Umuulan parin ng malakas nang matapos ang klase namin sa hapun.
At ang nakapagtataka talaga ay kahit na umuulan ay may araw parin naman.
Napahinga nalang ako ng malalim habang hawak ang payong ko sa gitna ng malakas na ulan. Mag-isa lang akong naglalakad ngayon pauwi dahil hindi sumabay sa akin ngayon si Bea dahil may pupuntahan pa daw sya. At isa pa ay kailangan ko ng pumunta sa part-time job ko.
"Repent now for the end is near!"
Napatigil ako sa paglalakad nang dahil sa narinig kong sigaw mula sa tabi ng kalsada.
"Humanity will die soon once the barrier has been opened!"
Napalingon naman ako at nakita ko ang matandang lalaki na yun na naka-suit pa habang namimigay ng flyers sa mga dumadaang tao doon.
Teka...kilala ko tong matandang ito eh. Si Professor Santiago ito ng Social Sciences Department. At teacher ko sya dati sa history.
Nagtataka nalang akong napatingin sa mga posters na idinikit nya sa mga dingding na nanduon. At nanlaki pa ang mga mata ko sa nabasa kong nakasulat sa mga flyers na nanduon.
VAMPIRE'S ARE REAL.
AND SOON TO DOMINATE THIS WORLD.
Ha?
Bakit naman gagawin to ni Professor Santiago?
"Magdasal na tayo sapagkat malapit na ang katapusan ng sangkatauhan!" ang sigaw parin nya habang namimigay parin ng mga flyers sa mga dumadaang tao doon.
At nakikita kong isang weird na tingin lang ang ibinibigay sa kanya ng mga taong nanduon at ang iba pa ay mukhang natatakot pa sa kanya.
Oo nga naman. Kung hindi mo alam na professor sya ay baka isipin mong baliw sya dahil narin sa kulay puting long hair nya at nakasuot pa sya ng bilog na makapal na eyeglasses. Kahit nga ako eh ay nagdadalawang isip na lumapit sa kanya ngayon pero in the end ay nauna parin ang curiousity ko kaya nilapitan ko parin sya.
"Uh...professor?" ang lapit ko sa kanya.
Agad naman syang napalingon sa akin mula sa pamimigay ng flyers. At mukhang sa pagtingin palang nya sa akin ay parang hindi nya ako maalala kaya nakangiti nalang akong nagsalita.
"Ako po si Eva Reyes, ah...eh...n-naging estudyante nyo po ako dati sa isang subject nyo..." ang pagpapakilala ko.
Inayos naman nya ang eyeglasses nya at inilapit nya pa ang mukha nya sa mukha ko dahilan para mapaatras ako.
And then...
"Oh! Yung estudyanteng binigyan ko dati ng failing grade ng dahil sa laging tulog sa klase ko?! Ikaw nga!" ang bulalas naman nya.
Oo nga naman. Bakit parang hindi na ako nabigla na yun ang naalala nya sa akin? Lagi kasi akong natutulog sa klase nya noon dahil first subject ko sya sa umaga. At napapagod ako sa part time job ko kaya nangyayari yun.
Pero napatingin nalang ako uli sa mga posters na idinikit nya sa dingding saka nagsalita.
"Ano po ba ang ginagawa nyo dito at para saan po ba ang lahat ng mga ito?" ang takang tanong ko habang nakatingin parin sa mga posters.
Mukhang natuwa naman sya sa tanong ko at nanlalaki pa ang mga mata nyang inilapit ang mukha nya sa tenga ko at nagsalita.
"Alam mo bang maraming sikreto ang mundong ito?" ang bulong nya sa akin saka sya humagikhik sa sobrang excitement.
Napatingin ako sa kanya.
Huh?
Sikreto?
Atsaka wag na kayong ma-shock sa ugali nya. Nung una ko nga syang makita noon ay akala ko ay baliw sya eh dahil bigla nalang syang tatawa habang nagkaklase kami. Pero sa tingin ko...normal din naman sya kahit papaano.
"Sikreto?" ang naiinteresado ko naring tanong.
Agad naman nyang inilapit uli ang mukha nya sa tenga ko at bumulong uli.
"Maraming sikreto ang mundong ito na tanging kakarampot na tao lang ang nakakaalam" ang bulong nya sa akin saka sya humagikhik uli at inilayo ang mukha nya sa akin.
