Chereads / Sana All (Walang Forever Series #1) / Chapter 10 - Kabanata 9 - Nahuhulog

Chapter 10 - Kabanata 9 - Nahuhulog

"Mountain looks nice... and serious towards you." Mommy said while slightly combing my hair with her hand.

Tahimik siyang nakasandal sa headboard ng kama ko habang nakaunan ako sa mga hita niya.

Napatango ako. "I hope so, mom..." cause I don't think I can deal with another heartache.

Sinusubukan ko pang muli... sana hindi ako magkamali.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Hindi pa kami tapos kumain kanina ng tumawag ang daddy ni Mountain para pauwiin siya. May importante daw na sasabihin.

He apologize for that and I understand.

"I'm happy for you, sweetheart," magaang sabi ni Mommy na ikinangiti ko.

Mommy is my model of a true beauty. Kung anong ikinaganda niya ay siyang ikinaganda naman ng panloob niyang anyo. Although she wasn't always here with me, she was always there supporting me... in everything. And I'm lucky to have her who had a wide understanding in everything. Hindi lahat ng anak nagkakaroon ng maunawaing magulang. Sa mundong ginagalawan ko, kung saan kadalasan ay may patakarang sinusunod, wala kang kalayaang pumili. Wala kang kalayaang sumaya hangga't hindi sang-ayon ang mga magulang mo o ang mga taong nakapaligid sayo.

But Mommy as always the considerate one, never engage me with those rules but to the freedom of my choice. Wherever my happiness is will also be her happiness, no matter if it's opposite to the eyes of people. It's always be me.

That's why I always wonder how come dad end up dumping her. She's an epitome of an elegant lady with a kind heart, classic yet very lovely. A one of a kind woman. 'Yong tipong madaling minamahal at hindi basta-bastang naiiwan. Bulag ba siya ng mga panahong iyon? Paanong hindi niya nakita ang kagandahan ni Mommy?

"Mom, how come my supposed to be dad didn't see the beauty in you? I mean, paanong sa bait niyo ay hindi niya kayo minahal? Maganda kayo, galing sa may kaya at maipagmamalaking pamilya. Paanong hindi kayo ang napili niya gayong..." nalilitong nilingon ko siya. I always wonder how life works and how it makes people's choice weirder than it can be.

She just smiled warmly at me. Ang magaan niyang kamay ay patuloy sa paghaplos sa buhok ko. "Sabihin nalang nating... may mga bagay talagang hindi pwedeng mangyari kahit gaano pa ito kaperpekto sa mga mata ng tao. Kami ang matatawag mong pinagtagpo ngunit hindi itinadhana ng panahong magkatuluyan."

"Ganun nalang po ba 'yon? I mean, agad niyo nalang tinanggap ang lahat ng ganun-ganun lang? What if mahal pala kayo ni dad pero dahil hinayaan niyo siya ay nagpaubaya nalang din siya?"

"Sweetheart, a heart that loves never gives up something that easily. It always fights, no matter how hard the situation is. 'Yan ang ginawa ng daddy mo, pinaglaban niya ang pagmamahal niya sa babaeng pinipili ng puso niya sa kabila ng pagkakamali namin. And I was there, witnessing how it happen. I also want to fight but I don't have the heart to completely broke their relationship when I am the reason of their fights. Dun ko napagtantong hindi lahat ng bagay ipinaglalaban. Lalo na kung alam mong maaari kang maging dahilan upang masira ang isang magandang samahan. And I don't want to be anyone's nightmare. I respect decisions. I embrace pain the way I love. Pero wala akong pinagsisihan dun, lalo na't dumating ka sa buhay ko."

Marahan akong napangiti sa sinabi niya. How I wish I could end up like her. I mean, 'yong kayang harapin ang problema kahit sobrang down na? It's the true meaning of a brave person. Those who don't ignore problem instead fight them.

"Hindi mo ba naisip noon na... ipalaglag ako?" nagdadalawang-isip kong tanong sa kanya.

