Chereads / ANNAH: The Last Titanian / Chapter 3 - The Soccer Team

Chapter 3 - The Soccer Team

"Aray!" ang naisigaw ko.

Sa sobrang lakas ng pagkakatama sa mukha ko ay natumba pa ako sa mga damo.

"Oh my gosh beh! Are you okay?!" ang agad namang lingon sa akin ni Bea na nasa unahan ko lang.

Napalingon naman ako sa tumama sa akin at nakita kong soccer ball yun. At sabay pa kaming napalingon ni Bea sa grupo ng kalalakihan na ngayon ay nagtatawanan sa soccer field.

Oo. Ang soccer varsity team ng University.

"Captain! Nice goal!" ang tumatawang sigaw ng isang lalaki doon.

Aba't--!!! Mga gago 'to ah! Tinamaan na nga ako ng bola sa mukha, tatawanan pa nila ako?! Abat--! Pigilan nyo ako! Pigilan nyo ako at hahambalusin ko ang mga bwisit na mga lalaking 'to!

Pero joke lang. Ano naman ang panama ko sa malalaking katawan nila ha?

Lalo na't...

"Oh lala..." ang nasambit lang ni Bea.

Dahil mula sa likuran ng mga nagtatawanang mga kalalakihan na yun ay biglang lumabas ang gwapong nilalang na yun.

He has black hair and pairs of beautiful light emerald eyes. Blangko lang ang mukha nya habang naglalakad papunta sa amin.

Hindi ko rin maiwasang mapansin ang magandang katawan nya. Oh right, soccer player ang peg nya kaya nga naman hindi nakaka-shock na masculine sya. Atsaka required talagang ang katawan muna ang tignan bago ang mukha nya?

Oo Eva, itaas mo ang paningin mo at baka mag-drool ka dito sa di tamang oras.

Hanggang sa nakalapit na sya sa amin at tinitigan lang ako ng mga mata nyang iyon.

Teka, banyaga ba 'to ha at ganyan ang mga mata nya? Dahil sa totoo lang habang nakatingin ako sa kanya ngayon ay maihahambing ko sya sa mga Greek Gods na nai-imagine ko sa tuwing nagbabasa ako ng Mythology Books. Black hair version nga lang.

"I believe that ball belongs to me" ang sabi nya lang gamit ang walang emosyong boses na yun.

Wow ha. Spokening dollars si kuya. Mapapasabak ang ilong ko nito.

Pero teka...wala man lang sorry?

Wow lang. Nakakahiya naman sa part ko diba? Tinamaan na nga ako ng bola sa mukha pero wala man lang akong matatanggap na sorry?!

Naniningkit ang mga mata ko at asar na asar na nagsalita.

"Sorry kuya ha, hindi ko alam na sayo pala ang bola na 'to! Sorry talaga! NAKAKAHIYA NAMAN! GRABE!" ang asar na sigaw ko.

Pero hindi na nya ako pinansin at pinulot nalang nya ang bola nya na nasa tabi ko parin.

At napalunok nalang ako nang magtaas sya ng mukha at this time ay tinitigan ako ng mga mata nyang iyon.

Oh shems. Ang gwapo nya.

Hindi sya nagsalita at tumalikod nalang sya sa amin at nagsimulang maglakad paalis.

Pero hindi pa man napaparami ang hakbang nya ay lumingon muna sya sa akin at gamit ang blangkong mukha na yun ay nagsalita sya.

"Be safe" ang sambit nya.

Napakurap ako.

Huh?

Bakit nya ako sinasabihan ng ganun?

Ano yun? Close kami? Ganun? Dahil tinamaan nya ako ng bola sa mukha at hindi pa sya nagso-sorry ay close na kami agad-agad?

Nakatitig lang ako sa kanya nang biglang...

"Captain Joselito!" ang tawag sa kanya ng isang kasama nya sa soccer team.

