Chereads / My Best Friend's Best Friend Book 3 (COMPLETED) / Chapter 18 - Chapter 37: Chasing Her

Chapter 18 - Chapter 37: Chasing Her

Now playing: Time Machine

Lila

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko noong makabalik si Michael ilang araw nalang bago ang kasal namin. Ipinagtapat nito sa akin ang lahat, tungkol sa video na isinend nito kay Sarah noong huling araw na makita ko ito sa restaurant na iyon.

Iyak ako ng iyak dahil sa galit, sinampal ko siya ng paulit-ulit hanggang sa wala na akong lakas pa para magawa iyon. Akala ko kasi sapat na sa kanya ang pagpayag kong pagpapakasal, hindi parin pala. Hindi ko na rin ipinaalam pa ang bagay na ito at pilit na itinago sa mga kaibigan ko, pero nalaman parin nila. Alam kong malalaman naman talaga nila, because they have many ways to know the truth.

Hindi ko lubos maisip kung ano ang mga nararamdaman ni Sarah noong mga oras na iyon, lalo na noong makita nito ang video. At labis akong nasasaktan para sa kanya, hindi ko man lamang nagawang maipaliwanag ang sarili ko. I wish I had known about it right away. I might have changed my mind, maybe I wouldn't have hurt her so much. I wish I knew! I wish, I was still with her in those moments.

Ipinagtapat din ni Michael ang pagpunta nito kay Sarah, para personal na huminge ng tawad. Mabuti naman kung ganoon at nagkaroon siya ng kapal ng mukha na humarap kay Sarah.

Habang ako naman, hindi ko alam kung sa papaanong paraan ako dapat huminge ng tawad dahil sa mga naging desisyon ko. Alam kong unang-una, wala akong dapat pagsisihan doon, dahil ginawa ko lamang ang bagay na alam kong makakabuti para sa kanya. Ngunit alam kong may mali parin ako, dahil hindi ko man lamang siya binigyan ng pagkakataon o kahit na ilang minuto para maipaliwanag ko ang sarili ko. Ipinagdamot ko sa kanya ang kakarampot na bagay na iyon.

Habang nandito ako sa Spain, nalaman ko rin ang iba pang pinagdaanan ni Sarah. Lalo na ang kaliwa't kanan na mga kasong kinaharap nito, nagpapasalamat ako dahil nandoon si Alice para damayan at alalayan siya. Isama mo na rin sina Breeze, Adriana at Billy na hindi talaga siya iniwan at pinabayaan. Dahil sa mga ginawa nila para kay Sarah, pakiramdam ko, isa rin sila sa mga taong lubos na nasaktan ko. Ipinagkait ko rin sa kanila ang bagay na dapat ay karamay ko sila sa anumang pagsubok at problema.

Napapailing na lamang ako sa aking sarili bago napa buga ng hangin sa ere. Bahala na, ang mahalaga, mayroon parin akong pagkakataon para harapin silang lahat.

Tuluyan na akong binitiwan ni Michael. Kahit masakit para sa kanya, agad na itinigil nito ang nalalapit na sanang kasal namin. Madami man ang nadismaya lalo na sa parehong pamilya namin, pinili parin ng mga ito na irespeto ang naging desisyon namin. Habang ang mga magulang ko naman ay hanggang ngayon, hindi parin matanggap ang lahat. Pilit parin na gusto nilang isakatuparan ang gusto nilang mangyari. Bagay na mas lalo lamang na ikinalayo ng loob ko sa kanila.

Pero si Michael? Tuluyan na niya akong pinaubaya sa taong sa tingin niya ay mas karapat-dapat para sa akin. Sa taong alam niya na labis na minamahal ko, sa taong hindi na niya mapapalitan pa dito sa puso ko.

Now, it's time for me to face the truth, para bumalik sa lugar kung saan nagsimula ang lahat, kung saan nandoon si Sarah at hinihintay ang pagbabalik ko.

Sana. Sabi ko sa loob ko.

Sana nga ay hinihintay parin ako nito katulad ng inaasahan ko.

Magkahalong kaba at excitement ang aking nararamdaman habang papalapag ang eroplano na aking sinasakyan. Hindi ko man alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa aking pagbabalik, pero...isa lang gusto ko, ang muling mahagkan at makita ang babaeng lubos parin na minamahal ko.

Hindi narin ako nag-abala pang tawagan si Alice o kahit na sino sa mga kaibigan ko. Mas ginusto ko na lamang mag commute para surpresahin ang mga ito.

Katulad ng nakasanayan ko sa tuwing umuuwi ako dito sa Pilipinas, kay Alice ako unang dumidiretso. Ngunit pagdating ko, agad ko rin palang mababalitaan ang bagay na hindi ko inaasahan. Bagay na mas lalong nagpalugmok at nagpalungkot sa aking puso.

"I'm sorry, Lila." Paghinge ng tawad ni Alice. "One week before you arrived, she left to Paris."

Nanghihina ang mga tuhod na napaupo ako sa sofa. Hindi na niya ako hinintay. Well, what else should I expect? I left her right? I hurt her. I left her so broken and wounded. What more reason could she have to stay here, right? I'm so stupid to think and hope she'll wait for me no matter what.

Gusto kong matawa sa sarili ko at hindi ko masisisi si Sarah. Pero hindi, kahit saan pa man siyang lupalop magpunta, susundan ko siya. Ngayon pa ba ako mas magpapakaduwag? Kung kailan okay na ang lahat? Ang kailangan ko nalang na gawin ngayon, ay ang hanapin siya. Puntahan siya.

That night, I also booked a ticket to Paris. Desperada na kung desperada, pero hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na ito.