"Of course not. Oo nga't kahihiyan ang inabot ko sayo, you know what I mean. Sa pagkakabuntis ko ng dalaga, lalo na't walang sasalo na ama, problema ang idinulot ko sa pamilya. Pero kahit kailan hindi ko naisip na magpakasal para pagtakpan ka, o ipalaglag ka upang hindi lumala ang lahat. I accepted your grandpa's slap the way I accepted you in my life. Kasalanan ka man sa mata ng lahat, ikaw lang ang tama para sa'kin. At ang pagpapalaglag sayo ay magiging pinakamalaking kasalanan ko."

"You're so brave to accept all of that, Mom."

"'Cause I have the source to be one and it's you. It's always you who gives me strength despite everything that happened. Kaya ano man ang gusto mong mangyari sa buhay, I will always be here for you. Remember, sweetheart, kung paanong nagmahal ka ay yakapin mo rin ang lahat ng kaakibat nito. I don't want you to get hurt but it will always be part of life and it's not for me to decide anymore. Kung mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Pero kung alam mong makikigulo ka lang sa sitwasyon, don't hesitate to take a step back. Not because you're a loser but because you are brave enough to accept defeat. Isang bagay na hindi nagagawa ng iba dahil sa isang bagay... their pride. I also have mine but you are most precious than my pride. I don't care about anything else than you."

Parang hinahaplos ang puso ko habang pinakikinggan siya. Nawalan si Mommy ng mana noon dahil sa'kin. Her father can't accept what happened. Kahihiyan iyon sa pamilya niya. Nagtangka siyang kumbinsihin si Mommy na ipalaglag ako lalo na't may lalaki siyang inilaan para kay Mommy. Ngunit nagmatigas si Mommy, lumayo siya hanggang sa maipanganak ako. Bumalik lamang siya ng magkasakit si lolo at sabihing hinahanap siya nito. Mahal na mahal ni Mommy si lolo lalo na't ito lang ang nasa tabi nila habang lumalaki ngunit ayaw rin niyang mawala ako kaya niya nagawang lumayo noon.

"My, don't you think I should not try hard? Na maaaring masaktan lamang ako ni Mountain?"

"Why would I think of that?" nagtatakang tanong niya.

"Para kasing sa kasaysayan ng pamilya natin, wala pang nagka-forever, My. And it always makes me scared thinking how will I end up."

"No, don't be. Trying hard is better than not trying. Hindi ibig sabihing wala sa amin ay wala na din sa inyo. It is the people's choice to stay in a relationship, sweetheart. To stay forever is not in people's feelings but to their commitment. Dahil aminin man natin o hindi, may mga pagkakataon talagang nawawala ito, ngunit nasa iyo na iyon kung mananatili ka o bibitawan ito."

Ilang sandali akong natahimik habang iniisip ang sinasabi niya. Naalala ko si Mountain. Will he stay committed with me through years? Nakakatakot lang dahil alam kong babaero siya. Hindi siya napipirmi sa iisang babae. Okay, sabihin na nating hindi ko pa naman siya ganun kagusto ngunit saan pa ba kami hahantong?

Napabuntong-hininga ako. Kumusta na kaya 'yon? Parang bigla kasing nawala sa mood matapos ng tawag ng papa niya.

"Wait, alam mo bang buntis si Jammy?" maya-maya'y tanong ni Mommy.

Nanlaki ang mga mata ko. "What?" So it's confirmed? Totoong buntis talaga siya?

"Hmm," tango ni Mommy. "That's why kuya decided to leave the conference in France to his secretary to go back here. Galit na galit siya. Hindi mo ba alam 'yon?"

"Sinabi sa'kin ni Jam minsan, My, but it's not yet confirmed."

Si Mommy naman ang nagbuntong-hininga ngayon. "It's not a mistake but a blessing. Pero hindi ibig sabihing may gumawa ay gagawin niyo narin. May tamang panahon para gumawa ng pamilya, Juls. It's a big responsibility, kaya sana, kahit hindi tayo naghihirap ay huwag muna kayong magmadali ni Mountain, ha? Gusto kong makatapos muna kayo ng pag-aaral."

Namula ang buong mukha ko. "W-We're not doing something like that, My!" I shouted defensively.

