NAGDADALAWANG-ISIP si Joelle kung pipintdutin nga ba niya ang doorbell ng pad ni Ridge o aalis na lamang sa lugar na iyon. Nabalitaan niya mula sa mga kapatid na nakabalik na ito ng bansa bagaman busy pa rin sa kompanya ng pamilya.
Ilang araw din niyang hindi kinakausap ang mga kapatid niya maging ang Daddy niya. Iyon ay matapos niyang komprontahin ang mga ito tungkol sa nalaman niya mula sa ex-girlfriend ni Ridge na naalala na niyang Rhea ang pangalan. Umamin naman ang mga ito na kinausap nga ng mga ito si Ridge na makipaglapit sa kanya. Nag-aalala na raw kasi ang mga ito dahil never pa siyang nagkaroon ng boyfriend at nababahala na rin daw ang mga ito sa pagkilos niya at pananamit. Isinisisi daw kasi ng mga ito sa sarili ang naging paglaki niya ng ganoon dahil nga pulos lalaki ang kasama niya. Isa pa, si Ridge lang daw kasi ang nag-iisang lalaking hindi nasindak sa kanya kahit na natikman na nito ang kamao niya kaya ito ang pinakiusapan ng pamilya niya. Nag-sorry naman ang pamilya niya sa kanya lalong lalo na ang mga kapatid niya at naiintindihan naman niya ang dahilan ng mga ito, iyon nga lang wala pa siya sa mood na patawarin ng buo ang mga ito. Mabuti man kasi ang layunin ng mga ito ay isa pa rin ang idinulot ng ginawa ng mga ito, matinding sakit sa puso niya.
Noong una ay galit siya sa mundo. Sa mga kapatid niya na nagsubo sa kanya sa laru-larong engagement na iyon, sa Daddy niyang naki-ride naman sa mga ito at syempre kay Ridge na nagawang paibigin siya kahit pa pakana lamang ng pamilya niya kung bakit nasangkot ito sa buhay niya.
Kung anu-anong ka-sweet-an ang ipinakita nito sa kanya tapos malalaman niyang joke lang pala ang lahat ng iyon at siya lang ang nagseryoso nang pagkakai-interpret doon? She felt betrayed. Kung bakit kasi napakadaling umasa ng puso niya sa mga ipinakita nito. Siguro dahil ito ang unang lalaking nagparamdam sa kanya na kahit ganoon siya manamit at kumilos ay babae pa rin siya. She really thought that he really did come to like her pero mali pala siya. Naging mabuting nilalang lamang ito kaya sinuyo siya nito. Kasalanan niya at nagpadala siya sa mga ngiti at mga nakakakilig na salita nito. Ngayon ay huli na ang lahat dahil kahit anong pilit niya ay hindi na niya maaaring itanggi sa sarili na nahulog na ang loob niya sa lalaking iyon. And she was badly hurt.
Pero hindi rin pala magtatagal ang galit na iyon sa puso niya. Because after a few days of cursing him and moping inside her room, she realized she still misses him. Na kahit nasaktan siya sa isiping maaaring palabas lamang ang lahat ng ipinakita nito sa kanya, she was still hoping against hope that he somehow felt something for her.
Ganoon pala ang nagmamahal. Kahit nasasaktan ka, You can't just let everything go without a proper explanation. Noon, hinuhusgahan niya iyong mga babaeng hindi umano makapag-move dahil sa kawalan daw ng "closure". She was always saying they were pathetic and why can't they just move on. Pero ngayong siya na ang nasa posisyon ay naiintindihan na niya.
As foolish as it may seem, she realized she was actually praying that even half of what he did for her was really genuine. Na kahit man lang ang pagdadala nito sa kanya sa Bataan ay tulak ng sarili nitong kagustuhan at hindi dahil obligado itong pagbaguhin siya.
And that was what she intend to confirm at the moment kaya naman sumugod siya sa pad ng binata ng sabihin ng mga kapatid niyang nagbalik na ito noong nakaraang araw. Ngunit ngayong nasa harap na siya ng pinto nito ay parang nababahag naman ang buntot niya.
What if all that he had shown her were just for show? What if she was only the one interpreting otherwise? Ngunit paano naman niya makukumpirma kung hindi niya ito tatanungin? No one would be able to tell her how he truly feels except him.
"Bahala na nga!" she said. She was tired of moping anyway. Might as well find the answer from right there and then. Kakayanin naman niya kahit ano pa man ang isagot nito. She was strong. And she will always be.
Humugot siya ng malalim na hininga bago pikit-matang pinindot ang doorbell. She heard it rang from the inside. Maya maya pa ay narinig niya ang pag-click ng pinto tanda ng pagbubukas niyon.
Inihanda niya ang sarili sa gagawing pagkompronta rito. Maging ang mga tanong na ipapaulan niya rito ay inihanda na niya. She thought she was ready. But when the door finally opened, she was not sure anymore.
"Oh, hi!" sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Rhea. Ito ang bumungad sa bumukas na pinto. Her hair was dishevelled. Mapupungay pa ang mga mata nito na halatang kababangon lamang. She was wearing a big white shirt. She was not even wearing a pair of shorts.
Daig pa niya ang itinulos sa kinatatayuan. Hindi rin niya nagawang magsalita at sagutin man lamang ang babae.
"You're looking for Ridge?" Rhea smirked. "Well, he's out. Gusto mo bang maghintay na lang sa loob since nandito ka na?"
Hindi na niya nagawang sumagot pa. Kusang gumalaw ang katawan niya at tumalikod saka naglakad palayo. Iyon na lamang ang naisip niyang gawin ng mga oras na iyon. Ang lumayo sa lugar na iyon dahil nararamdaman na niya ang pag-iinit ng gilid ng mga mata niya. Alam niyang anumang oras ay huhulagpos na ang mga luha niya.
She thought she experienced the worst pain she would ever experience in her entire life these past few days but now she realized she was wrong. Dahil kung nasaktan siya nang malamang hindi totoo ang ipinakita ni Ridge nitong mga nakaraang araw, mas masakit pala ngayong nalaman niyang may ibang babae sa puso nito.
And something happened to them. Ano pa nga ba ang gagawin ng mga ito sa pad ng lalaki? She was wearing his shirt dahil sigurado siyang panlalaki ang pagkalaki-laking t-shirt na suot ng babae. And maybe he was out to get them something to eat after a long night.
And there she was, pathetically gone to his pad, wanting to find out if Ridge really has feelings for her. Nakuha naman niya ang sagot niya, hindi ba? Sa mas masakit na paraan nga lang.
Naramdaman niya ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa mga mata niya. She thought she was strong enough to handle whatever his answer might be. She was raised by tough guys. Pero wala pala siyang panama kapag puso na niya ang sangkot. She was tough, yes. But not until she fell in love with Ridge and get her heart broken by him. She was human afterall.