Chereads / Sana All (Walang Forever Series #1) / Chapter 13 - Kabanata 12 - Gusto

Chapter 13 - Kabanata 12 - Gusto

Hindi ko alam kung paano natapos ang gabi na wala akong imik. Ayokong makinig sa mga plano nila pero wala akong choice. I don't want to be rude too.

After talking about Mountain and Jammy, they proceed talking to the business and the benefits they can gain through merging. Mayaman ang Clark at kilala silang nagmamay-ari ng mga kilalang paliparan at eroplano sa buong mundo. They are a major investor too in some big schools, five star hotels, resorts and etcetera. Habang ang pamilya naman namin ay more on plane parts exports and real estate kaya fit talaga para sa kanila. And it's hurting me more. Dahil fit nga, hindi naman para sakin.

"Are you okay? I know you're just lying when you said you broke up, Julie." ani Mommy ng muli kaming makapasok sa sasakyan.

"I'm fine, Mom. Don't mind me." sabi ko na malayo ang tingin.

Hindi talaga pwedeng pangarapin ang mga bagay sa mundo. Nakakasakit lang. Napapaasa ka sa wala. But life must go on and it means you must go with the flow too. Mountain is just part of my yesterday that I must forget. He's a lesson to learn but only the lesson can remain. Never the person.

Aaminin ko. I miss our moments together. Sa mga araw na dumadaan at hindi na kami nagpapansinan pa, pasimple ko siyang sinisilip at naiisip kung bakit hindi nalang ako? Bakit hindi kami pwede gayong parehas lang naman kami ng pamilyang pinaggalingan ni Jammy. I can be his fiancee too.

Pero naiisip ko rin kung bakit hindi si Jammy? Am I jealous to think that we fit perfectly than her? Maganda si Jammy... bagay sila. Hindi ko lang maiwasang manghinayang. Umasa ako na kahit papaano, magtatagal kami. Pero mas kailangan siya ni Jammy. Hindi ko kayang isaalang-alang 'yon. Habang ako, na ang tanging nakikita ng lahat ay ang pader na itinayo para sa sarili, ay hindi kailanman nangangailangan ng tulong. Nakakatayo akong mag-isa. Matapang ako sa mga mata nila. Ang hindi nila alam, umiiyak rin ako. Lalo na kapag nasasaktan. But I'm strong. Strong enough to break my own heart.

Dahil tulad nga ng sabi ko, hindi ako marupok. Pero nadali parin ako ni Mountain.

"Ang bilis talaga ng karma, no?"naka-cross arms na sabi ni Avey na talagang sinadya pa akong harangan sa hallway.

Tinitigan ko lang siyang nanunuya sa akin kasama ang mga balimbing niyang kaibigan. Madaling kumalat ang balita lalo na't celebrity ang dating ng lolo niyo dito.

"So?" tinaasan ko siya ng kilay. Hindi niya ba alam na may klase pa ako at nakakaabala siya sa'kin?

"Ang bilis-bilis tumalab ng karma." patuya niyang sabi habang nakangisi at dinidiin ang bawat salita.

Napairap ako sa hangin. Edi mabilis. Atleast hindi ako papansin gaya mo. Naghahabol pa.

"Ang bilis di ba, Julie?" naaawa kunyaring sabi niya kahit nakaangat ang gilid ng labi.

I sighed. "Sing bilis ng buhay mo kapag hindi ka pa tumabi diyan. Tss. Tabi nga!" wakli ko sa kanilang nakaharang sa dinadaanan ko.

Ngunit kung anong bilis ko sa paghaklit sa kanila, siyang binilis naman ng mga kamay nila para sabunutan ako.

Walanghiya. May mas imamalas pa ba ako?

"Hindi ka pa namin pinapaalis kaya 'wag mo kaming talikuran!" may isang sumigaw sa nanabunot sa akin na nakapagpapikon sa akin. Malakas ko ring hinila ang buhok niya habang iniiwas ang sarili sa kanila.

"Bakit hindi? Hindi kayo magandang tanawin kaya 'wag kayong feeling! Letse kayo!" sigaw ko sa panggigigil.

"Aba-- ang lakas naman ng loob mong magmaganda gayong pinagpalit ka nga di ba? Wag ka ring feeling!"

"What are you doing?"

Sabay kaming napalingon sa biglang nagsalita sa gilid ng matigilan ako. It's Mountain.

Ilang sandali kaming nagkatitigan. Napaayos ako sa pagtayo. Hindi ko siya maramdaman. Parang ang lamig niya. Siya ang unang nag-iwas ng tingin sa pagitan naming dalawa. Natulala ako sa kawalan ng maramdamang parang nanlamig ang tiyan ko. Kinabahan ako sa hindi ko mawaring dahilan.