Sikreto na tanging kakarampot na tao lang ang nakakaalam?
Ano bang ibig sabihin nya doon?
"Alam mo ba kung bakit nagiging ganito ang panahon natin ngayon?" ang tanong nya pa sa akin. "Alam mo ba ang dahilan kung bakit sa mga nakalipas na mga linggo ay nagiging kakaiba na ang panahon natin? Kung bakit kahit na tirik ang araw ay biglang bumubuhos ang isang malakas na ulan at minsan ay bumababa ng below 0 degree Celsius ang temperature kapag madaling araw kahit na nasa isang tropical country tayo?"
My brows met at nag-isip muna ako bago sumagot.
"Uh...dahil po sa climate change?" ang unsure na sagot ko.
"WRONG!"
Napalundag pa ako sa sobrang pagkabigla nang dahil sa pagsigaw nya at ngayon ay hindi na sya nakangiti.
"It's not about the climate! It's not about the Earth! It's not about the south, west monsoon! It's not about the inter-tropical convergence zone! It's not about the storms! But!" at napaatras pa ako ng ilapit nya uli ang mukha nya sa tenga ko at nanlalaki pa ang mga mata nyang nagsalita uli. "It's all about the vampires..."
Doon na ako natigilan at napatingin sa kanya.
And right now, parang gusto ko ng maniwala sa mga kaklase ko sa pagsasabing baliw nga ang professor namin na 'to.
Like, uh...hello? Hindi totoo ang mga bampira.
Gawa-gawa lang sila ng mga tao sa mga fiction novels at minsan naman ay sa mga anime. Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit nasasabi ito ng isa sa pinakamatalinong professor ng University namin.
Umatras nalang ako saka ako napangiti at alanganing nagsalita.
"Uh...uuwi na po siguro ako...bye" ang sabi ko lang saka ako tumalikod at naglakad paalis.
Pero habang naglalakad ako ay nagsalita sya uli.
"Mag-iingat ka hija!" ang pahabol nyang sigaw sa akin. "Hindi mo alam kung sino sa mga kaibigan mo ang naging katulad narin nila!"
Pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang napapaisip parin ako sa mga sinabi ni Professor.
Vampires?
Doon ako napatigil sa paglalakad.
Tama.
Pwede ko syang gawing title sa article na kailangan kong ipasa kay Professor Mendoza!
Kahit na alam kong hindi naman sila totoo ay alam kong interesting na topic ito.
Doon na ako mabilis na napalingon at naglakad pabalik kay Professor Santiago na namimigay parin ng flyers.
"Professor!" ang agad na tawag ko sa kanya.
Mabilis naman syang napalingon sa akin at naibaba ng bahagya ang eyeglasses nya.
Pero nakangiti akong nagsalita.
"Tell me more about vampires!" ang nakangiting sabi ko.
*************************
"VAMPIRES?!" ang hindi makapaniwalang sigaw ni Bea saka sya mabilis na napaupo ng maayos sa tabi ko. "SERYOSO KA?! TUNGKOL SA MGA BAMPIRA ANG IPAPASA MONG ARTICLE KAY PROFESSOR MENDOZA?!"
Samantalang nanatili lang akong nakaupo sa tabi nya at nakatingin sa mga karne na ibinebenta namin doon.
Oo. Nakapag-usap na kami ni Professor Santiago at ang sabi nya ay puntahan ko lang sya sa bahay nila bukas kung saan isi-share nya sa akin ang mga nalalaman nya tungkol sa mga bampira.
Nandito pala ako ngayon sa part-time job ko sa isang meat shop.
At dahil nabo-bored si Bea ngayong gabi sa boarding house ay sinamahan nalang nya akong magbantay dito. Hanggang 8 p.m pa kasi ang out ko.
"Hay naku, wag ka ngang OA beh" ang sabi ko naman habang nakasandig lang sa upuan ko. "Hindi naman sila totoo pero sa tingin ko magiging interesting ito na topic"
Agad naman nya akong pinaharap sa kanya at nanlalaki pa ang mga mata nyang nagsalita.
