Chapter 16 - Bad News

CHAPTER 16

-=Ram's POV=-

"Atilla...." I muttered while driving my car, for some reason bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan at ito nga ang na agad ang pumasok sa isip ko, bigla akong nakaramdaman nang pangangailangan umuwi nang mga oras na iyon but I immediately shrugged off that thought thinking that I'm just being paranoid and with that in mind I went straight to my office and immediately attend to all the paperworks on my table.

"Sir Ram, Ms. Miranda is here." narinig kong sinabi nang secretary ko nang bigla tumunog ang line ko sa office.

"Send her in." I said, at ilang sandali lang ay nasa harap ko na din ang bestfriend ko, bigla ko tuloy naalala ang naging reaksyon nito nang makita nito si Atilla.

"So anong masamang hangin ang nagdala sa iyo sa opisina ko?" kunwari seryoso ako nong sinabi ko iyon pero kilalang kilala na nito ang ugali ko kaya balewala lang dito ang kunwa kunwariang pagsusuplado ko dito.

"Wala naman bakit masama bang dalawin ko ang bestfriend ko?" she answered with a frown which made me laugh.

"Seriously Miranda, anong kailangan mo?" natatawang sinabi ko dito na sinabayan naman nito nang nakakahawang ngiti.

"Katulad nga nang sinabi ko dinalaw lang kita at para na din ayain kang kumain sa labas, alam kong workaholic ka pero lunch time na po, kahit nga si Tricia naghahanda nang maglunch break." and right on cue ay narinig ko ang mahihinang katok sa pinto na sinundan nang pagpapasok nang secretary ko.

"Yeah you can go Tricia." agad kong sinabi dito bago pa man ito makapagsalita, at matapos marinig ang sinabi ko ay agad na itong umalis nang opisina.

"Take your time." she said sarcastically which I just ignored since bigla bigla na lang itong susulpot nang walang pasabi.

Talagang sinadya kong bagalan ang naging mga kilos ko just to annoy her, seeing kung gaano katagal ang magiging pasensya nito ngunit baliktad sa inisip ko ay bigla na lang itong humiga sa sofa na nasa opisina ko kung saan ako madalas na nagpapahinga reading a magazine that she took out from her bag.

"Shall we go?" painosenteng tanong ko dito, trying to act casually.

"Are you sure, baka kasi may nakalimutan ka pa may binabasa pa naman ako kaya kung may kailangan ka pang gawin, go on." nakangiti nitong sinabi, not even a hint of irritation on her voice.

"No I'm all set, tara na nagugutom na din naman ako eh." aya ko dito, inalalayan ko na itong makatayo at sabay na kaming dumiretso sa parking lot, minabuti naming mag isang sasakyan na lang.

Hindi na din kami lumayo at kumain lang sa isang malapit na Japanese restaurant, fiftteen minute drive lang mula sa opisina ko.

"Ok so seriously what is this meeting all about?" tanong ko dito nang makapag order na kami.

"My God Ram, sinabi ko na kanina na gusto lang kitang makasabay kang kumain ngayon, isn't that a good reason already?" she exclaimed.

Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi nito dahil tama nga naman ito madalas itong sumusulpot kung kailan nito gusto kahit walang dahilan.

Finally dumating na ang mga inorder namin at nagsimula na kaming kumain, ilang minuto na ang nakakalipas na wala ni isa man sa amin ang nagsasalita hanggang sa wakas nagsimula na itong magsalita.

"So kamusta kayo ni Atilla?" bigla nitong tanong, actually medyo iniiexpect ko nang tatanungin nito ang tungkol kay Atilla.

"Ok naman kami, we're happy." maikli kong sagot dito na hindi man lang tumigil sa pagkain.

"Do you love her?" bigla nitong tanong na naging dahilan para masamid ako.

"Miranda.... hu..huwag mo naman akong bibiglain sa mga ganyang tanong." naiinis kong sinabi dito, sinaid ko ang natitirang laman nang baso ko.

