Chereads / ANNAH: The Last Titanian / Chapter 8 - Secrets

Chapter 8 - Secrets

"Saksak puso, tulo ang dugo, patay, patay, patay silang lahat..." ang kanta ng batang babaing iyon na may mahabang itim na buhok habang nakatunghay sa dalawang lalaking nakahandusay sa malamig na daanan na yun.

Lumabas lang sya mula sa apartment nila at sa paglabas nya ay tinangka syang dukutin ng dalawang lalaking iyon. Kaya ngayon...ay pareho silang naliligo sa sarili nilang mga dugo.

At yun ay dahil sa kagagawan nya...

"Rika! Rika anong---" ang biglang sulpot ng isang lalaking nakasuot ng eyeglasses mula sa apartment nila.

Pero agad itong natigilan nang makita ang dalawang lalaking nakahandusay sa daanan na yun.

Saka nya nilingon ang batang babae.

"Rika..." he said in that warning tone. "Diba sinabi ko na sayo na bawal kang lumabas ng apartment?"

Then he walked towards the child at pinunasan ang dugong nagkalat sa gilid ng bibig nito.

"Nababagot lang ako...at gusto ko lang syang makita..." ang walang emosyong sambit ng bata.

"Hay nakung ikaw na bata ka! Malalagot tayo kay Master Raven nito!" ang reklamo ng binata saka napasabunot sa buhok nya. "Aaaaaaahhhh...! Gustong-gusto ko naring lumabas at mamasyal pero ginawa pa akong babysitter ng master!"

"Ang aga-aga, nag-iingay ka na naman Jared" ang biglang sulpot ng deep na boses na yun mula sa likuran nila.

Sabay naman silang napalingon ng batang babae dito at nakita nila ang half naked na matangkad na binatang iyon na may mapupungay na kulay gintong mga mata.

"Hoy Cornelius! Saan ka na naman ba nagpunta kagabi ha?! Ba't hindi mo ako tinutulungang bantayan si Rika?!" ang lingon naman sa kanya ni Jared. "'Isusumbong kita sa master Raven!"

His gold eyes just looked at him.

"Tinatanong pa ba yan?" he said then smirked saka inilagay ang kamay sa noo nya. "Alam mo namang hindi ako nakakatanggi sa imbitasyon ng mga magagandang dilag sa bayan. Hindi ka gwapo kaya hindi mo maiintindihan ng pakiramdam na ipanganak na sobrang gwapo"

Jared gritted his teeth.

"At talaga namang---!" pero natigil ang pagsigaw nya nang makita ang butil ng puting nyebe na yun na nahulog sa balikat ni Cornelius. "T-teka...n-nyebe ba yan?"

At sabay pa silang nagtaas ng tingin para makita ang kalangitan. At doon nga nila nasaksihan ang pagkakahulog ng mga puting nyebe sa paligid.

Then Cornelius smirk.

"Oh geez..." ang sambit nya saka napayuko. "...mas mapapaaga ata ang pag-uwi natin kesa sa inaasahan ko"

Eva's POV:

"Beh! May alcohol ka ba dyan? Nakahawak kasi ako kanina ng railings ng hagdanan ng school sa sobrang pagmamadali natin. Like, it's so ew kaya?" ang maarteng reklamo ni Bea sa backseat ng kotse ni Dylan habang binabagtas namin ang daan.

At napapaisip ako kung paano pa nya nagagawang mag-inarte sa nakikita nyang kakaibang ginagawa ng panahon ngayon. Grabe. -___-

Sumama rin pala sya sa amin ni Dylan nang madaanan namin sya kanina sa hallway at ngayon ay papunta na kami sa bahay nina Professor Santiago. Nalaman kasi namin sa ibang Professors na after bumuhos ang snow ay nagmamadali syang umuwi ng bahay nya.

Nang makarating kami doon ay nagmamadali na akong lumabas ng kotse.

Saka ako kumatok sa gawa sa metal na kulay pulang gate na yun.

"Professor!" ang tawag ko sa kanya. "Professor si Eva po ito! May gusto lang akong itanong sa inyo!"

Pero walang sumasagot.

Naramdaman ko namang tumayo sa tabi ko si Dylan at inakbayan ako.

"Babe, ano ba talaga ang nangyayari?" ang takang tanong nya sa akin nang mapansin ang pagpapanic ko.

Agad ko naman syang nilingon.

"Babe, i-explain ko sayo later pero ngayon ay kailangan ko talagang makausap si Professor" ang pagpapanic ko parin.

Hindi ko rin alam kung bakit kinakabahan ako.

Pero pakiramdam ko talaga ay may masamang mangyayari.

Napatingin ako sa langit at nakita kong madilim yun. Naririnig ko rin ang pagkulog mula doon.

"Beh! Bukas!" ang sabi naman ni Bea sa tabi ko.

Napalingon naman ako sa kanya at nakita kong nabuksan nya ang gate.

