CHAPTER 12
-=Ram's POV=-
"Good morng sir." ang bati sa akin ni Tricia pagkadating na pagkadating ko pa lang sa opisina ko.
"Good morning din Tricia, please tell me all the appointments that I have for today." I asked her after settling to my seat.
Pinilit kong ituon ang isip ko sa mga bagay na kailangan kong gawin nang araw na ito ngunit kahit anong gawin ko ay hindi pa din maalis alis sa isip ko ang nanghihinang itsura ni Atilla, at hindi ko maiwasang mag-alala sa babaeng naiwan ko sa unit ko.
"Ram?" nagulat na lang ako nang tawagin ni Tricia ang pangalan ko at nang tignan ko ito ay nakita ko ang nakakunot noong itsura nito, apparently kanina pa ito tapos sabihin ang mga appointments ko for today ngunit dahil masyadong okupado ang isip ko ay wala akong naintindihan ni isa man sa mga sinabi nito.
"Cancel all my meeting Tricia for today may kailangan akong asikasuhin at kung may maghanap sa akin ay kuhanin mo lang ang kailangan nila at sabihin mong tatawagan ko sila as soon as possible." nagmamadali kong sinabi dito at matapos non ay dali dali akong tumungo sa parking lot at sumakay sa kotse ko.
I should not have left Atilla all by herself lalo na sa kalagayan nito, and I felt guilty about it, a prostitute or not she deserves someone to care for her at ngayon nga ay labis ang pagsisisi ko habang naiisip kong nahihirapan ito, with that in mind ay pinabilis ko ang pagpapatakbo nang kotse ko, mabuti na lang at hindi naman masyadong traffic dahil alas ocho pa lang nang umaga.
Agad akong dumiretso sa kuwarto ko and there she was sleeping like a baby, watching her asleep is such a serene sight to see and I know that I will never get tired looking at her pretty face, even without make-up she looks so pretty actually mas prefered ko ngang ganito siya kumpara sa noong nakita ko siyang kasama si Henry Cervantes, thinking about Henry Cervantes made me wonder kung paano nakipaghiwalay si Atilla ngunit agad ko iyong dinismiss sa isip ko at maingat na naglakad palapit sa natutulog na dalaga.
I was mesmerize while looking at her face, and my right hand automatically move to her face, caressing her cheek and right away felt the heat coming from her, confirming my worries that her fever gotten worse.
"Ram? Bakit nandito ka? Hindi ba may pasok ka sa opisina?" sunod sunod nitong tanong while looking at me ngunit agad kong dinikit ang daliri ko sa labi nito stopping her from talking.
"I decided na hindi na pumasok para mabantayan kita, ang mga taong may sakit ay kailangan alagan." nakangiti kong sinabi dito at parang biglang may sumuntok na kung anong bagay sa dibdib ko nang makita kong ngumiti ito, ngiting alam kong kahit kailan ay hinding hindi ko pagsasawaan.
Dahil alam kong hindi ito nakakain nang maayos kanina ay naisipan ko itong ipagluto nang sopas para na din mainitan ang sikmura nito.
"Ram?" tawag nito sa akin at napapailing na lang ako sa katigasan nang ulo nito kahit na nga ba sinabi kong huwag muna itong maggagalaw.
"Hindi ba sinabi kong mag stay ka na lang sa kama." naiiling kong sinabi dito at matapos maiayos ito sa bakanteng silya ay nagpatuloy na ako sa ginagawa ko.
Tahimik lang ito habang pinapanood ako sa pagluluto, well being independent for the past few years taught me a lot of things at isa na dito ang ipagluto ang sarili ko at sa totoo lang unang beses kong gawin ang ipagluto ang isang tao dahil nang naglilive in pa kami ni Janine ay puro take out sa mga restaurant ang nangyayari o kaya naman ay puro kain sa labas ang ginagawa namin.
Matapos ang ilang minuto ay hinatid ko na muna ito pabalik sa kuwarto at matapos non ay kinuha ko nang ang mangkok kung saan nakalagay ang mainit na sopas.
"Hindi mo kailangan gawin ito Ram, kaya ko namang alagaan ang sarili ko at ayokong maging pabigat sayo." sagot nito matapos kainin ang unang subo sa sopas, mukhang nahihiya pa din ito.
"Huwag kang mag-alala Atilla hindi ito kaabalahan sa akin." nakangiti ko namang sagot dito at muli itong sinubuan.
"Pe...pero bakit mo ito ginagawa sa akin?" bigla akong napatigil sa tanong nito at bigla na lang akong napatingin sa malamlam na mga mata nang dalaga.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ko nga ba ginagawa ang bagay na ito, ang magmalasakit sa isang taong alam ko naman na hindi ko makakasama habang buhay.
"Ano ba namang tanong yan siyempre dahil may sakit ka, kahit naman sinong tao aalagaan ko kung may sakit." naiilang ko sagot dito sabay iwas nang tingin dito.
"Ahhh ganoon ba.... salamat." sagot naman nito and for some reason I can detect sadness in her voice na pinagkibit balikat ko na lang thinking na dala lang iyon nang nararamdaman nito.
Naubos naman nito ang nasa mangkok at matapos noon ay pinainom ko ito nang gamot at sandali lang ay napansin kong nakatulog na ito.
Hinayaan ko na muna itong matulog at mag aalas dose na nang tanghali nang gisingin ko ito para sa tanghalian at para na din mainom nito ang gamot nito, ilang beses ko na ngang pinipilit itong pumunta nang doctor ngunit todo ito sa pagtanggi.
Handa na din ang pagkain namin para sa oras na iyon ngunit mas minabuti kong sa kuwarto na kami magtanghalian para hindi na din mabinat ito.
