MINSAN ang sarap isumpa ng mga kapatid ni Joelle. Sumosobra na kasi ang kalokohan ng mga ito at her expense. Ngayon nga ay nasa alanganing sitwasyon na siya dahil sa mga pinaggagagawa ng mga ito. Tama ba naman kasing sabihin sa kanilang ama ang nangyari sa kanila ng buwisit na si Ridge? Pinalaki ng mga ito ang problema niya. Imbis na hindi lamang siya matahimik dahil sa ginawa ni Ridge ngayon ay pati ang Daddy niya hindi na siya pinatatahimik. Inilahad naman niya ang ginawa ni Ridge ng araw na nakawan siya nito ng halik ngunit sa halip na magalit ito ay mukhang natuwa pa ito. Ano na nga ang description na ibinigay nito kay Ridge? Bold yet brave. Seriously... siya kaya ang anak nito pero parang mas proud pa ito sa kalokohang ginawa ng Ridge na iyon. Nalaman din niya mula sa ama na kaibigan nito ang ama ni Ridge at hinahangaan nito ang binata. Hindi pa man kasi nito natatapos ang kursong Bussiness Management na kinukuha ay inaasahan na ito ng ama sa pamamalakad sa ilang kompanyang pagmamay-ari ng pamilya nito.
Yeah right! Heartless naman! Naisip niya nang maalala ang naging eksena nito sa dating girlfriend nito. Hindi nga ba at itinaboy nito ang babaeng iyon. Nakuha pa nitong halikan siya para lubayan ito ng babaeng humahabol dito. The nerve! Dinamay pa nito sa kalokohan nito ang first kiss niya na inere-reserve niya sana sa lalaking magugustuhan niya at pakakasalan niya!
Pero siya naman ang pakakasalan mo, hindi ba? Wika ng munting tinig sa isip niya. Oo nga pala. Dahil sa kalokohan ng mga kapatid ay nalaman ng ama niya ang nangyari. Dahil din doon ay in-insist nito na i-engage sila ng lalaki na para sa kanya ay isang malaking kalokohan lamang. What's with a kiss? Nagkataon lamang naman na hindi pa siya nagkaka-boyfriend dahil malamang na kung nagka-boyfriend siya noon ay nagka-first kiss na siya.
Ang Ridge pa na iyon. Noong kausapin ito ng Daddy niya ay walang kaabog-abog itong umayon sa Daddy niya na kung tutuusin ay hindi naman nanindak o kung ano pa man. Nang komprontahin niya ito ay isa lamang ang isinagot nito.
"Well since I'm bored, why not do something out of the ordinary?" Iyon ang isinagot nito bago siya nginitian. Hindi niya na-gets ang sinabi nito basta ang alam niya ay nababaliw na ito at nadadamay pa siya sa kabaliwan nito.
"Ayaw mo nun, may instant fiancé ka na, gwapo at mayaman pa!" hirit ng kaibigan niyang si Maddy na nagpabalik sa kanya sa realidad. Nakaupo sila noon sa loob ng classroom at naghihintay sa pagdating ng professor nila. Naikuwento na niya rito ang mga nangyari mula sa halik na isisumpa niya hanggang sa pakikipag-usap sa Daddy niya at sa desisyon nito. Gaya ng inaasahan ay very positive ang pananaw ng bruha niyang kaibigan.
"Paano mo nasabing gwapo ang unggoy na iyon eh hindi mo pa nga siya nakikita?" nakasimangot na sabi niya rito.
"Lumabas-labas ka nga sa lungga mo! Nagkalat kaya sa mga magazines ang picture ng fiancé mo!" nagkalkal ito sa bag nito at inilabas ang isang lifestyle magazine. Binuklat-buklat nito iyon hanggang sa humantong ito sa malaking full body picture ni Ridge katabi ang artikulong tungkol sa binata. Very business related ang article na iyon ngunit sa kuha nito ay papasa itong fashion model. That face with that built would make any woman run after him. At nakasisiguro siyang nababaliw na siya dahil pinupuri niya ito.
Iniiwas niya ang tingin sa magazine. Baka kung ano pa kasing kalokohan ang pumasok sa isip niya kung tititigan niya pa iyon. Iyon nga na saglit pa lamang niyang nakikita ang larawan eh kung anong masamang hangin na ang pumasok sa isip niya.
"Young but talented successor of his family's Empire," basa ng kaibigan sa article. "Ay panalo ka dito bestfriend!"
"Tigilan mo ko Madeline ah! Baka pagbuhol-buhulin ko kayo ng mga kapatid ko."
"Ay pwede sis! Heaven iyon. Tatlong gwapong lalaki at ako, ay winner!" kinikilig na sabi nito na ikina-iling na lamang niya. Panalo din ang saltik nito minsan eh. Natigil lamang ito sa pagpapantasya nang mapansin nilang maingay sa labas ng classroom nila. Dahil nasa second floor sila ay malamang na sa ibaba nagmumula ang ingay. Sabay silang tumayo ni Maddy at tinungo ang corridor para dumungaw sa nangyayari sa ibaba.
"Anong meron? May artista ba? May shooting?" sunod sunod na tanong ni Maddy habang kandahaba ang leeg nila para makita ang pinagkakaguluhan ng mga tao doon na karamihan ay kababaihan.
"Tanungin mo ko, pareho lang naman tayong nandito sa itaas." Pambabara niya rito.
Maya maya ay nagkaroon ng space sa gitna ng nagkakagulong mga babae sa ibaba dahil sa pagsulpot ng tatlong unipormadong mga lalaki. It was like they were protecting someone in the middle. Isang lalaki ang naroon. Maputing lalaki dahil kumikinang ang kutis nito sa sinag ng araw.
"Artista?" tanong ulit ng nasa tabi niyang si Maddy.
Hindi inaasahang tumingala ang lalaki at sakto pang sa direksiyon niya ito nakatingin. Kahit may kalayuan ay nakilala niya ang gwapong mukhang iyon. Pati na ang ngiting unti-unting sumilay sa perpektong mga labi nito.
Oh no!
Itinaas nito ang kamay at saka kumaway sa kanya.
What the hell is he doing on my school!