"M-Mountain! Nandiyan ka pala! Siya kasi e, masyadong papansin! Hinarang ba naman ako para awayin?" si Avey na mukhang tangang nag-iimbento ng kwento.

"Oo nga, Mountain! She's bitter kasi e! Narinig kasi naming hiniwalayan mo na siya? Totoo ba 'yon?"

"Gaga! Talagang totoo 'yon! Kailan ba nagtagal si Mountain sa isang relasyon? E si Avey nga isang linggo lang diba? Buti nga sila at medyo nagtagal pa!"

"Shut up!" sinamaan sila ng tingin ni Avey. "Mountain, papunta ka na ba sa classroom? Sabayan na kita?" tumingin pa si Avey sa akin sabay hawi ng buhok niya, nanunuya na para bang nakakainggit siya.

Pwes mukha kang tikbalang. Bitch.

Kakapit sana siya sa braso ni Mountain ng hawiin nito ang kamay niya. Sabay na nagtawanan ang mga kasama niya. Bahagya akong nakahinga ng malalim.

"Get the hell out of my sight, bitch."

Natahimik ang lahat. Muling lumipad sa kanya ang paningin ko. Kakampi ko parin siya? Parang may kung anong nabuhay sa akin. Ang tiyan kong nanlalamig kanina ay parang nililiparan naman ngayon ng paru-paro sa saya. Pero hindi niya na ako tiningnan pabalik.

"M-Mountain! Nilalabanan mo parin ba siya? H-Hindi ba't wala na kayo?" turo sa'kin ni Avey.

Tahimik akong napasang-ayon sa kanya kasama ng iba pa. Oo nga. Dapat hindi na siya kakampi sa'kin. Sinaktan ko narin siya. Nakipag-hiwalay na ako sa kanya kahit sinabi niya ng gagawa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal nila ni Jammy.

Jammy... ano nga ba ang kaya kong gawin para sa kanya? Siya lang ang natatanging pinsan kong babae na itinuring ko naring kapatid at kaibigan sa mahabang panahon. Mukhang masaya siya sa relasyon nila ni Mountain sa puntong nakakalimutan na niya ang ex niya.

"Sino bang nagsabi na nilalabanan ko siya? Gusto kong tumabi kayo dahil nakaharang kayo sa daan ko," malamig niyang sabi na agad tinanguan ng lahat.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig. Because at the back of my mind, I thought he's really going to save me even when I don't need it. Kaya ko sila pero mas sanay akong tuwing inaaway ako ay pinaglalaban niya.

Natulala ako sa mukha niya ngunit ni hindi niya man lang ako tiningnan.

"Oo nga no? Akala ko kung ano na e..." narinig kong bulong-bulong ng iilan.

"Okay! 'Yon lang pala e! Pupunta ka na sa classroom? Sama ako!" kumapit uli si Avey sa braso niya. Matagal akong napatingin dito, naghihintay na muli niya itong hahawiin para kumawala sa babae. Pero hindi 'yon nangyari.

"Tss."

Kitang-kita ko kung gaano ka-successful ang mukha ni Avey at nakalingon sa'kin. Kulang nalang ilabas niya ang dila niya tulad ng mga batang nanunuya sa mga kalaro nila.

Muli akong natigilan lalo na ng may biglang kumirot sa dibdib ko. Parang bumilis rin ang takbo ng puso ko sa kaba at pinahalo-halong nararamdaman. Shit. B-Bakit ang sakit?

Napahawak ako sa dibdib ko bago sila nilingon at sinundan ng tingin. Hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari. Naramdaman ko nalang ang pagtakbo ko, nagmamadali bago hinarangan ang dinadaanan nila.

Sabay-sabay silang napatigil dahil sa pagharang ko. Napatigil rin ang mga babaeng masaya na sanang nagkukwentuhan sa gilid niya. Pare-pareho silang napatingin sa akin ng nakakunot ang noo.

"Ano na namang drama 'to? Ano ba, Julie? Alam mo ba ang meaning ng break-up ha? Break na kayo! Bakit ka pa nandiyan? Gusto mong humabol?"

Hindi ko siya pinansin. 'Na kay Mountain lang ang tingin ko habang iniisip na, oo nga no? Bakit ako nandito? Bakit ako humabol sa kanila? Tapos na kayo, Julie! Wala ng kayo! Tinapos mo na para sa pinsan mo!

"Ano, may sasabihin ka ba?" malamig na tanong sa'kin ni Mountain. Napatingin siya sa kamay niya kung nasaan ang itim niyang relo. "May klase pa ako. Sinasayang mo ang oras ko," nag-angat siya uli ng tingin sa akin at napabuntong-hininga ng hindi ako makapag-salita.