"Ram may sakit lang ako, hindi imbalido." ang natatawa nitong sinabi.
"Mas mabuti nang makasigurado para hindi ka mabinat, ikaw naman kasi bakit ayaw mo pang magpadala sa ospital para mas matignan ka nang husto." tanong ko dito.
"Lagnat laki lang naman ito at siguradong madadala ito nang mga gamot na iniinom ko." nakangiti naman nitong sagot kaya naman hindi ko na uli itong pinilit.
"By the way curious lang ako, ano nga bang ginawa mo sa perang binigay ko sa iyo?" bigla kong tanong dito, at dali dali akong lumapit at hinimas ito sa likod sabay abot nang baso nang tubig, bigla kasing nasamid ito.
"Thank you." pagpapasalamat nito matapos makainom.
"No problem so ano na ngang ginawa mo sa five million na hiningi mo sa akin?" muli kong tanong dito, nacurious lang kasi ako lalo na't five million is a big amount of money.
"Uhmm pinadala ko sa probinsya iyong pera, tapos iyong natira nilagay ko sa bangko." sagot naman nito na hindi man lang tumitingin sa akin.
"Ahhh ganon ba, that's good to hear naalala ko lang ang sinabi sa akin nang babaeng nakausap ko sa tulay kung saan tayo nagkita ay pangalan mo daw ay Jocelyn." bigla ko lang naalala, sa totoo lang ang dami ko pang hindi alam sa babaeng ito.
"Ahhh iyon lang sinabi kong pangalan para pangalagaan ang pagkatao ko." ang sagot naman nito which make sense since alam kong ang babaeng pumapasok sa ganoong trabaho ay may mga code name kaya naman hindi nakapagtataka na gumamit ito nang ibang pangalan.
"Pero bakit ba kailangan mong pumasok sa ganoong trabaho, there must be a really good reason kung bakit kailangan mong ibenta ang sarili mo." tanong ko ulit dito.
"May mabigat talagang dahilan Ram pero baka puwede na muna akong magpahinga, bigla kasi akong nahilo eh." sagot naman nito at hinayaan ko na itong magpahinga.
Madami pa akong bagay na gustong malaman dito but I guess it can wait mas kailangan nitong magpahinga para mabilis itong gumaling.
Tutal naman wala akong masyadong magagawa dahil nagpapahinga ang pasesyente ko kaya naisipan kong iturn on ang computer ko para icheck ang mga emails na sinend sa akin ni Tricia.
Mag aalas kuwarto na nang mapansin ko ang oras at tutal masyado pang maaga para maghapunan ay naisipan ko munang umidlip muna, naupo ako sa couch na nasa tapat nang kama para kung sakaling may kailanganin si Atilla ay agad akong magigising.
Nagising na lang ako sa banayad na tapik sa balikat ko at sa amoy nang mabangong kape at nang magmulat ako nang mata ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Atilla na may hawak hawak nang isang tasa nang kape that explains the smell of the cofee.
"Good morning sleepyhead." bati nito sa akin, bigla naman napakunot ang noo ko sa sinabi nito at nang mapatingin ako sa labas nang bintana ay saka ko lang napagtanto na umaga na pala kahit na nga ba malakas ang ulan.
"Please don't tell me na nagtuloy tuloy ang tulog ko." napahilamos ko pa ang dalawang kamay ko sa mukha ko trying to shake the drowsiness that I'm feeling.
"Ok hindi ko sasabihin na nagtuloy tuloy ang tulog mo." sinabi nito na pinipigilan matawa, napangiti naman ako sa sinabi nito kasabay nang pag-abot nang kape dito.
Binaba ko na muna ang inabot nitong tasa nang kape at hinatak ito kaya naman napaupo ang dalaga sa harapan ko.
"So you're trying to be funny ngayong magaling ka na ah." nanunudyo kong sinabi dito.
"Well sinabi ko lang naman ang gusto mong marinig eh." patay malisya nitong sagot trying to act innocent.
"Tutal naman gagawin mo ang mga gusto kong gawin may gusto akong gawin ngayon." biglang sumibol ang pilyong ngiti sa labi ko at kitang kita ko ang panglalaki nang mga mata nito lalo na't mukhang naramdaman nito ang matigas na bagay sa pagitan nang mga binti ko na tumutusok naman sa likod nito.
"No way Ram, tandaan mo kagagaling ko lang sa sakit." she said laughing, agad itong tumayo sa kandungan ko at agad tumakbo palayo sa akin.
"So let's the chase begin!" kasabay nang malakas na tawa at agad ko siya sinundan sa kusina kung saan nakaharang sa amin ang mesa na nasa gitna.
Dali dali ko siyang hinabol ngunit mabilis itong nakatakbo sa kabilang side nang mesa at matapos maghabulan doon ay tumakbo naman ito patungo sa kuwarto, akma pa nitong ilalock ang pinto ngunit mabuti na lang at agad ko itong napigilan, nang hindi na nito naisarado ang pinto ay agad itong tumakbo ngunit this time naging maagap ang kamay ko at naikulong ko ito sa mga braso.
Ramdam na ramdam ko ang pagbaba taas nang dibdib nito dahil na din sa pagtakas nito, maingat ko siyang hinarap sa akin at kitang kita kong napalitan ang ngiti sa mga mata nito nang kakaibang emosyon at pamilyar sa akin ang nakikita ko sa mga mata nito lalo na't alam kong pareho ang emosyon na nasa mga mata namin.
Dahan dahang lumapit ang mukha ko sa naghihintay niyang mga labi and captured her lips like a hungry wolf, and right there and then pinaramdam namin sa isa't isa ang damdamin na tanging kami lang ang kayang magparamdam.