Chapter 23 - 23

"SAGLIT lang akong nawala, naipasok mo na naman ang sarili mo sa gulo." Tinignan siya ni Ridge mula ulo hanggang paa at pabalik. "Lahat pa ng binilin ko sa'yo, sinuway mo!"

Kating kati na si Joelle na kutusan ito kung hindi nga lang niya iniisip na kung kukutusan niya ito habang nagmamaneho ay malamang na sabay nilang maka-eye ball si San Pedro bago matapos ang gabing iyon. Ang kapal lang ng mukha nitong pagalitan siya samantalang pagkalaki-laki ng kasalanan nito sa kanya!

"And you were with a drunk guy, for heaven's sake, are you even thinking?"

"Stop the car." Hindi na nakatiis na sabi niya.

"What?"

"Stop this damn car right now!"

Nagulat ata ito sa outburst niyang iyon kaya agad din nitong itinigil ang sasakyan. Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan ay binuksan niya ang pinto sa side niya saka bumaba at nagmartsang pauwi. Hindi na niya kayang tagalan ang panenermon nito sa kanya na parang kasalanan pa niya ang lahat when it was his fault that she even thought of going on a double date!

"Joelle!" narinig niyang tawag nito sa kanya.

"Shut up!" sagot niya rito. Hindi pa ba sapat na sinaktan siya nito? Ngayon siya pa ang sinesermunan nito? Masyado naman yata itong sinuswerte.

Narinig niya ang ugong ng sasakyan nito at nakita niya sa peripheral vision niya ang pagsabay ng kotse nito sa paglakad niya.

"Sumakay ka na, Joelle at mag-usap tayo!" sigaw nito sa kanya.

"Kausapin mo 'yang sarili mo! Tutal naman kanina ka pa nagmomonologue, edi lubos-lubusin mo na!"

"Look, I'm sorry. Sorry sa mga nasabi ko sa'yo. I was just so damn angry when I saw that guy near you. Masisisi mo ba ako?"

Tumigil naman siya sa paglalakad kasabay ng pagtigil din ng sasakyan nito sa tapat din niya mismo. Nakapameywang pa na pinukol niya ito ng masamang tingin. "At ako? Wala ba akong karapatang magalit ha? Sa pagkikipagsabwatan mo sa pamilya ko para lokohin ako sapalagay mo ba wala akong karapatang magalit?" there it goes. Basta na lamang dumulas sa labi niya ang mga salitang matagal na rin niyang gustong sabihin dito.

"Joelle, let me explain first---"

"At bakit? Sa'kin ba humingi ka ng paliwanag bago mo ko pinaulanan ng sermon ha?" sagot niya rito saka nagsimulang maglakad palayo ulit dito. Bakit ba napaka-inconsiderate nito? Sariling galit lang nito ang naisip nito at nakalimutan na ata ang kasalanan nito sa kanya. What a guy! "You know what? Let's stop this nonsense and leave me alone! You have your Rhea anyway!" sabi niya saka nagmartsa ulit palayo.

Sa sinabi niyang iyon ay muling bumalik sa alaala niya ang anyo ni Rhea nang datnan niya ito sa pad ni Ridge. At kasabay niyon ay ang pagbabadyang muli ng mga luha niya. Kinusot niya ang mga mata upang hindi na tuluyang dumaloy ang mga luha niya.

Pesteng luha! Mukhang ipapahiya pa siya nito sa harap ng bwisit na lalaki!

Hindi pa siya gaanong nakakalayo nang maramdaman niya ang kamay nito sa braso niya at pihitin siya nito paharap dito. Humantong ang mga mata niya sa mukha nito. Kailan nga ba niya huling nakita ang mukha nito? Weeks ago?

Ngayong nakita niya itong muli ay bumaha ang kakaibang damdamin sa dibdib niya. First was longing for him. Second came the hurt. This guy was with some other girl just a few days ago. This guy was the one who made her fall in love with him, and hurt her a few weeks after. Naramdaman niya ang pagkawala ng luha mula sa mata niya.

"H-hey, are you crying?" bumadha ang pagkabahala sa mukha nito. Kasunod niyon ay ang paglapat ng daliri nito sa pisngi niya para pahirin ang luhang dumaloy roon.

Saglit siyang natigilan bago marahas na pinalis ang kamay nito!

"Don't you dare touch me!" banta niya rito.

"Joelle..."

"Ano ba bitawan mo nga ako!" nagpumiglas siya sa pagkakahawak nito sa mga braso niya ngunit mala-bakal ang hawak nito kaya naman walang nagawa rito ang paglilikot niya. "Let me go!"

"Ayoko hangga't hindi mo pinapakinggan ang sasabihin ko." Determinadong sabi nito. "But before that..." Saglit na na-estatwa siya sa pagkakatayo at nakalimutan ang pagpupumiglas ng mag-landing ang mga labi nito sa noo niya. "I missed you..."

"L-liar!" kulang sa determinasyong sabi niya rito. Nakakapanghina kasi ang ginawa nito at nahihirapan siyang maka-recover sa pagkagulat sa ginawa nito. Kasunod ng pagkagulat an gang paghulagpos naman ng mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Akala pa naman niya ay naubos na iyon ngunit mukha may naka-reserve pa pala para sa pagkakataong iyon. She wants to hurt him physically. To curse him. Ngunit parang naubos lahat ng enerhiya niya nang yakapin siya nito. Kahit kasi malaki ang kasalanan nito sa kanya, she just can't erase the fact that she still missed him. That she still love him.