Doon naman ako nagmamadaling pumasok at tumakbo papasok.

"Professor!" ang tawag ko parin sa kanya.

Naramdaman ko ring agad ding sumunod sina Bea at Dylan sa likuran ko.

Hanggang sa naabot ko na ang pinto ng bahay nya at agad naman akong kumatok doon.

"Professor! May itatanong lang po ako! Professor!" ang kalampag ko sa pinto nya.

Mabilis namang nabuksan yun at ang agad na tumambad sa akin ay ang mukha ng matandang professor na yun. At nang makita nya ako ay agad na nanlaki ang mga mata nya.

"Eva!" ang sigaw nya. "Hindi ka pwedeng pumunta dito!"

"Pero bakit po? Ano po ba talaga ang nangyayari?!" ang tanong ko.

Hindi sya makasagot.

At nanatili lang syang nakatitig sa akin na para bang nagdadalawang isip sya kung sasabihin nya ba yun o hindi.

"Oo nga po..." ang biglang sambit naman ni Bea na nasa likuran ko kasama si Dylan. "...bakit ganyan nalang kung magwala si Eva? Nakakaloka na ha"

Pero sabay pa kaming napatingin sa paligid nang dumaan ang malakas na hangin na yun.

"There's no so much time left!" ang biglang sigaw ni Professor saka nagmamadaling tumakbo papasok ng bahay nya.

Pero agad din syang bumalik kasama ang maliit na gawa sa kahoy na kahon na yun. At nabigla pa ako nang bigla nya akong hilain sa braso at hinila hanggang sa harapan ng fountain nya.

"Here, take this with you" ang parang nagmamadaling sabi nya. "Nasa loob nito ang esylium. Hanapin mo si Raven at sya lang ang makapagsasabi sayo kung ano ang bagay na yan"

"Pero---"

Agad nyang nilingon ang dalawang kasama ko na ngayon ay nasa likuran ko parin.

"Bea, Dylan---"

Pero naputol ang sasabihin nya nang bigla nalang kumidlat at tumama pa yun sa bubong ng bahay nya.

Sabay pa kaming napatakip ng mukha ng dahil sa sobrang silaw nun. Pero nagmamadali parin syang agad na nagsalita.

"Bea, Dylan" he continued. "As long as possible ay wag kayong lalayo sa kanya"

Nagkatinginan naman noon ang dalawa.

Oo, alam kong pare-pareho kaming naguguluhan sa mga nangyayari ngayon.

"Pero professor, sino po si Raven at para saan po---"

"Eva" ang putol nya sa sasabihin ko at tinignan nya ako gamit ang seryosong titig na yun. "You have to protect this no matter what---"

Pero bigla syang tumigil sa pagsasalita at napatitig sa akin.

"Professor?" ang sambit ko.

But what I saw next widened my eyes with shock.

Nakita ko ang paglabas ng dugo mula sa bibig nya at sa nahihirapang boses ay nagsalita sya...

"R-run..." he whispered.

And before I could utter a sound ay doon na sya natumba sa akin at agad ko naman syang sinalo.

"Oh my God!" ang naitili ni Bea mula sa tabi ko.

But what froze me is that arrow that pierced inside him from his back.

S-saan galing...

S-saan galing ang arrow na yun?

Naihiga ko sya sa puting lupa ng snow at agad naman kaming sinaluhan nina Dylan at Bea.

"Professor!" ang alog sa kanya ni Dylan. "Professor!"

"Professor!" ang alog ko din sa kanya pero mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kong...

...hindi na sya humihinga.

Habang si Bea naman ay nakatutop lang sa bibig nya habang nakatingin sa amin.

Pero...

Sabay pa kaming natigilan...nang...

"Well, well, well..." that woman voice suddenly appeared. "If it isn't Raven's little girl..."

******************************

"Well, well, well...if it isn't Raven's little girl..."

Sabay pa kaming napataas ng tingin sa pinanggagalingan ng boses.

At...

Mula sa bubong ng bahay ni Professor...ay nakatayo ang mga taong yun.

In the middle of the falling snow and the dark surrounding, we saw those five people standing with a smirk drawn on their faces.

Blood shotted eyes.

Black armors.

Pale skin.

Pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na...

Don't tell me...

"Three humans" ang nakangising sabi ng isang lalaki. "Not bad to be my meal for this day..."

Then he licked his lips making me see his sharp pointed fangs.

...that they are vampires...

Nangunguna sa kanila ang babaing yun na nakasuot ng itim na armor habang may hawak syang bow at may isang kumpol ng arrow sa likuran nya. She has blond hair, pale skin and...those red eyes that is now staring at me. Sya lang ang nag-iisang babae sa kanilang lima.

At hindi ko alam pero parang nakita ko na dati ang itim na armor na suot nilang lahat pero hindi ko lang matandaan kung saan at kung kailan. Napansin ko din na blue rose ang naka-engrave sa harapan ng armors nila.

T-teka...

S-sino...

S-sino sila?

