Chapter 17 - 17

NAKADUNGAW si Joelle sa binatana ng classroom nila kung saan tanaw ang open basketall court ng school nila. Kitang kita niya mula doon ang grupo ng mga lalaking masayang naglalaro ng basketball. Ngunit marami man ang mga lalaking nasa ibaba ay isa lamang ang sinusundan ng tingin niya. It was Ridge. Hindi rin niya napigilang mapangiti nang walang kahirap-hirap na maka-shoot ito kahit pa dalawa ang bantay nito.

"So hindi mo talaga siya gusto.."

Napaigtad siya sa boses na iyon mula sa likod niya. Nahampas niya tuloy ang kaibigang si Madeline na bigla na lamang sumulpot sa likod niya.

"Aray naman! Nananakit ka na naman!" reklamo ng kaibigan.

"Eh nanggugulat ka eh!" sagot niya.

"Asus! Hindi ka lang aware sa paligid mo dahil abala ka sa panonood sa gwapong fiancé mo!" akusa nito.

"H-hindi ah! Natutuwa lang ako sa laro!" kaila niya bagaman naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi.

"Kaya pala abot-tenga 'yong ngiti mo noong maka-shoot si Ridge?"

"Eh sa magaling siyang maglaro eh."

"Magagaling din maglaro ang mga kasama niya, eh bakit siya lang ang pinupuri mo?" nakita niya ang biglaang pagkunot ng noo nito. "And Oh my God! You praised him! The world must be ending!" eksaheradong komento nito pagkatapos.

"T-tumigil ka nga!" hinampas niyang muli ang kaibigan. "Umandar na naman ang pagka-OA mo!"

"Sinong OA? Observant ang tawag doon! Abot-langit kaya ang galit mo sa fiancé mo na 'yan noong huli tayong magkita. Nag-weekend lang pinagnanasaan mo na siya? Ano pang gusto mong isipin ko kung hindi may himala!" at tumingala pa ito kasabay nang pag-angat ng mga kamay nito.

"Anong abot-langit ang galit? Hindi kaya." Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito sa kanya."What?"

"Anong what? Halos isumpa mo na kaya si Ridge noon tapos ikakaila mo ngayon? Ako pa ang sinungaling ngayon, ganoon?"

"I just realized he was not that bad." Kibit-balikat na sagot niya.

Kumurap-kurap ito bago inilapat ang mga palad sa balikat niya saka siya literal na iniyugyog.

"Sino kang masamang espiritung sumasapi sa kaibigan ko. Lumayas ka sa katawan niya sa ngalan ng Diyos ---"

"Madeline, stop it!" sita niya rito at pinalis ang mga kamay nito. "Kahit kelan praning ka!"

"At nasasapian ka friend. Ano bang ipapatawag ko, pari o albularyo?" She rolled her eyes at her friend. "Why do I feel like something happened that I am not aware of?" nagdududang tinignan siya nito.

Naiilang namang iniiwas niya ang tingin niya rito dahilan upang mapatingin siyang muli sa bintana at ulit sa lalaking kanina pa niya tinitignan. Ridge was now looking at her direction. Nakita pa niya ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa mga labi nito kasabay niyon ay ang pag-angat ng kamay nito saka siya kinawayan. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya.

"Oh my God, you're blushing! Tatawag na ako ng albularyo!"