Chereads / Sana All (Walang Forever Series #1) / Chapter 12 - Kabanata 11 - Fiancee

Chapter 12 - Kabanata 11 - Fiancee

"Julie!" Jammy beemed after seeing me. Bumeso muna siya kay Mommy bago yumakap sa akin.

Gusto kong mamangha ng makitang hindi man lang malungkot ang itsura ni Jammy ng salubungin kami sa kalakhan ng mansion nila, bagkos ay parang tuwang-tuwa pa siya.

That's new huh? Samantalang noon ay problemadong-problemado siya dahil sa nobyo niyang napaka-babaero. She looks blooming too with his white casual dress and light make-up. Hindi ko tuloy mapigilang tumingin sa tiyan niya na hindi pa naman klaro.

"Jammy... you look happy," nakangiting puna ko sa kanya ng dumiretso na si Mommy sa loob para batiin si Tito Julio.

"Well, it's because of this someone I just met. We date only twice but I already like him. He's so gentleman... and handsome. He's every girl's dream... and he'll soon to be mine!" ngiting-ngiting aniya habang akay-akay ako patungo sa dining area kung saan ang lahat.

Iilang kasamabahay nalang ang sumalubong sa amin kanina upang igiya kami sa dining kaya hindi ko inaasahang pati si Jammy ay sasalubong. Ang akala ko nga ay magmumukmok siya dahil sa gagawin ni Tito.

"Well, n-naka move on ka na ba kay Ian?" nag-aalinlangang tanong ko sa kaniya sa pag-aakalang baka masaktan siya kapag binanggit ko pa.

"Of course! Duh? Hindi siya kawalan!" masiglang aniya sabay irap.

Napapangangang napatitig ako sa kanya. That was fast! Is really inlove like she's claiming before? Is she kidding me?

"Are you for real?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Napahinto siya at humarap sa akin. "Natanto ko kasi na kung balewala ako sa kanya, bakit pa ako magkakaroon ng paki? If he wants me to let him go, then why not? Total, hindi narin naman nagwowork ang relationship namin, Julie. You know that."

"Oo, dahil babero siya. Pero hindi ba't parang ang bilis naman? Parang kailan lang, iyak ka pa ng iyak dahil sa kanya tapos ngayon? Really? Totoo ba to?" namamanghang napatawa ako.

"Julie, hindi mo kasi naiintindihan e. Inlove ako. Inlove na ako sa iba kaya bakit pa ako masasaktan, right?"

"Sino ba itong lalaking 'to at ba't parang ang bilis ka niyang binihag?" nagtaas ako ng kilay at napapaisip.

Alam ko namang magical ang love kahit nakakasakit pero kasi... talagang hindi lang ako makapaniwala. Ang inaasahan ko sa Jammy na kaharap ko ngayon ay mag-iiiyak at magmamakaawa kay tito na huwag ng ituloy ang arrangement ng kasal. Hindi tumatawa at parang umuudyok pa kay tito para ipagpatuloy ito.

"He's dreamy, Julie. Ang mga katangian niya ang hinahanap ko sa katauhan ni Ian noon na as you see, hindi naman niya naibigay."

Napatango-tango ako. Atleast mukhang hindi gago itong lalaking ito. Kung nagustuhan siya ni Jammy, imposibleng hindi siya magustuhan naming lahat.

"Good for you. Sana ganun rin siya sa baby mo." sabi ko nalang bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

Excited naman siyang napangiti habang nagkukwento. "Well, he's extra caring because of that. Sinamahan pa nga niya ako sa OB ko e." aniya bago umuklo sa tainga ko para bumulong. "Feeling ko rin siya ang daddy ng baby ko. Because there's this one time na nag-bar kami ng mga friends ko, may naka-one night ako sa sobrang kalasingan dala narin ng mga away namin ni Ian. I'm guilty, you know. Pero ng makita ko siya. Parang hindi ako maaaring magkamali. At inaamin niya ring madalas siya sa bar at mahilig mambabae kaya ayon. Malakas ang kutob ko."