Mas lalo akong nanlamig. Marami akong gustong sabihin sa kanya. Gusto kong mag-sorry. Gusto kong sabihing kasinungalingan lang 'yon lahat. Na hindi totoo ang mga sinabi ko sa kanya. Pero nawawalan ako ng lakas-loob ngayong nasa harap ko na siya.

Pinagtatawanan na ako ng iilang babaeng kasama niya pero wala akong pakialam sa kanila. Siya lang ang gusto kong makausap. Siya na panay ang tingin sa relo niya at nayayamot na kakahintay sa'kin.

"May sasabihin ka ba? It's almost time, Julie. Baka akala mo nasa labas tayo ngayon," sarkastikong aniya sa'kin.

Parang dinurog ang puso ko. Kahit kailan ay hindi siya ganyan sa'kin. Bakit, Mountain? Bakit sinasaktan mo na ako ngayon?

Naubos ang pasensya niya. Napayuko nalang ako ng hanggang sa kahuli-hulihan ay wala na akong masabi. Nakaalis na sila't lahat, nakatayo parin ako roon, nakayuko habang kagat ang labi para pigilan ang sariling maiyak sa sitwasyon.

Parang kailan lang ay wala siyang pakialam sa lahat maliban sa'kin. Parang kailan lang ay ako lang ang importante sa kanya. Bakit ngayon, ganyan siya? Dahil ba sa sinabi ko nung gabing 'yon? Kapag ba binawi ko 'yon, babalik siya sa'kin?

"Tsk, tsk, tsk, 'yan ba ang ipinagmamalaki mo sa'kin, Julie? The notorious playboy who's obviously done with you now? Amazing," umiling-iling sa'kin si Kly.

"Wala kang alam."

"Wala nga, pero matagal ko ng alam na hindi siya tumatagal sa isang relasyon. Himala pa nga 'yong sa inyo e," sarkastikong aniya.

Inis ko siyang nilingon na parang wala lang habang nakatingin sa'kin. Inayos niya ang suot na glasses bago ako tiningnan ng mabuti.

"Pwede ba? Wala kang alam kaya 'wag kang manghusga! Pare-pareho kayong walang alam! Bakit ba ang hirap para sa inyong tumahimik nalang?!" nanginig ang labi ko. Hindi ko narin napigilan ang pagtulo ng luha ko.

I'm so frustrated right now. Galit na nga ako sa lahat, sinasabayan niya pa.

"You're wrong. May alam ako. Alam kong dahil sa pinsan mong si Jammiene Claire kaya kayo naghiwalay. Dahil ikakasal sila diba? Sila ang ipinagkasundo ng mga pamilya niyo at hindi kayo. You know what? Bakit di ka nalang makipag-kasundo rin sa'kin? I'm willing, you know? Atleast sa paraang 'yon, patas kayo."

Tinalikuran ko ang walang kwenta niyang pinagsasabi. Aaminin kong nitong mga nakaraang araw ay siya nalang din ang sumusulpot na mas gugustuhin ko pa kaysa sa panghaharang nina Avey sa'kin.

Halos wala na akong maintindihan sa paaralan. Kaswal na kami ni King sa isa't isa pero malamig naman ang turing sa'kin ni Mountain. Of course, who would put up with me? Sino ba ako?

I'm just Julie Fernandez. I'm nothing but a bitch in this campus. Isang demonyitang walang pakiramdam. Palaban pero palaging naiiwan.

Pero dahil nga ba ito sa'kin o sa katotohanang wala lang talagang forever? Na walang taong na-s-stay sa iisang tao? Na walang taong kayang tumagal sa isang relasyon? Because seriously! The world is already full of drama because of some stupid break-up! Bakit ba kasi nauso 'yon? Bakit walang nag-imbento ng gamot sa heartbreak gayong buong mundo ang nakakaalam sa salitang ito?

Muli kong nadatnan si Mountain na kalampungan ang hindi ko na naman kilalang babae ngayon dito mismo sa bench ng field kung saan maraming nakakakitang tahimik na nag-aaral!

Malapit na ang exam bago ang christmas break namin kaya expected na na maraming tao ang maghahanap ngayon ng lugar kung saan sila makakapag-aral ng maayos. Classrooms are in chaos for everyone. Masyadong magulo, maingay, at labas-pasok ang mga tao para makapag-concentrate.

I sighed. What are you doing again, Mountain? Ano, pagkatapos natin, babalik ka nalang uli sa dati mong gawi? Kahit kayo ng pinsan ko? Hindi ko sinayang ang tayo para maging ganyan ka!

Hindi ko na nakayanan. Nagmartsa ako palapit sa kanila at tumikhim ng pagkalakas-lakas ng hindi tinitingnan ang malaswa nilang ayos.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya ng makita ako.

Nilingon ko sila at naabutan ang masamang tingin sa akin ng babae habang inaayos ang butones ng uniporme niya. Halos itaas na niya ng tuluyan ang palda ng uniporme niya kanina para lang malayang makagalaw ang kamay ni Mountain kanina. How shameful.