Napahalakhak si Mommy. Tss. Parang kanina lang ay may pabanggit-banggit pa siya ng apo ha?!

"Well, Mountain looks hot so it's not impossible!" tawa niya na mas nagpapula ng mukha ko. How come she's this open-minded? I am her daughter!

Ngunit masisisi ko ba siya gayong ito na nga ata ang mga gawain ng kabataan ngayon?

Mas lalong namula ang buong mukha ko habang naiisip ang relasyon namin ni Mountain. Kung may balak ba siya matatanggihan ko?

"Parang habang tumatagal, gumaganda ang beauty natin ah? Nakakaganda ba talaga ang papa Mountain mo?" tukso ni Kelly habang kumakain kami sa cafeteria.

Wala si Mountain ngayon at hindi rin siya nakapagtext sa'kin kung bakit. Pero pakiramdam ko tungkol parin ito sa napag-usapan nila ng papa niya.

"Don't be ridiculous, Kels. Anong connect ni Mountain sa pagiging natural na maganda ko?" tawa ko sa kanya.

"Hala ka, bhe. Mukhang pati kahanginan ni Mountain nakuha mo ah?" tawa rin niya bago binitawan ang kutsara at humalukipkip sa harap ko. "Kakaibang glow ang binibigay niya sayo e, para bang habang tumatagal, nawawala ang pait sa katawan mo. At habang tumatagal ring pagsama ko sayo, nangangati ang katawan ko dahil sa langgam na bumabalot sa inyo!"

Tumawa siya ng tumawa. Well, ano pa nga bang aasahan ko sa kabaliwan nito? Mas matatakot pa siguro ako kung tatahi-tahimik to at baka may kung anong sumanib.

Isang halik sa pisngi ang nagpabaling sa'kin sa gilid.

"Miss me?"

Sinimangutan ko ang kararating lang na si Mountain. "Where have you been? Bakit ka absent kanina?"

Hinila niya ang isang upuan sa tabi ko bago naupo. His arm rested on my back before pulling me closer to him for a hug.

"I'm sorry. May kailangan lang akong asikasuhin." aniya bago ako pinakawalan.

Umayos ako sa pagkakaupo lalo na ng mahagip kung paano kaming pagtinginan ng mga tao. I can even hear Kelly's little giggle infront.

"Tungkol ba ito sa sinabi ng papa mo noong sabado?"

"Hmm." simpleng tango niya.

Ayoko sanang makialam lalo na't paniguradong tungkol ito sa pamilya nila. Hindi ko lang matagalan lalo na't natahimik na siya matapos tumango.

"May problema ba? Sana hindi ka nalang muna pumasok." ayoko mang magtunog nag-aalala pero kusa itong lumalabas sa bibig ko.

"Ahem!" tikhim ni Kelly na siyang kumuha sa atensiyon naming dalawa. Tumayo ito bago sumenyas. "Mukhang may kailangan kayong pag-usapan. Alis muna ako, may kailangan pa akong kunin sa auditorium."

"Thanks, Kelly." ani Mountain.

"Magkita nalang tayo sa classroom." ngumiti siya bago kami kinawayan. Dahil sa ginawa niya'y hindi niya napansin ang paparating na si Renzo kaya nama'y nagkabangga sila. Natumba si Kelly habang nakatingin lang sa kanya si Renzo, hindi mabasa ang ekspresyon sa mukha.

"A-Aray! Ano ba?!" galit na sabi ni Kelly ngunit ng makitang si Renzo ang kaharap niya'y biglang umamo ang mukha. Agad siyang tumayo at ngumisi. "You know what? Ang lakas ng impact nating dalawa. Mas malala pa sa kuryente--"

Nilagpasan siya ni Renzo kasama ang dalawang basketball player bago dumiretso sa counter matapos tanguan si Mountain.

"What the heck, poker face snobber?" nanliit ang mga mata ni Kelly na nakasunod kay Renzo.

Napangisi ako.

"Bagay sila..." wala sa sariling nasabi ko.

"Mas bagay tayo." sabi ni Mountain na nginisihan ko lang.