Agad naman kaming nagkatinginan ni Bea nang dahil sa narinig naming pangalan nya. And then...

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" ang sambulat namin ng tawa ni Bea.

"JOSELITO?! Pffft...! HAHAHAHAHAHA!" ang mangiyak-ngiyak ko ng tawa habang nakatingin sa nakalukot ng mukha nya."JOSELITO ANG PANGALAN MO?! PUAHAHAHAHAHAHAHA!!!"

"GRABE! ANG GWAPO MO PERO ANG BADUY NG PANGALAN MO?! PUAHAHAHAHAHA!" si Bea na sa sobrang tawa ay napakapit pa sya sa akin.

I saw him gritted his teeth na para bang pinipigil nya ang sarili nyang magalit.

Saka sya mabilis na tumalikod sa amin habang naiwan kaming halos hindi na makahinga sa pagtawa ni Bea mula sa kinatatayuan namin.

"Fuck Andromeda" I heard him cussed habang naglalakad pabalik ng field.

Natigilan naman ako ng dahil sa narinig ko.

Eh?

Andromeda?

Bakit nya sinabi yun?

"Hay tara na nga beh!" ang naiiyak parin sa sobrang tawa ni Bea. "Tara na at mali-late na tayo"

Doon naman ako natauhan at napalingon nalang kay Bea.

"Sige beh, tara na" ang nasabi ko lang saka ako napalingon uli sa gwapong lalaking yun.

Pero nakita kong bumalik na sila sa paglalaro ng soccer sa field.

Nagkibit balikat nalang ako at doon na kami naglakad paalis ni Bea.

******************************

"Akalain mo yun beh?! JOSELITO ANG PANGALAN NYA?! HAHAHAHAHA!" ang hindi ko parin maka-move on na sabi habang naglalakad kami papunta sa next class namin.

"Oo nga! NA-SHOCK TALAGA AKO NANG MARINIG KO YUN! HAHAHAHAHA!" ang tawa din ni Bea.

Pero naputol ang tawanan namin nang bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan sa labas.At hindi lang basta malakas na ulan kundi may kasama pang kulog at kidlat.

Nagkatinginan pa muna kami bago kami napatingin sa labas mula sa bintana ng hallway na yun.

"Huh? Tirik na tirik ang araw pero ang lakas ng ulan?" ang takang sabi ni Bea. "Ang weird"

"Oo nga..." ang sabi ko habang nakatingin din ako sa paligid. "Parang biglaan naman ata ang malakas na ulan na 'to..."

"Hindi kaya..." ang nanlalaki ang mga mata nyang sabi saka napa-gasp at napalingon sa akin. "May ikinakasal na engkanto?! OH MY GEE!"

At napatutop pa sya ng bibig.

Isang bored look lang ang isinagot ko sa kanya.

"Wag kang OA beh. Atsaka hanggang ngayon ba naman ay nagpapaniwala ka parin sa sinasabi ng mga matatanda sa probinsya?" ang sabi ko. "Ang sabihin mo, epekto ito ng global warming. Kaya ibida mo na yang damo mo na ipapasa mo kay Prof. Mendoza"

Tinignan naman nya ako using that eyelinered eyes.

"Beh, it's not damo. It's GRASS..." ang sobrang maarteng correction nya sa akin.

I rolled my eyes.

"Okay, grass..." ang gaya ko din sa maarteng accent nya. "Asus, damo o grass, atleast damo parin"

Saka kami nagpatuloy sa paglalakad habang patuloy parin sa pag-ulan ng malakas sa labas.

"Why do I get this feeling na parang ang bitter mo sa mga grass ko ha?" ang sabi nya.

"Kung ikaw ba naman ang hindi pa--"

Pero natigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang gwapong lalaking yun na mag-isang nakatayo at nakasandig sa hallway na kaharap ng classroom namin ngayon.

Nakikita ko pa ang kinikilig na tingin at bulungan ng mga padaang babae habang nakatingin sa kanya.

