Chapter 11 - Denial

CHAPTER 11

-=Ram's POV=-

Can't believe that it's been three weeks since Atilla moved in to my condo unit, and never in my wildest dream that I will have a relationship with a prostitute, but for some reason sa tuwing makikita ko si Atilla ay para bang pamilyar na pamilyar siya sa akin na hindi ko maintindihan.

"Ouch!" mas nagulat ako kaysa sa nasaktan nang may pumitik sa noo ko at nang tignan ko kung sino iyon ay nakita ko ang nakataas na kilay nang bestfriend ko na si Miranda.

"Earth to Ram, kanina pa ako salita nang salita dito pero mukhang hindi ka naman nakikinig, mukhang napipilitan ka lang samahan ako eh." naiiling nitong sinabi.

Nagpasama kasi ito sa akin sa bandang Makati para makapagbonding kami nito, pero kahit kasama ako nito ay hindi ko mapigilang hindi isipin si Atilla, I don't know what spell she uses to me para guluhin ang isip ko nang ganito, I used to be so focused sa lahat nang bagay ngunit pagdating na sa dalaga ay nawawala ang bagay na iyon and somehow it scares me.

"Sorr may iniisip lang ako." pagkakaila ko trying to avoid her gaze dahil kilala ko ang kaibigan kong ito magaling itong makabasa nang emosyon.

"Let me guess, ang iniisip mo ba ay babaeng nagngangalang Atilla?" nanunudyo nitong sinabi and can't believe na ganito ako katransparent sa babaeng ito.

"Kalahi mo ba si Madame Auring at napagaling mong manghula." I asked, resigned on my voice na kinatawa lang nito.

"Come on Ram it doesn't need to be a rocket science genius para mahulaan ang gumugulo sa isip mo, so tell me what's going on between you two." she said getting serious this time.

"Wala naman, masyado lang niyang ginugulo ang isip ko and somehow it scares me dahil natatakot akong baka magising ako isang umaga na hindi ko na kilala ang sarili ko dahil binago na niya ako." napagpasiyahan ko nang maging tapat dito dahil alam kong dito ko lang naman masasabi ang totoong nararamdaman ko.

"One of this day I really want to meet this Atilla girl, gusto kong makilala ang taong nagpahulog sa bestfriend ko." she said with a smile on my face, hindi ko naman maiwasang hindi mapailing sa sinabi nito.

"Come on Miranda, alam mong hindi mangyayari sa akin ang bagay na iyan, I don't believe in romance and love, mas naniniwala ako sa lust sa pagitan nang dalawang tao at sigurado akong lilipas din ang nararamdaman ko sa babaeng iyon, lust lang ang nararamdaman ko sa kanya, I guarantee you." sinabi ko dito at kita ko ang pagdududa sa mukha nito na binalewala ko na lang.

I tried to act na balewala lang ang mga sinabi nito at pinigilan ko talaga ang sarili kong huwag umuwi nang maaga para ipakita dito na wala akong pakialam sa mga sinabi nito na hindi totoo na nahuhulog na ako kay Atilla, I will not fall to anyone specially to a prostitute.

Matapos naming magdinner magbestfriend ay naisipan naman ni Miranda na ayain akong uminom ayoko sana kaso baka naman makantiyawan ako nito kaya kahit napipilitan ay sumama na din ako dito.

"For someone who believes in love so much bakit ilang beses ka nang nakipaghiwalay sa mga naging asawa mo, ilang beses ko nang tinatanog sayo yan pero hindi mo ako binibigyan nang matinong sagot." naiiling kong tanong dito habang nag iinuman kami sa isang secluded bar sa bandang Timog.

"It's hard to explain Ram but I have my reasons." sagot nito actually iyon din ang lagi nitong sinasabi sa akin kapag nabrobrought up ko ang bagay na iyon, matagal na kasi namin kakilala ang isa't isa pero never kong narinig na nainlove ito, yes may mga mangilan ngilan boyfriend ito noong college pero walang ni isa man ang naging seryoso kaya nga nagulat na lang ako nang bigla itong magpakasal sa ibang bansa at kahit na anong tanong ang gawin ko ay hindi nito sinasabi sa akin ang tunay na dahilan.

Lumipas ang mga oras na tanging pangungulit sa akin ni Miranda ang nangyayari, pilit kong tinatago ang patuloy kong pagsilip silip sa wristwatch ko, kanina ko pa iniisip na baka kanina pa ako hinihintay ni Atilla.

"If you have to go Ram, then go!" nagulat na lang ako nang bigla itong nagsalita, mukhang kanina pa nito ako nahuhuli sa pagtingin ko sa relo sa braso ko.

"Hindi ko alam ang ibig mong sabihin Miranda." patay malisya naman kong tanong dito, trying to act na wala lang sa akin ang sinabi nito kahit na nga ba sapul na sapul nito ang nasa isip ko.

Kitang kita ko sa mga mata nito ang pang-uuyam and being Ram Santiago hinding hindi ko ipapakita dito ang totoo kahit na nga ba sabihin na kaninang kanina ko pa gustong umuwi.

