Isa at kalahating oras na byahe pa bago kami makarating ni Beatrice, tumatakbo pa rin sa isip ko ang mga pangyayari noong isang gabi.
Nakaupo kami sa bandang gitna ng bus, nasa tabing bintana si Beatrice at ako sa tabi nya. Nakatingin lang sya sa bukas na bintana. Sinasayaw ng hangin ang buhok nya sa mukha ko.
"Ay sorry ah, saglit itatali ko lang ang buhok ko", napansin siguro nya ang panay ilag ng mukha ko sa tuwing napapalakas ang hangin.
"Beatrice, ano palang kurso ang kinukuha mo?"
"AB Economics, ikaw?"
"BSED ako, yun kasi ang gusto ng nanay ko", sagot ko sa tanong nya.
"Pero anong kurso talaga ang gusto mo?"
"Computer Science sana, pero magastos daw, hindi ko lang alam kung totoo."
"Alam mo kahit anong kurso naman ang kukunin natin ang mahalaga ay makapagtapos tayo para sa kagalakan ng ating mga magulang. Kung ako lang din, Nursing sana ang gusto kong kunin kaso ayaw nila sa bahay."
"Sabagay, tama nga ang sinabi mo", pagsang-ayon ko sa sinabi niya.
" Teka paano ka pala napadpad sa tinitirhang boarding house natin", naibang tanong ko sa kanya.
"Ay yun ba, si Ate Mae kasi pinsang buo ko sya, doon din ang nirekomenda ng Tita ko kay Mama para daw mabantayan ni Ate Mae, hehehe!"
" Ikaw paano ka napunta sa boarding house natin", balik na tanong nya sa akin.
"Dun din kasi ang rekomendasyon ng iba sa nanay ko. Alam mo naman ang mga nanay minsan sila ang nasusunod kahit hindi natin kagustuhan."
"Anong pinagawa sa inyo ni Sir Del sa taas kagabi?" Hindi ko inakalang tanong ni Beatrice sa akin.
"Ah eh, pinabuhat nya kasi ang mga speaker papunta sa kabilang kwarto sa taas. Nakaakyat ka na ba dun?" Balik kong tanong sa kanya.
"Hindi pa kasi off limits daw para sa mga boarder. Pero alam mo, may kuwento sa akin sina Ate Mae tungkol sa matanda, kelan ko lang nalaman."
"Ano yun?" Kunwari ay nagulat ako pero sa loob loob ko ay may alam na ako kay Sir Del.
"Miyembro daw sya ng pederasyon pero hindi halata saka matanda na sya. At alam mo bang bata daw nya si Kuya Noel sabi sa amin nina Ate Mae."
Doon ako nagulat sa nabanggit ni Beatrice. Hindi lang pala ako ang may alam ng lihim ni Sir Del. Wala talagang lihim na hindi nabubunyag. At may mga lihim talaga na bukas at kahit marami na ang nakakaalam ay mas piniling manahimik na lang at patagong pinag-uusapan.
"Totoo ba yun?" Kunwang tanong ko.
"Hindi ko lang alam, bago pa lang naman tayo sa boarding house at hindi ko pa nakikita ng dalawa kong mata. Kaya ikaw mag-ingat ingat ka baka mamaya gapangin ka nya, may hitsura ka pa naman", sabay tapik sa balikat ko.
Napamaang ako sabay bawi ng ngiti. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit noong nasa high school ako ay lagi akong isinasali ng titser namin sa mga patimpalak ng Mr & Ms Intrams at JS Prom kaso nga lang hindi ako nananalo. Nadadala lang siguro ng magandang tubo ng mga pilikmata at medyo may kakapalang kilay na bumagay sa singkit na mata ko. Sa katunayan, makapal ang labi ko ngunit bawi sa magandang ayos at linya ng mga ngipin lalo na pag nangingiti raw ako. Hawig ko raw yung anak ni Piolo Pascual ngunit kulang lang daw ako sa paligo dahil sa kulay kong sunog sa araw.