At anong...

Anong kailangan nila sa amin?

Pero bago ako makapagsalita ay nagsalita si Dylan.

"Who are you?" ang tanong ni Dylan.

The lady with a bow and arrow looked at him and smirk.

"Who are we?" the lady said with sarcasm in her voice. "You don't have to know that because you will all be dead by the end of this day"

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

Samantalang naramdaman ko namang napakapit sa braso ko si Bea.

"Beh..." ang takot na takot nyang sambit. "Nasa gag show ba tayo ha? Kasi kung oo, sa totoo lang natatakot na ako..."

Pero nagtaas ako ng mukha at tumitig sa babaing yun.

"Anong kailangan nyo sa amin?" ang buong tapang kong tanong.

Oo. Kung totoo mang bampira sila ay bakit nila pinatay si Professor at anong ginagawa nila dito?

Her red eyes just looked fixedly on me.

"Well, well..." she said in that voice that made me tremble. "...it is really surprising to see you, all so grown up and standing so bravely in front of me...oh, you were such an annoying kid back then..."

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi nya.

"A-ano ba ang...a-ano ba ang...pinagsasabi mo?" ang nanginginig kong sambit.

Sa totoo lang ay natatakot na ako. Pero mas natatakot ako para kina Dylan at Bea. Dapat ay makatakas sila mula dito pero paano? Paano namin matatakasan ang limang bampirang ito when this is the first time that we've encountered them at hindi pa namin alam kung ano ang kaya nilang gawin?

She smirk.

"And to think Raven has succeeded on hiding you away from us for a decade..." ang sabi pa nya. "But I think his luck has finally run out..."

Teka, sino ba si Raven?

At ano ba talaga ang mga pinagsasabi nya?

Sobrang naguguluhan na ako sa mga nangyayari ngayon.

Ang pagkamatay ni Professor.

At ang makita palang na nakatayo ngayon sa harapan ko ang limang bampirang never kong naisip na nag-i-exist nga sa mundong ito ay too much na para i-process pa sa utak ko.

"Ano ba talaga ang kailangan mo sa amin?" ang tanong pa ni Dylan.

The lady looked at him and with a smirk on her face, answered.

"What a clever kid..." she said then turned to me. "...it's such a waste that we have to kill you now. Oh, by the way, do you mind giving us that esylium that you're holding now my dear?"

Esylium?

Napatingin ako sa kahon na hawak-hawak ko parin ngayon.

Tama.

Ang sabi ni Professor ay kailangan ko itong protektahan kahit ano pa man ang mangyari.

At isa pa...

"Nasa loob nito ang esylium. Hanapin mo si Raven at sya lang ang makapagsasabi sayo kung ano ang bagay na yan"

...ay hindi ko sigurado na mapupunta ito sa mabuting kamay sa oras na ibinigay ko ito sa kanila.

Napatingin ako sa babaing yun and in uncertain voice, I spoke.

"P-paano kung...p-paano kung hindi ko to ibibigay sa inyo? Anong gagawin nyo?" ang sambit ko.

She just looked at me and smirk.

"We don't need your permission little girl...because we will be taking that with or without your consent" she said then her face turned serious and gave an order to his men. "...kill them all"

Then the four men raised their right hands.

At nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ko ang paglabas ng mga bagay na yun sa mga kamay nila.

Bakit...

Bakit may lumalabas na apoy, tubig, hangin, at lupa mula sa mga kamay nila?

Ano ang...

Ano ang nangyayari?

Naramdaman kong tumayo sa harapan ko si Dylan kaya napatingin ako sa kanya.

"Dylan anong---"

He just smiled at me.

"I will protect you" he said.

But before I could talk, I saw those four men attacked us. Pero dahil narin sa takot ko ay napapikit nalang ako at napakapit ng mahigpit sa likuran ni Dylan.

But then...

I suddenly heard that crashing sound.

At naramdaman ko ding bigla nalang uminit ang paligid.

Bakit...parang bigla nalang ata uminit ang paligid?

Kaya dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko para makita kung ano ba ang nangyayari.

But...

But what I saw next widened my eyes and froze me from where I stood.

Because right in front of me...

I saw that blazing fire that's burning right ahead of us. Isang napakalakas na apoy ang pumalibot sa aming tatlo na para bang pinoprotektahan kami ng apoy na yun.

But what froze me above all...

Is that black armored man who's now standing in front of us.

Nakatalikod sya sa amin kaya hindi ko makita ang mukha nya. Idagdag pa ang malakas na apoy na naghihiwalay sa amin kaya nahihirapan akong makita ang kabuoan nya. All I could see is his black hair and those two swords that's now attached to his back.

And in that familiar voice, he spoke.

"You have to taste the wrath of my fire first before you could touch this girl" he said in that deep and emotionless voice.

The vampire woman looked at him and with a smirk on her face, spoke.

"Well, it is so nice to see our former leader again..."she said then looked at the man. "...master Raven..."

to be continued...