Ipinaubaya sakin ni Alice ang bahay ni Sarah. Kinailagan kong mag stay roon ng ilang araw bago pa man tuluyang umalis papuntang Paris, dahil kailangan ko rin na magpakita at harapin ang tatlo ko ring mga kaibigan. At para na rin maka pagsalamat sa kanila ng personal dahil sa kabutihang loob na ipinakita nila kay Sarah.

Lahat sila, nagulat dahil sa biglang pagdating ko dito sa Pilipinas. Hindi raw kasi inaasahan ng mga ito na magpapakita pa ako sa kanila, halatang malalim talaga ang tampo na meron sila para sa akin.

Hindi naman na ako nagpaligoy-ligoy pa, hindi na rin ako nagdahilan pa lalo na at alam na rin naman nila ang lahat. Agad na huminge ako ng tawad sa mga ito, at nagpasalamat din katulad ng gusto kong mangyari.

Sa kanila ko rin nalaman na iniwan na pala ni Sarah ang kanyang pagiging modelo, bagay na hindi nabanggit sa akin ni Alice. Hindi na raw siya babalik sa career na kanyang sinimulan at hindi na rin lilingon pang muli.

"Kung ang career ko lang pala ang dahilan kung bakit kailangang mawala sa akin si Lila, because she wanted to protect me, kaya ko 'yong talikuran." Iyon daw ang sinabi sa kanila ni Sarah. That's why she quit.

Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba ang balitang iyon o mas lalo lamang na naging mabigat ang loob ko. But like me, she has a choice too. It was her decision and I could do nothing more for that matter.

Kaya lang kasi, hindi ko maiwasan ang hindi sisihin ang sarili ko. 'Yong bagay na yun ang dahilan kung bakit pinili ko si Michael that time. Dahil ayokong masira siya, ayokong mawala yung bagay na meron siya, pero sa isang iglap lang, isinuko niya lamang basta-basta ang bagay na iyon para sa akin.

Maybe I can change her mind. When we meet again, I'll convince her, that she doesn't have to do that, because that's the life she has now. At hindi ako makakapayag na mawala lamang siya basta-basta sa ganoong industriya.

-----

Pagkatapos ng ilang araw na pamamalagi dito sa Pilipinas, sa wakas, makakaalis na rin akong muli para sundan si Sarah sa Paris.

At bukas na 'yon! Walang humpay na saya na sabi ko sa sarili.

Hindi ko mapigilan ang hindi na naman makaramdam ng kaba at excitement. Lalo na kapag naiisip ko ang na surpresang itsura nito kapag nakita na niya ako.

Habang nag-aayos at nag i-impake ng aking mga gamit, bigla na lamang akong may na pansin na bagong email na dumating. Agad na kinuha ko ang aking laptop at tinignan kong sino ang sender.

My heart seemed to jump for joy when I saw Sarah's email address, especially when I saw her name appear in my inbox. I immediately opened the email and didn't hesitate to read it. It's a long message.

Napapakagat labi pa ako noong sandaling simulan ko ng basahin ang laman nito.

At first, she greeted me. She also told me how much she had missed me, that she still loved me. She even told me about her leaving as a model, ngunit sinabi rin nito na huwag ko na siyang i-convince pa na bumalik dahil nakapag pasya na siya at buo na ang desisyon niya.

She said she was happy because I was single again, that Michael would never have to mess with my life again. She was also happy for me because I was back in the Philippines, and she was happy because I was going to follow her to Paris, and Alice told her that.

Wait, sinabi sa kanya ni Alice? Paano ko pa siya masusurpresa kung alam na niyang papunta ako sa kanya? Gosh!

I was about to finish reading her message, when she suddenly said something to the end that surprised my heart.

"Everything has changed now, Lila. I love you, but I don't think it's time for us to meet again. Please don't follow me to Paris. Because even if you go, you won't find me there. In fact, I'm not in Paris, I'm traveling all over the world now alone. I had to do it, Lila. And I'm sorry." Awtomatikong nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha dahil sa mga sinabi ni Sarah.

Pero hindi pa roon nagtatapos ang kanyang mensahe, pilit na pinatatag ko ang aking sarili para sa mga susunod pa na mababasa. Pinunasan ko rin ang aking luha bago muling nagpatuloy.

"While I'm away, I want you to do something for me. I want you to find me. Find me all over the world Lila, can you do that? And when you find me, it just means that we're really meant for each other. When that happens, we should never let go of each other. And then...I'll marry you." - Sarah

Kung kanina, noong hindi ko pa man natatapos basahin iyong message niya, umiiyak ako sa lungkot at takot na baka hindi ko na siya muling mahagkan at makita. Ngayon naman, napapahagulhol ako dahil sa sobrang tuwa at saya na nararamdaman.

Gusto niyang hanapin ko siya, at sa buong mundo. Paano ko siya hahanapin? Paano ko siya makikita? Pero katulad ng sinabi niya, kapag nahanap ko siya, ibig sabihin lamang noon, talagang kami ang para sa isa't-isa. Kaya tatanggapin ko ang hamon niya, gaano pa man iyon katagal, gaano pa man kalaki ang mundo, magiging maliit iyon para sa aming dalawa.

I will find her at sisiguraduhin kong magtatapong muli ang mga landas naming dalawa.

Kinabukasan, itinuloy ko parin ang aking flight papuntang Paris kahit na alam kong hindi ko naman siya matatagpuan roon. Ewan ko, pero sa tingin ko, dito ako dapat magsimula sa paghanap sa kanya. At kahit magpalipat-lipat pa ako sa maraming bansa hindi ako mapapagod, hindi ako titigil.

Isa pa, may pakiramdam kasi ako na baka nandiyan lang siya, sa tabi-tabi at pinanonood ang bawat kilos at galaw ko.