Chereads / My Best Friend's Best Friend Book 3 (COMPLETED) / Chapter 12 - Chapter 14: The Ruined Date

Chapter 12 - Chapter 14: The Ruined Date

Now playing: Crashing By Ellenium

Lila

I don't really understand Sarah. Sometimes she's okay to be with and talk to, but sometimes she seems to be unkind and overly annoying.

Katulad nalang nitong nakaraang linggo, hindi na niya ako madalas na iniinis noon. Nagkaka-usap na rin kami ng maayos at talagang gumagaan na ang loob ko sa kanya, pero ngayon naman, bumalik na naman siya sa dating nakasanayan niya.

At isa pa ha, kung makipag flirt siya sa kasamahan nitong model ay wagas, na para bang wala ng bukas, na halos kulang nalang eh mag make out sila sa harapan ng mga staff at camera.

And speaking of, naririnig ko pa talaga mula dito sa aking kinatatayuan ang pakikipag usap sa kanya ni Veronica, pati na rin ang malalanding tawa nito kung saan pinapatulan naman lalo ni Sarah.

Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi mapa irap. Well, hindi ko naman kasi masisisi si Sarah, maganda si Veronica, matangkad, sexy at talagang mayroong killer smile kung saan siya mas nakilala bilang isang model. She is an Australian model taken as Sarah's model partner for a brand new clothing brand here in the Philippines.

Napa tingin sa gawi ko si Veronica bago ako nito mataray na inirapan. Problema niya? Tss!

Hindi nagtagal ay may lumapit sa kanila, na isa sa mga photo editor at sandaling kinausap nito si Sarah. Habang si Veronica naman ay agad na nagtungo sa direksyon kung nasaan ako. Kunwaring hindi ko ito napansin at nagpatuloy lamang sa pagkalikot dito sa laptop ko.

"Hello, Lila. If you don't mind, can I ask you something?" In her accent, she was obviously Australian. And it's even more obvious that she has a bitchy attitude.

Inalis ko ang aking mga mata sa laptop at sinalubong ang kanyang mga tingin. "Sure, Veronica. What is it?" Atsaka pormal na binigyan ko ito ng ngiti.

Napa cross arms siya bago napa sulyap kay Sarah na ngayon ay may kausap parin.

"Do you like Sarah? And please, don't make any excuses because I see how you look at her." Mataray na sambit nito bago ako tinignan ng mula ulo hanggang paa Kusang nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi nito.

"O-of course not!" Mabilis at medyo nautal pa na sagot ko sa kanya bago napaiwas ng tingin. Masyado ba akong halata?

"Such a terrible liar!" Komento nito bago ako tinaasan ng kilay.

"What?" Ganting tanong ko pa dahil hindi ko iyon masyadong narinig.

"Nothing." Muling tugon niya. "What I'm saying is, is she single?" Tanong nitong muli atsaka ibinalik ang mga mata kay Sarah.

"I mean, look at her, she's so gorgeous, smart, so damn hot especially when she's naked. Right? She looks so...yummy!" Sabay kagat niya ng kanyang lower lip dahilan upang mang-init ang ulo ko.

At inaamin ko, naiinis na ako sa kanya. Ano bang gusto niyang iparating? Ang sarap lang niyang sabunutan. Binabastos ba niya sa harapan ko si Sarah? Eh kung sipain ko kaya siya pabalik kung saan siya nagmula? Hays!

"Hey!" Biglang putol nito sa iniisip ko.

"H-ha?" Napatirik siya ng mata.

"Oh, yes. She's single." Diretsahang sagot ko sa kanya ng maalala ang tanong nito. Pagkatapos ay para siyang uod na kinilig sa aking harapan.

"Wow! That's great. I thought something was going on between you two." And she laughed sarcastically. "I forgot, you're just her manager. So...maybe I can take her out for a date tonight, right?"

Hindi nagtagal ay namatayan ko na ang papalapit sa amin na si Sarah. Iniisip ko pa lamang na magiging magkasama sila mamaya ni Veronica at masosolo siya nito ay sobra ng nagwawala ang puso ko dahil sa pagseselos.