Napapaawang nalang ang mga labi ko kay Jammy. Hindi ako lubos makapaniwala sa mga pinagsasabi niya. Bumati pa ako kina tito na nasa kabisera ng dining at Jamiel Clause na kambal ni Jammy bago naupo sa tabi ni Mommy.

"Kuya, isn't it unfair to Jammy's part? Baka hindi niya gustong maikasal ng ganito kaaga... at sa taong maaaring hindi niya gusto." marahang sabi ni Mommy kay tito na magkahawak ang mga kamay sa lamesa.

Mataas ang lamesa nila sa dining at kasya ang sampong tao. Unti-unti ng naghahanda ang mga katulong sa pagkain namin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung pati sa kabilang banda na walang katao-tao ay nilalagyan ng plato at kubyertos. May iba pa ba silang inaasahang bisita maliban sa amin?

All of them dress formally too, not like we're out of place but... I think there's something that's coming. Pati ang mga katulong ay parang ni-ready nila.

"I don't think so." ani Tito na umiinom ng tubig sa baso bago nilingon si Jammy na nakangiting tumango-tango sa kanilang dalawa ni Mommy.

"Are you sure, hija?" nag-aalalang tanong ni Mommy rito.

"Yes, tita. Don't worry. Nagkita na kami at wala naman pong problema."

"Well, that's good, then. When is the final announcement? May engagement party ba to formally introduce each families?" tanong uli ni Mommy.

Tahimik lang akong nagmamasid sa kanila habang si Clause ay nakasandal pa sa upuan at nakapikit. Must be hectic in the office for him to act this way.

"Actually, pupunta po sila ngayon. But we will still arrange an engagement party para malaman ng lahat ang pagme-merge ng dalawang makapangyarihang pamilya sa bansa." ani Jammy. She looks excited and I'm happy for her. Ngayon ko lang siya ulit nakikitang tumatawa ng ganito.

Eksakto namang maayos na ang lahat ng may dumating na mga panauhing pinagkaguluhan pa ng bahagya ng mga katulong na sumalubong. Nangunguna ang mag-asawang tila mga royalties sa tindig at kilos. The man looks handsome and aristocratic, while the woman looks sophosticated in her evening casual dress and heels. Matangkad ang lalaki at hanggang leeg naman niya ang babaeng nakangiti pero pormal parin ang dating.

Pare-parehong kaming napatayo habang nagkukumustahan sila nina tito. Pati si Mommy ay parang kilala sila. Magalang nalang din akong bumati ng bumaling sila sa akin at tumango. Muli kaming naupo ng makapwesto na sila.

"Olympus, nandito pala kayo! Akala ko aalis ka rin ng magkita tayo sa airport!" ani Mommy sa lalaki.

Olympus... a bit familiar. How weird his name is. Hindi ba't ito ang tirahan ng mga greek gods? Mount Olympus? Gusto kong matawa sa naiisip. Sabagay at bagay naman sa kanya. Unique at gwapo.

"We're about to leave too when Julio made a call. Ayoko namang biguin siya kaya't pinagbigyan ko na. Total ay para naman 'to sa mga anak namin." nakipagtawanan ang lalaki kina Mommy at tito Julio.

Tipid namang ngumingiti ang asawa niya sa gilid. She look sophistically timid and strict. Bahagya siyang napatingin sa aking nakatingin sa kanya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Nakakakaba siyang tumingin. Pakiramdam mo mahuhuli niya bawat pagkakamali mo.

"She's your daughter, Julianna?" tanong ng babae kay Mommy kaya muli akong nag-angat ng tingin sa kanila.

"Ah, yeah. She's Julie, by the way. Pinsan ni Jammy at Clause." pakilala ni Mommy sa akin dito.