Labag man sa loob ko ay sinamahan ko pa ito nang mahigit isang oras hanggang sa wakas ay mukhang napagod na din ito at nag-aya nang umuwi.

"Marami ka nang nainom hayaan mong ihatid kita." pag-aalok ko sa dalaga na pinilit pang maglakad papunta sa kotse nito.

"Huwag mo akong intindihin Ram, mauna ka na, for sure hinihintay ka na ni Atilla, your love." nanunukso nitong sinabi sa akin.

"For a millionth time Miranda sinasabi ko na sa iyong wala akong nararamdaman sa babaeng iyon maliban sa lust and I'm quite sure na lilipas din ang nararamdaman ko sa kanya and eventually will get tired of her and look for another woman just like the old times." hindi ko alam kung bakit kailangan kong magpaliwanag dito, magpaliwanag sa best friend kong lasing.

"Whatever Ram, sige lang patuloy mong lokohin ang sarili mo." napapikit na ito sa sobrang kalasingan mabuti na nga lang at naalalayan ko ito bago pa ito tumumba.

Napapailing na lang ako sa babaeng ito, hindi ko alam kung bakit pinagpipilitan nitong in love ako kay Atilla kahit na nga ba matagal na niyang kilala ang pagkatao ko, Ram Santiago doesn't believe in love and if there is such thing as love malabong mahulog ako sa isang dating babaeng bayaran.

Minabuti ko nang ihatid ito sa tinutuluyan nitong condo unit na hindi naman kalayuan sa tinutuluyan ko, at matapos masiguradong maayos na ito sa pagkakatulog ay nagpasya akong iwanan na ito matapos masiguradong nakalock ang pinto nang unit nito.

Napabuntung hininga na lamang ako nang makita kong ala una pasado na sa wristwatch ko at malamang sa malamang ay natutulog na si Atilla, kaya naman mabigat ang mga paang bumalik ako sa kotse ko at pinaharurot ito papunta sa tinutuluyan kong unit.

Pagkadating na pagkadating ko sa unit ay agad akong dumiretso sa kuwarto at katulad nang hula ko ay naabutan kong nahihimbing na sa pagkakatulog ang dalaga, naglalaban ang isip ko kung gigisingin ko ba siya ulit ngunit nang matitigan kong maigi ang maamong mukha nito ay nanaig ang kagustuhan kong makatabi lang siya sa pagtulog and besides kailangan kong gumising nang maaga para pumasok sa opisina.

"Ram....?" naalimpungatan nitong tanong sa kin.

"Shhh.... Go back to sleep Atilla." banayad kong sinabi dito at tuluyan ko na siyang kinulong sa mga braso ko, mas sumiksik naman ito sa bandang dibdib ko kaya ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa likuran nito, at kahit walang mangyari ay parang naging kuntento na lang ako sa ganitong posisyon naming dalawa na para bang iyon ang tamang mangyari.

Dala marahil nang nainom ko kaya agad akong tinalo nang antok, nagising na lang ako sa tunog nang phone ko na naset ko pa pala bago ako tuluyang igupo nang antok, awtomatikong gumalaw ang kamay ko papunta sa kaliwang bahagi nang kama ngunit agad napakunot ang noo ko nang hindi ko maramdaman ang malambot na katawan ni Atilla.

Agad akong bumangon sa higaan at hinanap ang dalaga, naabutan ko itong abala sa pagluluto nang almusal at hindi ko maiwasang hindi mangiti habang nakatingin sa nakatalikod na dalaga, it felt like she really belongs there as if she really belongs in my life, agad ko naman tinanggal ang ganoong kaisipan dahil alam kong sooner or later mawawala din ito sa buhay ko just any other girl na nakilala ko.

"Good morning." I whispered to her ear at naramdaman ko naman na nagulat ko ang dalaga na nagpalapad nang ngiti sa mga labi.

"Good morning din." sagot naman nito, bahagyang napakunot ang noo ko nang marinig ko ang boses na parang nanghihina kaya naman agad kong kinapa ang noo nito at tama nga ang hinala ko.

"You're sick." nabulalas ko dito, kaya naman agad kong inagaw ang pagluluto nito at hindi ko pinansin ang pagtutol nito, wala na itong nagawa kung hindi hayaan akong magpatuloy sa niluluto nito.

Matapos lang ang limang minuto ay natapos ko na din ang kailangan kong gawin, it might not be as good as we she usually cooks pero edible naman at mukha nang makakain.

Sabay na kaming kumain kahit na nga ba sabihin nitong wala itong ganang kumain ay pinilit ko ito lalo na't kailangan nitong uminom para maagapan ang pagkakasakit nito.

Matapos masiguradong kumportable na ito sa pagkakahiga ay napagpasiyahan ko nang magpaalam dito.

Sumakay ako nang kotse na tanging si Atilla lang ang nasa isip at ang kalagayan nito, tumututol ang dibdib ko na iwanan itong mag isa lalo na't may dinadamdam nito ngunit agad kong iwinaksi sa isipan kong iyon dahil madami akong kailangan asikasuhin sa opisina.

"Ram you need to focus." matatag kong sinabi sa sarili ko at agad inistart ang kotse.