Well, sino ba naman ako para pigilan siya kung papayag man ito na alukin ni Veronica? Hindi naman siya sa akin. Isa pa, wala naman talagang namamagitan sa aming dalawa para ipagdamot ko siya mula rito, hindi ba?

"What's up, guys?" Agad na bungad nito ng makarating sa aming harapan. Hindi ko ito pinansin at piniling ituon na lamang muli ang atensyon sa aking ginagawa kanina.

"Uhmm...I was asking Lila if I could invite you out later and...she said yes!" Malanding sabi nito kay Sarah. "So, your answer is what I'm waiting for. Is it a yes?" Dagdag pa niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi muling mapatingin sa kanila. Natawa ng mahina si Sarah.

"Did she really say that?" Ganti na tanong naman ni Sarah kay Veronica ngunit sa akin naman nakapako ang kanyang mga mata. Tinignan ako nito na tila ba naghihinge ng approval mula sa akin.

"Yes. Right, Lila?" Sabay lingon sa akin ni Veronica at tinignan ako ng 'Say, yes.' look.

Sinubukan kong bigyan ng assurance look si Sarah at napa ngiti rito. "Yes, Sarah." Sinabi ko iyon ng nakatingin sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay napalunok at muling nagbawi ng tingin.

"See?" Muling wika ni Veronica. Mapapahinga na lamang ako ng malalim. "Please, don't take me down, Sarah and besides, I do not accept, no answer." Maawtoridad na sambit nito.

"Uhmm...sure! I know of an Italian restaurant that is tasty and just a few blocks away." Tuluyang pagpayag ni Sarah.

"Good." Ngiting tagumpay na sabi naman ni Veronica.

Hindi ko maintindihan pero parang sasabog na talaga ang dibdib ko dahil sa pagseselos. At sa harapan ko pa talaga niya sinabi iyon ha?

"What about you, Lila?" Biglang tanong ni Sarah sa akin. Dahil doon ay muli na naman akong nag-angat ng tingin sa kanya. Pinilit ko ang ngumiti.

"It's fine Sarah. I-I uhh...also have a dinner date with Michael." Sagot ko sa kanya. Totoo iyon at walang halong pagsisinungaling. Ang totoo niyan, nasa parking area na ito at hinihintay na lamang na matapos ang trabaho ko.

Tinitigan ako ni Sarah ng ilang segundo, hindi ko mabasa ang nasa mga mata at kung anong nasa isipan niya. Ngunit may kung ano akong nakikita mula sa mga iyon...sadness.

"Alright, so....let's enjoy our NIGHT." Bigay diin nito sa huling sinabi bago ako tuluyang tinalikuran na kasama ni Veronica.

Bakit sa lahat, ang pagseselos ang pinaka mahirap pigilan at itago na damdamin sa sarili? Bakit ba ako nagseselos? Dahil gusto ko siya? At bakit ako naiinis? Dahil ba pumayag siya sa date na gusto ni Veronica? Huh! Magsama sila. Total pareho naman nilang pinag-iinit ang dugo ko eh.

And who cares where ever they go. I do not care at all!

"Babe, are you okay?" Nag-aalala na tanong ni Michael sa akin dahilan upang bumalik ako sa realidad. "You haven't eaten your food yet. Is something bothering you?"

Mabilis na napailing ako. "Sorry babe, I'm just tired." Hinawakan ni Michael ang aking kaliwang kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa, bago ako binigyan ang kanyang matamis na mga ngiti.

"I know. Kumain kana at pagkatapos ihahatid na kita pauwi. Okay?" Napatango ako bilang sagot at sinimulan ng galawin ang pagkain na nakahain sa aking harapan.

As I finished eating, so did Michael, when I suddenly heard two women laugh, just three tables away from us. I looked at them lightly and I wasn't mistaken, it was Sarah and the woman sitting in front of her was none other than Veronica.

