Chereads / Sana All (Walang Forever Series #1) / Chapter 6 - Kabanata 5 - Inuungol

Chapter 6 - Kabanata 5 - Inuungol

"Walangya ka! Sinong niloloko mo?" Hampas ko sa kanya na tinawanan lang niya.

"Let's just go. Ihahatid na kita."

"No, thanks. I have my own driver. Baka ano pang magawa ko sayo."

"Kahit halik pa 'yan, babe, okay lang," aniya bago ako inakbayan at iginiya palabas. Sisikuhin ko sana siya ng bigla siyang bumulong. "'Wag ka ng umangal. 'Yong ex mo nanunuod ng may kasama. Ikaw nakatunganga ng mag-isa. Tss. Ba't di pa kasi ako sagutin e. Nagugwapuhan naman."

"Wow! Nahiya naman ako sa taas ng self-confidence mo. Palibhasa, hindi ka pa pinag-aantay ng mga babae mo e. Ngayon, nganga ka, maghintay ka sa wala!" marahas kong tinanggal ang nakaakbay niyang kamay bago naunang maglakad.

"Talaga lang ah? Kung ngayon nga, parang tayo na? Pakipot ka pa kasi e."

Hindi ko siya sinagot. Mas tumataas ang usapan hangga't sinasagot ko siya. Nahiya na nga ata ang bagyo sa kahanginan niya e. Gwapong-gwapo sa sarili!

Natigilan ako ng may maalala. Napasapo ako sa noo at biglang namroblema. Oo nga pala, may isang subject kaming kailangan ng powerpoint para ipresent by pair. At sa kasamaang palad, exempted si Kelly sa subject dahil sa pinaghahandaan nilang show sa december. Parte kasi siya ng drama club na madalas nagpa-practice ng mga bagong pakulo.

"Oo nga pala, kailan tayo gagawa ng powerpoint presentation, babe? 'Wag ka ng mag-alala sa laman, kabisado ko ang reproductive system." Epal ni Mountain na hanggang ngayon ay sinasabayan parin ako.

At oo, sa kasamaang palad uli, kaming dalawa lang ang naiwan kanina kaya kami ang pares... na halata namang sinadya ng lahat dahil narinig kong nakiusap sa kanila si Mountain.

"Kabisado mo na pala, edi ikaw nalang gumawa!"

"Hindi pwede 'yan, babe. Paano ako makakabuo kung ako lang mag-isa? Kailangan kita..." sinamaan ko ng tingin ang nakangisi niyang mukha.

"Mukha mo, Mountain! At oo nga pala, bakit pa ako magtatakang kabisado mo na 'yan? E halos lahat ng babaeng matipuhan mo, ginawa mong experiment," prangkang sabi ko. Totoo naman e. "Baka gusto mo ring pag-aralan ang takbo ng buhay? Ng mundo? Hindi 'yong puro pagpapaasa ang ginagawa mo."

"Mundo mo lang naman ang gusto kong pag-aralan."

"Ha! Don't me, Mountain, because as I've said, hindi ako kasing tanga ng mga naging babae mo."

Bagay nga sa kanya ang pangalan niya. Dahil kasing-tayog ng bundok ang self-confidense niya.

Tutok ang paningin ko sa daan, iniiwasang mapatingin sa mga mapanuyang matang halatang nakatingin sa amin. Celebrity si Mountain sa paaralan. Hindi maiiwasang kung sino ang nakakasabay niya ay nachi-chika. Issue to panigurado. Lalo na nitong mga nakaraang araw.

"Pero sobrang tanga mo naman pagdating sa kanya," nakangiwi niyang sabi. "Ano bang meron sa lalaking 'yon na wala ako? Sa kagwapuhan lang, ang laki ng agwat! Maliban nalang kung bulag ka."

"Hindi naman nakikita ng mata ang tunay na pag-ibig, Mountain. Nasa puso 'yan, nararamdaman, wala sa hubog ng katawan na ginawa niyong mga lalaking putahe at kailangan pang tikman bago magustuhan! Tss. Mga walangya kayo," ngiwi ko rin sa kanya.

