Chapter 15 - 15

"WE'RE here." Wika ni Ridge na nakangiti na ngayon samantalang kanina ay pareho na silang napanisan ng laway dahil sa kaseryosohan ng mukha nito. That was a first from Mr. Know-it-all. Bumaba ito at ipinagbukas siya ng pinto. "Baba na, the air is nice."

Sumunod naman si Joelle at namangha nang makita ang nasa harap niya. The sea was breathtakingly beautiful habang ang bawat alon niyon ay humahampas sa pinong buhangin.

"Where are we?" tanong niya makalipas ang ilang sandaling pagtitig sa malawak na asul na dagat. Nagsisisi tuloy siyang inabala niya ang sarili sa pag-iisip sa iniisip ng lalaking kasama kaninang bumabyahe sila at nananahimik ito. Hindi man lang niya napansing napapalapit na sila sa dagat.

"We're in bataan. Sa private beach lot ng pamilya ko." Sagot nito.

Nilingon niya ito. He was also looking at the sea kaya naman hindi niya masabi kung anuman ang nararamdaman nito ng mga oras na iyon. Wala ang ngiting laging nakapaskil sa mga labi nito pati na rin ang playful tone ng boses nito kaninang magsalita ito. It felt like she was with a very different person.

"Pwedeng pumunta 'ron?" tanong niya rito nang magtagal ang hindi nito pag-imik. Mukha namang saka lang ito natauhan ulit at tumango sa kanya.

"Sure" sabi nito. Nauna na siyang maglakad palapit sa tubig at ramdam naman niya ang pagsunod nito sa kanya. Tumigil siya sa parte ng buhangin na inaabot ng tubig at pinagmasdan ang tubig na humahampas sa mga paa niya. The water was a bit cold but she felt warm inside. The same feeling she had when she was still a kid playing with her brothers and Dad. Sayang nga lang dahil hindi na naulit iyon.

"Ngayon na lang ulit ako nakapunta rito. Mga ten years na rin noong huling nakatapak ako rito." Narinig niyang sabi nito.

"Bakit naman? Akala ko ba sa inyo ito?" tiningala niya ito. Malayo na naman ang tingin nito at mukhang malalim ang iniisip.

"Ngayon lang kasi ako nagkalakas ng loob pumunta ulit dito." Nilingon naman siya nito nang hindi niya sagutin ang sinabi nito. Mukha namang nabasa nito sa mga mata niya na gusto niyang makarinig ng mas malalim at detalyadong eksplenasyon mula rito kaya muli itong nagsalita. "My Mom died here. She died saving my life."

"Oh..." hindi niya alam kung paano magrereact sa sinabi nito. Mukhang kasalanan pa niya at nauungkat ang sakit sa dibdib nito. "I'm sorry."

"You don't have to." Nginitian siya nito ngunit hindi iyon umabot sa mga mata nito. "Ilang taon ko ring isinisi sa sarili ko ang naging pagkamatay ni Mommy noong araw na iyon. kung sinunod ko lamang ang sinabi niyang 'wag akong lalayo, hindi siguro manganganib ang buhay ko and my Mom would still be with us."

Pakiramdam niya ay hindi siya dapat magsalita. Ramdam niyang hindi nito kailangan ng kausap kundi makikinig sa nararamdaman nito para sa ikagagaan ng loob nito. Nanatili siyang walang imik na siya namang nagtulak dito para ituloy ang pagkukuwento.

"Ang lugar na ito ang paborito pasyalan ng pamilya namin kaya naman nang may magbenta ng lote ay pinagpasyahan agad ng mga magulang ko na bilhin ito. Hindi iyon maasikaso ni Dad dahil may business trip siya abroad kaya si Mom na ang nag-asikaso. Kinakausap ng Mommy ko noon ang babaeng may-ari ng beach lot na ito at naglalaro naman ako sa buhanginan. Naalala ko pa nang pagsabihan ako ni Mom na 'wag lumayo pero dahil bata pa ako noon at wala pang takot, lumusong ako sa tubig. Ang naalala ko na lang pagkatapos noon, 'yong malakas na alon ng tubig at hirap na pag-ahon ko sa tuwing ilulubog ako ng malalakas na alon. My mom was able to save me but she died right after. Mahina ang puso ni Mom at hindi niya kinaya ang takot na idinulot ko kasama na rin ang pagod sa pagliligtas sa akin. Huli na nang dumating ang tulong, we already lost her." Tinignan niya ulit ang mukha nito. He was not crying gaya ng inaasahan niya pero bakas sa mukha nito ang lungkot. "I saw my Dad crying at the funeral ang he didn't talk to me for a week. Doon ko naisip na kasalanan ko ang nangyari. Kung sinunod ko lamang ang Mommy ay hindi siya mawawala. Narealize din siguro ni Dad ang epekto ng mga nangyari sa'kin dahil hindi na ako nagkakakain at hindi na rin ako palasalita. He said sorry, hindi ko alam kung para saan but he hugged me and said sorry and he didn't mean to. Ipinaulit-ulit niyang hindi ko kasalanan pero natagalan rin bago ako naniwala sa kanya. He bought this lot soon after bilang alaala ni Mommy pero hindi ko na binalikan ang lugar na ito 'til now."

"My Mom died giving birth to me. That makes it my fault also, right?" nilingon siya nito. "But I never blamed myself for it. Kasi paulit-ulit na sinasabi ng Daddy ko na pinili ni Mommy na iligtas ako kapalit ng buhay niya dahil mahal niya ako at iyon ang bagay na pinakamasayang ginawa ng Mom ko for me." Nginitian niya ito. "Don't you think it's your Mom's best way of showing her love for you? Ang iligtas ka? Isa pa sa palagay mo ba ikatutuwa ng Mom mo na nakikita ka niya from above na sinisisi ang sarili mo at patuloy na nasasaktan dahil sa bagay na ginawa niya para sa iyo?"

