Chereads / ANNAH: The Last Titanian / Chapter 9 - Kidnapped

Chapter 9 - Kidnapped

Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Dylan habang pareho kaming naninigas sa kinatatayuan namin nang dahil sa nasasasaksihan namin ngayon. Ang makita palang ang limang bampirang iyon sa harapan namin ay napakahirap ng paniwalaan.

Pero ang pinakamahirap paniwalaan ngayon ay ang apoy...na nakikita namin na nanggagaling sa kamay ng lalaking nasa harapan namin at nanatiling nakatalikod sa amin.

"Well, it is so nice to see our former leader again..."the lady vampire said then looked at the man. "...master Raven..."

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalan nya.

Raven?

Kung ganun...

Sya si Raven?

"Hindi ko inaasahan na mapapaaga ang bahagyang pagkakabukas ng barrier" ang sabi ng lalaking tinawag na Raven ng babaing yun habang nakatalikod parin sa amin. "As the leader of the Arcadian Knights, I'am ordering you to leave now or suffer the consequences"

Pero isang tawa lang ang isinagot sa kanya ng babae. And in a sarcastic tone, she spoke.

"Oh poor Master Raven..." she said. "We're no longer under your control. Your right to lead us has been long gone since the day you betrayed us"

Nabigla ako sa sinabi ng babae.

Betrayed?

And Arcadian knights?

Ang dami ng bumabagabag sa isipan ko pero ang tanging nagagawa ko lang ay ang manigas parin habang nakakapit parin kay Dylan. Samantalang ramdam ko rin ang panlalamig ni Bea sa likuran ko habang nakakapit din sa akin.

"Very well..." ang sambit ni Raven. "You chose death"

Saka nya kinuha ang dalawang espada na nasa likuran nya at hinarap ang limang bampirang iyon.

But the vampire lady just smirk and then ordered his men.

"Kill him" she said.

Then I saw those four guy jumped on their feet and attacked Raven. Samantalang nanatiling nakatayo lang si Raven at nakatingin lang sa apat na yun.

I felt like I suddenly stopped from breathing when those four men are about to claimed his head.

But then...

My eyes widened with shock from the next thing I saw.

Because...

There is a man and a woman who suddenly jumped in front of Raven and with their big swords, sliced those four vampires.

Nakita ko rin ang panlalaki ng mga mata ng babaing bampira na nasa bubong parin nang dahil sa nasaksihan.

"Sorry master, we're late" ang walang emosyong sambit ng babaing nakatayo sa harapan ni Raven. "It's all Zeke's fault. He chose to buy that filthy human chocolate drink than to be here early"

Zeke?

Zeke ang pangalan ng lalaking kasama nila?

At narinig ko naman ang boses ng lalaking yun na may malumanay na boses.

"Last stock na yun..." ang walang emosyong sambit ng lalaking tinawag na Zeke nung babae.

Pero hindi na pinansin ni Raven ang pagtatalo ng dalawa.

"Andromeda, where are the others?" ang tanong ni Raven sa babaing nakatalikod din sa amin.

"They are---"

Pero natigil ang sasabihin nya nang bigla nalang tumayo ang apat na bampirang sinaksak nila.

"Oh fuck" she cussed. "You won't just die, would you?"

At nanlaki pa ang mga mata ko nang bigla syang magpalabas ng bolang hangin sa kamay nya.

Totoo ba...

Totoo ba tong nakikita ko?

Kanina ay apoy ang nakita kong inilabas ni Raven sa kamay nya.

Pagkatapos...ay hangin naman sa babaing kasama nya?

Nanatili lang kaming naninigas nina Dylan at Bea at alam kong pare-pareho kaming naguguluhan sa mga nangyayari ngayon sa harapan namin.

"Very well..." ang sambit naman ni Zeke saka nagtaas din ng kamay at nabigla ako nang makita ang bolang tubig na yun sa kamay nya.

And then all those memories came flashing back.

Tama. Naalala ko na may sinabi sa akin si Professor tungkol sa mga bampira. May apat na klase sila...at ang pinakamalakas na klase ng bampira...

"They are the vampires that was born from the four new generation of vampires. And just like the four original new generation, they inherited powers like earth, wind, fire, and water...they are the strongest type of vampires"

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko ang bagay na yun.

Kung ganun...

They are all vampires...

And they are called...Argons?

At idagdag mo pa na...

