"SIGURADO ka ba, Kuya?"
"Oo nga, wala kang sakit sa puso." Sagot ng Kuya Craig niya.
Dito humantong si Joelle pagkatapos ng klase para ipakonsulta ang kakaibang nararamdaman. Ipinapanalangin pa naman niya na sana may problema na lang sa puso niya pero nilinaw nito sa kanya na normal ang buong katawan niya, in and out.
"Imposible 'yon, Kuya. Minsan ang abnormal ng heart rate ko eh!" pilit pa rin niya.
"Sis, hindi doctor ang kailangan mo kaya wag ako ang guluhin mo." Simpleng sagot ng kapatid at inabala ang sarili sa mga papeles nito sa mesa. Mukhang pinapalayas na siya nito sa opisina nito sa inaasal nitong iyon.
"Eh kanino pala ako lalapit, Kuya?" kulit niya pa rin sa Kuya Craig niya.
Nag-angat naman ito ng tingin at saka siya tinitigan ng matagal na parang may binabasa sa mukha niya.
"Kuya!" tawag ni Joelle rito nang matagalan ito sa pagtitig sa mukha niya.
"Why don't you try figuring that out yourself?" seryosong sabi nito.
"Susugod ba ako rito kung kaya ko 'tong i-solve mag-isa?" balik na tanong niya sa kapatid.
"Oo, dahil matigas ang ulo mo at ayaw mong tanggapin sa sarili mo ang katotohanan."
She looked at her brother Hindi ata niya nasundan ang sinabi nito.
"Tinatanong mo kung kanino ka lalapit hindi ba?" She nodded. "Start with the person who makes your heart beat faster."
"Eh?"
"Titigan mo siya lagi hanggang sa ma-realize mo kung ano na ba 'yang nararamdaman mo. Matalino ka naman, sis. It won't take you long figuring that out." Tumayo na ito saka siya hinila ring patayo at itinulak sa pinto. Binuksan nito iyon. "For now, get the hell out of my office bago pa ako matambakan ng trabaho dahil sa pang-aabala mo."
Namalayan na lamang niyang nasa labas na siya ng opisina ng kapatid at napagsarhan na siya nito ng pinto. Big help! Wala naman siyang naintindihan sa mga ipinayo nito. Ano raw iyon? Titigan niya 'yong taong dahilan ng pagwawala ng puso niya? Nababaliw na siguro ang kapatid niya. Ni ayaw na nga niyang makita ang mukha ng lalaking iyon eh!