At narinig ko rin ang kinikilig na hagikhik ni Bea saka nya ako tinusok-tusok sa bewang.

"Ayyyeee...! Nandyan na si boyfriend!" ang kinikilig nyang sabi. "Sige beh, mauna na ako sa classroom. Bye!"

Saka sya naunang pumasok sa classroom.

Mukhang narinig naman ng gwapong lalaking yun si Bea kaya nagtaas sya ng mukha at napalingon sa akin. And instantly, an angelic smile drew up on his handsome face while looking at me.

At hindi ko mapigilang mapangiti rin.

Yes. He is Dylan Lopez. And he's my boyfriend.

*******************************

Kung may nag-iisang bagay man akong ipinagpapasalamat sa walang hiyang buhay na 'to, ay si Dylan lang yun. I mean, sya lang ang kaisa-isang magandang nangyari sa buhay ko.

He walked towards me and he's so perfectly handsome in the middle of the crowd.

He has this angelic and beautiful face na dahilan para kabaliwan sya ng halos lahat ng babae sa University na 'to. And to tell you the truth, mas maganda pa sya sa akin.

He stood up in front of me and gave me that endearing pout.

"Kanina ko pa tinatawagan ang girlfriend ko and I wonder kung bakit hindi nya sinasagot ang tawag ko? Hmp?" ang naka-pout na tanong nya sa akin.

And by the way, sa akin lang sya nagiging ganyan.

Dylan always have this aura of authority and seriousness dahil sya lang naman ang President ng University Student Organization. Pero at times, ay inilalabas nya talaga ang ganitong side nya lalo na kapag nagtatampo sya sa akin.

"Eh kasi Mr. President, baka nakakalimutan mong sira ang cellphone ng girlfriend mo at hindi uso sa kanya ang tinatawag na ringtone kaya baka hindi nya narinig ang tawag mo" ang nakangiting sagot ko sa kanya.

At kahit na two years na kaming nagdi-date ay hanggang ngayon ay nagwa-wonder parin ako kung bakit ang isang katulad ko pa ang pinili nyang ligawan. Like, hindi naman ako ganun kaganda, at hindi rin masasabi na nasa high social class that's why I can't fully understand why did he chose me to be his girlfriend when he deserves someone better.

At sa dinami-rami ba naman ng naghahabol sa kanya ay bakit sa isang katulad ko pa sya nahulog.

He smiled.

"This is one of the reason why you should really accept my gift..." ang nakangiting sabi nya.

I rolled my eyes at nilingon sya.

"We're not talking about that handphone again, right?" ang sabi ko sa kanya.

He just looked at me with those beautiful eyes.

"C'mon babe, it's just a handphone" ang pilit parin nya. "It's frustrating na ang dami kong gustong ibigay sayo pero ikaw ang tumatanggi. Please...just the handphone"

Yes. Hindi iilang beses kaming nagtalo ng dahil lang sa mga bagay na binibili nya para sa akin. Nasabi ko na ba sa inyo na ubod din ng yaman ang gwapong boyfriend ko na 'to?

"Dylan..." ang sambit ko. "Akala ko ba napag-usapan na natin 'to na hindi ka magbibigay sa akin ng kahit anong mamahaling bagay?"

Oo. Idagdag pa ang chismis na kumakalat ngayon sa University na isa akong social climber at ginayuma ko lang daw ang gwapong lalaking ito kaya ko sya naging boyfriend. At kung hindi ko lang siguro alam ang buong storya namin ay yun din ang iisipin ko na baka nga ginayuma ko sya kaya sobrang mahal ako ng lalaking ito.

But it's not.

Actually, nagkakilala kami sa isang Environmental Club at naging magkagrupo kami sa isang activity. At dahil groupmates kami ay naging close kaming dalawa at lagi na kaming nagkikita. Ni hindi ko nga sya kapareho ng course eh. He's taking up BS in Architecture pero after din ng activity na yun ay lagi na nya akong pinupuntahan sa department namin at niyayayang lumabas. And then nilagawan nya ako at dahil ako ay kinikilig sa kanya ay sinagot ko rin sya.