"...lumilindol kahit na walang activity sa ilalim ng lupa ng dahil sa mga Earth Argons na pilit na binubuksan ang barrier na yun. Umuulan at humahangin din ng malakas even though mainit ang sikat ng araw at yun ay dahil sa mga Water and Wind Argons na tumutulong ding buksan ang barrier na yun..."

...sila ang sinasabi ni Professor na gustong buksan ang barrier?

Pero bakit?

Bakit nila gustong buksan ang barrier?

At bakit kami pinoprotektahan ng tatlong bampirang nasa harapan namin ngayon?

Saka ako napatingin sa hawak kong kahon.

At para saan ba ang esylium na to at gustong-gusto itong makuha ng babaing nasa harapan namin?

Pero naputol ang pag-iisip ko nang makita ko ang pag-atake ng apat na bampirang yun sa tatlong bampirang nasa harapan namin.

Gusto ko mang pumikit dahil ayokong makita ang kahihinatnan ng labang ito pero hindi ko magawa.

I felt Dylan's hand held my hand so firmly kaya napatingin ako sa kanya.

Pero nanatili lang syang nakatingin sa harapan habang seryoso parin ang mukha nya.

Nakita kong umaatake na ang apat na bampirang iyon sa tatlong bampira na nakatalikod parin sa amin but then...

I felt fast sharp winds passed through us and before I could blink, those four vampires fell down to the ground.

At sa harapan namin...ay nabigla ako nang makita ko ang tatlo pang bagong dating na mga taong yun. Or more accurately, tatlong bampira na dumagdag sa tatlong kaharap namin kanina. They were all wearing the same black armors at nakita ko ang symbol of red roses na nasa gilid nila.

Ang isa ay matangkad na lalaki na may kulay itim na buhok, ang isa naman ay nakita kong nakasuot ng eyeglasses, pero ang mas nagpabigla sa akin ay ang batang babaing yun na ngayon ay dinidilaan ang duguang kamay nya.

Yes. They stabbed the four vampires with their own bare hands right into their chest.

"I told you to stab them at their chest, Andromeda" ang nakangising sabi ng matangkad na lalaki.

NIlingon naman sya ni Andromeda. "I was about to, but then a jerk suddely showed up and I didn't get the chance, Cornelius"

Cornelius?

"Rika! Wag mong dilaan ang dugong nasa kamay mo! It's dirty! May ihahanda akong drink mamaya kaya hintayin mo nalang yun!" ang saway naman ng naka-eyeglasses na lalaki sa batang babae.

Pero tinignan lang sya ng batang babae.

"Mas masarap ang dugo kapag nanggaling sa kamay kuya Jared" she said.

Rika?

Jared?

"Aiiisshh...! Itong batang ito o!" ang reklamo naman ni Jared.

Pero natigil ang pag-uusap nila at natigilan din kaming tatlo nang mapansin namin ang babaing bampirang yun na nasa bubong. She jumped off from there at nakita ko ang takot na takot nyang itsura habang tumatakbo paalis.

"I have to report it to master Lucian" ang sabi ng babaing bampira habang tumatakbo paalis.

At hindi ko maintindihan kung bakit hinahayaan lang sya ng anim na bampirang nasa harapan namin.

"Let him finish this off" ang narinig kong sambit ni Raven.

Huh?

Him?

Saka ako napalingon sa direksyon ng tumatakbong babae na ngayon ay malapit na sa gate na nasa likuran namin.

Pero...

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang walang emosyon na mukha ng lalaking yun na mag-isang nakatayo sa daanan ng babaing bampira.

Nakasuot lang sya ng itim na jacket at faded jeans.

Cold emerald eyes.

Black hair.

And that emotionless face...

Si...

Sa takot ko na baka patayin sya ng babaing bampira ay naisigaw ko ang pangalan nya.

"JOSELITO!!!" ang sigaw ko.

But then...the vampire lady suddenly stopped from running nang makasalubong nya ang lalaking yun.

Pero nagtaka ako sa nakita kong ekspresyon ng mukha nya nang magtaas na sya ng mukha at nang makita na ang nakatayong si Joselito sa harapan nya.

I saw of how her eyes widened with fear at parang takot na takot na napahakbang paatras.

And with that trembling voice, she spoke.

"A-Alexander..." she whispered.

Teka...did she just call him...Alexander?

But Joselito didn't utter a sound habang nakatitig lang ang walang emosyong mga mata nyang iyon sa mukha ng babaing bampira.

