Chereads / My Best Friend's Best Friend Book 3 (COMPLETED) / Chapter 15 - Chapter 31: Let's Fight Together

Chapter 15 - Chapter 31: Let's Fight Together

Lila

Kahit malalim na ang gabi at madilim na rin ang paligid dahil sa malakas na pag ulan ay hindi ako nag-alinlangan na tahakin ang daan papunta sa unit ni Alice.

Magbabakasali lamang sana na baka nandoon sa kanya si Sarah. Kanina ko pa kasi ito tinatawagan sa kanyang telepono pero hindi nito sinasagot, ganoon din si Alice. Hindi ko parin ito nakikita o nakakausap mula kanina noong mag walk-out siya sa harap ng aking mga magulang. Nag-aalala na ako ng sobra at hindi mapanatag ang aking loob hangga't hindi ko ito nakikitang muli at nayayakap.

My parents, I don't really understand why they couldn't accept that Michael and I had broken up. Also, why couldn't they accept that I could love a woman. How many times have I told them, it's me. They can't change me anymore. Yet, they repeatedly humiliated me, as if I were a criminal and a murderer. And not their daughter.

That's why I left them before, I raised myself, I didn't ask for any help from them. Nalaman din nila noon ang tungkol sa pag-iibigan namin ni Breeze, kahit noon pa man, hindi na nila matanggap kung ano ako. What's wrong if I'm bisexual? What's wrong if I choose a girl to love? Hindi ba talaga nila makita na dito ako mas sasaya? Na ito ang buhay na gusto ko?

Kahit na malakas man ang ulan, hindi ako nag dalawang isip na lusungin ito. Walang humpay ang pag dodoorbell ko sa unit ni Alice hanggang sa tuluyan na nga niya akong pagbuksan.

"My goodness, Lila! What are you doing here?! It's late and why are you still out?" May pag-aalala na bungad nito sa akin at mabilis na iginaya ako papasok ng bahay.

Halatang nagising ko ito mula sa kanyang pagtulog. Pagpasok pa lamang sa loob ng kanyang unit, agad na iginala ko ang aking paningin sa buong paligid. Hoping to see Sarah inside, ngunit bigo ako.

"H-hindi ba dito napadpad si Sarah?" Tanong ko sa kanya. Agad na natigilan ito. Dahil doon, alam kong alam nito kung nasaan ang girlfriend ko.

Sinalubong nito ang mga mata ko. And I know what those looks mean, she already knows about us. Napalunok ako ng mariin bago nagsimula muling magsalita.

"Alice, I didn't---"

"I know." She says. "I understand why you did this to me. And I want you to know that I'm not angry anymore. I'm just hurt, but that's okay." Lumapit siya sa akin at marahan na hinawakan ako sa aking braso. Pagkatapos ay binigyan ako nito ng isang mabagal na ngiti.

"Best friend ko kayo pareho and you are important to me. I love you both." Dagdag pa niya. Napakagat labi ako bago napa iwas ng tingin. She's so kind para itago namin sa kanya ni Sarah ang aming relasyon noon.

"But just give her a little more time, Lila. Take a break, tomorrow, you can talk to her again." Malumanay na pakiusap nito sa akin. Ngunit mas nananaig parin sa akin ang kagustuhan na makita si Sarah.

"Nandito ba siya ngayon? Pwede ko ba siyang makita?" Tanong ko kay Alice. Mabilis na napailing ito. "Alice, please! I just want to see her. Kahit sandali lang, gusto ko lang makita 'yong mukha niya. Please..." Pakiusap ko sa kanya habang naluluha.

"Change your clothes first, you might get sick." Wika nito bago ako hinawakan sa aking braso para dalhin sana sa kanyang kuwarto ngunit nagmatigas parin ako.

"No. I can do that later. I'd rather see Sarah first." Stubborn na pagtanggi ko parin sa kanya bago napatingin sa pintuan ng kanyang guest room.

Isang napaka lalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Alice pagkaraan ng ilang segundo.

"Okay." Pagpayag niya. "Maupo kana muna, tatawagin ko lang si Sarah." Pagkatapos ay dahan-dahan na inalalayan ako nito paupo sa sofa. Agad din na tumalikod siya at nagtungo sa guest room.

May ilang minuto rin akong naghintay, medyo kinakabahan man ay pilit na kinalma ko parin ang aking sarili. Pagkaraan ng ilang sandali ay malungkot ang mukha at mga mata na bumalik si Alice. Samantalang humahaba naman ang aking leeg na napapasulyap sa kanyang likuran, pero walang Sarah na naka sunod sa kanya.

I cried. I knew it and Alice was right. I need to give her a little more time.

Nasasaktan ako para sa kanya. Sa lahat ng mga nasabi ng magulang ko sa kanya. Nasasaktan ako dahil hindi niya deserve na marinig ang mga iyon pero hinayaan kong mangyari. Hinayaan kong masaktan siya ng sarili kong mga magulang, at ngayon, ayaw niya akong harapan. Kung sana alam ko lang na darating sila, sana napigilan ko. Sana hindi na nila nagawa pang kitain si Sarah. Sana hindi kami nagkakaganito ngayon.

"I'm sorry, Lila." Alice Apologized.

Lakas loob na tumayo ako mula sa aking pagkakaupo. Mabilis na pinahid ko rin ang luha sa aking pisnge.

"I'm fine. Wag kang mag-alala." Sabay ngiti ko rito ng malungkot. "Please, tell her I love her. And uhmm...goodnight, Alice." Pagpapaalam ko sa kanya at tatalikod na sana ng pigilan niya.