Hindi ko namalayan ang oras, nasa terminal na kami ng bus, ginising ko si Beatrice na nakatulog sa may balikat ko. Bago kami naghiwalay ng landas sa sakayan ng traysikel tinanong nya ako ung kelan ako babalik, sabi ko bukas din ng alas tres ng hapon at sabi nya na sabay na daw uli kami.Umoo agad ako.
Pagdating sa bahay, tinungo ko agad ang kwarto ko, nasabik akong mahiga sa kama ko. Nakaidlip agad ako dahil siguro sa pagod sa byahe at pag-iisip ng kung ano ano.
"Nak kain na tayo!" Si nanay, narinig ko ang boses nya, tanghali na pala, hindi ko namalayan ang oras.
Habang kumakain kami, kinukumusta ako ni nanay sa unang linggo ko sa unibersidad at sa boarding house. Sinabi ko na maayos naman ang lahat.
"Nay, kilala nyo na ba dati ang landlord ko?" Wala sa hinagap na tanong ko.
"Hindi masyado nak, pero ang alam ko karamihan ng mga nagpa-aral doon sa pinapasukan mo ay sa boarding house na yun ang unang rekomendasyon. Mabait at matulungin daw kasi ang matanda. Marami na raw itong natulungan. Bakit anak, kumusta ang pakikitungo nya sa iyo?"
Hindi ko nalunok bigla ang kinakain ko. Bumara sa lalamunan ko.
"Anak oh, ito ang tubig, nabulunan ka na dyan." At hindi ko na nasagot ang tinatanong ni nanay.
Pagkatapos kumain ay sumalampak ako sa sala kasama ang dalawa kong nakakabatang kapatid na nasa elementarya pa lang. Nanonood kami ng Eat Bulaga. Tatlo kaming magkakapatid at yumao na rin ang aming tatay. Nagtratrabaho sya sa abroad dati at dun na rin binawian ng buhay dahil sa atake sa puso. Kabuwanan pa ni nanay noon kay bunso. Masakit man at masaklap, si nanay na lang ang nagpatuloy bumuhay sa amin. May nakuha naman si nanay na insurance ni tatay noon na pinangpaayos nya sa bahay namin. Ang pinapasukang paaralan ni nanay ay sya ring pinanggalingan ko.
Bumalik ako sa kwarto ko, binuklat ko ang mga pinapagawang research at report para sa susunod na linggo. Nakatulugan ko ang ginagawa ko. Sobrang namis ko talaga ang higaan ko.
Mag-aalas kwatro ng magising ako. Naalala ko mayroon palang isinuksok nap era si Sir Del sa suot ko kanina, nawala na sa isipan ko. Hinugot ko iyon sa bulsa ng nakasabit na pantalon. Binilang ko kung magkano.
Tatlong daang piso. Sobra sobra ang ibinulsa sa akin ni Sir Del sa isang piraso ng kakanin na nagkakahalaga lamang ng limampung piso. Napagpasyahan kong isusuli rin sa kanya ang sobrang pera.
Alas dos singkwenta ng Linggo nasa terminal na ako ng bus, dumaan na ako kanina sa simbahan at bumili na rin ng kakaning nasa kawayan na pinapabili ng matanda. Hinihintay ko si Beatrice dahil sabi nya sabay na kaming bumiyahe.
Nakita ko sa terminal ang ilan sa mga kaklase ko noong high school nasa kolehiyo na rin. Dumating si Beatrice sakay ng traysikel, tatay nya yata ang driver dahil nakita kong humalik pa sya rito. Lumakad sa kinaroroonan ko si Beatrice. Nakafitted sya ng damit at matingkad na maong na shorts na hanggang tuhod ang tabas. Siniko ako ng kaklase ko dati.
"Sino siya dude?" Pabulong na sinabi nya sa akin.
"Dude si Beatrice, boardmate ko at iisa ang pinapasukan naming unibersidad."
Siniko, kinurot at ginulo nila ang ayos ng buhok ko.Pinakilala ko sa kanila si Beatrice na sinuklian naman ng mga kaklase ko ng pakikipagkamay sa kanya.
"Sakay na tayo?" si Beatrice ang umaya.
"Uyyy, sakay na daw sila…!" Nanunuksong ulit ng mga kolokoy sa amin. Ngumiti lang si Beatrice.