At nabigla ako nang makita ang isa-isang paglabas ng pulang marka sa kanang pisngi nya. The horizontal line marks looks like a fire na gumuguhit sa kanang pisngi nya pababa hanggang sa labi nya.

T-teka...

B-bakit...

B-bakit lumalabas ang mga pulang linyang iyon sa mukha nya?

Pero ang mas nagpabigla sa akin ay nang makita ang pagtaas nya ng kanang kamay nya habang nanatili paring nakabulsa ang kaliwang kamay nya sa suot nyang jeans.

And then...

...that red flame came out from his hand dahilan para tuluyan na akong manigas sa kinatatayuan ko.

I even heard Bea gasp from what we are seeing right now.

Samantalang nanatiling tahimik lang si Dylan sa tabi ko.

Don't tell me...

Don't tell me that Joselito...

"I told you to stay away from her" he said in that cold voice then threw that flame from his hand to the vampire lady.

...is an Argon Vampire?

Nakita ko nalang ang pagsisigaw ng babaing bampirang iyon habang tinutupok sya ng malakas na apoy na nanggaling sa lalaking yun.

And then I held my breath when those cold emerald eyes turned and looked directly into me.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Kung matatakot ba ako o mari-relieve sa nalaman kong bampira din sya.

Dahil hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako sa mga nangyayari.

Kaya ba ayaw nyang makialam ako sa mga bampira...at yun ay dahil sa...natatakot syang malaman ko ang sikreto nyang iyon?

Napalundag pa ako nang biglang magsalita si Raven na ngayon ay nasa likuran na naming tatlo mula sa pagtingin kay Joselito.

"Eshta" he said.

Hmp?

Eshta?

Bakit parang...narinig ko na dati...ang salitang yun?

Dahan-dahan naman akong napalingon sa kanila.

Pero...

...napakapit nalang ako kay Dylan ng dahil sa sobrang takot.

Ngayong napapalibutan kami ng pitong bampira...ay hindi ko alam kung ano ang pwede nilang gawin sa aming tatlo.

"B-beh..." ang naiiyak ng bulong ni Bea habang nakakapit din sa braso ko.

And then I came face to face with those red eyes that's now slowly returning into blue.

Yes.

Raven is a vampire that has deep blue eyes and he has this black hair.

At ngayong nakaharap na silang lahat sa amin ay mas nakita ko na ng mabuti ang mga mukha nila.

Kitang-kita ko rin ang red rose na naka-engrave sa harapan ng armors nila.

Pero nabigla ako nang makilala ang lalaking yun na ngayon ay nakapagpagupit na mula sa mahaba nyang buhok mula nang huli kaming magkita sa meat shop noong isang araw.

Tama.

He smiled at me.

Si Zeke...ay ang lalaking nagsabi din sa akin ng Eshta noon sa loob ng meatshop na pinagta-trabahuan ko...

At sa malumanay na boses na yun ay nagsalita sya.

"Eshta means my lady..."he said.

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko yun.

Kung ganun...

Pero napaatras pa ako sa sobrang pagkabigla nang bigla nalang yumuko sa akin si Raven at mas nanlaki pa ang mga mata ko nang sumunod din sa kanya ang limang kasamang bampira.

...they've been calling me...my lady?

"Welcome back...Eshta..." ang sabay nilang pagbati sa akin.

P-pero...

B-bakit...

"I told you to stay away from vampires" ang biglang sulpot ng malamig na boses na yun sa tabi ko. "But you won't just listen"

Sabay naman kaming napalingon nina Dylan at Bea at nakita ko ang lalaking yun.

Si Joselito.

I gulped.

At...

At hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa mga mata nya...

Lalo na't may bakas na ng galit ang mga yun.

"Don't be too rude to her..." I heard Andromeda said then smirk. "...Joselito"

And instantly, I saw Joselito made a flame in his hand then glared at Andromeda.

"Call me like that again and I swear to God, I'll burn you into ashes" Joselito said through gritted teeth.

"Pero cute naman ang Joselito ah!" ang masiglang sabi naman ni Jared pero bigla syang napasigaw nang biglang magliyab ang suot nyang armor. "Ouch! Ouch! Zeke! Pahingi ng tubig! Ahhhh...!"

But Zeke just turned to him.

"Diba water Argon ka rin?" Zeke asked.

Parang naka-realize naman si Jared.

"Ay! Oo nga noh?! Hihi!" saka sya nagpalabas ng tubig sa kamay nya at itinapon yun sa nag-aapoy na armor nya.