"Huwag mong nilalahat, Julie. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon kaming lalaki ang nauuna. May mga babaeng nang-aakit, babe, at tao lang din kaming may pangangailangan."

"Kailangan-kailangan, ang sabihin mo, hindi talaga kayo marunong makuntento! Nakikipag-relasyon kayo tas pagsasabayin niyo? Ano kayo, nagba-barbeque? Isang stick pwede maraming tuhugin?"

"Bakit? Lalaki lang ba ang nanloloko ngayon? May mga babae din namang pinagsasabay kaming mga lalaki ah?" Nakangusong aniya.

Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Hindi lang lalaki dahil may mga babae naring nangangaliwa ngayon. Nakadepende talaga sa tao ang pagiging kuntento.

"But still, hindi ibig sabihing ginagawa nila ay gagawin mo narin. Hindi tayo gamit na pwedeng isabay sa uso, Mountain."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Kung kailan naman kasi tayo seryoso, feeling mo, pinaglalaruan parin. I may not be the most honest person in the world but I am to you... I am trying to be one for you. I also hate lies, babe, especially if it involves feelings of a person. Kaya nga kahit alam kong masasaktan sila, sinasabi ko parin kung hanggang saan lang kami dapat, para hindi na sila umasa," sabi ni Mountain na obviously ay tinutukoy 'yong mga naging babae niya sa huling parte ng sinabi. "Ikaw lang naman ang gusto kong umasa para sa'tin..."

Hurting someone is the last thing of what I want to do. Pero minsan talaga wala tayong nagagawa 'no? Dahil hindi naman pwedeng pilitin nating gustuhin ang mga taong may gusto sa'tin. Hindi natin pwedeng pilitin ang sariling gustuhin ang mga bagay na kusa nating inaayawan. Because in the end, tayo lang din ang masasaktan. Tayo lang din ang mahihirapan. Pero mas masakit ang lahat sa taong aasa dahil napagbigyan, pero sa huli... maiiwan rin pala.

"Juls, natatakot na ako. Hindi ako dinatnan ngayong buwan. B-Baka..." humagulhol ng todo si Jammy sa balikat ko. "B-Baka buntis ako! Natatakot na ako sa lahat, Juls! Si Ian mukhang walang pakialam! Madami siyang babae, Juls, at natatakot akong baka tuluyan niya na akong hiwalayan kapag may nagbunga sa'min!"

Napabuntong-hininga ako habang hinahagod ang likod niya. Nadatnan ko siya kanina sa bahay na pilit mang ngumingiti ay namumugto ang mga mata. Madalas talaga siyang magsleep-ove sa bahay lalo na tuwing ganito at may problema siya dahil ako lang naman ang nakakausap niya. Wala 'yong mama niya. Natatakot siya sa papa niya. Sa kambal niya naman, natatakot rin siyang magsumbong ito kay tito.

Kasambahay lang ang madalas kong kasama sa bahay kaya nama'y malaya kaming nakakapag-usap ng ganito.

"Tahan na, Jam. Kung totoo ang sinasabi mo'y baka makasama naman sa dinadala mo 'tong pag-iyak mo ng todo. You shouldn't stressed yourself too much. It will not be good for you."

Umiling-iling lang siya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Juls. Alam kong uso ang pagiging batang ina ngayon, but I'm not as strong as those women out there! I am not as strong as your mom! Hindi ko kakayanin to ng walang kaagapay. B-Baka..." nanlaki ang mga namumugto niyang mata. "Baka itakwil ako ni dad! Oh my god! Ano ng gagawin ko? Natatakot na ako sa lahat!"

"Shhh. Tahan na. Mabuti pa magpahinga ka na at bukas na uli natin pag-uusapan 'yan. Clear your mind for now. Everything will be alright. Nandito lang ako."