"Well sorry alam mo naman na taklesa talaga ako, so mahal mo na ba si Atilla?" muli nitong tanong pero mabuti na lang at lumipas na ang onslaught nang tanong nito kanina kaya mas kalmado na ako.

"I like her." sa bagay na iyon ay siguradong sigurado na ako, binago ni Atilla ang madaming bagay sa buhay ko at sa tuwing magkasama kami ay kakaibang saya ang naidudulot niya sa akin.

"I think it's more than that Ram, I think hindi mo lang siya gusto kung hindi mahal mo na siya." pagpupumilit nito.

"Here we go again with your delusional idea, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ako naniniwala sa love, love na yan, yeah I admit na gusto ko na si Atilla pero hanggang doon na lang iyon, as much as I like her hindi siya ang babaeng para sa akin, I'm just enjoying what we have right now, hanggang kailangan ko nang lumagay sa tahimik." I  told her but I know for a fact that it's not anything soon.

Bigla na naman itong natahimik at nagpatuloy na din sa pagkain, at ako naman ang may gustong malaman mula dito.

"By the way, bakit ganoon na lang ang reaksyon mo nang makita mo si Atilla na para bang kakilala mo siya?" tanong ko dito.

"Ahhhh wala iyon, akala ko kasi nakita ko na siya from somewhere pero mali pala ako." sagot nito na hindi man lang ako tinignan nang diretso na pinagkibit balikat ko na lang.

Matapos makapaglunch ay bumalik na din kami sa opisina at hindi naman na din ito nagtagal at sinabing may kailangan pa itong asikasuhin.

"Be safe Ram." makahulugan nitong sinabi bago nito tuluyang paandarin ang kotse nito, bigla akong napaisip sa sinabi nito dahil sigurado ako na may bagay itong tinatago sa akin, hanggang makabalik ako sa opisina ko ay laman pa din ng isip ko ang huling sinabi ni Miranda, ngunit madami pa akong kailangan asikasuhin sa opisina at kung gusto kong makauwi nang maaga ay kailangan kong matapos ang lahat nang ito.

Around four pm ay tapos ko na ang mga kailangan kong gawin nang araw na iyon, napirmahan ko na ang mga papeles na kailangan kong pirmahan, nameet ko na ang mga kameeting ko nang araw na iyon at naisend ko na ang mga email messages na kailangan kong isend kaya naman maari na akong umuwi nang oras na iyon, nagbilin na lang ako kay Tricia at agad na akong sumakay nang kotse pauwi kay Atilla, at dahil maaga akong makakauwi ay magagawa ko na kay Atilla ang bagay na gustong gusto kong ginagawa namin.

Bigla akong napangiti nang makita kong nagregister sa phone ko na ang pangalan nang dalaga.

"Miss me already?' nakangiti kong tanong dito pagkasagot na pagkasagot ko pa lang nang phone, again narinig ko na naman ang banayad na tawa mula dito at hindi talaga ako makapaniwala nang epekto nito sa akin na kahit simpleng tawa lang nito ay nagrereact na agad ang bagay sa pagitan nang mga hita ko.

"Gusto ko lang naman itanong kung anong gusto mong iluto ko for dinner?" narinig kong tanong nito.

"Kahit huwag ka nang magluto, just wear something sexy for me." pilyo kong sinabi dito at naiimagine kong namumula ang mukha nito sa mga oras na ito.

"Hello nandiyan ka pa ba?" pigil na pigil ang pagtawa ko nang tinanong ko iyon, kasi naman bigla itong natahimik.

"Ahhh o..oo nandito pa ako, sige ako na lang bahalang magdecide nang lulutuin ko, sige goodbye." at hindi ito nagbibiro dahil agad nitong binaba ang tawag.

Isang malakas na tawa ang lumabas sa bibig ko, sobra akong naaamaze sa pagiging inosente nang dalaga.

