Chapter 50 - Heartbeat

CHAPTER 49

-=Atilla's POV=-

Sobrang lakas at bilis nang kabog ng dibdib ko nang makarating ako sa kotse ko, sinigurado kong nakalock ang pinto, bago ko sinandig ang ulo ko sa likod nang inuupuan ko, hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kalakas ang dating sa akin ng sinabi ni Ram samantalang nang paalis pa lang ako nang Australia ay siguradong sigurado na akong wala na akong nararamdaman kay Ram ngunit dahil lang sa sinabi nito ay para nang nawalan nang saysay ang dalawang taon na ginawa ko para makalimutan ang binata.

"Ano ba Atilla snap out of it!" inis na inis kong sinabi ko sa sarili ngunit mas naiinis ako sa sarili ko dahil nagpapaapekto ako sa mga sinabi ni Ram ganoon ganoon na lang ba talaga kadaling mawala ang lahat nang pinaghirapan ko kapag si Ram na ang pinag-uusapan.

Nagulat ako nang maramdaman ko ang pamamasa nang pisngi ko at nang hawakan ko ang pisngi ko ay saka ko lang nalaman na tumulo na pala ang luha ko nang hindi ko man lang alam, I don't want to feel weak anymore, ayoko nang umasa sa kahit na sino, ayoko nang masaktan.

I immediately grabbed the phone in my bag at dali daling hinanap ang numero nang gusto kong makausap ngayon.

"Hello love." malambing na bati sa akin ni Ang nang sagutin nito ang tawag ko.

"He...hello din Ang..." pinigilan  ko man ay hindi ko naiwasang hindi gumaralgal ang boses ko nang dahil sa emosyon na nararamdaman ko nang mga oras na iyon.

"Atilla what's wrong?" rinig na rinig ko ang pag-aalala sa boses nito na lalong nagpalakas nang pagdaloy nang luha sa mga mata ko, pakiramdam ko kasi ay pinagtataksilan ko siya gayong hindi deserve ni Ang na magkaroon ako nang kahit na anong damdamin para kay Ram, Ang is my present and I intend him to be my future as well, Ram is just my past na hindi ko na dapat iniisip ngunit sa nangyayari ngayon ay parang mas higit pa din ang nararamdaman ko para kay Ram na lalong nagpapatindi nang guilt sa dibdib ko.

"Atilla please say something, sobra mo akong pinag-aalala." medyo lumalakas na ang boses ni Ang dahil sigurado sa pag-aalala, kailan ba kasi ang huling iyak ko nang ganito sobrang tagal na at dahil din iyon kay Ram.

"I wish you were here." bigla kong sinabi dito at sandali itong natahimik sa kabilang linya sa biglang sinabi ko, totoo ang sinabi kong sana kasama ko siya dahil pakiramdam ko kung kasama ko si Ang ay baka hindi ganito ang maging dating sa akin nang muling pagkikita namin ni Ram.

"Atilla I hope nandiyan din ako, sobra na kitang namimiss, is this about your brother?" tanong nito.

"Uhmm yeah..." ang sinabi ko na lang at agad akong nakaramdam nang guilt na gamiting dahilan ang kapatid ko para lang hindi na ito magtanong.

"Huwag kang mag-isip isip nang kung ano ano Atilla, makakayanan nang kapatid mo ang nangyayari sa kanya, oh how I wish I can be there para man lang maicomfort kita kahit na alam kong ayaw mong ginagawa sayo ang bagay na iyon, para sa ikakatahimik mo papunta na din ako sa ospital kung saan dinala si Henry at huwag kang mag-alala babalitaan kita sa kalagayan nang kapatid mo." sagot nito.

"Sorry masyado lang siguro akong nasstress kaya medyo nagdadrama ako." natatawa kong sinabi dito.

"Don't say sorry Atilla dahil kahit anuman ang pinagdadaanan mo ay gusto kong kasama mo ako dahil ako ang nobyo mo at dahil mahal na mahal kita." madamdamin nitong sinabi at naramdaman ko na naman ang guilt sa dibdib ko.

"Salamat Ang and I'm so thankful na lagi kang nandiyan sa akin." this time I mean what I said at sa wakas naramdaman ko na din ang pagluwag nang dibdib ko mula sa pakikipag-usap dito.

