabay ang kaanak ng bayaw na si Yel tinulungan ni Arnie ang kanyang ate sa paghuhugas ng pinagkainan, nang tawagin siya ng bayaw para ipakilala ang mga kaibigan at pinsan.
Nahihiyang lumabas ng kusina si Arnie, sa balkon ng bahay, inabutan nya ang bayaw na may kausap na kabinataan at isa isa siyang ipinakilala sa mga ito.
Arnie ito ang pamangkin ko at pinsan si Richard at si Albert, ito naman ang kumpare ko, si jomari pakilala ni Yel sa mga kasama nya kay Arnie
mabining ngumiti si Arnie sa mga ito ngunit.....
Sa kanyang pagtanaw sa labas ng bahay namataan nya ang isang pamilyar na mukha na nakatayo habang umiinom ng de boteng inumin.