Chereads / My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 44 - After Two Years

Chapter 44 - After Two Years

CHAPTER 43

-=Atilla's POV=-

Pagkalapag pa lang nang eroplanong sinasakyan ko, ay dali dali akong sumakay sa isang taxi na sakto naman na may binabang pasahero sa mismong tapat ko, at agad akong nagpahatid sa ospital kung saan nakaconfine si Henry.

Habang nasa biyahe ay hindi pa din ako mapakali sa sitwasyon ni Henry, hindi kasi naging malinaw ang pagkukuwento ni Ellaine sa nangyari sa asawa kaya siguro mas lalo akong kinakabahan dahil hindi ko alam kung ano ba ang naghihintay sa akin.

"Relax Atilla walang mangyayari kung sakaling hayaan mong balutin ng takot ang dibdib mo." bulong ko sa sarili ko trying to calm my nerves, pinilit kong ituon ang atensyon ko sa ibang bagay para huwag mag-isip isip ng kung ano ano.

Itinuon ko ang atensyon ko sa labas nang bintana nang Taxi, kapansin pansin ang dami nang mga nagbago nang umalis ako nang Pilipinas, katulad nang pagbabagong nakikita ko ay ang dami nang naging pagbabago sa akin sa nakalipas na dalawang taon.

"Kamusta na kaya...." ngunit agad ko iyong winaglit sa isip ko dahil dapat wala na akong pakialam sa kanya kahit na nga ba malaki ang chance na magkita kami ngayong nasa Pilipinas ngunit alam kong kayang kaya ko na siyang pakiharapan nang walang nararamdaman na kahit na ano, hindi ba isa iyon sa mga pangunahing bagay na ginawa ko ang sarili ko ang huwag makaramdam nang kahit na ano kay Ram, na alalahanin na isa lang ito sa mga bagay sa nakaraan na nagawa ko nang kalimutan.

Kahit paano ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko habang nasa biyahe ngunit bigla iyong nanumbalik nang finally ay makarating na kami sa ospital at matapos magbayad ay dali dali akong dumiretso sa naturang ospital, agad kong napansin ang mga reporter na naghihintay sa tapat nang ospital, sinubukan kong makapasok nang hindi napapansin ngunit mukhang isa sa mga reporter ay nakilala ako kaya naman agad nitong tinawag ang kasamang cameraman at dali daling lumapit sa akin.

"Ms. Cervantes, ano na pong balita sa kapatid ninyong si Henry Cervantes?" tanong nang reporter na hindi ko matandaan ang pangalan at para naman mga bubuyog na agad sumunod ang iba pang reporter nang malaman nang mga ito nakapatid ko si Henry.

"Please just let me pass, gusto ko lang makita ang kapatid ko." pakiusap ko ngunit masyadong makulit ang mga ito, mabuti na lang at agad na may sumaklolo sa akin na mga security guard nang naturang ospital at tinulungan akong makapasok habang hinaharangan nang mga ito ang mga reporters.

"Ms. Atilla naghihintay na po si Maam Ellaine sa inyo." salubong sa akin ng secretary ni Henry na si Samantha.

"Thank you Samantha." pilit ang ngiting naibigay ko dito ngunit alam ko naman na naiintindihan nito ang pinagdadaanan ko, tahimik lang kami habang papalapit sa operating room kaya naman nararamdaman ko na hindi maganda ang sitwasyon ngayon ni Henry.

"Thank God Atilla!" salubong sa akin ni Ellaine at mahigpit na yumakap sa akin na para bang umaabot nang lakas sa kin, ramdam na ramdam ko ang panginginig nang katawan nito dala nang kaba at takot sa nangyari kay Henry.

Hinayaan ko lang ibuhos nito ang nararamdaman nito at matapos nitong mahimasmasan ay agad kong tinanong kung ano ba talaga ang nangyari kay Henry.