Sandali pa kami nitong nag-usap bago ako tuluyang nagpaalam dito at minabuti ko nang umuwi para ayusin ko ang mga dadalhin ko sa pagtungo namin  sa Cebu at upang ihanda ko ang sarili ko sa muli naming pagkikita ni Ram, kailangan kong labanan ang kahit na anong damdamin na bumabalik dahil hindi tama, hindi tama dahil matagal na akong nagdecide na kalimutan ang binata at mali dahil mahal na mahal ako ni Ang.

"Ang tanong mahal mo din ba si Ang katulad nang pagmamahal niya sayo?" tanong nang kabilang isipan ko at sa totoo lang hindi ko kayang sagutin ang tanong na iyon dahil natatakot ako sa magiging sagot ko.

Pagdating sa bahay ay sandali akong naligo at agad nahiga sa kama ko pinilit kong makatulog kahit na nga ba ang daming tumatakbo sa isipan ko nang mga oras na iyon, at lahat nang iyon ay nang dahil kay Ram.

"Mukhang mali talaga ang desisyon kong magbalik sa Pilipinas." sa loob loob ko, ngunit alam kong wala naman akong choice dahil na din sa nangyari sa kapatid ko kaya wala akong choice kung hindi pakisamahan si Ram.

"I will not let you Ram do as you wish." determinado kong sinabi sa sarili and with that in mind ay naramdaman ko na ang antok at ilang sandali lang ay nahimbing na ako sa pagtulog.

Kahit late na akong nakatulog ay maaga pa din akong nagising kinabukasan dala marahil nang nasanay na ang katawan kong kakaunti lang ng tulog kaya naman sandali lang akong nag-ayos at dumiretso na din ako sa NAIA para sa flight ko papuntang Cebu, minabuti kong katagpuin na lang si Ram sa Cebu dahil hindi ko alam kung anong mangyayari habang nasa biyahe kami, ayokong muling maramdaman ang mga bagay na bumabalik sa akin.

Ilang sandali lang akong naghintay bago tawagin ang mga pasahero sa eroplanong maghahatid sa akin patungong Cebu at dahil nasa bandang bukana lang naman ang puwesto ko ay agad akong nakapagsettle in, at naisipan kong ipikit ang mga mata ko para kahit paano ay makabawi ng tulog dahil hindi naman ibig sabihin na sanay na ang body clock ko nang ilang oras na tulog ay hindi ako nagcrecrave for more sleep.

Ilang sandali na lang at lilipad na ang eroplano kaya naman hindi kataka taka nang maramdaman ko ang katabing upuan ko na pinuwestuhan na nang iba pang pasahero, sandali kong tinignan ang katabi ko at ilang segundo din bago nagregister sa akin ang mukha nang katabi ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" gulat na gulat kong tanong dito habang ito naman ay pinikit ang mga mata para din siguro gawin ang plano ko, at kung kanina ay handa na akong umidlip dahil sa antok ay bigla iyong nawalan nang malaman kong si Ram pala ang katabi ko.

"Lower down your voice Atilla, some people are trying to sleep here and to answer your question kaya ako nandito ay dahil pupunta tayo di ba ng Cebu to meet the investors, or don't tell me nakalimutan mo iyon?" nanunudyo nitong sinabi.

"Of course alam ko ang ibig kong sabihin ay paanong dito ka din nakasakay?" tanong ko dito, ni hindi pa din ito dumidilat.

"Maybe coincidence lang naman or maybe fate brought us here together." nanunudyo nitong sinabi at halos mapalunok ako nang bigla itong ngumiti, oh how I wanted to kiss that kissable lips ngunit agad akong natauhan sa naisip ko.

"I don't believe in fate Ram." sagot ko naman dito at naisipan kong huwag nang problemahin ang naging pagsasama namin sa eroplanong iyon, pero hindi ako naniniwala na coincidence lang ang lahat maaring magkasabay kami pero to the point na siya pa ang katabi ko.

Pinilit kong ituloy ang naudlot kong pag-idlip sana ngunit paano ko naman magagawa iyon kung ramdam na ramdam ko ang pressence ni Ram sa tabi ko na para bang wala lang dito na katabi ako nito, somehow it irritated me na parang wala lang dito.

"Pero hindi ba dapat masaya ka nga dahil hindi ka niya ginugulo?" tanong nang kabilang isip ko at sandali akong napaisip sa bagay na iyon dahil tama nga naman, dapat mapanatag ako dahil hindi ako nito ginugulo pero kabaliktaran non ang nararamdaman ko at maski ako ay gulong gulo na sa mga tumatakbo sa isip ko.

Related Books

Popular novel hashtag