Tutuloy na sana ako sa classroom ng makasalubong ko naman si King, nakapamulsa habang nag-iisang naglalakad sa hallway.
Hindi ko sana siya papansinin kung hindi lang siya nag-angat ng tingin bago ako tipid na nginitian.
"Julie..." aniya.
Tumango ako at akmang lalagpasan siya ng pigilan niya ako sa braso. Napatigil ako bago tinignan ang kamay niyang pumipigil sa'kin. Tinignan ko ang nangungusap niyang mga mata, nagtatanong kung anong ginagawa niya.
"Can we talk?" tanong niya. Hindi ako nagsalita kaya agad nangalap ang mga mata niya. "I-I mean, even just for a while? Sandali lang talaga."
Napabuntong-hininga ako bago tumango. Naglakad siya kaya sumunod ako hanggang sa makarating kami sa bitter garden. Naupo siya sa isang bench doon habang nakatingin sa mga bulaklak. Nanatili naman akong nakatayo dahil sabi niya sandali lang daw. Walang dahilan para magtagal ako.
"Now, talk." kalmado kong sabi habang nakatingin narin sa mga bulaklak na tahimik na inuugoy ng hangin.
Sandali siyang humalakhak habang nakatingin sa'kin, kita ko mula sa gilid ng aking mga mata. "Pwede bang maupo ka rin? Sandali lang naman. Hindi naman siguro magagalit si Mountain?"
Para wala na siyang masabi ay umupo nalang ako, kabilang dulo ng inuupuan niya. Ilang sandali pa kaming nanahimik bago siya magsalita.
"I-I don't know how to start this conversation, honestly... but I wanted to say sorry for everything." panimula niya.
Gusto kong matawa. Sorry, really?
"Alam mo bang hindi ako nagsisisi sa lahat, Juls? For the past months, Claress' been my everything. My happiness, my friend, my listener, sa kanya ko natutunan ang lahat ng mga bagay na kinailangan ko noong maghiwalay tayo--"
"Dinala mo lang ba ako rito para insultuhin?" prangka kong tanong sa kanya.
Agad siyang naalarma bago umiling-iling. "No! Hindi sa ganun. Gusto ko lang na magkalinawan tayo. Please, listen. Gusto ko ring sumaya ka na ng tuluyan at alam kong hindi mo 'yon magagawa hangga't walang closure sa parte natin. Kasi aminin mo man o hindi, alam kong bitter ka sa nangyari sa'tin."
Napangiwi ako. Sinong magiging hindi sa ginawa niya? Ano ako? Bagay na walang pakiramdam? Na pwedeng kahit saan lang iiwan ng amo niya? Na pwedeng hindi na balikan? Na hindi nasasaktan?
"Just get to the point, King. May klase pang naghihintay sa'kin." sarkastikong sabi ko.
"Hindi papasok si Miss ngayon dahil masama raw ang pakiramdam."
"Still!"
Nagbuntong-hininga siya. "Ng malaman kong may nakatakda na palang ipakasal sa'kin, noong una, hindi ako naalarma. Kasi pwede ko namang tanggihan nalang 'yon pagdating ng araw. Pero nung magkita kaming muli ni Claress, parang naging blangko ang utak ko, Juls. She's my ex girlfriend, ang taong ipinagpalit ako sa iba pero nung mga oras na 'yon ay bumabalik sa'kin. Ilang araw kong pinag-isipan ang lahat ngunit alam kong... talagang mas matimbang ang nararamdaman ko sa kanya kaysa sayo..."
"Kaya mas pinili mo siya kaysa sa'kin." tumatango-tangong sabi ko. Peke akong natawa. Halata naman. Iniwan niya nga ako para dito e.