"Magulo pa din sa akin ang mga nangyari basta ang naaalala ko ay pauwi na siya galing sa isang charity event na inorganize niya dapat kasama niya ako pero inatake na naman ako nang hilo kaya mag-isa siyang nagpunta doon at tapos nakatanggap na lang ako nang tawag na bumangga ang kotse niya sa isang poste, dapat kasama niya ako eh....." naluluha na naman nitong sinabi.

"Tibayan mo ang loob mo Ellaine mas kailangan tayo ni Henry ngayon, at mabuti nga at hindi ka nakasama kung hindi pati ikaw ay napahamak." pag-aalo ko dito habang hinihintay namin matapos ang operasyon nito.

Nalaman ko kasi dito na kinailangan itong maoperahan dahil sa mga damage na nakuha nito sa aksidente, pinilit kong magpakatatag para sa amin ni Ellaine dahil alam kong kailangan isa man lang sa amin ang umaktong matibay.

Dala marahil nang stress ay nakatulog ito sa silyang nasa emergency room, hinayaan ko na muna itong magpahinga at nakiusap kay Samanthan na bantayan na muna ito, naisipan kong bumili na muna nang kape dahil kailangan ko iyon para hindi antukin lalo na't gusto kong malaman kung kamusta na si Henry.

Sa totoo lang nakakaramdam ako nang pagkahilo dahil siguro may jetlag pa ako pero kahit ganoon ay minabuti kong maglakad lakad na muna kaysa matulog dahil na din sa dami nang mga nangyari, sino ba naman mag-aakala na mangyayari ito kay Henry lalo na't alam ko kung paano magmaneho ito kaya naman nakakapagtaka na maaksidente ito ngunit sabi nga nila accident usually happened when you least expected it.

Matapos maubos ang iniinom kong kape ay agad akong bumalik sa er ngunit wala pa din pinagbago dahil natutulog pa din si Ellaine at patuloy pa din ang operasyon ni Henry.

"Umuwi ka na muna Samantha alam kong napagod ka din dahil sa mga nangyari." nakangiti kong sinabi dito, kahit paano ay nakatulong ang kape para kalmahin ang nararamdaman ko and somehow kahit paano ay medyo clear na ang isip ko.

"You don't have to worry about me Ms. Atilla, ok lang ako." nakangiti din nitong sagot at kahit dalawang taon na ang nakakalipas ay hindi pa din ako nito magawa gawang tawagin sa pangalan ko.

"Ikaw ang bahala and Samantha...... thank you for sticking up with my brother." pagpapasalamat ko dito.

"Walang anuman iyon Atilla." sagot naman nito at kahit nakangiti ito ay may kakaiba akong bagay na nakita sa mga mata nito na agad din nitong naitago which got me curious ngunit agad din iyong nawala sa isip ko nang biglang lumabas ang doctor at parang naramdaman ni Ellaine iyon kaya agad itong nagising.

"Kamusta na po ang asawa ko doc?" nag-aalalang tanong ni Ellaine.

"Successful naman ang operation nang asawa ninyo at natanggal namin ang dugong namuo sa utak ng pasyente kailangan na lang natin maghintay nang tatlong araw para magising siya." paliwanag nang doctor.

"Siguradong magigising siya hindi ba doc?" tanong ulit ni Ellaine.

"Umasa tayong magising siya sa loob nang tatlong araw....... dahil kung hindi siya magising ay baka kailanganin uli siya nang panibagong operasyon and with that I recommend you bring him to the US dahil magiging mas critical ang operasyon." sandali pa itong nagbilin bago ito nagpaalam.

