Chapter 25 - Epilogue

"Missing in action na naman ang Prince Charming mo." Pumalatak pa sa tabi niya ang kaibigang si Madeline. Graduation ball nila nang gabing iyon.At gaya nga nang sabi nito, kung kalian kailangan niya ng prinsipe sa tabi niya, saka naman nawawala si Ridge. Pagkatapos kasi ng graduation program noong umaga ay nagpaalam itong may aasikasuhin. Malamang na trabaho na naman iyon. Ito lang talaga ang kilala niyang kaka-graduate lang ay may tinatrabaho na. Kung sabagay, noon pa mang hindi ito tapos ay katu-katulong na ito ng Daddy nito sa negosyo.

Pero sana man lang, sa mga ganoong okasyon ay present ito, hindi ba?

"One of this days talaga, makikipag-break na ako sa taong 'yon!" nakaismid na sabi niya.

"Asus! Ikaw pa ba? Eh ilang araw nga lang 'yong nawawala, namimiss mo na." Hirit naman ni Madeline.

"Heh! Kanino ka ba kampi?"

"Syempre sa kanya, gwapo 'yon--- aray!" daing nito nang hampasin niya ito sa braso. "Syempre joke lang 'yon bestfriend."

Nang matapos ang isang tugtugin ay nagulat ang lahat nang mamatay ang mga ilaw at ang tanging natira ay ang ilaw. Kasunod niyon ay ang pag-ilanlang ng tugtuging pamilyar sa pandinig ni Joelle at malamang na maging sa mga taong naroon. It was a acoustic version of Jason Derulo's "Marry Me".

Nang marecognize pa lamang ni Joelle ang kanta ay kumabog na ang dibdib niya na hindi niya maintindihan. Sabay sabay ang naging pagsinghap ng mga tao nang may magflash sa lcd screen na naka-set up sa make shift stage. Napanganga naman siya. It was a slideshow of pictures of her. Mayroong nakangiti siya, mayroon ding parang maghahamon na siya nang away. Naramdaman niya ang pagtingin ng mga tao sa paligid ngunit hindi na niya magawang lingunin pa ang mga ito dahil abala na siyang pakalmahin ang dibdib niya. What was happening?

How many girls in the world can make me feel like this?

Baby I don't ever plan to find out

The more I look, the more I find the reasons why

You're the love of my life

You know one of these days when I get my money right

Buy you everything and show you all the finer things in life

We'll forever be in love, so there ain't no need to rush

But one day I won't be able to ask you loud enough

She found the answer when the next to flash was her picture with Ridge. Pagkatapos niyon ay panay larawan na nila ang nagpa-flash sa screen. Halos lahat doon ay kuha mula sa family outing nilang kasama ito. Most of it were stolen. At kitang kita ang saya sa mga ngiti nila mula sa mga larawan. It must be her brother's doing.

The spotlight suddenly switched on. Gumalaw iyon na parang may hinahanap habang nakasunod naman ang tingin ng mga tao sa ilaw. And it suddenly stopped a few steps behind her. And standing there, looking as handsome as ever was her boyfriend.

"Ridge!" hindi niya napigilang sabihin.

And as if on cue another spotlight stopped right at her.

Ridge was smiling at her, tangan sa kaliwang kamay nito ang isang bungkos ng bulaklak. Maya maya ay lumakad itong palapit sa kanya at sabay sabay ang pagsinghap ng mga tao nang lumuhod ito sa harap niya.

"W-what are you doing?" tanong niya rito. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya nang mga oras na iyon.

"Making everything formal." Bulong nito sa kanya saka kumindat pa sa kanya.

Ngali-ngaling batukan niya ito. How could he even wink at her when she was feeling all jittery at the moment?

Dahan dahang humina ang tugtog hanggang sa maging background music na lamang iyon. And out of nowhere, her Kuya Enzo niya at ito itinapat ang mikropono sa bibig ng nakaluhod na si Ridge. Nang tignan niya ang nasa likod nito ay nakita niyang nakatayo din ang dalawa pa niyang kapatid. Nakuha pang mag-thumbs up ng mga ito sa kanya.

"Sa unang pagkikita pa lang natin, nakagawa na ako ng kasalanan sa'yo. And I know I annoyed you a few times more after that. But I don't regret them. Because every little thing, every chances we get to share together, makes up the happiest moments of my life. And I thank you for that."

Naramdaman niya ang pamamasa ng gilid ng mga mata niya. Partida pa at hindi pa nito nasasabi ang dapat nitong sabihin. But maybe it was because she know what was coming, and she was nervous, excited and definitely happy.

"I know we just graduated and this may look like we're rushing but we're adults now. And to venture the new world ahead us, there is only one person that I want to be with me throught it all." At mula sa bulsa nito ay inilabas nito ang isang kahita.

"You made me feel happy and sad sometimes. But you made my life complete." Binuksan nito iyon at tumambad sa kanya ang pinakamaganda na yatang solitaire diamond engagement ring. Singhapan muli sa mga spectators nila samantalang naitakip naman niya ang palad sa mga labi. "Please let me be the happiest man and be my muse for the rest of our lives?"

And before she knew it, the tears came flowing down. There, he said it. Oo, hindi na bago ang idea ng engagement. They have been there before because of three monkeys she calls 'bothers' but hearing that question coming from the guy she had fallen in love with, complete with flowers and ring, felt really different. Differently wonderful.

"Please?" untag nito sa kanya.

"O-of course!" sa nanginginig na tinig ay sabi niya. Nakangiting kinuha nito ang kamay niya ngunit agad din niya binawi. "Walang nang bawian kapag naisuot mo na 'yan kung hindi sasamain ka talaga sa akin." Banta niya rito.

Natawa naman ito sa sinabi niya saka tumango tango.

"Of course." Sabi nito saka kinuha ang kamay niya at isinuot sa daliri niya ang singsing pagkatapos ay tumayo at niyakap siya.

Hiyawan mula sa mga tao sa paligid. Waring nakalimutan na ng mga naroon na college graduation ball iyon at hindi engagement party nila.

"I love you, Joelle. So much." Bulong ni Ridge nang akapin siya nito.

"I-I love you too." Nagawa niyang isatinig.

Saglit itong lumayo sa kanya at hinaplos ang pisngi niya upang palisin ang mga luhang dumaloy roon.

"I will never let you go my cute guinea pig." Kasunod niyon ay ang paglapat nito ng mga labi sa labi niya. And as if on cue, lumakas muli ang tugtog.

And if I lost everything

In my heart it means nothing

'Cause I have you,

Girl, I have you

To get right down on bended knee

Nothing else would ever be better, better

That day when...

I'll say, "Will you marry me?"

I swear that I will mean it

I'll say, "Will you marry me?"

He made her experience something that was very new to her. And that was falling in love with someone.

She might even consider treating her brothers later. Kung hindi kasi sa kalokohan ng mga ito ay hindi niya makikilala ang pinakamakulit pero pinaka-sweet na lalaking nakilala niya sa buong buhay niya na tanggap siya kahit minsan mas brusko pa siya kesa rito.

Come to think of it. May makukulit pero lovable siyang mga kapatid, caring na ama at gwapo, mayaman at sweet na fiancé. Her life was perfect!

Related Books

Popular novel hashtag