"Julie... hmm." tumango-tango ito.

"Bakit, Xia? May problema ba?"

"Nothing. Her name just sounds familiar." sabi nito at ipinagkibit-balikat ang lahat. Even her voice is intimidating.

Hindi ko alam kung paano siya pakikisamahan ngayong nakatitig siya sa akin at parang binabasa ang bawat tipid kong kilos. Ngumiti na lamang ako sa kanya bago muling nag-iwas ng tingin sa nakakalokong kanya. Her eyes is reminding me of someone. Deep and mischievous yet, dangerous.

Muli lamang akong nag-angat ng tingin ng mula sa pintuan ay muling may tumambad na isang pamilyar na tao. Formal too like his probably, dad, while wearing a loongsleeve polo. At parang gustong umurong ng tapang ko ng mapagtagpi-tagpi ang lahat.

"Mountain!" agad na nakangising bati sa kanya ni Jammy ng magkalapit. Parang gusto pa niyang muling tumayo para sumalubong rito kung hindi lang siya pinigilan ni Tito.

"Good evening." pormal na bati niya sa lahat bago nagtagpo ang mga mata namin. Alam kong nagulat siyang makita ako ngunit nag-iwas siya ng tingin bago umupo sa tabi ni Jammy.

"Good evening. Diyan ka na maupo sa tabi ni Jammy, hijo." sabi ni Tito sa kanya na tinanguan lang niya.

"Mabuti nakarating kayo." rinig ko pang bulong ni Jammy rito kahit nag-anunsyo na si tito para sa pagkain muna bago muling mag-usap-usap.

"Yeah, sorry I'm a bit late, may pupuntahan pa sana ako..." aniya bago muling nagtagpo ang tingin namin ngunit ako na ang nag-iwas ng tingin.

Halos wala na akong pakialam pa sa mga pagkaing nasa harapan. Gusto kong suminghap ng maramdamang parang habang tumatagal ay humihigpit ang dibdib ko sa hindi ko malamang kadahilanan. I felt numb and I can't concentrate anymore. Ramdam at pansin ko ang paulit-ulit na baling ni Mommy sa akin ngunit parang nawalan na ako ng paki dahil kahit sariling nararamdaman ko, hindi ko maintindihan.

Ang bigat ng dibdib ko habang kumakain kami. My tears are forming but I force myself to stop it. Hindi ako magmumukhang kawawa dito habang parang wala lang kay Mountain ang lahat. He looks normal throughout the dinner while I'm full of question towards their presence. Na alam ko naman kung bakit.

Bakit nandito ang boyfriend ko sa panahong ipapakilala ni Jammy ang pamilya ng magiging asawa niya? God knows I prayed for someone to appear on the doorway and come here to be introduce as Jammy's fiancee. Pero wala. Walang dumating na ibang lalaki para magpakilalang fiancee ni Jammy sa gitna ng lahat. At habang tinatanggao ko ang lahat ng iyon, mas lalong sumasakit ang puso ko.

Mommy cleared her throat after a while. Lumingon muna siya sa akin at kay Mountain bago nagsalita. "Mountain, I thought you and Julie are a thing." mahinahong aniya na tila pati siya ay naguguluhan.

Hindi ko naman siya masisisi dahil kahit ako, nagugulat. Tumuwid ako sa pagkakaupo at iniwala ang lahat ng emosyon sa mukha bago humarap sa lahat.

"Really?" mapanuyang ani ng isang boses na alam kong iyong Mommy ni Mountain. Sumisimsim siya ng wine habang pinagmamasdan ako bago ang anak niya.

"Wala na kami, Mommy. We broke up." malamig kong sabi at tipid na ngumiti sa lito ng mga mukha ng iba.

"Julie, talaga? Naging kayo ni Mountain?" hindi makapaniwalang tanong naman ni Jammy.