Then Raven's blue eyes turned to Joselito.

"Alexander" he called him in that warning tone.

"Save your lecture, Mr. President" ang sagot nya lang kay Raven.

Alexander?

Kung ganun...

Alexander talaga ang pangalan nya at hindi Joselito?

Hindi ko alam pero parang na-relieve ako sa nalaman kong hindi yun ang totoong pangalan nya.

"Hay...hindi ka parin nagbabago" ang sabi naman ng lalaking sa pagkakatanda ko ay Cornelius ang pangalan. "The only hard-headed member of Arcadian Knights"

Arcadian Knights?

Teka...sino ba talaga sila?

At anong kailangan nila sa amin?

Pero bago ko maibuka ang bibig ko ay biglang nagsalita si Dylan.

"Sino ba kayo?" ang tanong ni Dylan sa seryosong boses na yun.

Sabay naman silang lahat na napalingon sa amin dahilan para mas mapakapit ako kay Dylan.

Samantalang ramdam ko rin ang panginginig sa takot ni Bea sa likuran ko.

But then...

My eyes widened when suddenly, Alexander appeared in front of him and in that cold voice, he spoke.

"Human like you shouldn't be trusted" Alexander whispered.

And it's like everything went into slow motion.

Nakita ko nalang ang pagbunot ni Alexander ng braso nya na isinaksak nya sa tyan ni Dylan at tuluyan na akong nanigas nang makita ko ang unti-unti pagkakatumba sa akin ng boyfriend ko.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi ako makapagsalita nang tuluyan ko nang nasalo at naihiga sa puting lupa ang sumusuka na ng dugo na si Dylan.

Samantalang narinig ko nalang ang pagtili ni Bea mula sa likuran ko.

Wala narin akong marinig.

Parang naging blangko ang lahat nang maramdaman ko ang paghawak ni Dylan ng kamay ko gamit ang duguang kamay nya.

"D-dylan..." I whispered his name.

But then...my eyes widened when I saw of how he took his last breath at naramdaman ko narin ang unti-unting pagbitiw nya ng kamay ko.

"No, no, no, babe no!" ang alog ko sa kanya at doon ko na naramdaman ang pagbuhos ng mga luha sa pisngi ko. "No! No! No!"

Pero patuloy ko parin syang inaalog hoping na gumalaw sya bigla at makita ko uli ang ngiti nya.

"Babe! No! Babe! Please!" I cried while I kept on calling him. "B-babe! Please no! Please! Wake up! Please!"

Parang mababaliw na ako habang umiiyak at patuloy paring inaalog ang wala ng buhay na katawan ng lalaking mahal ko.

At ang tanging nakikita ko nalang ngayona ay ang wala ng buhay na mga mata nyang iyon na nakatingin parin sa akin.

"B-beh...he's gone..." Bea announced that finally made my world crashed.

"Nooooo....!!!" I cried saka ako napahagulgol ng iyak habang yakap-yakap parin nya. "Please wake up! Babe! Please! Please wake up! Babe!"

"B-beh..." umiiyak na sambit ni Bea.

I cried so much na para bang mababaliw na ako.

I cried so much like my heart is going to burst.

But then I was mad.

Unti-unti na akong tumigil sa pag-iyak.

I clenched my hand into fist and trembled with rage.

Tama.

Hindi ko matanggap...

Na pinatay ang lalaking mahal ko sa harapan ko mismo.

I stood up at mabilis na tumakbo papunta sa lalaking yun saka ko pinaghahampas-hampas ang dibdib nya.

"HAYUP KA! HAYUP KA!" ang umiiyak na pagwawala ko sa harapan nya. "BAKIT MO GINAWA YUN HA?! BAKIT MO PINATAY SI DYLAN! HAYUP KA! HAYUP KA!"

Pero hindi sya nagsalita.

Hinayaan nya lang akong suntok-suntukin ang dibdib nya habang nanatili lang na nakatitig sa akin ang walang emosyon na mga mata nyang iyon.

"We should kill the other girl too" ang narinig kong sabi ni Andromeda.

Agad naman akong natigilan nang marinig ko yun lalo na nang marinig ko ang malakas na tili ni Bea.

"Bea!" ang naisigaw ko saka ako mabilis na lumingon.

At nanlamig ako sa sumunod kong nakita.

Si Bea na nakasuksok na sa sementong pader na nanduon habang nasa harapan nya si Andromeda na ngayon ay nakataas na ang espada and was about to stab her.