"Hindi ko naman inaasahan na paniniwalaan mo agad ang mga sasabihin ko pero nagsasabi ako ng totoo. I really missed you. Those days I spent away from you were dreadful. Kung alam mo lang kung ilang beses 'kong ginustong umuwi na kung hindi ko lang napipigilan ang sarili ko."

"S-stop it! Ayokong marinig!" Ayaw na niyang marinig ang ano pa mang sasabihin nito. Natatakot siyang mapaniwala na naman siya nito sa mga sasabihin nito. Ngayon pa nga lang na hindi pa ito lubusang nakakapag-paliwanag ay lumalambot na ang puso niya. Itinaas niya ang mga kamay at itinakip ang mga palad sa mga tainga niya ngunit madali lamang naman nitong natanggal ang mga iyon. Bahagya siyang inilayo nito ngunit mariing nakahawak pa rin sa mga kamay niya. Pinagmasdan siya nitong mabuti.

"I'm so sorry, I made you cry." He said gently. His face was pure of sincerety that she felt her heart silently growing warm. "It was never my intention, I swear. And it hurts me more seeing you cry like that."

Binitawan nito ang isang kamay niya bago umangat ang kamay nito sa pisngi niya. Ngunit bago pa man iyon tuluyang lumapat sa mukha niya ay pinalis na niya iyon. She just can't let him melt her heart again. Dahil sigurado siyang mas masasaktan pa siya lalo kung padadala siya rito.

"P-please stop." Humihikbing sabi niya.

"Joelle, please listen to me­­­­­­­­---"

"No, you listen to me."mariing sabi niya rito bagaman nanghihina pa rin ang boses. "I have been raised by four men. I was tough. Hindi ako umiiyak kahit pa may nambu-bully sa akin. I just get even and then I'm fine. I have always been strong enough to handle every problem that comes my way. Everything, until I met you. This is the first time that I have felt this way towards a guy." She laughed bitterly. "The first time that I have let someone besides my family to get too close to me, to creep his way to my heart. And the very first time that I admitted to myself that I have actually fallen for someone. And it turns out that everything was just a joke."

"Joelle, hindi---"

"Pero kahit nang malaman kong ginawa mo lang ang lahat ng 'yon dahil sa bwisit na pakiusap ng pamilya ko, umasa pa rin ako eh! Umasa akong kagaya ko, sa katiting na panahong nakasama mo 'ko, kahit isa sa mga ginawa mo para sa'kin ay totoo. Na kahit isa doon, kusang loob mong ginawa dahil kahit papaano, may nararamdaman ka na rin para sa akin. Ganoon daw kasi'yon. Kapag nagmahal ka, kakapit ka sa kakapiranggot na pag-asang matutumbasan ang nararamdaman mo. But that small hope I was holding to was still crushed. Imagine, ni hindi mo binigyan ng pagkakataon ang paag-asang iyon bago mo tinapakan. Bago niyo tinapakan ng ex-girlfriend mo!" tuloy-tuloy lamang ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata niya ngunit wala na siyang pakialam pa. Ang nais lamang niya ngayon ay mailabas ang lahat ng gusto niyang sabihin. That way she would not need to see him again. That way she would start moving on with her life. Sana...

"ex-girlfriend?" saglit itong natigilan pagkatapos ay dumilim ang anyo. "What did she tell you?"

"Nagkita kami sa mall at siya ang nagsabi sa akin tungkol sa usapan niyo ng pamilya ko. I heard her talking to you over the phone. She even told me you are still her boyfriend."

"At naniwala ka? Matagal na kaming hiwalay, Joelle. At saksi ka sa hiwalayang iyon---"

"'Yon nga eh! Kaya nga pinaasa ko ang sarili ko nab aka may nararamdaman ka rin para sa akin. Kaya ako nakarating sa pad mo! Kaya ko siya nakitang magulo ang buhok at nakasuot ng T-shirt mo!" nakagat niya ang ubabang labi. There, she said it and it felt like something sharp pierced to her heart again. Masakit na ngang isipin, mas masakit pa pala kapag narinig niya at sa mismong bibig pa niya. "I shouldn't have gone to your pad. I should have settled at home hating you for even pretending that you like me. Sana hindi ganito kasakit. Sana..."

"Joelle, what---" tinangka nitong hawakan siya ngunit iniwasan niya iyon bago marahas na pinalis ang mga luha niya.

"Just stay away from me, from my family, from my life!" mariing sabi niya rito bago ito tinalikuran. Sakto namang may dumaang taxi sa harap niya kaya pinara na niya iyon at sumakay bago ipinagpatuloy ang paghagulgol. Wala na siyang pakialam pa kahit mukha na siyang timang sa paningin ng driver ng taxi. She was hurting and she has to let it out.

Akala pa naman niya tapos na siyang umiyak. Kaya nga siya lumabas ng araw na iyon para ipagpatuloy ang buhay niya nang wala ito. Pagkatapos ay bigla itong susulpot at ibabalik lahat ng sakit sa dibdib niya?

"Bwiset! Bwiset na lalaki!" she said between sobs. "Ah shit!"

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag