Chereads / Sana All (Walang Forever Series #1) / Chapter 9 - Kabanata 8 - Mom

Chapter 9 - Kabanata 8 - Mom

"Testosteron is the male's hormone, while progesterone's for female--"

"I know."

Napapabuntong-hiningang ibinagsak ko ang libro bago muling umayos ng pagkakaupo sa hita niya.

Oo, hita niya.

Nandito kami ngayon sa loob ng isang coffee shop para gawin ang naudlot naming presentation ng reproductive system nitong nakaraan. Biglaan kasing nag-leave 'yong guro namin dito dahil may emergency daw at kailangang umuwi sa mga kamag-anak niyang nasa probinsya. Ending, naghintay pa kami ng sasalo habang wala siya.

At ito nga, nagkita kami ni Mountain dito sa coffee shop upang gawin 'yong sa'min. Pagkarating ko rito, aba naman at talagang walang ibang upuan para sa'kin dahil sa kagagawan ni Mountain. Napilitan akong umupo sa lap niya at talagang sinasadyang bigatan ang katawan para maibalik sa katinuan ang isip niya. Ngunit talagang hindi siya nagrereklamo. Halos yakap niya ako mula sa likod habang abala sa pagta-type ng mga impormasyon sa laptop niyang nasa mesa, ang ulo'y komportableng nananatiling nasa balikat ko. Ako ang nagrereklamo dahil sa pagiging hambog niya pagdating sa topic.

"Talagang pinagod mo lang ako ngayon ah? Pwedeng-pwede naman palang ikaw nalang ang gumawa, tutal, kabisado mo e," sarkastikong sabi ko bago sumandal sa komportable niyang dibdib.

Sabado ngayon. Dapat nagsi-siesta lang ako sa bahay kung 'di dahil sa pang-iisturbo niya.

"Aside from it's a pair's presentation, just wanna see you, babe. I'm bored at home without baby Skyree," tukoy niya sa batang nakita ko noon na nalaman kong anak pala nung tita niyang dean ng paaralan.

"Bakit? Asa'n pala siya?"

"Nasa papa niya. Kaya nga sobsob rin sa trabaho si tita ngayon... paniguradong iniiwasang mamiss ang anak niya."

"Bakit ba kasi 'di nalang sila magsama para hindi narin mahirapan 'yong bata? Tutal pareho naman silang single!"

"You don't know my tita's pride. Parang ikaw 'din 'yon noon e. Matigas pa sa lahat ng matigas. Don't you wonder why she named the school Walang Forever University if she's not that bitter?" aniya habang patuloy ang pagtatype.

"Hindi na nakapagtataka kung sabi mo nga, iniwan siya noon para ipagpalit sa iba. I mean, sino ba namang matinong babae habang matinong umiibig ang hindi masasaktan ng todo sa ginawa nung ex niya? Pinamukha sa kanyang hindi siya mahal tapos ngayon, babalik-balik sa buhay niya para makigulo sa anak nila. Like seriously? Ba't 'di nalang siya nalunod somewhere? Nang maramdaman naman ng tita mong kahit papaano'y nakaganti siya!"

"Tss. Relate na relate huh?" nakangiwing aniya bago binitawan ang laptop para humawak sa bewang ko. "Kung ex mo ba 'yon, masasabi mo parin kaya 'yan?"

"Of course! Duh?" I rolled my eyes at him meticulously. "Hindi nga siya nanghinayang sa'kin, ako pa? Hindi pa naman ako ganoon ka tanga."

"E kung ako ang nalunod?"

"Edi mamamatay ka, obviously!" humalakhak ako sa nakanguso niyang mukha.

"You're so harsh."

"Matagal na, Mountain. Ngayon mo lang nalaman?"

"But I like you still."

"Halata rin."

"Tss. Nagiging hambog ka na ah?"

"Maganda naman," natatawang napapikit ako. Napahalakhak rin siya kaya agad ko ng binara. "Sege, umangal ka."

Humigpit ang hawak niya sa bewang ko habang patuloy na natatawang umiiling. "Oh, no, babe. I don't intend to do that. Infact, I highly agree with that thought of yours."

"Psh, syempre hindi ka aangal. Nanliligaw e, magpapabango ka talaga!" nakangiwi ko siyang pasimpleng siniko.

Hinuli niya ang kamay ko at pasimpleng hinawakan. "Tss. Lahat nalang ng ginagawa ko pambobola sayo. Hindi naman ibig sabihing mapaglaro ako ay wala na akong karapatang magbago."