"Hindi ko sinasadyang saktan ka, Juls. Pero may mga bagay talagang wala sa'tin ang control. Nagmahal lang din ako, nasaktan, binalikan at muling nagpakatanga. Pero wala e. 'Pag mahal mo 'yong tao, willing kang gawin ang lahat para sa kanya. Kahit pa ikatatanga mo ito para sa iba." bahagyang nakangiting aniya. "Nabuntis si Claress kaya mas pinili kong magpakalayo. Ilang araw lang mula nun ay nakunan rin siya at ilang araw na parang nawala sa sarili. Nawala 'yong anak namin. Nasasaktan rin naman ako dahil sa nangyari sa'tin pero mas nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak, Juls. Nagmamakaawa na huwag ko siyang iwan. Akala niya kasi, 'yong bata lang ang habol ko sa kanya. Pero hindi, hindi nawala 'yong nararamdaman ko sa kanya kahit pa naging tayo... sorry."
Hindi ako nagsalita. Tapos narin naman ang lahat. Might as well just listen to him and get this over with. May Mountain narin naman ako. Si Mountain na alam at ramdam kong nagmamahal sa'kin.
"I'm sorry, Juls. Mahalaga ka rin naman sa akin lalo na't may pinagsamahan tayo, pero nung mga panahong 'yon, kailangan kong mamili mula sa inyo. Ang mali ko lang ay hindi ako nakapagpaalam sa iyo. Hinayaan kitang umasa sa'tin kahit alam kong masasaktan ka--"
"Alam mo kung anong masakit sa lahat?" tiningnan ko siyang natitigilan dahil sa pagsasalita ko bago tipid na nginitian. "'Yong maiwan ng walang salita, umasa sa wala, at patuloy na pangarapin ang isang relasyong sira, 'yon! Hindi ako tanga para umasa pero ginawa ko, hindi ako mangmang para hindi makaramdam pero binalewala ko ang lahat dahil sa pag-aasam ng mga salitang 'mahal kita' mo. Ang nakaka-disappoint lang, hindi mo pala ako mahal pero lagi kang nag-iiwan ng mga katagang 'yan bawat araw sa'kin. Na sana hindi ko nalang narinig, para hindi na ako naghintay at umasa sa salitang wala naman palang katotohanan."
"I'm sorry, Julie. I'm truly sorry--"
"Isa pa 'yan, King. Gaano kahirap humingi ng tawad para abutin pa ito ng ilang buwan? Kahit sa text wala akong natanggap. Hinayaan mo akong magpakatanga. Kahit ilang beses na akong tinaboy sa inyo, pilit parin kitang hinahanap. Walangya, sinong hindi maghahanap? Sinong hindi magtatakang bigla nalang hindi nagparamdam sa'yo ang isang taong pinaka-iniingatan mo?"
"Dahil ng mga oras na 'yon, hiya ang lumukob sa'king lumapit pa sayo, Juls. Nahihiya akong harapin ka habang kami rin ni Claress sa likod mo. Hindi kaya ng konsensiya ko."
Napabuntong-hininga ako. Naiintindihan ko naman siya. Maraming nagagawa ang pagmamahal. Kahit mga bagay na hindi mo inaasahang magagawa mo nagiging posible dahil dito. Love makes you move impossibly.
"Sana mapatawad mo ako, Juls." aniya bago kami naghiwalay para maupo sa kanya-kanyang upuan sa loob ng classroom.
Sino ba naman ako para hindi magpatawad? Diyos nga, pinatawad tayo sa kabila ng kaliwa't kanan, mula ulo hanggang paa, at abot langit nating kasalanan, ako pa? Hindi madali pero maaari. Walang imposible kung gagawin. At tulad nga ng sabi ng iba, nakaraan na yun. Kung hindi na maibabalik pa sa dati, pakawalan mo nalang. Tulad ng pagpapakawala mo sa sarili mo. Pagpapalaya sa nakaraan at sa sakit na naidulot nito.
Sunod-sunod ang klase namin ngayon kaya hapon narin ako nakalabas ng classroom. Tahimik kong nilakbay ang hallway ng makita ang nakangising si Avey sa'kin. What do I expect to a bitch like her? Mapagpanggap na okay kahit hindi.