Tinanaw ko ang unti-unting pagpikit niya sa sobrang pagod nitong mga nakaraang araw. Stress sa pag-aaral at overload na mga gawain, pati sa pakikipagrelasyon na dapat inspirasyon ang dala, stress ang ibinigay sa kanya. Ngayon, kung totoo mang buntis siya, lalong madadagdagan ang bigat na dinadala niya. Lalo na't hindi talaga maaasahan ang boyfriend niyang ewan ko lang kung nag-eexist pa.

I always admire mom for being such a good mother and father to me. Hindi tulad ni Jammy, nakakausap ko si Mom sa mga ganitong problema at nahihingan ng payo. She's the best role model in my life from bearing me alone up to now, filling every space to make me feel complete even when the truth is... it will never be.

Iba ang may ama. I am longing for a daddy's care since day one but I will choose it this way than having him that will make us his second choice.

Consequenses will always be at the end, never in the beginning. Hindi ko masisisi ang mga katulad ni Jammy na binaliw ng pag-ibig dahil minsan narin akong nakaranas niyan. Pero minsan talaga, hindi minamadali ang lahat. Dahil para sa'kin ngayon, mas mabuting maghintay sa wala kaysa magdusa habang buhay.

"Kung sakaling makabuntis ka ba, papanagutan mo?" Kinabukasa'y wala sa sariling tanong ko kay Mountain na siyang umupo sa madalas upuan ni Kelly dito sa cafeteria.

Tahimik akong sumubo ng pagkain habang hinihintay ang sagot niya.

Humalakhak siya bago nanunuksong tumingin sa'kin. "Bakit mo natanong, babe?"

Nginiwian ko siya. Malisyoso. "Malay mo naman. Sa dami ng naging babae mo, hindi na ako magtataka kung batang ama ka na."

Mas lalo siyang napahalakhak na kahit iyong mga chismosang pasimpleng tingin lang kanina'y nakatitig na talaga.

"You shut up, Mountain. Nakakahiya ka," mariing bulong ko habang iniiwas ang paningin sa mga nanonood na sa amin ngayon.

I even saw Avey glaring at me. Oh, come on. Move on, girl. 'Yong minamahal mo, ako na ang niloloko ngayon.

Hindi mali ang magmahal, nagiging mali lang ito kapag sumobra at wala tayong limitasyon sa sarili. Nagiging mali lang ito dahil sa kilos ng tao na kung minsan ay hindi na mapangalanan.

"Pero syempre, hindi 'di ba? Ikaw pa?" Sarkastikong dagdag ko ng matagalan siya sa pagsagot dahil sa pagtawa.

"N-No, hindi sa ganun..." aniya habang natatawa parin. "If ever I impregnate someone, na alam kong hinding-hindi mangyayari, I am very open to accept the child. I will support the child to whatever needs. But marrying the woman is another thing, babe. It's a lifetime commitment. It should only belong to those inlove enough to embrace it."

Napangiwi ako dahil tama siya. Marrying is a choice to those inlove, but never to those who's not. Siraulo lang ang magpapatali habang buhay dahil sa isang bagay na maaari namang suportahan nalang. Wala rin namang mangyayari kapag pinagsama ang dalawang taong walang gusto. It will only create chaos that we don't want to happen. And in the end, to regret will be their only choice.

"Are you planning to put an actual presentation of reproductive system, babe? 'Yong tayong dalawa?" nakangising aniya bago nakakaloko uling tumawa.

Sinamaan ko siya ng tingin. "E kung ihampas ko 'to sayong lamesa?" Ngiwi ko sa kanya. Mariin kong hinawakan ang tinidor bago itinutok sa kanya. "Huwag kang magkakamaling gaguhin ako, Mountain, dahil kahit anong bagay, kaya kong patulisin para maputol 'yang ipinagmamalaki mo!"

Muli siyang napahalakhak habang nanggigigil ako sa kanya.

"Easy, babe. Hindi isang tinidor ang makakaputol ng kaligayahan ko." natatawang aniya. "Bakit nga ba ako taimtim na naghihintay ng sagot mo 'no? Kung pwede naman kitang pasagutin habang inuungol ang pangalan ko..."

***