I look at our fingers that he had intertwined. Kasyang-kasya ang maliit kong kamay sa kanyang mahahaba at malalaki. It looks perfect together and I like the warmth his hand can give to mine.

"Ang dami mong babae, alam mo ba 'yon?" tanong ko ng maalala kung paanong ang daming nagpapa-cute sa kanya. Halos lahat ng mga mata, lalo na ng mga kababaihan, nakabuntot ang tingin sa kanya. Pasimple kong nilibot ang paningin sa paligid. Kahit dito, halos hindi na kape ang pinagtutuunan ng pansin dahil ang lalaki ng mga ngisi ng mga kababaehang parang kinikilig na ewan. Ang mga leeg ay halos nakalingon na para lang makita siya.

Nagbuntong-hininga lamang siya habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. "Ikaw lang ang babae ko."

Nakangiwi akong umiling. "I can't even count them with my fingers alone. It seems like I am competiting with the stars here."

"I don't mind being chase by the stars, babe, as long as I am loved by the one I choose. I don't need millions. I only need you," aniya bago marahang hinaplos ang pisngi ko. "Aanhin ko ang marami kung ikaw mismong pinipili ko, hindi ako gusto? It's useless."

Indeed.

It's useless to be loved by many, while remaining unknown to the eyes of your love, crush, or the one you like the most. Walang kwenta. Mas mabuti pang magustuhan ng nag-iisa kung siguradong sa KANYA mapupunta.

"Masyado ka ng nag-eenjoy sa panliligaw ah?" maya-maya'y iba ko ng topic.

"Hmm? Bakit?"

"Lakas mong makatsansing!" Humalakhak siya kaya napahalakhak narin ako.

Ewan ko ba't parang hindi ko siya matulak-tulak. Pwedeng-pwede ko naman siyang kontrahin. Pwedeng-pwede akong umayaw. Pero hindi ko ginagawa.

"I just like the feeling of you, near me, babe. I like holding you, and feeling your soft skin, your hands, and the way you smell is just addicting. But if I make you feel threaten, just tell me. Ayokong pili--"

"No, it's not like that. Maliban sa pagiging babaero mo'y wala naman akong inayawan sayo. Atsaka, natatawa ako sa mga babaeng iniirapan at inis na inis na sa'kin dahil sayo. Ba't ka pa kasi ipinanganak?"

"Kung hindi ako ipinanganak ay wala kang makakatuluyan. Gusto mo bang tumandang dalaga?" he nuzzled on my neck before giving light kisses there.

Pasimple akong napangisi ng makita ang mukha ng mga babaeng lukot na lukot ang mga noo at pinagtitinginan ako. Na para bang tinatanong kung anong meron sa'kin at sa akin nagkagusto 'tong lalaking 'to?

Syempre maganda rin ako no! Napangiwi ako. Minsan hindi nakikita ng tao kung anong meron sayo hangga't naiinggit sila. Hangga't ikinukumpara ka nila sa mga sarili nila. Feeling nila, mas maganda pa sila sayo kaya't bakit ikaw ang pinipili ng gusto nila. Hindi nila naiisip na hindi lang naman sa pagandahan, lakasan ng dating, at talinuhan ibinabase ang pagkakagusto sa isang tao. Masyado 'yang mababaw. May mas higit at malalim pa dyan.

That same day and moment, sinagot ko si Mountain na agad akong pinupog ng halik sa kasiyahan. Because I always realize if not me, sinong mas babagay sa kanya? That although para akong parating galit sa kanya, hindi ko na naman ata kayang makitang iba ang nililigawan niya, sinusuyo, at lahat ng ginagawa niya sa akin ay sa iba niya gawin.

Parang ayoko na. Ayoko ko ng mapunta siya sa iba maliban sa'kin. Ayoko ng wala sa akin ang atensiyon niya. Ayoko ng makakita siya ng iba kung nandito naman ako.

Isa pa, ayokong pagsisihang pakawalan siya. I want to give myself a chance. I also deserve to be happy. And every moment with him, is my quiet happy moment.

Halos wala kaming matapos dahil sa pagkukulitan. Indeed, isinara niya ang laptop at gumala kami sa mall buong maghapon. Nanood ng sine pagkatapos ay nag-ice skate. Pagod na pagod kaming umuwi matapos kumain sa isang resto.

I accepted all his kisses with the same intensity he's throwing. Totoong nakakabaliw si Mountain. Ang galing niyang dalhin ang babae. Kaya minsan, napapaisip ako kung kaya ko ba siyang dalhin at pakisabayan. Dahil hindi ko paman siya minamahal ay natatakot na akong makakita siya ng iba.