Antukin lang siya dahil buong byahe ay nakahilig lang sya sa balikat ko. Nasasamyo ko ang ginamit nyang shampoo sa buhok nya at ang pulbong nasa batok nya na bumubuhay sa aking pandama. Naka-angkla ang kamay nyang may hawak na panyo sya sa braso ko. Aakalain talaga ng makakakita sa amin na nobya ko sya.
"Gising na po at malapit na tayo. Puyat ka yata kagabi ah, antakaw mo sa tulog, hehehe!"
"Yung bunso kasi naming na limang buwan pa lamang, iyak ng iyak kagabi, pinuyat kami", sabay inat na sa kanyang kamay at humikab.
Pasado ala-singko na ng makarating kami sa bahay. Pinagtitinginan kami ng mga boarders na sina Ren at Gerald habang kumakain ng isaw sa tapat ng boarding house. Inalok kami ng dalawa para saluhan sila na sinagot ni Beatrice na "next time na lang."
Dumiretso muna ako sa kwarto namin at naroon na sina Gener at Hemerson na naglalaro ng chess. Wala si Kuya Noel.
"Tol ano yang dala mo", usisa ni Hemerson.
"Kakanin tol, pinabili ni Sir Del", sagot ko. "Mga tol ambagan uli tayo ngayong linggo, ito ang 250, mamaya na lang natin singilin si Kuya pag nandito na sya."
Kinuha ni Gener ang pera ko. Inihanda ko ang mga gamit ko para na naman sa klase kinabukasan saka ako pumasok sa loob para iabot ang pinabili sa akin. Nadaanan ko sa kusina sina Ate Rose, Ate Fel, at Ate Mae na naghahanda ng kanilang hapunan.
"Ed ha, ano itong balita na nagkakamabutihan daw kayo ng pinsan ko", si Beatrice ang tinutukoy marahil ni Ate Mae. Nagbubulungan sabay hagikgik nina Ate Rose.
" Naku hindi po ate, nagkasabay lang kami nagbyahe ni Beatrice".
"Bago mo ligawan ang pinsan ko, ako muna ang ligawan mo". Tuluyang nagtawanan ang mga babae. Napakamot na lang ako ng ulo.
"Ed sabi pala ni Sir Del pagdating mod aw ibigay mo sa kanya sa taas yung pinabili nya", tinuran ni Ate Fel.
" Ingat ka sa taas Ed, baka pagbaba mo, kulontoy na yang tuhod mo", nanunuyang paalala ni Ate Rose sa akin.
Kinabahan na naman ako. Iiwan ko na lang yata dito sa kusina ang kakanin, naisip ko. Sige na, aakyat na ako isusuli ko rin ang sobrang sukli ng matanda.
Sarado ang pinto ni Sir Del. Aninag sa siwang na nakabukas ang TV. Kumatok ako ng marahan. Madaling bumukas ang pinto, sumilip si Sir Del kung sino ang kumatok.
"Sir ito na po ang pinabili nyo".
Tuluyang binuksan ng matanda ang pinto at sumalubong sa akin ang pabangong hindi ko maintindihan ang amoy. Parang insenso at nasusunog na kahoy.
"Pasok ka muna Ed", anyaya nya sa akin.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, iniaabot ko sa kanya ang kakanin ngunit nakalahad naman ang kanyang kamay na nag-aanyayang pumasok ako sa loob.
"Sir dito na lang po ako kasi may gagawin pa ako baba", tutol ko.
"Ah ganun ba, akina na at baka naabala pa kita".
Dinukot ko din ang sobrang pera sabay abot sa kanya ngunit hinawakan nya ang palad ko at kinuyom pasara sa papel na pera.
"Sabi ko nga, sayo na yan. Itago at ipunin mo para may mahugot ka kapag kailangan mo".
"S-s-salamat po ng marami sir… baba na po ako".
Pagkatalikod na pagkatalikod ko sa kanya, may naramdamdaman akong pumalo ng mahina sa puwet ko. Nenerbyos ako.
"Aral ng mabuti Ed…"
Hindi ko na sya nilingon pa.
(itutuloy)