Matapos naming kumain ay sinamahan ko siya palabas ng school. May kailangan pa raw siyang gawin kaya hindi rin siya magtatagal. Talagang dinalaw niya lang ako rito.

"Okay ka lang ba? Parang tahimik ka ngayon ah?" puna ko sa kanya.

Huminto kami sa harap ng gate. Hindi ako pwedeng lumabas kaya hanggang dito ko lang siya maihahatid.

He sighed before pulling me for a hug. "I don't want to go out." he whispered.

"Why?"

"Feeling ko mamimiss kita."

"Then don't." napangiti ako bago tinapik ang likod niya.

Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Na para bang may posibleng umagaw sa'kin mula sa kanya.

"But I have to."

I sighed. "Ngayon lang naman, Mountain. Tsaka, araw-araw naman tayong nagkikita dito. Baka maaga kang magsawa sa'kin niyan?"

"Kahit ata iuwi kita sa bahay, kulang parin para sa'kin, babe." he chuckled. Huminga siya ng malalim bago ako binitawan. "I want you to promise me one thing, Juls."

"Okay. What is it?" tanong ko. Kinabahan ako kahit wala namang nakakakaba sa sitwasyon namin.

"Kahit anong mangyari o malaman mo please... hold on to me. If ever I may hurt you in any ways, always remember that I don't intend to do that. Ikaw ang bumago sa buhay ko, babe. Ni hindi ko nga alam kung may makakalamang pa sayo sa buhay ko. Kaya mangako kang kahit anong mangyari, sa akin ka lang maniniwala. Sayo lang ako mag-e-explain. Ikaw lang ang mahalaga para sa'kin."

My heart beats irratically. Habang tinitingnan ko ang gwapo niyang mukha na parang nagsusumamo sa akin habang sinasabi niya ito, hindi ko mapigilang kilabutan at kabahan sa kanya. Hindi dahil natatakot ako, kundi dahil... alam kong kahit hindi ko maaming may paghanga sa kanya, paniguradong iiyakan ko kung sakaling mawawala siya sa'kin.

"Of course. Basta't mangako ka ring mag-iingat ka. At kung ayaw mong mawala ako'y 'wag kang gagawa ng dahilan na maaaring ikagalit ko."

Marahan siyang ngumiti bago hinalikan ang kamay ko. "I love you." aniya bago tumalikod at naglakad palayo.

Pinagmasdan ko siyang papalabas ng gate. I'm still afraid to feel this but I know it's worth it, Mountain. I think I'm falling for you too. Nahuhulog na ako sayo. At alam kong andiyan ka na para saluin ako.

"Mukhang kayo na ah?"

Nilingon ko ang biglang nagsalita sa likod. Si Kly Woodstone. Ang taong minsang nagtangkang manligaw sa'kin na agad kong tinanggihan. Hindi ko nga nakitang si Mountain pa ang sasagutin ko ngayon.

"Kly, anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko. Lumingon-lingon ako pero walang ibang tao sa paligid.

"I just saw the two of passed by." aniya bago bumuntong-hininga. "Sayang, ikaw pa naman sana ang kukunin kong kapares sa senior's ball."

"Boyfriend ko na si Mountain."

Tumango siya. "Halata naman. Hindi ka naman nagpapadikit ng lalaki noon." awkward siyang humalakhak. "Pero hindi mo ba naisip na baka gawin ka lang niyang isa sa mga babaeng dumaan sa kanya noon?"

"Naisip." sagot ko dahil totoo naman, ilang beses ko na 'yang naisip bago pa niya sinabi. "Pero naisip ko ring, lahat nagbabago. Lahat naman ng bagay maaaring makapanakit sayo. Hindi lang siya. Sabihin na nating may nakita ako sa kanya na hindi ko nakita noon. That's why I give him the chance to prove it to me."

"Babaero siya, Jul--"

"I know."

"Bakit siya?"

Nginitian ko siya bago sumagot. "Dahil siya ang bumura sa ilang buwan o taon kong dinadala. Hindi siya sumuko kahit ilang beses ko siyang tinanggihan. Isang bagay na hindi niyo nagawa."

***