"WHAT are your plans, exactly?" sita ni Joelle kay Ridge nang makita niya ito sa 4th floor ng Claro Building kung saan nagkaklase ang mga Business Management students. Oo, first day na nito sa school nila ay ngayon niya pa lang nalaman. Dapat talaga nagsuspetsiya na siya sa motibo nito kahapon ng sumulpot ito sa school nila.
"Studying?" painosente pang sagot nng lalaki. Ang sarap talaga nitong batukan.
"Why here? Hindi ba may pinapasukan ka na? Bakit bigla na lang eh nandito ka na sa pinapasukan ko?"
"Because I want to study here? Hindi naman bawal di ba?" sagot nito na parang hindi talaga big deal ang ginawa nitong biglaang paglipat ng school.
"Seriously, why do you keep on bugging me?" Hindi na nakatiis na sabi niya rito. Talaga bang goal nito ang guluhin ang buhay niya?
"Ikaw ang pumunta rito. That makes you the one bugging me." He grinned. Sa kasamaang palad ay wala siyang maisip isagot rito. Nakakainis! Bakit ba napakatalino nito at palagi na lang may naisasagot sa kanya?
"Argh!" inis na sabi niya at tinalikuran na lang ito. Wala talaga siyang kapana-panalo rito kaya mabuti nang iwasan na lang niyang makaharap ito.
"See you later!" narinig niyang sabi pa ni Ridge pero hindi na niya ito nilingon pa at baka maibato niya pa rito ang sapatos niya.
Or you might fall for him...
Hindi niya alam kung paano nangyari pero naramdaman na lang niya ang pagkapatid niya kahit wala namang nakakalat na bato o kung ano man sa hallway. Dapa siyang humantong sa malamig na sahig. Mabuti na lang naitukod niya ang mga kamay bago pa man sumubsob ang mukha niya.
Kelan ka pa naging lampa, Joelle?
"Aish!" Ngayon pa lang ay gusto na niyang sisihin ang bahagi ng utak niyang nagsabi ng mga kasumpa-sumpang salitang iyon. Nagmamadaling tumayo siya at inayos ang damit. Hinimas rin niya ang nagulong buhok.
"Are you okay?" nasa harap na niya si Ridge nang hindi niya namamalayan. Hindi niya sure kung worry nga ang nababasa niya sa mukha nito.
Great! Aatake na lang ang kalampahan ko, sa harap pa talaga ng lalaking ito!
"Ikaw kaya ang masubsob, maging okay ka kaya?" She snapped at him to hide her embarrassment.
"I guess hindi ka naman nasaktan." Iiling-iling pero nakangiting sabi nito. Wala na ang worry na nabasa niya sa mga mata nito. Baka nga namalikmata lang siya kanina. "Take care of your pretty head." Saka nito at ginulo ang buhok niya.
"H-hey!" kulang sa determinasyon na awat niya sa sinasabi nito dahil sa biglaang pagwawala ng tibok ng puso niya. Agad niyang tinabig ang kamay nito bago pa man sumabog ang puso niya. "Wag na wag ka nang lalapit sa akin ah!" tinalikuran niya ito at nagmartsa na paalis. Maingat na rin ang lakad niya para makaiwas na maipahiya na naman ang sarili.
Kinapa niya ang damdamin niya. Naiinis siya, oo pero hindi siya galit. Naiinis siya na hindi niya maintindihan dito dahil nagagawa nitong guluhin ang utak niya, ang buong sistema niya at ang pesteng tibok ng puso niya. Kailangan na siguro niyang magpa-check up. Ang abnormal na ng tibok ng puso niya tuwing kaharap niya ito.
Tama, magpapa-doktor na ako!