"Sometimes, we push the people we love most away from us because we want to protect them."
Now playing: Surrender
Lila
Flashback:
"So tell me, anong dahilan bakit kailangan kong makipag kita sayo?" Matigas na tanong ko kay Michael.
Sekreto lamang ang pakikipag kita ko sa kanya, ewan ko, may pakiramdam ako na hindi magandang mangyayari kapag nagmatigas ako at hindi sumunod sa gusto nitong mangyari.
Hindi siya nagsalita kaagad, sa halip ay binigyan lamang ako nito ng isang ngisi. Iyong maaasar ka lang na tumingin sa kanya.
Hindi ko alam na may ganitong side pala siya sa kanyang pagkatao, heartless at selfish. Mga katangian na hindi ko nakita sa kanya noong kami pa. Mga bagay na ngayon ko lamang nakikita.
Mas mabuti na rin iyon, mas pinatunayan lang niya sa akin na hindi siya ang karapat-dapat na piliin ko.
"You are wasting my time, Michael. Pwede bang sabihin mo na kung anong kailangan mo sa akin?" Muling pagtanong ko pa. Nauubusan na rin ng pasensya.
Napa tingin siya sa ibang direksyon bago inayos ang suot na coat. Nasa rooftop kami ngayon ng building ng kanyang kompanya, kung saan matatanaw ang iba't ibang nagtatayugan at nagagandahan na mga gusali.
"Do you see that billboard?" Turo nito sa billboard na mayroong mukha ni Sarah, malapit sa building na kinaroroonan namin.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti ng palihim dahil sa sobrang proud na naging girlfriend ko ang isa sa mga sikat na supermodel sa buong mundo.
"And that one?" Turo pa niya sa isa, at sa iba pang makikita na mayroong mukha ni Sarah. "Everything that has the face of the woman you exchanged for me? Nakikita mo ba ang lahat ng iyan?" Dagdag pa niya bago napa harap sa akin.
Hindi naman ako bulag para hindi makita ang lahat ng iyon, kaya napatango ako. Patunay lamang na ganoon kadami ang mga proyekto na meron si Sarah, kaya hindi ko mapigilan ang hindi maging proud sa kanya.
"Yes." Naka ngiting sagot ko sa kanya, naka ngiti ako hindi para sa kanya kung hindi dahil masaya ako para sa mga nakamit ni Sarah.
Napatango ng maraming beses si Michael.
"I see." Sagot nito sa akin.
"You know....no matter how successful she is in her career right now, I can easily ruin it." May halong pagbabanta na sabi nito sa akin.
Dahil sa mga binitiwan nitong salita, hindi ko mapigilan ang hindi mapasinghap at biglang makaramdam ng pangamba. Hindi para sa akin kung hindi para kay Sarah.
"W-what do you mean?" He smirked.
"I can easily destroy her, I can crush her, and I can bring her back to where she truly is." Hinawakan ako nito sa aking baba. Iyong mahigpit dahilan upang salubungin ko ang mga galit nitong mga mata.
"Sa pagiging basura, sa pagiging gusgusin at hanggang kamuhian siya ng lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya, kahit na sa buong mundo pa." Kusa na lamang namuo ang galit sa aking dibdib at malakas na itinulak ko ito papalayo mula sa aking katawan.
"Are you threatening me?!" Napa nganga ako in disbelief habang iiling-iling.
"What would you do if my answer was, yes? Will you defend her? How, Lila? Huh?" May pagka arogante na tanong naman nito sa akin sa huli.
"Paano mo siya maipagtatanggol sa iba, kung palalabasin ko na ang manager niya ay mayroong sakit katulad ng pinaniniwalaan ng mga magulang niya?"
"How dare you?!" Nanginginig ang mga kamay na itinulak ko siya sa kanyang dibdib. Ngunit sa halip na matinag ay napatawa pa ito na parang isang baliw na kontrabida sa isang pelikula.
"Alam ko namang ipagtatanggol mo siya. Pero ang tanong, paano? Huh? Mag-isip ka nga!" Sigaw nito sa akin. "I told you, mas kaya kong ibigay sayo ang lahat. Mas kaya kitang bigyan ng maayos na buhay----
"Hindi ko kailangang buhayin, Michael. Hindi ko kailangan ng kahit na ano mula sayo!" Ganting sigaw ko rin sa kanya habang lumuluha pero mas nananaig sa akin ang galit ngayon.
Biglang nagbago ang expression ng mukha nito. Naging malambot at maamo. Nababaliw na ba talaga siya?
"Marry me, Lila. That's the only way you can protect Sarah. And for yourself, against your own parents. Promise, I will not ruin Sarah's career. And you have my word. But if you don't agree with me..." Napa ngisi siya.
"Hindi ko alam kung saan dadamputin ang girlfriend mo." Dagdag pa niyang muli.
"How could you do this to me?!" Nasasaktan na tanong ko sa kanya. "Hindi na kita kilala, Michael." Napatawa ito ng mapakla.