Dinala na sa ICU si Henry at pinigilan ko ang luhang nagbabanta sa mga mata ko nang makita ko ang naging itsura ni Henry matapos ang operasyon, wala itong buhok at kitang kita ang parte nang ulo nito na may tahi pa matapos ang operasyon, parang sasabog ang dibdib ko sa pag-aalala at sa awa dito, ngunit katulad nang sinabi ko kanina kailangan kong magpakatatag para sa aming dalawa ni Ellaine na nawalan nang malay matapos makita ang asawa kaya naman pinagpahinga namin ito sa isang bakanteng kuwarto, mabuti na lang at kaibigan ni Henry ang may-ari nang naturang ospital.

"Anong gagawin ko kung sakaling mawala si Henry." naiiyak na sinabi sa akin ni Ellaine nang magising ito kinabukasan at puntahan ang asawa, wala pa din akong tulog habang hinihintay kong magising si Henry ngunit nanatili pa din itong walang malay.

"Huwag kang mag-isip nang kung ano ano Ellaine, lumalaban si Henry babalik siya sa atin." hindi ko maiwasang hindi magalit sa naririnig mula dito dahil kilala ko si Henry hindi ito basta basta magpapatalo kahit sa bingit ng kamatayan.

"But I'm scared Atilla, hindi ko alam ang gagawin ko." gulong gulo nitong sinabi, na naiintidihan ko naman.

"Ang dapat mong gawin ay ang magpakatatag Ellaine, mas lalo tayong kailangan ni Henry sa mga panahon na ito." pilit kong pinapalakas ang loob nito dahil hindi ko kayang mag-isa ito, mas kailangan ni Henry ang suporta nang asawa nito.

Mabuti na lang at napilit ko muna itong umuwi nang bahay nila para maayos na makapagpahinga, pinangako ko na lang dito na kapag nagising si Henry ay agad ko itong tatawagan.

Kaya naman sa buong araw na iyon ay ako ang nagbantay kay Henry at kahit unti lang ang nagiging tulog ko ay nakakayanan kong bantayan ito.

Mga bandang alas ocho nang umaga nang makatanggap ako nang tawag mula kay Ellaine na pabalik na ito nang ospital, naisipan kong umuwi na din muna pagkadating ni Ellaine para kahit paano ay makapagpahinga dahil mahigit dalawang araw na din akong walang maayos na tulog at hindi ko din dapat pabayaan ang sarili ko.

Around nine nang marinig ko ang boses ni Ellaine kaya naman naisipan kong salubungin ito ngunit bigla akong natigilan nang marinig kong may kausap ito habang naglalakad patungo sa ICU, biglang kumabog ng mabilis ang dibdi ko at hindi ko alam kung dapat ba akong magtago o harapin ito mabuti na lang at naalala kong hinanda ko pala ang sarili ko kung sakaling muli kaming magkita kaya naman pinilit kong itago ang kabang nararamdaman ko habang hinihintay ang pagbukas nang pinto at pagpasok nang dalawang bagong dating.

"Kailangan mong magpakatatag Ellaine para sa asawa mo." narinig ko pang sinabi nito kay Ellaine.

"Salamat Ram." narinig kong sagot ni Ellaine bago tuluyang bumukas ang pinto at iluwa nito ang dalawang bagong dating.

Sandaling napadako ang mga mata ni Ram sa kama kung saan nakahiga si Henry ngunit ilang sandali lang din ay agad nitong napansin na may ibang tao pala sa loob at kitang kita ko kung paano parang natuklaw nang ahas ang itsura nito nang tuluyan nitong makita ang mukha ko.

"Hi Ram, long time no see." nakangiti kong sinabi dito, mabuti na lang talaga at hindi ako nabulol habang sinasabi ang bagay na iyon, salamat na din sa mga bagay na naexperience ko sa loob nang dalawang taon dahil nakakaya ko nang itago ang tunay kong nararamdaman.

Kitang kita ko ang gulat sa mukha nito habang nakatingin sa akin, pilit kong hindi pinapansin ang bulong nang kabilang isip ko na tumakbo palapit dito at magpakulong sa mga braso nito at sabihin kung gaano ko pinanabikan na makita siyang muli.

"Atilla........"