Gusto kong ngumiwi ngunit alam kong walang kasalanan si Jammy. Wala siyang alam. At habang naiisip kung paano siya masaya habang ikinu-kwento ang tungkol sa fiancee niya na si Mountain pala, alam kong wala akong pusong burahin pa iyon.

"Sandaling panahon lang, Jammy. Alam mo namang hindi ko kailanman makakalimutan ang ex ko." tipid ko siyang nginitian bago bumaling sa lahat. I'm not supposed to be the topic here, why do I feel the hotseat? "Excuse me, bathroom break lang."

Hindi ko na hinintay pa ang pagsang-ayon ng lahat. Agad na akong tumayo at dumiretso sa labas para makapagpahangin. I feel suffocated inside. Naiinis ako sa sarili ko. Dahil sa ikalawang pagkakataon...

... napaglaruan na naman ako.

Gusto kong magwala sa inis. Ang luhang hindi nagpapigil sa pagtulo ay agad kong pinahid at hindi na muling nagpatulo pa. Bakit ako iiyak? Bakit ako magmumukhang kawawa? Oo, ako ang naloko. Pero hindi ako pwedeng masaktan. Hindi ba't hindi ko naman siya ganun ka gusto? Maaaring sinagot ko lang siya dahil nakukulitan ako sa kanya.

Pero shit! Sa ikalawang pagkakataon, nagpauto ako. Pota! Akala ko ba mahal mo ako?! Gusto kong magsisigaw para ilabas ang kumukulo kong damdamin.

Bakit ganito? Ano na namang kulang sa akin? Gusto kong magpapadyak sa bermuda sa lahat. Ang malalalim kong buntong-hininga at padahas na paglalakad ang tanging nag-iingay sa malamig na bakuran ng mansion.

"Julie..." nilingon ko ang pangahas na sumunod sa akin at agad nag-iwas ng tingin ng makita si Mountain.

"What are you doing here?"

Hindi siya agad nakapagsalita. Narinig ko pa siyang sumabay sa malalalim kong buntong-hininga bago naglakad patabi sa akin. Agad akong lumayo sa kanya na bahagya niya pang ikinagulat bago mapaklang napahalakhak.

"Ano pa nga bang bago..." bulong niya na hindi ko masyadong makuha. "So you still love your ex huh?"

"Paki mo. May fiancee ka naman pala e. At talagang pinsan ko pa." matalim kong sabi sa kanya. Hindi ko na alam kung saan pa matutuwa.

"Bakit mo ako sinagot kung ganun?"

"Kailangan ko pa ba 'yang sagutin, Mountain?"

Muli ay mapakla siyang napahalakhak. "So all this time, talagang panakip-butas mo lang pala ako. Dahil andiyan 'yong ex mo."

Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang banggitin 'yan. Ano bang ipinupunto niya?

"And I didn't know that we broke up."

"Anong gusto mong sabihin ko sa loob, Mountain? Na tayo kahit obvious naman na ipinagkakasundo kayo ni Jammy ng mga magulang niyo?"

"Hindi naman sa ganun, Juls. Pero hindi ba't okay pa naman tayo? Are you breaking up with me now?"

Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. Are you serious, Mountain?

"Magpapatuloy pa ba tayo gayong obvious naman na ipapakasal kayo?"

"I can always decline, Juls." aniya at marahan akong inabot. Napatitig ako sa kamay niyang nasa braso ko. Napailing-iling ako bago umatras dahilan para mabitawan niya ako. "Maliban nalang kung may iba kang dahilan para makipaghiwalay sa'kin."

"Huwag mong ibaling sa akin ang nangyayari ngayon, Mountain. Dahil hindi mo alam ang gulat ko ng malamang 'yong boyfriend ko ay may fiancee pala." mariin kong sabi dahilan para matigilan siya. "Hindi pa ba sapat 'yon para makipaghiwalay ako sayo?"

"I'm just finding time to tell you. Hindi ko inaasahang nandito kayo ngayon."

