Chereads / ANNAH: The Last Titanian / Chapter 2 - Eva Reyes

Chapter 2 - Eva Reyes

How do I define my life?

Three words.

MY.

LIFE.

SUCKS.

"At nanghihingi ka na naman ng allowance ha?! Eh diba pinadalhan na kita ng one thousand last week?! Aba Eva! Hindi namin pinupulot ng tatay mo ang ipinapadala namin sayo!" ang sigaw ni Mama sa kabilang linya.

"Eh Ma! One thousand lang yun! Atsaka marami kaming babayaran ngayon dahil malapit na ang finals--"

"Bahala ka sa buhay mo! Hindi naman kami ng tatay mo ang nag-utos sayo na mag-college ka!"

"Pero Ma--"

*toot-toot*

Oo. Pinatayan ako ng cellphone.

At hindi ito ang unang beses na binabaan nila ako ng cellphone nang dahil sa nanghihingi ako ng kahit kaunting tulong lang mula sa kanila. At hindi narin bago ang idea na 'to na hindi suportado ng parents ko ang pagko-kolehiyo ko.

Nasa probinsya sila ngayon samantalang nasa syudad naman ako at nangungupahan sa isang boarding house.

Napahinga nalang ako ng malalim at naibaba ang cellphone ko na pinagtagpi-tagpi ko lang gamit ang scotch tape para mai-survive lang. Wag nyo na akong tanungin kung bakit ganito ang cellphone ko.

Ang isang katulad ko na pinapaaral lang ng isang scholarship at pagpa-part time job ko sa isang meat shop ay hindi na nakaka-shock na ganito ang cellphone ko.

Oh by the way, my name is Eva Reyes, nineteen years old and a graduating college student. I'm taking up BS Development Communication, major in Journalism. At katulad ng nababasa nyo sa itaas, hindi ako mayaman, at isa lang akong normal na working student na ngayon ay naghihingalo para maitawid ko lang ang pag-aaral ko.

"Ms. Reyes!" ang sigaw naman ng isang boses sa likuran ko.

At nang marinig ko yun ay agad ko ng napaikot ang mga mata ko.

Oh God, hindi pa ba natatapos ang pagpapahirap ninyo sa akin?

Pero mabilis parin akong lumingon at nakangiting bumati sa kalbong teacher ko sa major subject ko na ngayon ay naglalakad sa hallway na yun.

"Good morning Prof. Mendoza!" ang sobrang sayang lingon ko sa kanya.

Pero isang busangot na mukha lang ang isinagot nya sa akin.

"It's not a good morning Ms. Reyes especially now that you haven't passed your article yet!" ang sigaw nya.

Wow.

Ang friendly ng mga tao ngayon. Nakaka-touch. Pwedeng umiyak?

Ngumiti naman ako.

"Don't worry sir, I'm already working on it" ang nakangiting sagot ko.

And of course, it's a lie.

Dahil hanggang ngayon ay nanghahagilap parin ako ng ita-title ko sa article na kailangan kong ipasa this week or I'll be so doomed! Dahil kapag hindi ko naipasa yun ay siguradong, magfi-fail ako sa isang major subject ko at ang pinakamasayang mangyayari ay hindi ako makaka-graduate! Ang saya diba?! Nakaka-teary eyed.

Hindi ko yun nasisimulan dahil sa pagpa-part time job ko at idagdag pa ang pag-aayos ko ng thesis ko. At ilang ulit narin akong siningil ni Prof. Mendoza pero hanggang ngayon ay wala parin akong maibigay.

"It's better be Ms. Reyes..." ang sabi naman nya. "...because if not, I won't think twice in failing you on my subject. And I'll only wait for it until this Friday"

Agad namang nanlaki ang mga mata ko.

FRIDAY?!

Eh Wednesday na ngayon ah. Ibig sabihin, dalawang araw ko nalang gagawin yun?!

"But sir--"

"I'm waiting for that paper, Ms. Reyes" ang sabi nya lang saka nya ako nilagpasan at nagpatuloy sa paglalakad sa hallway na yun.

Habang naiwan naman akong mag-isang nakatayo doon at doon ko na nasabunutan ang buhok ko.

How do I define my life again?

Four words.

MY.

LIFE.

REALLY.

SUCKS.

*************************

"Alam nyo ba mga kaibigan na ang damo ay napakaimportante sa ating buhay?" ang simula ni Bea gamit ang pa-cute na smile na yun na para bang nasa isang commercial ng toothpaste habang nakatingin sa camera. "Tumutulong ito para sugpuin ang global warming o ang sobrang pag-init ng mundo sa paraang paghigop nito ng carbon dioxide na nanggaling sa ating mga tao."

I rolled my eyes.

Oh God. This is not happening.