"Mag-usap tayo," lakas-loob kong sabi sa kanya.

Matagal siyang napatitig sa'kin. Ilang sandali pa bago niya palayasin ang babaeng kasama niya.

"But Mountain! Tapos na kayo right? Paano tayo?"

"We're not a thing, Yena. You're just my fling. Get lost," aniya bago tumalikod rito.

Napasunod ako sa kanya habang nakalingon sa babae na masama parin ang tingin sa akin ngayon, namumula na ang mga mata at handa ng maiyak habag tinitingnan kaming papalayo.

In fairness to Mountain, magaganda naman ang taste niya. Halos lahat ng babaeng nali-link sa kanya, puro makinis, matatangkad at sopistikada. Magaling sa pagdala sa sarili. Mga babaeng kilala sa buong campus bilang mga chix.

"What now? Do you finally realize what you've done? Makikipagbalikan ka na ba dahil narealize mong mas mahal mo ako kaysa dun sa gago mong ex?"

Napatingin ako sa bench na inupuan niya. Tinap niya ang tabi para paupuin ako sa tabi ng mga gamit kong iniwan rito kanina. Alam niyang sa'kin 'to huh? Alam niya bang nandito ako all the time na nakikipaglampungan siya doon? Sinasadya niya ba ang lahat ng ito?

"No," agad siyang napaismid.

Napabuntong-hininga ako habang nakatayo sa harap niya at mariin siyang pinagmamasdan. Mas humaba ang buhok niyang bagay parin naman sa kanya. Tumingin rin siya sa'kin kaya bahagya akong nakaramdam ng ilang, lalo na ng mariin niya rin akong pinagmasdan habang nakahawak ang isang kamay sa labi. He looks more playful ang intimidating with his aura now. Gwapo kaya hinahabol parin ang gago.

Gustong mangatog ng mga binti ko habag nagkakatingin lang kami. Tulad ng dati, wala parin akong masabi. Kakaiba ang pakiramdam ko tuwing nagkakaharap kami kaya nawawala ag mga gusto kong sabihin sa kanya.

"I know you're beautiful, Julie. Pero kung hindi ka rin makikipagbalikan sa'kin, mas mabuti sigurong magsalita ka nalang kaysa masayang ang oras natin sa pagtititigan dito--"

"Kumusta kayo ng pinsan ko?"

Nagtaas siya ng kilay. "Oh, you're interested now?"

Napangiwi ako sa kanya.

"How do you want me to explain? Gusto mo ba ng detalyado, Juls?" nang-aasar na aniya.

"Sagutin mo nalang ang tanong ko, Mountain."

"We kissed, we almost fuck last--"

"Hindi 'yan ang tinatanong ko!" sigaw ko sa irita.

Napangisi lang siya sa naging reaksyon ko bago ako muling pinakatitigan. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Nanginginig ang mga kalamnan ko ngayon at gusto ko nalang siyang sugurin para hambalusin sa mukha ng hindi niya na ako mairita diyan!

"So you kissed? And almost fuck! Pero andito ka at patuloy paring nambababae? Anong klaseng relasyon 'yan?!" galit kong tanong sa kanya.

Gusto ko siyang kalmutin dahil parang wala lang sa kanya ang lahat habang tinititigan akong magalit sa harap niya. Bakit ba siya ganito? Gusto niya rin ba akong durugin dahil nasaktan ko siya?

"What do you expect us to do, then? Make love? I don't love her!" aniya at natawa. "I'm not married to her. Basically, I'm still single so I'll do whatever I want! Hindi naman ako nangakong pakakasalan talaga siya e. Gagawa nga ako ng paraan para makawala diba? You really want me to marry your pregnant cousin just so you could escape from humiliation? Isn't that a selfish act?"

"Pero hindi ba 'yon ang gusto ng mga magulang niyo? You can both benefit from each other! Bakit pa kayo ipinakilala kung ganun!"

"Our company can stand without yours, Juls. My mother just want me to see if I wanna marry her. My father wants it, but I don't. Can they really force me? No. I have my own mind. I know what I want."

"Then, bakit nagde-date pa kayo kung ganun? Bakit hanggang ngayon pinapaasa mo parin siya kung may balak karing makipag-hiwalay sa kanya?"

Sumeryoso siya at bigla ay nawala ang ngisi sa mukha niya. Nagkatitigan kami. Nag-iwas ako ng tingin habang ramdam parin ang pagsunod ng tingin niya sa'kin.

"Hindi ba't ito ang gusto mo?" aniya na para bang ito ang nakita niyang sagot sa pakikipag-break ko sa kanya. "O... ito nga ba?"

***

Related Books

Popular novel hashtag