"Na siguro'y ipagpapasalamat ko. Dahil hindi ko gustong maging katawa-tawa sa lahat ng unang makakaalam sa akin habang hinihintay 'yang time na sinasabi mo."

"Juls..." aniya at muling umambang hahawak sa akin.

I want to look away at his sad face like I'm breaking him somehow. He's deceiving. Paano siya masasaktan gayong ako ang nasurpresa? He should expect this coming. Hindi pwedeng kami habang fiancee siya ni Jammy.

And Jammy. Alam kong masaya siya kay Mountain. Gusto niya si Mountain. Nakikita ko 'yon sa kanya habang nagkukwento tungkol dito. Kaya ko bang sirain 'yon para sa pansarili ko?

"Ititigil ko 'to. Just trust me, please? And don't break me up... babe."

Gusto kong maiyak. Hindi dahil naaawa ako sa kanya kundi sa sarili ko. Naaawa ako sa sarili ko dahil kung kailan ako nahuhulog, tsaka naman kailangang putulin. Kung kailan ko pinagbigyan ang sariling muling sumaya, tsaka naman hindi na pwede. Isn't it sad?

I look at his handsome face that is admired by many at naalala ang mga panahong sinusuyo niya pa ako. Mga panahong kahit ayokong matawa sa kakornihan niya ay pasimple ko paring nagagawa dahil sa kakulitan niya. Bakit kailangan may ending?

"Please, Mountain. Maawa ka sa akin. Iwan mo nalang ako." nagsusumamong sabi ko sa kanya. Masarap marinig na pwede pa. Na magagawan niya pa ng paraan. Pero makakaya ko kaya? Makakaya ko kayang makitang muling luluha ang pinsan ko kapag nagpaka-selfish ako?

"Nagkabalikan ba kayo? Someone told me that you talk to your ex. Kaya ba gusto mo naring makipaghiwalay sa'kin ha?" matalim ang mga mata niyang tumuon sa akin na kahit sa dilim ng gabi ay nakikita ko parin dahil sa mga ilaw sa paligid na umaabot sa kinalalagyan namin. "Hindi ako naniniwalang dahil lang ito sa amin ni Jammy gayong magagawan ko pa naman 'to ng paraan. I told you to trust me. What happened now?"

"Wala ng iba, Mountain. Ano pa bang hahanapin mo? Why don't you just accept it and leave peacefully? They might be talking now about your incoming wedding." napapangiwing sabi ko ng may sama ng loob habang nag-iiwas ng tingin sa kanya.

I know I am strong. Kahit pa madalas ay pini-peke ko ito. Alam kong malakas ako. I don't cry easily but if I did, I am totally in pain. At hindi ko ito gustong mangyari. Dapat nakita ko na ito. Masasaktan at masasaktan ako ni Mountain, pero ba't naninibago parin ako?

All my life, my Mommy raised me finely even without any guidance from my dad. At napalaki naman niya ako ng maayos. Hindi ko rin kailangan ng lalaking lolokokin rin naman ako.

"Julie, please... let's not break this way."

"I don't love you." walang gatong kong sabi na nagpatigil sa kanya.

Muli ay naghalo ang emosyon sa akin. Isang naniniwalang totoo ang sinasabi ko at isang hindi naniniwalang wala akong nararamdaman sa kanya. But as I slowly feel my breaking heart while watching his pained reaction, I know.... nararamdamang kong kapag nawala siya'y masasaktan ako. And it's scaring me. I'm scared for the truth that it's easy to lie.

Ngunit ano pa nga bang totoo sa puntong ito kundi tanggaping fiancee siya ng pinsan ko kaya hindi kami pwede. My feelings are invalid at this moment. May mga mas mahahalagang bagay maliban dito.

"I don't love you so please... stop this. Let's break up." I said bravely before turning my back on him.

It's hard to let go but it's always hard to decide when you're in between the things you love.

***