"I... I guess you're right." And he smiled. For the first time today ay nakita na niyang muli ang ngiti nito. Hindi niya akalaing mamimiss niya ang ngiti nitong iyon na ilang beses din niyang kinainisan. Mayamaya ay tumingin na ito sa malayo "I just have to be grateful to her for another life. Dalawang beses niya akong binigyan ng pagkakataong mabuhay and I couldn't have met you kung nawala na ako noon."Dahil hindi ito nakatingin sa kanya ay nakakuha siya ng pagkakataong dumakot ng tubig

"Ang drama nito!" at saka iwinisik sa mukha nito ang tubig sa palad. "Kalalaking tao eh!"

"Hey!" reklamo nito na natatawa rin naman pagkatapos ay dumakot din ito ng tubig at iwinisik din sa kanya na sinalag naman niya ng palad niya. "Inaasar mo ko ah!"

Nauwi sila sa paglalaro sa tubig at pagbabasaan habang naghahabulan sa pinong buhangin. Hindi na nila pansin ang tubig na tumatalsik sa mga suot nila. Ang pantalon nitong itinupi nito pataas hanggang tuhod ay naabot na rin ng mga tumitilamsik na tubig pero tuloy pa rin silang naglaro doon. Pati ang pagbuo ng sand castle ay napag-trip-an na rin nila kahit na hindi talaga nila sure kung castle nga ba ang nabuo nila o talagang ginulo lang nila ang mga pobreng buhangin doon. Hindi na rin niya pansin ang sapatos niyang pulos buhangin na at iniwan lamang niya sa tabi pati na rin ang dress niyang kulay gray na ang laylayan dahil sa mga buhangin na kumapit doon.

Ang pinapansin lang niya ay ang magaan na pakiramdam niya gayong ang kasama niya ay ang taong itinuring niyang kaaway na ngayon ay nakagaanan na niya ng loob. Naging daan na rin sa paggaan ng loob niya rito ang ginawa nitong pagkukuwento sa masakit na pangyayari sa buhay nito and that made her grateful to him. Hindi niya alam kung bakit pero parang ang sarap mag-thank you na nag-share ito sa kanya ng importanteng parte ng buhay nito.

"Nagugutom na ako. Wala bang food?" tanong niya nang sa wakas ay mapagod sila sa kung anu-anong ginagawa nila at nakaupo na lang sa buhanginan.

"Boy scout ata ito." Kinindatan pa siya nito bago ito tumayo at pumunta sa sasakyan. Napailing-iling naman siya pero masaya siya na nagbalik na ang energy nitong saglit na nawala kaninang nagdadrama ito. Bitbit nito ang tatlong Tupperware nang magbalik ito sa tabi niya at isa-isang binuksan ang dala.

"Wow ha! Nahiya naman ako sa dinala mo. Mukhang nahirapan ka sa paghahanda nito ah!" palokong komento niya nang bumungad sa kanya ang sari-saring biscuit na halatang tinanggal lamang sa mga pakete at inilagay sa lalagyan.

"Oy! Mahirap din iayos ang mga yan sa lalagyan ah!" depensa naman nito.

"Ay 'sows! Kawawang bata. Napagod ka ba ng husto?" nakangising tanong niya rito. "Ilang balde ng pawis ba ang ibinuhos mo sa pag-aayos ng mga ito?"

"Kumain ka na nga lang." Saka walang sabi-sabi nitong isinubo ang isang piraso ng cracker sa bibig niya. "Sarap, 'di ba?" he said while grinning.

Paganting isinubo rin niya rito ang isang malaking piraso ng biskwit. Napangiwi ito na sinagot naman niya ng nakakalokong ngiti. Hanggang nang matapos na lang silang kumain ay nagkukulitan pa rin sila nito. Doon niya na-realize na masaya naman pala itong kasama basta hindi niya pag-iisipan ang mga pagbabantang ibabato niya rito at ang plano niyang sakalin ito.

"Pwedeng magtanong?" curious na sabi niya nang matapos na sila sa pagkain at nagpapahinga na lamang doon.

"Tungkol saan ba?"

"Ang sabi mo kasi kanina, hindi ka na pumunta rito until today dahil wala kang lakas ng loob na pumunta rito." Pinakatitigan niya ito bago nagtanong. "Bakit ngayon mo naisipang pumunta rito at isinama mo pa 'ko?" tinitigan siya nito kaya naman nakaramdam siya ng pagkailang at nag-iwas na lamang ng tingin. "k-kung ayaw mong sagutin, okay la---"

"Ipinangako ko sa sarili kong pupunta lang ako ulit dito kapag may lakas na 'ko ng loob na makita ulit ang lugar na ito. Since wala pa ako 'nun, I decided to bring my happiness instead to atleast stop the hurt from eating me up."

Nilingon niya ito, hoping na maiintindihan niya ang sinabi nito pero bago pa ma-digest ng utak niya ang mga sinabi nito ay naramdaman niya ang pagpatak ng malamig na likido sa pisngi niya. Tumingala siya at ang sunod namang napatakan ay mga mga mata niya.

"Is that----?"

"Halika na bago pa bumuhos yan!" hinawakan nito ang kamay niya at patakbong tinungo nila ang sasakyan bago nagsunod-sunod ang pagpatak ng ulan. Ni hindi na nila nagawang isalba pa ang mga lalagyan ng pagkaing naiwan sa buhanginan.