"Pain changed me, Lila. Hindi ako magiging ganito kung ako ang pinili mo." Sabi nito sa akin.
Nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan parin siya hanggang ngayon. Pero kailangan ba talaga niyang gawin ito? Ang pahirapan ako at ang magdusa? Hindi ko kayang saktan si Sarah. Pero alam ko rin kung anong kayang gawin ni Michael at totoo siya sa mga salita niya.
"Just think about it. Mayroon kang isang buong magdamag na gabi para pag-isipan ang iniaalok ko sayo." Binigyan niya ako ng tingin na mayroong pang-aasar. "And if your answer is yes, call me. Ganoon lang ka simple."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran na niya ako. Habang ako naman ay naiwan na nanlalambot ang mga tuhod kung ano bang desisyon ang gagawin ko.
-----
Halos buong magdamag nga akong hindi pinatulog ng mga sinabi ni Michael. Hindi ko rin halos nakausap ng maayos si Sarah magmula ng makauwi ako. Natatakot ako na malaman niya ang tungkol sa pagkikita namin ni Michael, alam kong mas malaking kaguluham kapag nalaman niya iyon.
Buong gabi, wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak dahil sa sitwasyon na meron ako. Pagkatapos ay tahimik na mapapahikbi upang hindi ko magising si Sarah.
Mahal na mahal ko si Sarah, kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya. Alam ko kung gaano ka importante ang kanyang career para sa kanya, buong buhay niya, doon na niya inilaan ang lahat. Parangap niya iyon, buhay niya iyon. Hindi ko kayang masira lamang iyon ng katulad ni Michael.
At mas lalong alam ko na hindi ko na siya kayang ipagtanggol. Duwag na kung duwag, pero anong magagawa ko? May sakit ako para sa mga magulang ko, at iyon ang gagamitin nila laban sa akin. Kaya papaano ko maipagtatanggol si Sarah? Kung sarili ko eh hindi ko kayang maipagtanggol.
Sinabi ko sa sarili ko na poprotektahan ko siya, ipaglalaban ko siya. At ito ang paraan na iyon. Wala na akong ibang maisip pa na paraan kung hindi ito lamang. Nadudurog ako sa mga sandaling ito, pero hindi na bale, ang gusto ko magpatuloy ang buhay na meron si Sarah. Kahit na wala na ako, o hindi na ako ang manager at mapapangasawa niya.
Kinabukasan, maaga pa lamang, tinawagan ko na si Michael. Sinabi ko na napag isipan ko na ang mga sinabi niya. Mayroon siyang itinext na address at sinabing doon kami magkita. Maaga akong kumilos at nag-asikaso, nagtatanong pa nga si Sarah kung saan ako pupunta pero sinabi ko nalang na nagmamadali na ako.
Pagdating sa lugar kung saan naghihintay si Michael, hindi ko aakalain na kasama rin pala nito ang parents niya. Kaagad na binati kami at sinabing masaya raw sila dahil ikakasal na kami. Kahit naguguluhan man, ay agad ko namang nakuha ang ibig nitong sabihin.
Halos buong araw, wala akong ibang inaalala kung hindi si Sarah. Dumating din ang iba pang kamag-anak nina Michael, mga kasosyo nito sa negosyo at mga kaibigan.
Planado na pala nila ang lahat, habang nagsasaya sila rito, nabalitaan ko rin na abala na rin ang aking mga magulang sa Spain para sa aming kasal.
Text din ng text si Sarah sa akin, pero hindi ko siya magawang i-text back dahil panay ang pagbantay sa akin ni Michael. Kaya ang ending, kinuha nito ang aking cellphone. Ngunit agad na ibinalik din sa akin pagkaraan ng ilang minuto.
"You have two options, leave her without saying anything, or say to her face you don't love her anymore." Wika ni Michael habang nakatayo ako rito at nagpapahangin sa may isang tabi.
Hindi ko siya sinagot at tahimik lamang na nakatingin sa malayo.
Sarah would just laugh at me if I say to her I didn't love her anymore, because we both knew the truth. At iisipin lamang noon na nagbibiro lamang ako. Mas mabuti na siguro na wala na akong sabihin na kahit na ano, isa pa, iiiwanan ko na lamang din siya, bakit ko pa pahihirapan ang mga sarili namin. Hindi ko pweding isugal iyon, pwede iyong gamitin ni Michael laban sa kanya. At iyon ang ayokong mangyari.
Sandali pa kaming nagtalo ni Michael, hanggang sa bigla na lamang siyang napa ngiti ng matamis sa akin. Nawewerduhan na napatitig ako sa kanyang mukha.
"Kiss me." Bigla nitong utos sa akin. Pero natawa lamang ako sa sinabi niya bago napa iling.
"Wag mong ubusin ang pasensya ko---
Hindi ko na ito pinatapos ng hawakan ko siya sa kanyang mukha at hinalikan sa kanyang mga labi, upang matahimik na. Noong ilalayo ko na sana ang aking mukha, siya namang hinigpitan nito ang pagkakakapit sa aking balakang at mas nilaliman ang halik.
