CHAPTER 15
-=Atilla's POV=-
"Atilla." narinig kong sinabi ni Ram pero minabuti kong magpanggap nang nakatulog na para hindi na ako tangunin pa nito, sa totoo lang nahihirapan na akong magsinungaling dito, sa totoo lang hirap na hirap ang loob ko sa ginagawa ko ngunit hindi ko alam kung paano tumigil at sabihin dito ang totoo.
Halos thirty minutes din siguro akong nagpapatuloy sa pagpapanggap ko na tulog ako hanggang maramdaman ko ang pagbagal at pagtigil nang kotse at ang maingat na pagbuhat sa akin ni Ram paakyat nang unit nito, ni hindi ako nito ginising kaya naman patuloy lang ako sa pagpapanggap ko.
Maingat ako nitong hiniga sa kama at sa totoo lang inaasahan ko ngang may mangyayari sa amin lalo na nung tinanggal niya ang suot kong damit ngunit nang tumabi na ito sa akin at maramdaman ang pag-angat baba nang dibdib nito ay saka ko lang napagtanto na agad itong nakatulog.
Isang mahinang buntung hininga ang lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa nahihimbing na itsura ni Ram, I can't believe na makikita ko siyang muli matapos ang mahabang panahon, ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pamimigat nang mga mata ko at hinayaan kong magpatalo sa antok na nararamdaman ko.
I woke up the following day from Ram's kiss, which automatically put a smile on my face.
"Good morning." nakangiti kong bati dito habang nag-iinat agad kong napansin na bihis na bihis na ito at sobrang pagkagulat ang naramdaman ko nang makita ko ang oras.
"I'm sorry Ram hindi ako nagising nang maaga hindi tuloy kita napaghanda..." ngunit naputol iyon nang muli nitong halikan ang labi ko shutting my mouth completely. Ilang segundo din siguro ang inabot nang halik na iyon at nadismaya pa nga ako nang tuluyan na nitong pakawalan ang mga labi ko.
"Huwag kang mag-alala Atilla, I've been living alone for so long now that I can take care of myself and besides alam kong napagod ka sa party at maliban pa doon kagagaling mo lang sa sakit kaya huwag kang mag-alala, at kaya kita ginising ay para sabay na tayong mag-almusal." nakangiting aya nito sa akin kaya naman inabot ko ang naghihintay na kamay nito para maalalayan akong tumayo ngunit agad akong napabalik sa kama nang marealized kong mga underwear ko lang ang suot ko kaya naman dali dali kong tinakpan ang sarili ko nang kumot na nasa kama.
"Uhmmm Ram, can you give me a second to be decent." ramdam na ramdam ko ang pag-iinit nang magkabilang mukha ko and I'm pretty sure na pulang pula na ito, kasi naman hindi ko sinisiguradong nakabihis ako nang maayos.
"My ever shy Atilla, you know I like you more that way than last night, and by the way you don't have to be embarass since I already see, feel, touch every part of your body." he said seductively and I can already feel the lust starting to grow inside me and also felt the tingling sensation to my core ngunit kailangan kong pigilan iyon.
"Please Ram..." pakliusap ko dito at akala ko nga hindi ko ito mapipilit ngunit nang makita ko ang pagtingin nito sa langit at paglabas sa kuwarto ay saka lang akong nakahinga nang maluwang, sobrang bilis nang tibok nang puso ko sa nararamdaman ko.
Dali-dali akong nagbihis nang maayos na damit dahil na din sa takot na baka mainip ito sa paghihintay at pasukin uli ako sa kuwarto at baka mangyari na naman ang bagay na pareho naming gusto.
"What took you so long, gusto na nga kitang pasukin eh." I don't know kung madumi lang nasa isip ko at talagang may nahihint akong ibang meaning sa sinabi nito at muli ay namula na naman ang mukha ko, hindi ko na pinansin ang pagtawa nang binata at agad nang dumiretso sa puwesto ko sa mesa.
Katulad nang sinabi nito ay handa na ang almusal sa mesa, bacon, egg, ham, hotdogs, loaf of bread at kanin.
"What would you like to have coffee, juice or me?" nanunudyong tanong nito at hindi ko naman napigilan hindi mangiti sa sinabi nito kahit alam kong lumang banat na ang sinabi nito ay naging mabenta pa din ito sa akin.
"I will have juice please." I said at agad naman ako nitong sinalinan nang juice sa baso ko, sobra akong nagugulat sa pinapakitang sweetness at caring nang taong ito na lalong nagpapadagdag nang guilt sa dibdib ko.