"Naloloka ka na ba beh? Alam mo ang usap-usapan diba?" ang tanong nya sa akin. "Alam mo kung ano ang nangyayari sa mga taong umuungkat ng tungkol sa mga bampira. Even talking about them is a big taboo to us"
I just rolled my eyes.
"Ang ano? Na nawawala ang mga taong pumipilit na ungkatin ang tungkol sa kanila--"
"Ssssshhhh...!" ang agad nyang takip sa bibig ko.
Agad ko namang tinanggal ang kamay nya sa bibig ko.
"Hay naku, chismis lang yun noh" ang sabi ko. "Nagkataon lang na nawawala ang mga yun--"
Natigil ang lahat ng sasabihin ko nang biglang tumunog ang pinto na ang ibig sabihin ay may bagong dating na customer.
Agad naman akong tumayo at nakangiting nag-greet sa customer.
"Good evening sir! Welcome to Lady's Meat Shop!" ang nakangiting bati ko.
Pero...
Natigilan ako nang makitang nanatili lang syang nakatitig sa akin.
Eh?
Bakit sya nakatitig sa akin?
He has this brown hair and beautiful brown eyes. Nakikita kong nanlalaki pa ang mga mata nyang iyon habang nakatitig sa akin. Mahaba rin ang bangs nya kaya natatakpan nun ng bahagya ang mukha nya. Nakasuot din sya ng itim na jacket. And right now, while looking at his eyes...all I can see is longing and sadness while he continue to stare at my face.
And in that voice...he spoke.
"Eshta..." he whispered.
Napakurap naman ako.
Huh?
Anong sabi nya?
Pero si Bea na ang sumagot.
"Naku sorry sir, pero wala kaming pabili na eshda dito. Karney lang kuya" ang sagot ni Bea mula sa likuran ko. "KARNEY LANG"
At nagising na ako nang bigla akong kalabitin ni Bea at bumulong sa akin.
"Naku beh...mukhang ngongo sya kaya Eshda ang pagkakasabi nya ng isda..." ang bulong nya sa akin. "Kausapin mo ng mabuti, kawawa naman eh"
Napakurap naman ako at doon na ako lumingon uli sa gwapong lalaking yun at nagsalita.
"Ah eh...sorry sir..." ang sabi ko. "Pero hindi po kami nagbebenta ng isda...I mean, eshda dito kasi nga meat shop 'to. From the name itself, ang ibig sabihin ay karney lang talaga ang ibinebenta namin..."
For a long moment ay nakatitig lang sya sa akin gamit ang tingin na yun. Oo. Bakit parang kumikinang pa ang mga mata nya habang nakatitig sa akin ngayon?
But then...
Slowly, a smile curved up on his lips. Saka nya ibinulsa ang dalawang kamay nya sa loob ng itim na jacket nya and then looked at me again with those beautiful brown eyes.
"Well then..." ang sabi nya na nagpalaki ng mga mata namin ni Bea.
Huh?
Hindi naman pala sya ngongo.
At napakurap pa ako when he looked at me directly in my eyes and with that smile on his face, he spoke.
"I just wanted to see someone that's why I'm here" ang sambit nya sa malamlam na tinig na yun. "I'll be going then. Bye"
Saka sya tumalikod at nagsimulang humakbang paalis.
Pero tumigil muna sya sa paglalakad at nilingon ako. And with that smile on his face, he spoke.
"Please be safe" he said.
Agad akong natigilan nang dahil sa huli nyang sinabi.
Bakit parang...may nakapagsabi na nun sa akin pero hindi ko lang maalala kung sino.
At bakit ba nya sinasabi yun ha? Adik ba yun? Grabe, dumarami na nga ang mga adik sa panahon ngayon. Hayy...
"Naku beh, englisero naman pala" ang sabi naman ni Bea sa tabi ko. "Akala ko ngongo"
Nilingon ko naman sya. "Ikaw naman kasi--"
Pero naputol ang sasabihin ko ng biglang humangin ng malakas sa labas. At sinabayan na naman yun ng kulog at kidlat.
"Hay...may bagyo ba ngayon beh ha?" ang takang tanong ni Bea sa tabi ko. "Bakit parang pabago-bago ata ang panahon ngayon? Nakakaloka"
Napatingin nalang ako sa labas.
Tama. Ano na ba talaga ang nangyayari sa panahon ngayon ha?
to be continued...