May isang minuto halos ang itinagal noon bago tuluyan niya akong binitiwan.
"Satisfied?" Sarcastic na tanong ko sa kanya bago napalingon sa aking likuran.
Ngunit tila ba natuklaw ako ng ahas nang makita ko ang kilalang pigura na iyon habang naglalakad papalayo mula sa amin. Napalunok ako ng mariin. Hindi ako nagkakamali, si Sarah iyon.
A-anong ginagawa niya rito?
"I'm satisfied." Buong ni Michael sa aking tenga bago napatawa ng mahina. Noon ko lamang naalala na kinuha pala nito ang cellphone ko kanina. Pero alam kong huli na ang lahat, hahabulin ko pa sana si Sarah ng mahawakan ako ni Michael sa aking braso.
"Don't you dare follow her. Do not test me, Lila." May diin at halong pagbabanta parin sa mga words nito.
Walang nagawa na napa luha na lamang ako habang pinapanood ang babaeng minamahal ko papalabas ng restaurant na iyon.
"I will do everything, just please leave her alone." Paki usap ko rito.
"Oh babe, don't worry. She'll move on." Parang walang awa na sabi nito sa akin. "Pack your things, we're leaving tomorrow." Pagkatapos noon ay tinalikuran na niya ako.
Isang malungkot at tahimik na paligid ang sumalubong sa akin pag-uwi ko sa bahay. Wala si Sarah at pati na rin ang kanyang sasakyan. Sobrang nag-aalala ako para sa kanya, pero wala akong magawa. Nagagalit ako sa sarili ko for doing this to her. Pero ito lang ang paraan para maprotektahan ko siya, ang buhay niya.
Wala akong sinayang na kahit na anong minuto o segundo, mabilis ang mga kilos na nag impake ako ng aking mga gamit. After an hour dumating na rin si Michael para sunduin ako. Good thing dahil wala parin si Sarah, I don't think kaya kong umalis kung sakaling nandito siya. At kung saan man siya naroroon ngayon, umaasa ako na sana ay okay lang at ligtas siya.
End of flashback:
Kahit galit na galit ako sa sarili ko ngayon, hindi ko siya hinabol. Hindi ako nagpakita sa kanya. Wala akong iniwan na kahit ano maliban sa maiit na bahagi ng papel na iyon. Wala akong paliwanag na ibinigay o kahit na ano. Mas gusto ko ang kamuhian niya ako, magalit siya sa akin, katulad ng kung paano ako magalit sa sarili ko ngayon.
Nangyari nga ang mga plano nina Michael at ng mga magulang ko, sumama ako kay Michael sa Spain. At sa susunod na buwan na gaganapin ang aming kasal.
Simula ng dumating kami dito sa Spain, hindi pa ako lumalabas ng aking kuwarto. Gusto kong parusahan ang sarili ko. Gusto kong iparamdam sa sarili ko kung anong katangahan ang pinasok ko. Umiiyak lang ako ng umiiyak hanggang sa makatulog, pagising ko, ganon parin, nandoon parin ang sakit at kirot. Pero alam kong wala pa iyon sa nararamdaman ni Sarah ngayon.
My poor Sarah. I miss her so bad. I wish everything about her and me is perfect as anyone else's love story. Pero hindi.
Every now and then, kay Alice ako tumatawag. Nakikibalita tungkol kay Sarah, sa kanya ko rin sinasabi ang lahat ng sama ng loob ko. Sinasabi ni Alice kung gaano nahihirapan ngayon si Sarah, kung gaano siya nasasaktan. Kaya nasasaktan din ako para sa kanya.
Ang sama-sama ko.
"You broke her heart, Lila. What did you expect?" Tanong ni Alice sa akin mula sa kabilang linya. Napa hikbi ako.
"Hinayaan mong gawin ka niyang mundo niya, at ngayon...gumuho na iyong mundo na yun para sa kanya." Dagdag pa nito.
"Please, take care of yourself. Mas madudurog si Sarah kapag nalaman niyang nagkakaganyan ka dyan sa kabila ng desisyon na ginawa mo. Huwag ninyo na sanang pahirapan pa pareho ang mga sarili ninyo." Sabi nito.
Ewan ko, sobrang nawawalan na ako ng pag-asa sa lahat. Hinayaan kong magwagi si Michael at ang mga magulang ko. Habang kami ni Sarah, heto, parehong nagdurusa. Pero para naman ito sa kanya eh, para ito sa kapakanan niya.
"Next month, darating na ako dyan." Muling wika ni Alice. "Para sa kasal mo." Sabi nito. "I love you, Lila. Please, be strong." Pagkatapos noon ay ibinaba na niya ang telepono.
Ngayon, wala akong ibang makakapitan at maaasahan dito sa Spain, kung hindi ang sarili ko. Kailangan kong magpakatatag. At itong desisyon ko? Habang buhay ko man itong pagsisisihan, at least, hanggang sa huli, alam kong ginawa ko lamang din iyon para protektahan ang babaeng minamahal ko.
Para protektahan ang buhay na meron si Sarah.