Binilisan ko ang pagdradrive ko para makarating nang mas maaga sa condo unit ko at para matikman ko na si Atilla este ang luto ni Atilla.

Wala pa sigurong thirty minutes ay agad akong nakarating sa tinitirhan ko kaya naman gulat na gulat ang dalaga nang pumasok ako sa unit.

"Bakit ang aga mo ata ngayon, hindi pa ako nakakapagluto nang pang hapunan natin." maang na sinabi nito.

"Maaga talaga akong umuwi." I said at dali daling hinatak ito palapit sa akin, kissing her hungrily na parang wala nang bukas.

"Wait Ram, nagriring ang phone mo." she told me trying to push me away ngunit masyado na akong nasasabik dito kaya hindi ko ito pinansin ngunit nagpatuloy ang pagring nang phone ko kaya naman sandali ko lang pinakawalan ang mga labi nang dalaga not letting her go.

"Hello?" medyo napapaos kong sagot sa phone ko at kung sino man ang makakarinig nun ay dalawang bagay ang iisipin, either may sakit ako or may ginagawa akong kababalaghan which in this case is the second one and this call better be important for disturbing me.

"Ram ang Daddy mo ito, kailangan mong umuwi nang bahay ngayon." nagulat na lang ako nang marinig ko ang boses nang Daddy ko, hindi ko kasi nacheck ang phone ko kaya hindi ko nabasa kung sino ang tumatawag at maliban pa doon ay matagal din itong nanatili sa US sa hindi ko malamang dahilan, hindi na nito hinintay ang sagot ko at agad nang binaba ang tawag.

"Ok ka lang ba?" napapitlang na lang ako nang maramdam ko ang banayad na paghawak ni Atillsa mukha ko, kita ko ang pag-alala sa itsura nito habang nakatingin sa akin.

"Wa.wala it's my Dad mukhang nakauwi na siya." I answered.

Labag man ang kalooban ko na iwan ito ay wala akong nagawa kung hindi ang sumakay nang kotse at dumiretso sa bahay namin, and besides gusto kong malaman ang dahilan nang bigla nitong pagpunta sa US.

Mga dalawang oras din ang drinive ko bago ako makarating sa bahay namin, pagkadating na pagkadating ay agad akong dumiretso sa study room nito kung saan ko ito naabutang may binabasang mga papeles.

Bigla ang naging pag-aalala ko nang makita ko ang pagbaba nang timbang nito, parang ilang taon ang nadagdag sa itsura nito sa loob lamang nang mahigit isang buwan pagstay nito sa US.

"What happened to you?" nag-aalalang tanong ko dito sabay yakap nang mahigpit dito, sobrang pag-aalala ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon.

"I'm ok Ram, mas may kailangan tayong pag-usapan." seryosong seryoso ito habang nakatingin sa akin at nararamdaman kong hindi ko magugustuhan ang sasabihin nito.

"Su....sure what's going?" I tried to maintain my composure while waiting for him to continue.

"Nalugi ang negosyo natin?" mahina lang ang naging pagkakasabi nito ngunit parang naging bomba sa pandinig ko ang lumabas sa bibig nito.

"That can't be possible, maayos naman ang pagpapatakbo ko sa mga negosyo natin kaya malabo ang sinasabi ninyo." naiiling kong sinabi dito, kung biro ito hindi magandang biro ito, lalo na't dugo't pawis at oras ang nilaan ko sa mga negosyon namin.

"Nalugi ang negosyo natin sa US." mahina nitong sinabi.

"Anong pinagsasabi ninyo? Paanong malulugi ang negosyo natin sa US eh wala naman tayong....." ngunit agad napagtagpi tagpi ang nangyari.

"Please don't tell me na tinuloy niyo pa din ang binabalak nating negosyo sa US?" at para akong pinagsakluban nang langit at lupa dahil kahit hindi pa nito sinasagot ang tanong ko ay kitang kita ko na sa expression ng mukha nito.

Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap ay mangyayari sa amin ang ganitong bagay.