"Lila, you can stay here. Malalim na ang gabi, malakas ang ulan baka kung mapano kapa sa daan." May pag-aalala sa boses nito.

Ngunit hindi ko siya pinakinggan at dire-diretso parin na tumalikod mula sa kanya at tuluyan ng muling lumabas mula sa loob ng kanyang unit.

Walang nagawa na umuwi na lamang akong muli sa bahay. Kahit na alam ko na isang mahaba at malamig na gabi ang kailangan kong iraos, gagawin ko. Basta bukas, alam kong makikita ko ng muli si Sarah. At titiyakin ko iyon.

Pagdating ko sa garahe at pagbaba ko pa lamang ng kotse, agad na napansin ko na ang isang sasakyan na paparating. Kahit na malakas parin ang ulan at madilim ang paligid, kilala ko na kaagad kung kaninong sasakyan iyon.

Tila ba nabunutan ako ng napakaraming tinik sa aking dibdib ng makita si Sarah noong bumaba na siya mula sa kanyang kotse at mabilis na lumapit sa akin para yakapin ako ng mahigpit.

Amoy alak ito at halata mo na medyo tipsy na rin.

"I'm sorry....I'm so sorry baby." Umiiyak na pag hingi niya ng tawad habang yakap-yakap parin ako. Awtomatiko naman na ginantihan ko siya sa pagyakap.

"I'm so sorry....mahal na mahal kita. I don't want to lose you, Lila. Hindi ako papayag na mawala ka sa akin. Please!" Ang higpit ng mga yakap niya.

"Y-you're here." Nanginginig ang mga labi na wika ko sa kanya dahil sa nararamdaman ko na ang lamig ng hangin at bawat pagtama ng tubig ulan sa aking mga balat.

"I thought you didn't want to talk to me? You don't have to apologize Sarah. I was the one who should say that. So, sorry." Dagdag ko pa.

"Hindi ako mawawala sayo, Okay? Basta ipangako mo rin na lalaban tayo. Na dalawa nating haharapin ang lahat ng ito. Hindi rin ako papayag na masaktan ka ng iba, poprotektahan kita." Lumuluhang sabi ko pa bago kumalas mula sa pagyakap at iginaya na siya papasok sa bahay. Mahirap na, baka kapwa kami magkasakit kung hindi pa kami papasok sa loob at hahayaan lamang namin ang mga sarili namin sa gitna ng malakas na ulan.

Pag pasok sa loob, hinayaan ko na lamang din na nakasunod ito sa aking likuran hanggang sa loob ng aking kuwarto. Pareho kami na mukhang basang sisiw kaya mas maigi na pagbihisin ko na rin muna ito.

Mabilis na napaharap ako sa kanya at magsasalita pa lamang sana nang agad na salubungin ako nito ng kanyang mga labi.

Kusang napapikit ang mga mata ko sa paglapat ng kanyang malambot na labi sa akin. Mabilis na gumalaw ang mga labi nito na kaagad ko naman na ginantihan. Hindi ko alam pero....kapwa kami lumuluha sa mga sandaling ito. Kapwa umaagos ang mga luha sa aming mga pisnge habang magkasumpong ang mga labi.

Naramdaman ko ang konting pag kirot dahil sa ginawa nitong pagkagat sa dulo ng labi ko. Kaagad na nalasahan ko rin ang aking sariling dugo mula roon.

Nagpatuloy lamang kami sa aming ginagawa, ngunit mararamdaman mo na hindi katulad ng dati ang bawat halik na pinagsasaluhan namin ngayon, iyon bang ang lungkot-lungkot ng bawat halik na ibinibigay namin sa isa't-isa. Kapwa rin nanginginig ang aming mga labi. Halik na mayroong sakit at pangungulila, may kasamang kirot at pighati.

Hindi ko maintindihan, pero bakit pakiramdam ko, ito na ang huling beses na mahahalikan ko si Sarah. Mararamdaman ko ang mainit nitong katawan at ang mga haplos niya?

Hanggang sa hindi nalang namin pareho namalayan na kapwa na kami nakahiga sa ibabaw ng aking kama. Muli ay wala ng saplot sa katawan at pinagsaluhan ang init ng aming katawan.

Sarah

Kinabukasan, maaga akong nagising at hindi na muli pang makatulog. Natatakot na baka mawala sa aking paningin at sa aking tabi itong magandang babae na mahimbing na natutulog ngayon, habang naka unan pa sa aking braso.

Last night, I just realized that I didn't really want to lose Lila. I'm afraid that her parents and Michael will take her away from me. She is my home now. My world. The light of my life. She is my life now. And that won't happen again when she's gone.

Pero sa ngayon, ang gusto kong gawin ay ang lumaban. Ang ipaglaban si Lila. Hindi ako papayag na ilayo nila mula sa akin ang nag-iisang pinaka mahalagang bagay na dumating buhay ko. Poprotektahan ko rin siya sa abot ng aking makakaya.

We will fight together.

At ngayon, natatakot man, pero masaya parin ako dahil nasa tabi ko parin siya. Dahil dito, mas magpapakatapang ako. Patutunayan namin pareho na hindi mali ang minahal namin ang isa't isa. Hindi lang para kay Michael at sa magulang nila, kung hindi para sa lahat. Patutunayan namin na hindi kami dapat matakot, sa buhay na pinili namin pareho at kung saan kami masaya.