Tinaasan ko siya ng kilay bago nilagpasan.
"Thick-face, bitch!" dinig kong aniya na hindi ko pinansin. Wala naman ako makukuha sa kanya.
Nasa loob na ako ng sasakyan pauwi ng bahay ng tawagan ako ni Kelly. Hindi kami nagsabay kanina dahil may practice siya sa theatre.
"Guess what? Alam mo ba kung anong nalaman ko ngayon-ngayon lang?" aniya hindi paman ako nakakabati.
"Ano?"
"Okay pa ba kayo ni Mountain?"
"Why?" tanong ko. Nandon naman siya kanina nung mag-usap kami kaya anong bago? Hindi naman kami nag-away kanina ah?
I heard her sigh. "Totoo bang may fiancee siya?"
"What?" kumunot ang noo ko.
I heard her sighed again. "Hindi ko alam kung totoo, bhe. Narinig ko lang na pinag-usapan nila dito. Totoo bang may fiancee siya?"
"Of course, wala! Ako ang girlfriend niya kaya paano siya magkaka-fiancee, Kelly? I'm still her girlfriend! We're still young!" I sighed.
"Sabi ko nga. But might as well confirm it yourself. Mabuti na 'yong naninigurado kaysa sa huli, madehado, Juls."
I sighed again before rolling my eyes as she hang up the phone. Ano na naman bang pakulo 'to ng mga tao? Wala lang mapagdiskitahan kaya kami ang ginugulo?
I tried calling Mountain but he's not aswering the phone. Siguro ay busy nga talaga siya. But it's because of a family matter. Hindi tulad ng iniisip nila.
I tried calling him again at home but it turns out the same. At kung magri-ring man, busy ang linya.
"Julie, magbihis ka na! Iniimbitahan tayo ng tito mo sa kanila! You know how much he hate waiting!" sigaw ni Mommy mula sa labas.
"Yes, Mom!"
Naligo nalang ako at nagbihis ng desenteng damit. May occasional dinner kami sa bahay nina tito- ang daddy ni Jammy. And usually, may gusto siyang sabihin o ipaalam kapag ginagawa ito. Siya man kasi ang namamahala sa kompanya nila ay madalas niya paring ipinapaalam kina Mommy ang mga desisyon niya. Hindi lang dahil kapatid niya ang mga ito, o hindi siya sigurado sa mga desisyon niya, kundi dahil gusti niya ring marinig ang mga opinyon nila ukol dito.
"Hindi ko alam kung anong pag-uusapan natin, but I think it's all about Jammy's situation now. Narinig ko minsan ang kuya na ipapaset-up ang kasal nito. Ayaw niyang maulit ang nangyari sa akin noo." ani Mommy sa akin habang lulan kami ng sasakyan.
"Isn't that unfair? Baka ayaw ni Jammy?"
"Wala siyang magagawa. Napakabata pa niya para maging ina. At hindi nila mapilit ang nobyo nitong panagutan sila. Aside from that, kuya doesn't like that boy for Jammy. Masyadong babaero. Kabila't kanan raw ang babae. Hindi namn ganun kayaman para habulin pa raw."
Natawa ako sa sinabi niya. Although mabait si tito, hindi naman mawala-wala rito ang pagiging strikto at prangka. Wala siyang pinalalampas kahit kapamilya. Pero nagtataka parin ako.
Kung ipapakasal niya nga talaga si Jammy sa kalagayan nito, ba't pumapayag 'yong lalaki na maging ama ng baby nito? Posible kayang may ganun? Maganda si Jammy pero marami namang magaganda sa labas na walang sabit. Mayaman ngunit marami namang mas mayaman pa. And it's not like I don't want it, I want Jammy to be happy. At hindi ko alam kung masaya siya sa desisyong ito.
***