"It's just an Iphone" ang sambit nya.

Napatitig naman ako sa kanya.

"It's just?" ang hindi ko makapaniwalang sambit. "Alam mo ba kung magkano ang 'it's just an iphone' mo na yan? Gusto mong ipa-remind ko sayo?"

This time ay nag-puppy dog eyes na sya.

"Oh no, don't do that" ang na-taken aback ko ng sabi habang umaatras sa kanya. "Anything but that"

Eh kasi...ang cute-cute nya kapag ginagawa nya yun that I can't able to resist him! At alam kong alam na alam nya rin ang bagay na yun.

Pero mas pinaawa nya pa ang itsura ng puppy dog eyes nya.

"Please? Please just the iphone?" ang paawa effect parin nya.

"No" ang pagtitimpi ko parin.

Puppy-dog eyes alert.

"Please? Kaya mo bang makitang nalulungkot ang boyfriend mo ng dahil lang sa hindi mo tinatanggap ang regalo nya?" ang pout parin nya habang naka-puppy eyes parin.

Haha, sigurado akong mababawasan ang takot ng mga officers nya under him kapag nakita nila sa ganitong itsura ang President nila. Yes, he's a strict leader at kinatatakutan din. At kung makikita mo syang maging president ay never mo syang mai-imagine na gagawa ng ganitong ka-cute na mukha sa harapan mo.

"Dylan--" pero hindi pa man natatapos ang sasabihin ko ay nabigla pa ako ng lapitan nya ako at yakapin nya ako ng mahigpit sa gitna ng hallway.

Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko lalo na't biglaan yun. And then doon lang ako naka-realize.

"Ah...so nakikiuso ka ngayon sa mga PDA dito sa school? Ganun?" ang sabi ko habang nakayakap parin sya sa akin.

Doon naman nya ako binitiwan at nakangiting lumingon sa akin.

"Okay, if that's what you want, I won't force you on accepting that phone" ang nakangiting sabi nya.

Nagsalubong ang kilay ko.

Bakit parang may kalokohan akong nakikita sa mukha nya ngayon ha? Hmm...I'm getting suspiscious lalo na't nagpatalo sya kaagad. Dati kasi ay kailangan pa namin ng mahabang debate bago sya pumayag na hindi ibigay ang bagay na gusto nyang ibigay sa akin.

"So, I'll call you later babe. Mali-late na kasi ako sa klase ko. I love you" ang nakangiting sabi nya saka nya ako hinalikan sa noo. "Bye!"

At hindi pa man ako nakakapagsalita ay mabilis na syang naglakad paalis. Pero nahuli ko pa ang nakakalokong ngiti sa labi nya kaya mas nagtaka ako.

Pero...bakit parang...bumigat ata ang bulsa ng likuran ng pants ko?

Agad ko namang kinapa yun at dinukot mula doon ang nagpapabigat doon. At nanlaki ang mga mata ko ng makita ko sa kamay ko ang Iphone na yun.

Mabilis akong napalingon sa kanya na ngayon ay medyo nakakalayo na sa akin at napasigaw doon.

"DYLAN!!!" ang sigaw ko.

Agad naman syang napalingon sa akin at isang nakakalokong ngiti lang ang isinagot nya sa akin.

"YES! I LOVE YOU TOO!" ang sobrang sayang sigaw nya pabalik.

Saka sya nangingiting tumalikod at naglakad paalis habang naiwan akong nakanganga doon at hawak ang mamahaling phone na yun sa kamay ko.

Kaya naman pala nya ako niyakap ng mahigpit kanina ay yun ay dahil sa pasimple nyang inilagay sa bulsa ng pants ko ang phone na 'to.

Oh darn it. Naisahan ako dun ah.

to be continued...