"Pwede nyo rin syang ipakain sa inyong mga alaga at pwede nyo rin syang gawing pananim sa inyong mga bahay. At alam nyo rin ba na ang English nito ay Grass? Opo, mga kaibigan. Tama kayo ng naririnig. Ang English po ng damo ay grass. So this is Beatrice Dela Cruz at sana ay marami kayong natutunan sa makahulugang pagbabalita ko tungkol sa mga damo na ang English ay grass.Byiee~~"

"And...CUT!" ang sigaw ng classmate naming si Carlo saka ibinaba ang camera nya.

Mabilis namang napalingon sa akin si Beatrice at excited na nagsalita.

"So how was it beh?!" ang excited nyang tanong.

Pero tinignan ko lang sya gamit ang boring na tingin na yun.

"Seriously?" ang hindi ko makapaniwalang tanong. "Seryoso ka at yan ang ipapasa mo kay Professor Mendoza?!"

She pout.

"Eh?! Pero maganda naman ah! Napaka-meaningful nga ng documentary ko tungkol sa mga damo!" ang dabog nya pa sa akin.

By the way, sya si Beatrice Dela Cruz, pinsan ko sa side ng Papa ko at kaedad ko lang sya. Magkaklase din kami at pareho din kami ng course. At isa pa pala, magka-roommate din kami sa boarding house.

And unlike me, lumaki syang spoiled brat at maarte. Pero kahit ganun ay nagkakasundo rin naman kami. Sya na ang tumayong bestfriend slash cousin ko.

Nasa tabi kami ng malawak na university field dahil dito kami nagpunta matapos ang first subject namin sa umaga para samahan syang i-film ang ipapasa nya kay Prof. Mendoza.

"Oo nga, napaka-meaningful nga" ang sabi ko with sarcasm. "Grabe, sa sobrang pagiging meaningful nya ay parang naiiyak ako at na-inspired ako bigla"

She just rolled her eyes.

"You don't have to be mean, duh? Atsaka atleast may ipapasa na ako" ang sabi nya. "Eh ikaw? May title ka na ba? Naku, alam ko na kung bakit nakalbo si Prof. Mendoza. At yun ay dahil sa naubos na ang buhok nya sa kakahintay ng article mong gaga ka"

Napahinga nalang ako nang malalim mula sa kinauupuan kong damo habang nakatunghay lang ako sa kanya na nakatayo sa harapan ko.

"Hayyy...mababaliw na ata ako..." ang nanghihinang sambit ko. "Hindi ko pa nga natatapos ang thesis ko, may eepal pang article na ipapasa kay Prof. Mendoza"

"Bea, Eva" ang tawag sa amin ni Carlo. "Mauuna na siguro ako sa inyo. May klase pa kasi ako eh"

Sabay naman kaming ngumiti sa kanya.

"O sige Carlo, salamat uli ha" si Bea.

Nakangiting tumango lang sya as a respond saka sya tumalikod at umalis.

Kaya ngayon ay naiwan kaming dalawa ni Bea sa tabi ng field na yun.

"So anong balak mo ngayon?" ang tanong nya saka sya naupo narin sa tabi ko. "Anong balak mo beh? Hintaying tumubo uli ang buhok ni Prof. Mendoza bago mo ipasa ang article mo?"

Napatingin nalang ako sa kanya.

"Gusto mong isumbong kita kay Prof. Mendoza?" ang banta ko.

"Hindi na beh. Okay na ako. Masaya na akong malamang kalbo sya. Ahehehehe..." ang hagikhik nya.

Ang gaga lang.

Pero doon na ako napahinga ng malalim.

"Manghahagilap nalang siguro ako ng title dyan sa tabi-tabi..." ang sabi ko nalang.

Tama. Wala din naman akong mahanap na magandang title at ang isa pa ay sa dami ng iniisip ko ay nakakalimutan ko naring mag-isip nun.

"Hay...tara na nga beh" ang tawag nya sa akin saka sya naunang tumayo. "Mali-late na tayo sa next class natin kaya mamaya mo na isipin yan"

Napahinga nalang ako ng malalim saka tumayo narin.

"Ahhhh...!" ang sigaw ko na saka ko ginulo ang buhok ko. "Saan ba talaga ako makakahanap ng title nito ha?!"

"Beh, itext mo nalang ako kung dadalhin na kita sa mental hospital ha? I'm willing to help. Ako pa ang magtatali sayo" ang sabi lang ni Bea.

Nilingon ko naman sya at nginitian gamit ang sarcastic smile na yun.

"Well, thank you" ang sagot ko lang saka kami naglakad paalis.

Pero hindi pa man kami nakakalayo ay bigla nalang may isang malaking bagay na tumama sa mukha ko.

"Aray!" ang naisigaw ko.

to be continued...