Chereads / My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 45 - A Different You

Chapter 45 - A Different You

CHAPTER 44

-=Ram's POV=-

Tahimik lang ako habang nakatingin sa babaeng ilang taon kong pinanabikan, ang taong mahal ko na labis kong nasaktan nang dahil sa pesteng pride ko, kung tinanggap ko na lang sana ang paghingi niya nang patawad ay malamang ay hindi ito lumayo o nawala sa akin.

Ang sinisigaw nang puso ko ay tumakbo at ikulong ito sa mga bisig ko at huwag na itong bitawan ngunit kapag nakikita ko ang itsura nito ay para bang may pumipigil sa akin na gawin iyon, kapareho pa din siya nang dalagang nakilala ko dalawang taon na ang nakakaraan ngunit habang tumatagal ang pagtingin ko dito ay alam kong may nabago na dito, the way she moves, the way she carried herself ay punong puno nang confident kaiba sa dating Atilla na shy and timid, the Atilla in front of me is very different to the young girl I love but still kahit ganoon ay pareho pa din ang nararamdaman kong kabog sa dibdib ko habang nakatingin ito.

"Hi Ram, long time no see." nakangiti nitong bati sa akin na parang binabati lang ay ang dating kaibigan na matagal nang hindi nakita imbes na ang taong minahal niya nang sobra sobra, aside from the way she looks, iba na din ang pagsasalita nito na para bang siguradong sigurado siya sa mga sasabihin niya, at talagang nanibago ako nang magsalita ito.

"Atilla....." ang tanging nasabi ko habang patuloy na nakatingin dito na para bang wala lang dito ang muli naming pagkikita, napakaunfair samantalang ako ay parang sasabog ang dibdib sa pag-ibig na nararamdaman ko sa muli naming pagkikita.

"Kamusta ka na? Mukhang naging maayos naman ang dalawang taon sayo." nakangiti nitong sinabi, parang gusto kong sumabog sa narinig mula dito, anong ibig sabihin nitong naging maayos ang dalawang taon sa akin samantalang parang impyerno ang naging buhay ko nang wala ang babaeng ito sa buhay ko, dalawang taon na ang tanging inaasam ay muling makita ito, para humingi nang tawad at umasang mamahalin ako muli nito.

"Atilla...." para akong sira na paulit ulit lang sa pagtawag sa pangalan nito, alam kong dapat humingi ako nang tawad dito at magmakaawang bumalik ito sa akin ngunit sa totoo lang ay parang nalunok ko ang dila ko na hindi alam ang sasabihin.

"Sige mauna na muna ako Ellaine, ikaw na muna ang bahala kay Henry babalik na lang ako mamayang hapon." pagpapaalam nito at akma itong lalabas na nang kuwarto nang parang may sariling isip na kumilos ang kamay ko at pigilan ito sa paglabas.

"Please don't go." finally nahanap ko na din ang lakas nang loob na magsalita at kita ko ang pagkagulat sa mukha nito sa sinabi ko ngunit sandali lang iyon at napalitan iyon nang isang matipid na ngiti.

"Don't worry I'll be back later, and besides I'm not going anywhere." sinabi nito at wala na akong nagawa kung hindi bitawan ang kamay nito at tahimik na titigan ang papalayong imahe nito.

"Kakauwi lang niya galing Australia." nagulat na lang ako nang biglang magsalita si Ellaine, saka ko lang naalala ang dahilan nang pagpunta ko dito.

"So sa Australia pala nagtago si Atilla." sa loob loob ko bigla kong naalala nang magpunta ako sa Australia dalawang taon na ang nakakaraan so ang ibig sabihin naging nasa malapit lang pala ang taong mahal ko hindi ko pa alam, I been looking in the wrong country because for the past two years hinahanap ko ito sa America dahil doon din nagkakilala si Miranda.

Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang walang malay na si Henry, sa totoo lang ay nakakaramdam pa din ako nang galit dahil sa ginawa nitong pagtatago sa kapatid ngunit kahit ganoon ay naiintindihan ko naman ang naging dahilan nito, masyado kong nasaktan si Atilla.

"Alam kong nasaktan ka sa ginawa ni Henry, pero tandaan mong ginawa lang niya ang sa tingin niyang makakabuti para sa kapatid niya." bigla nitong sinabi na para bang nababasa ang iniisip ko kahit na patuloy itong nakatingin sa mukha nang asawa.

Mas minabuti ko nang huwag magsalita dahil hindi ko alam ang masasabi ko dito, dahil ang tanging alam ko ay nasaktan kami ni Atilla pareho ay kung hindi lang ito gumawa nang paraan para hindi ko mahanap si Atilla ay maayos ko pa sana ang relasyon namin ng dalaga.

"Labis na nasaktan si Atilla sa nangyari, alam kong araw araw na umiiyak si Atilla dahil sa paghihiwalay ninyo, masakit sa kanya ang naging paghihiwalay ninyo dahil iyon ang sa tingin niyang magpapasaya sayo." pagpapatuloy nito nang hindi ako magsalita, at para namang nadudurog ang puso ko sa narinig mula dito, patuloy kong sinisisi ang sarili ko sa pagdudusa ni Atilla.

"And I tend to erase any sadness that it cause her, I promise you I will make it to her."  tiwala kong pangako dito ngunit nagulat ako sa naging sagot nito.

"Please dont Ram, if you really love Atilla huwag mo na siyang guluhin." seryoso nitong sinabi habang nakatingin sa akin, kitang kita ko ang kaseryosohan sa mukha nito.

"Sorry..... I don't get it, kung nasaktan si Atilla hindi ba tamang gumawa ako nang paraan para matanggal ko ang kalungkutan na dinanas niya sa loob ng dalawang taon?" naguguluhan pa din ako sa pakiusap nito because it doesn't make sense at all.

"She already move on, kung napansin mo siguro kanina ibang-iba na siya sa dating Atilla na nakilala mo, she's already successful at independent kaibang kaiba sa naive, innocent na babaeng nakilala mo dalawang taon na ang nakakalipas." paliwanag nito at tama ito iyon din mismo ang naramdaman ko nang muli kong makita ang dalaga.

"I'm sorry Ellaine, hindi ko makakayang huwag siyang lapitan, dalawang taon man ang lumipas ngunit hindi nawala ang pagmamahal ko kay Atilla at ngayong bumalik na siya ay gagawin ko ang lahat para magkabalikan kami at kung totoo man ang sinabi mong nakapagmove on na siya ay gagawin ko ang lahat na mapaibig ko siyang muli." sagot ko dito at hindi na ito muling umimik at ibinalik muli ang tingin sa asawa.

Pakiramdam ko muli akong nabuhay sa pagkikita naming iyon ni Atilla because for two years ay para akong namatay, gumagalaw man ako ngunit parang nawalan nang saysay ang buhay ko sa pagkawala nang dalaga at ngayong nandito na siya ay gagawin ko talaga ang lahat para muli itong mapaibig sa akin.