Unexpectedly, she suddenly looked in the direction of our table and our eyes met. And she slowly looked at the man in front of me, Michael. There was something in her eyes that I could not read and could not say. And then, she turned her gaze away and returned her eyes to Veronica.

Mabilis na nagbawi na lamang din ako ng tingin mula sa mga ito dahil kung hindi ko gagawin iyon, mas lalo lamang akong makakaramdam ng pagkainis. Isa pa, nasa harapan ko lang ang boyfriend ko pero kung saan-saan na naman dumadako ang mga mata ko.

Pinili ko na lamang na magfocus sa conversation na meron kami ni Michael. Habang nagkukwento siya ng kanyang mga ginawa ngayong araw ay hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na mapatingin sa lamesa kung nasaan sina Sarah. Ngunit biglang napakunot ang aking noo nang makita na wala na roon ang mga ito.

Suddenly, a woman appeared in front of our table. I lifted my eyes and met those familiar beautiful sparkling blue eyes. I gasped in surprise. It's Sarah.

A-anong ginagawa niya rito?

"Sarah! Hi." Pagbati sa kanya ng aking nobyo. Nginitian nito si Michael ngunit mahahalata mong hindi naman iyon totoo.

"Hi. I'm sorry to disturb you guys but may I have a word with you, Lila? It's kind of urgent." Saka ako nito pinaningkitan ng mga mata.

"Look Sarah, whatever is that, I'm sorry. I can't talk right now. And besides, where's your date?" Sinubukan kong kalmahin ang sarili at maging pormal lalo na at sa harapan ni Michael.

"Wait, do you have a date? Where is him?" Mabilis na tanong naman ng nobyo ko. Natawa ng sarcastic si Sarah. Kung alam lang niya na babae ang kadate nito. Hayyy.

"Ayaw ko lang sa masyadong clingy." Simpleng sagot niya bago napa irap.

"Pwede bang sa bahay nalang natin ito pag-usapan---

"I'm sorry, but it can't wait any longer." Putol nito sa akin bago ako tinignan ng serious look. Napahinga ako ng malalim.

"Sarah, I said, stop." Pilit na pinakakalma ko ang sarili.

Ano bang kailangan niya? Pagkatapos niyang makipag date kay Veronica at ngayong nagsawa siya, ako na naman ang guguluhin niya?

"No babe, it's fine. Mukhang importante naman eh." Pahayag ni Michael. Napahawak ako sa aking noo.

"Just please, call me when you get home, okay?" Napa tango ako.

"I'm sorry, babe." Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata kung paano napapairap si Sarah. Tumayo na ako at ganoon din si Michael. Hahalikan pa sana ako nito sa pisnge ng bigla na lamang akong hinila ni Sarah papalayo sa kanya at sa lamesa.

"Thank you Michael. Don't worry, she'll be safe with me." Sinubukan ko pang magpumiglas pero hindi ko magawa. Hila-hila ako nito sa aking braso hanggang sa makarating kami sa loob ng CR.

"What did you do this time, huh?! You ruined my date with my boyfriend!" Galit na singhal ko sa kanya ng makapasok kami sa loob.

"Is that so?" Parang walang paki na sabi nito sa akin. Sobrang kumukulo na talaga ang dugo sa kanya. Napansin ko na ini-lock nito ang pinto ng CR.

"Masaya ka ba talaga na nasisira mo palagi ang bawat araw ko?" Galit parin ako, hindi ko alam kung dahil lang sa selos parin o dahil sa nang-iinis na naman siya ngayon.

"As a matter of fact, yes. Gigil na gigil pa nga ako eh." Sarcastic na sagot naman niya at humakbang pa papalapit sa akin.

"Sumusobra kana." Akmang sasampalin ko sana ito ng mahawakan niya ang kamay ko at walang sabi na isinandal ako sa matigas na pader at basta na lamang hinalikan sa aking mga labi.

Kahit na nabigla man ay pilit ko parin itong itinulak papalayo sa aking katawan. "What the hell?!" Galit na singal kong muli rito ng ipinaghiwalay niya ang aming mga labi.

