Chereads / My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 48 - What's The Right Thing To Do?

Chapter 48 - What's The Right Thing To Do?

Merry Christmas guys!!

CHAPTER 47

-=Ram's POV=-

In a matter of hours ay nasira ang lahat nang pag-asa ko na mababawi ko pa ang babaeng pinakamamahal ko, akala ko pa naman magkakaroon ako nang pagkakataon na makabawi kay Atilla ngunit maling mali pala ako dahil may iba nang nagmamay-ari nang puso niya, at para akong mamamatay dahil sa sakit sa nalaman ko.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano akong nakauwi nang maayos sa bahay namin dahil sa nag-uunahan na katanungan sa isip ko.

"Mabuti naman at nakauwi ka na Ram." ang nakangiting salubong sa akin ng Dad ko ngunit dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko ito napansin kaya naman nagulat ako nang bigla akong nitong tapikin sa balikat.

"Oh hi Dad." pilit ang ngiting bati ko dito ngunit kita ko naman sa mga mata nito na hindi ito naloko sa pinakita kong pagpapanggap.

"What's wrong Ram?" nag-aalalang tanong nito sa akin.

Isang malalim na buntung hininga muna ang ginawa ko bago ako sumagot sa tanong nito.

"Atilla is back." ang walang kaemosyon emosyon na sagot ko dito, I felt so drain, physically and emotionally drain from everything that happened.

"Well that's good news then, alam kong hindi nagbago ang nararamdaman mo kay Atilla." kitang kita ko ang pagliwanag nang mukha nito sa sinabi ko ngunit hindi madali ang lahat.

"Kung sana madali nga lang sana ang lahat Dad." paliwanag ko dito at kita ko naman nang biglang kumunot ang noo nito at inakay pa ako nito papunta sa study room at nagpakuha pa ito sa kasambahay namin nang alak at isang baso para sa akin na sinalinan agad nito na agad kong inisang lagok.

"I'm listening." seryosong sinabi nito kaya naman kinuwento ko na ang muli naming pagkikita ni Atilla, tahimik lang ito habang nagpapatuloy ako sa pagsasalita, kinuwento ko dito na ang babaeng matagal kong hinintay ay pag-aari na nang iba at walang ibang dapat na sisihin kung hindi ang sarili ko lamang.

"And to make the matters worse magkakasama pa kami sa pagpapatakbo nang kumpanya ni Henry dahil kailangan ni Henry na magpunta sa US para doon magpaopera." pagtatapos ko, sa totoo lang hindi ko alam kung makakaya ko bang pigilan ang damdamin ko para kay Atilla lalo na't maaring araw araw kaming magkasama, natatakot akong makagawa nang maling bagay na tuluyang magpapalayo sa akin sa kanya.

"You are in really big mess boy." naiiling na sinabi nang Daddy ko.

"Tell me something that I don't already know." sagot ko naman dito hindi ko maiwasang hindi mafrusrate sa kinahaharap ko ngayon.

"Kung ganoon tanggihan mo na lang ang hinihinging tulong ng mga Cervantes lalo na't may sarili kang negosyong kailangan pamahalaan, tandaan mo kakabangon pa lang ng mga businesses natin at kailangan pa tin nang matinding atensyon ang pamamalakad sa negosyo natin." 

"You know I can't do that Dad, after all sila ang naging dahilan kung bakit tayo nakabangon kaya malaki ang utang na loob ko sa mga Cervantes." sagot ko naman dito dahil totong dahil sa naging tulong ni Henry Cervantes ay nakabangon ang mga negosyo namin, pero maliban doon ay alam kong mas nananaig sa akin ang kagustuhan na makita at makasama muli si Atilla.

"Or maybe...." nagulat na lang ako nang bigla itong magsalita, akala ko pa naman kasi tapos na itong magsalita, bigla akong napatingin dito dahil sa ginawa nitong pambibitin sa sasabihin.

"Or maybe what?" tanong ko dito nang hindi talaga nito tinuloy ang sasabihin na para bang masasagot nang sasabihin nito ang problemang kinahaharap ko.

"Or maybe pagkakataon na ito para makuha mong muli ang loob ni Atilla, maybe this is a chance for you to make your move." nakangiting sinabi nito sa akin.

"Kakasabi ko lang kanina Dad na may boyfriend na siya." naiiling kong sinabi dito dahil parang hindi naman pala ito nakinig kanina nang nagkukuwento ako.

"Well it doesn't stop me before from getting your mom, my son always remember this all fair in love and war, if you really love her then you will do everything to get her." seryoso nitong sinabi.

"I hope it's that easy Dad, nang makita ko siyang muli ay ibang iba na siya sa dating Atilla na nakilala ko, she's not the same shy, conservative and timid girl, she's confident and independent at alam kong dahil iyon sa boyfriend niya at hindi ko alam kung dapat ko bang guluhin ang buhay niya gayong masaya na siya sa kung anong meron siya, anong karapatan kong sirain ang nabuo niya nang dahil lang sa mahal ko siya, I don't think I can't let my selfish wanting to ruin whatever she have right now." malungkot kong sinabi dito, my heart is telling me to follow my dad's advice but my mind is telling me not to mess her life anymore, I did it once and I don't think I have the heart to do it again.

"I'm sorry Ram nang dahil sa akin....." paghingi nang paumanhin nito ngunit agad ko iyong pinutol dahil alam kong sisisihin na naman nito ang sarili dahil sa nangyari.

"Stop it Dad, ako ang may kasalanan kung bakit nangyari ito, me and my selfish pride." malungkot kong sinabi dito, matapos magkausap ay minabuti ko nang dumiretso sa kuwarto para makapag-isa.

Nahiga na ako sa kama ko ngunit kahit ganoon ay hindi pa din ako nakakaramdam nang antok nakatingin lang ako sa kisame nang kuwarto ko na para bang mahahanap ko ang sagot sa kinahaharap ko.

One thing that I'm quite sure hindi ko magagawa ang sinabi nang Dad ko na tanggihan ang hinihinging tulong nang mga Cervantes sa akin, katulad nga nang sinabi ko sa Daddy ko kanina malaki ang utang na loob ko sa magkapatid at hindi ko kayang tanggihan ang hinihingi nilang tulong mula sa akin.

Wala na akong maaring magawa kung hindi ang pigilan ko ang anumang nararamdaman ko para kay Atilla and be professional as possible, kahit gaano kahirap na magpanggap na wala lang sa akin kapag magkikita kami kahit na nga ba ang totoo ay gustong gusto ko siyang ikulong sa mga bisig ko at sabihin kong ako na lang muli ang mahalin niya, na bigyan niya ako nang pangalawang pagkakataon na mahalin siya at ipangako sa kanya na hinding hindi ko na siya sasaktan.

"When did I become so pathetic?" nanunuya kong tanong sa sarili ko kasabay nang isang mapait na ngiti.

"The time when you decided that pride is more important for you." sagot naman nang kabilang isip ko.