"Hmm..." I slightly moaned while he's roaming all over my mouth. He angled my head in place in favor of his. Hawak niya ang likod ng ulo ko habang binibigyan ako ng malalalim na halik. "M-Mountain..."

"Thank you..." aniya habang hinihingal matapos ng ginawa. He take one last peck on my parted lips before speaking. "Thank you for accepting me. Hindi ako mangangako pero susubukan kong hindi mo ito pagsisisihan, Juls."

"Hmm. I hate promises anyway..." tugon ko kahit bahagya pang naliliyo.

Bumuntong hininga siya bago mula sa loob ng kaniyang sasakyan ay sumilip sa labas ng bahay namin. "Ayokong iwan ka dito mag-isa."

"Hindi naman pwedeng dito ka rin tumira, Mountain." humalakhak ako sa kanya.

Natigilan ako ng makita ang isang pamilyar na sasakyang hindi pa maayos na nakaparada sa garahe namin. Oh my god! Don't tell me...

Mula sa loob ng bahay ay may lumabas na isang pamilyar na bulto. The same features I share maliban sa pagiging mas matangkad ko dito na namana ko sa ama.

Nanlaki ang mga mata ko bago excited na napalabas ng sasakyan. "MOM! You're here!"

Napalingon ito sa'kin na papasok ng gate bago natatawang nagbuka ng bisig. Agad akong napayakap sa kanya. "Darling! I'm home! How are you? Ikaw pala talaga ang sakay ng sasakyang andiyan sa labas? Kanina pa 'ya ah? And oh!"

"Kanina ka pa ba? Ba't di ka nagsabi na uuwi ka pala?"

"Because I thought you're busy. You said may gagawin ka ngayong araw." aniya bago marahang hinaplos ang pisngi ko. Nilingon niya ang likod ko bago nagniningning ang mga matang tumingin uli sa'kin. "Mukhang may 'di ka sinasabi sa'kin ah?"

Napalingon narin ako ng maalalang naiwan ko nga pala si Mountain. Pero nakita ko na siyang palapit sa amin kaya agad kong nakuha ang ibig sabihin ni mommy.

"Well, Mom, this is Mountain. My boyfriend." pakilala ko kay Mountain ng tuluyan itong makalapit sa'min.

"Good evening, tita. I am Xenon Mountain Clark, Julie's boyfriend." magalang na sabi ni Mountain bago nakipagkamay kay Mommy.

Nanlaki ang mga mata ni Mommy bago nagsalita. "You mean, the son of Olympus Clark? The owner of an international airport all over Asia ang America?"

"Apparently, Tita." sagot ni Mountain habang nanlalaki ang mga mata ko. Owner of what?

"Oh my god. I just saw your dad this morning and I can see you had the same features with his! You look so handsome, young man!"

Napangiwi ako. "Tama ng bola, Mom. Panigurado namang may salamin sila sa bahay kaya alam na niya 'yan."

"And he's your boyfriend huh?" baling niya sa'kin.

"Syempre dahil maganda rin ako!"

"Buti at nagustuhan mo itong anak ko? Akala ko nga hindi ako magkakaapo dito dahil inayawan na yata lahat ng lalaking nirereto ko sa kanya!" tumawa si Mommy bago pasimpleng kumindat. "Hindi ko alam na naghihintay ka lang pala ng mas gwapo huh. Nagmana ka nga sa'kin. You have a taste, darling."

Marami pa siyang sinabi pero agad na akong tinablan ng hiya sa nauna niyang sinabi. Anong apo? Ang bata-bata ko pa nangangarap na siyang magkaapo? What the heck?!

Nauna na si Mommy sa loob habang pinag-uutusan ang mga katulong naming maghanda para kumain.

Naiilang kong nilingon si Mountain na nakangisi. "Your mom looks cool."

"Not really." napangiwi ako.

"What's not? Parang sinasabi niya na bumuo na tayo dahil gusto niya ng magkaapo."

"Bumuo your face. Bata pa ako no!" bahagya akong lumayo sa kanya na ikinatawa niya.

"Ang bata, dumedede, babe. Ikaw, kaya ng magpadede." humalakhak siya habang kasimpula na ng kamatis ang mga pisngi ko.

"Gusto mo ba ng hiwalayan ngayon, Mountain?!"

Agad siyang napatikhim bago pumormal. "Not so fast, babe. Kakain pa tayo sa loob. And besides, I'm just kidding. Though I can always give you one if you want."

***