Ngunit napangisi lamang ito na tila ba hindi man lamang nangilabot sa kanyang ginawa.

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" May pang iinsulto na tanong nito sa akin. Magsasalita pa sa ako nang muli na naman niyang inilapat ang kanyang mga labi sa akin at hindi na iyon muling pinakawalan pa.

I tried to push her pero mas malakas ito sa akin. Ang bilis din ng isang kamay nito na itinaas ang dalawa kong kamay sa taas ng aking ulo, habang 'yong kabila naman niyang kamay ay itinataas ang aking kaliwang legs sa kanyang balakang. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit parang nag-enjoy pa ako sa ginagawa niya at tuluyan na lamang na hinayaan itong magpatuloy sa kanyang ginagawa.

Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa lambot ng kanyang mga labi. Iyong labi niya na maraming beses ko na ring inasam na maging akin. Her lips tasted just I had imagined them to, and let's be honest, I thought about them more than I'd like to admit. At ngayon, nangyayari na ang bagay na iyon. Ang bagay na kinatatakutan ko dahil alam ko sa sarili ko na wala na akong kawala pa.

Gumalaw ang kanyang mga labi sa akin, kaya awtomatiko na sinabayan ko na lamang din iyon. Hindi ko lang ngayon naaamoy ang amoy cinnamon niyang hininga kung hindi nalalasahan ko na rin.

I made a soft squeaking sound as she bit my lower lip. Until she couldn't help, her hands started to explore my body.

Ngunit bigla nitong itinigil ang kanyang ginagawa at walang sabi na iniwanan ako mula sa loob ng banyo. Habang ako naman, hinihingal at feeling drained dahil sa nangyari. Dire-diretso na lamang itong lumabas, at wala kahit isang salita na binitiwan.

I don't know how many minutes it took me to stay inside the cubicle to calm myself down. And repeating what happened. Holy fudge! She kissed me. At hindi lamang iyon basta halik, kulang nalang hubaran na niya ako sa mga halik niya kanina. Dahil sa ginawa niya, mas lalong nagwawala ang puso ko ngayon dahil sa tuwa.

Pauwi, dahil wala akong dalang sasakyan kaya nagtaxi nalang ako. Pagdating sa bahay, alam kong hindi pa nakakauwi si Sarah dahil bukod sa wala pa sa garahe ang sasakyan nito eh, naka sara parin ang lahat ng mga ilaw.

So I tried to wait for her for a while before finally entering my room. Malapit na akong maka idlip ng dumating siya, halatang lasing ito dahil sa sobrang namumungay na ang kanyang mga mata.

"Hey." Pagbati ko sa kanya ng makapasok ito. Agad na gumihit ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita ako.

"Waiting for *hik* me?" Tanong niya. Napailing ako at mabilis na lumapit sa kanya. I thought, we can talk about what happened earlier but it seems like it's not happening yet.

"Sarah! Argh!" Mabuti na lamang at nasalo ko parin ito kahit papaano eh hindi tumama ang ulo niya sa semento.

Hinaplos ko ang maamo at maganda niyang mukha habang tinititigan ito ng maigi.

"Hindi ko rin naman ito ginusto. Hindi ko rin pinangarap maging sa panaginip ko na mahuhulog ako sayo. Pero...bakit sayo pa? Sa lahat ng tao, bakit sa taong kinaiinisan ko pa bumilis muli ng ganito ang pagtibok ng puso ko?"

Parang tanga na kinakausap ko ito kahit na imposible namang marinig niya dahil sa lasing na lasing ito habang nakadagan pa sa akin dahil sa nawalan ng malay.

Tamang nagugustuhan lamang ba kita? O sadyang mas higit na roon ang nararamdaman ko para sayo? Tanong ko sa sarili.

Hindi ko lang masabi dahil alam kong may masasaktan akong tao. At natatakot din ako, natatakot na baka ipagtulakan mo lang ako papalayo kapag nalaman mo.