Masaya naming pinagsaluhan ang hinanda nito, sobrang naenjoy ko ang almusal na iyon lalo na't kasabay kong kumain si Ram at nang oras na nga na kinailangan nitong umalis ay hindi ko maiwasang hindi malungkot kahit na nga ba mamayang gabi naman ay magkakasama uli kami.
"Sige Atilla I will go ahead make sure to lock the door when I got out, pero kung gusto mo naman na mamasyal gawin mo dalhin mo na lang ang extra key na binigay ko sayo, you still have my credit card, don't you?" nakangiting tanong nito.
"Yes boss." ang naiiling kong sinabi dito kasi naman ilang beses na itong nagpapaalam ngunit hindi pa din ito umaalis at saka ko lang nagets na may hinihintay pala ito lalo na't panguso nguso pa ito.
Kaya naman agad akong tumingkayad at binigyan ito nang banayad na halik sa labi.
"Now I can go, ang hina mo naman kasi eh." natatawa nitong sinabi, narinig ko pa ang malakas na tawa nito nang tuluyan ko nang maisarado ang pinto.
"Ok what to do?" bulong ko sa sarili ko nang tuluyan na akong mapag-isa sa unit ni Ram, medyo kinoconsider ko nga ang sinabi nitong mamasyal ako ngunit medyo iniiwasan ko ang bagay na iyon at tutal wala naman akong masyadong magagawa ay naisipan kong iligpit ang pinagkainan namin, pabalik na sana ako nang kusina nang marinig ko ang sunod sunod na katok sa pinto, napangiti naman ako dahil malakas ang kutob ko na si Ram iyon at marahil ay manghihingi ulit nang kiss.
"Please don't tell me na manghihingi ka ulit nang kiss." nakangiti kong panunudyo sa binata ngunit para akong pinagsakluban nang langit at lupa nang tuluyan kong mabuksan ang pinto at makita ko kung sino ang nakatayo doon.
"Actually I don't need any kiss from you, what I need right now are answers." seryosong seryosong sinabi ni Miranda, na matiim ang pagkatitig sa akin.
Bigla akong napalunok habang nakatingin sa dalaga at wala na akong nagawa kung hindi ang papasukin siya sa unit para masagot ang anuman katanungan meron ito.
I tried to explain everything to Miranda, trying to convince her that my intentions are good.
"Kaya naman please itago mo na lang ang nalaman mo." pagmamakaawa ko dito, sobrang kaba ang nararamdaman ko lalo na't wala akong mabasang emosyon sa mukha nito.
Ilang minuto din itong nanatiling walang kibo, para na ngang sasabog ang dibdib ko nang mga oras na iyon.
"Fine Atilla, I will shut my mouth and will not say anything, for now." iyon lang at agad na itong umalis nang unit, para naman nanghihina akong napaupo sa sahig ng kuwarto, kasi naman hindi ko inaasahan na kakilala pala ni Ram si Miranda, hindi lang kakilala kung hindi matalik na kaibigan.
Kung kanina ay nag-iisip akong mamasyal ay tuluyan na iyong nawala dahil sa paghaharap namin ni Miranda, kaya naman naisipan kong ipagpatuloy na lang ang pag-aayos nang kinainan namin nang makarinig ulit ako nang sunod sunod na katok sa pinto.
Parang binabayo naman ang dibdib ko dahil naiisip kong nagbago ang isip ni Miranda na itago ang lihim ko kaya naman hindi ko agad nabuksan ang pinto.
Huminga muna ako nang malalim bago umangat ang kamay ko patungo sa doorknob, dinig na dinig ko ang kabog nang dibdib ko expecting to see Miranda.
Pagkabukas na pagkabukas nang pinto ay mas lalo atang lumakas ang kabog nang dibdib ko nang tuluyan kong makita ang taong nasa pintuan, sa totoo lang mas gugustuhin ko pang si Miranda ang mapagbuksan ko nang pinto at hindi ang taong ito.
"So finally dito lang pala kita matatagpuan Atilla." seryosong seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin, ito ang taong pinaayokong magalit sa akin.
"Henry....." ang tanging nasabi ko habang patuloy pa din akong natutulala habang nakatingin dito.
Wala na akong nagawa nang wala itong paalam na pumasok sa loob nang unit ni Ram, mabigat ang loob ko nang tuluyan kong sinarado ang pinto na ang tanging kasama ay si Henry Cervantes, at bigla kong naisip si Ram.
"I'm sorry Ram."