"BEA!!!" ang naitili ko.

But before Andromeda could stab her ay agad kong niyakap ng mahigpit si Bea at ipinikit ang mga mata ko.

"STOP!" I heard Raven roared. "STOP!"

Napabukas naman ako ng mga mata at nakita ko ang malaking espada na yun that's now only an inch away from my face.

Saka ako nagtaas ng mukha at nakita ko ang walang emosyon na mukha na yun ni Andromeda habang nakatitig sa akin.

"Put away that sword Andromeda!" I heard Raven ordered.

"Yes master" ang agad namang pagtalima ni Andromeda saka nya ibinaba ang espada nya.

Samantalang naramdaman ko naman ang nanginginig at umiiyak na pagyakap sa akin ni Bea.

"B-beh...papatayin nila tayong lahat..." ang umiiyak na sambit nya.

Hindi na ako makapagsalita.

Dahil maski ako ay takot na takot narin.

They just killed Dylan.

And they are about to kill Bea.

Who's gonna be next?

Ako?

Pero...

"There's no so much time left. Kailangan na nating umalis" ang anunsyo ni Raven saka sya lumingon sa akin at nakita ko ang paglamlam ng mga mata nya. "Forgive me my lady...forgive me that we have to do this..."

"We should kill the other girl too" si Alexander.

Agad ko naman syang nilingon at sinamaan ng tingin.

"No Alexander" si Raven.

"You know that we cannot trust anyone" ang sagot naman ni Alexander.

"ANO BANG PROBLEMA NYO HA?!" ang galit na galit at umiiyak na sigaw ko. "ANO BANG GUSTO NYO?! BAKIT---"

Pero natigil ang sasabihin ko nang bigla nalang kumulog at kumidlat ang paligid. Sa sobrang lakas ng kidlat ay nasilaw pa ako sa lakas ng liwanag na pumailanlang sa paligid.

Sabay namang napatingin sa itaas ang pitong bampirang iyon.

"We need to hurry now" si Raven habang nakatingin sa itaas.

At nabigla pa ako nang maramdamang may dalawang malalakas na kamay ang biglang humawak sa magkabilang braso ko. And when I looked up, I gritted my teeth when I saw those emerald eyes.

"You have to go with us" he said.

"To hell with you" I hissed into his face.

Inilapit naman nya ang mukha nya sa mukha ko making me smell his masculine scent.

"Hindi mo alam kung ano ang pinasok mo" he said through gritted teeth habang nakatitig din sa akin. "I've warned you but you won't listen to me. And now, you have to pay for the consequences of your reckless actions. Ikaw ang may kasalanan kaya namatay ang boyfriend mo"

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa huling sinabi nya.

Pero bago ako makapagsalita ay doon na nya ako hinila sa braso.

"T-teka...s-saan nyo ako dadalhin?!" ang pagfi-freak out ko na.

"Yahoo! Makakauwi na tayo sa wakas!" ang masayang sigaw ni Cornelius.

Makakauwi?

"Hayy...na-miss ko nang uminom ng blood tea" si Jared na bitbit si Rika.

T-teka...saan ba talaga kami pupunta?

Nagpalinga-linga ako at hinanap si Bea pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kong wala syang malay habang bitbit sya ni Zeke sa balikat nito.

"WHAT DID YOU DO TO HER?!" ang galit na sigaw ko.

Pero nilingon nya lang ako at sumagot.

"She's only sleeping..." he said.

"Saan nyo ba talaga kami dadalhin?! Saan---" pero natigil ang sasabihin ko nang may bigla akong naramdaman na parang isang itinurok na bagay sa braso ko.

At sa paglingon ko at nakita ko ang walang emosyong mukha ni Alexander na ngayon ay nakatitig lang sa akin habang gapos parin ang braso ko.

"A-anong..." halos hindi na ako makapagsalita dahil pakiramdam ko ay nahihilo ako.

"Dream of us..." he whispered into my ear at doon ko naramdaman ang tuluyang pagkakatumba ko sa bisig nya. "I'll protect you, I promise..."

Hindi ko alam pero...

Parang narinig ko na ang mga katagang iyon pero hindi ko lang maalala kung kailan at kung saan.

Pero hindi na ako makapagsalita habang nakikipaglaban parin ako sa pagkakahilo at pagkakaaantok ko.

And the last thing I saw is that strong light that enveloped us before I close my eyes.

to be continued...