Chereads / SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 59 - ♥♡ CHAPTER 56 ♡♥

Chapter 59 - ♥♡ CHAPTER 56 ♡♥

...After 2 weeks...

♡ Syden's POV ♡

"If you're going to ask me again about Sean Raven...well, I lost my connection with the president." 

"Are you even listening?" 

"Sy?" 

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at halos kakarating lang ni Finn. Nakaupo kaming dalawa sa harap ng isang maliit na lamesa at magkatapat kami. Naipatong ko ang ulo ko sa isa kong kamay habang nakapatong ang siko ko sa lamesa. Feeling ko, mawawala na ako sa sarili ko anumang oras habang nakatingin sa ibang direksyon. Hindi ko maiwasang mag-isip nang malalim dahil sa lahat ng nangyayari. Looks like I couldn't even manage to absorb everything.

Masyado nang magulo ang lahat.

Ang akala ko magiging maayos ang lahat ng 'to pagkatapos mangyari ng araw na 'yon...pero hindi. Mas lalong gumulo at hindi ko na rin alam kung anong dapat kong gawin, "Sy..." napatingala na lang ako nang marinig ko si Finn at kusang naibaba ang kamay ko, "H-ha? What are you saying again?" tanong ko sa kanya. 

"I was telling you something, regarding your twin brother." 

"W-what about him?" tanong ko dito kaya bumuntong hininga siya bago nagsalita. I know that I am not in the right mood para makausap siya but I also know na importante ang lahat ng sasabihin niya dahil tungkol 'yon kay Raven na hanggang ngayon hindi pa rin nakakabalik kahit na nandito naman sina Julez at Dean, "Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ng nangyayari sa kanya sa kabilang building. It's been two weeks already at hindi ko pa rin magawang makalabas kasi..." sandaling natigilan si Finn sa pagsasalita na parang hinahanap pa ang mga salitang sasabihin niya sa akin kaya diretso lang ang titig ko sa kanya at hinihintay siyang magsalita, "Kasi?" tanong ko pa sa kanya.

"I've lost contact with the president. Hindi ako makapasok sa secret room at sigurado ako na wala din si Fortune sa loob kaya hindi nagbubukas ang pintuan." pahayag nito kaya sandali akong napaisip at nagsalubong ang kilay ko. This is so rare. Pagkatapos mangyari ng araw na 'yon, halos hindi ko na nakikita ang presidente. Halos araw-araw na rin kaming magkasama ni Finn pero napag-alaman ko na wala talaga siyang alam kung ano ng nangyayari kay Raven sa kabilang building dahil hindi niya magawang makalabas. Did something happen to the president? For instance, I knew that moment that there's something wrong. May mali sa lahat ng nangyayari at tama nga si Dave.

We're dealing with something we don't even know. 

"But don't worry, as long as I am able to reach her, I'll immediately ask about your twin brother." pahayag ni Finn at ramdam kong desidido siya sa lahat ng sinasabi niya kaya tumango ako at bahagyang ngumiti, "Thank you sa concern mo, Finn. I know that my twin brother is doing good. Just like Dean, alam kong babalik din siya. Hindi man ngayon, pero malapit na." I said to him kaya ngumiti din ito, "That's the spirit, Sy. Everything's going to be alright."

Unti-unti ring naglaho ang mga ngiti ko at sandaling napayuko. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang isa kong kamay na nakatapong sa lamesa kaya napatingin ako sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala, "Is there something bothering you? Mukha kasing ang dami mong iniisip. Would you mind telling me?" tanong nito kaya napaisip ako, "A-alin ba sa mga iniisip ko ang gusto mong marinig?" tanong ko naman sa kanya kaya kusa nitong inilayo ang kamay niya at napayuko bago ako tinignan ulit, "Everything." saad niya kaya sandali akong natawa, "I may not be able to tell you everything dahil masyado silang marami. Sa dami ng iniisip ko, hindi ko alam kung paano at saan ako mag-uumpisa. I don't even know what should be my priority." 

"Just tell me what you're currently thinking right at this moment. I'm here to listen. Always." pahayag pa nito kaya kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko. Sa tuwing kasama at kausap ko siya, wala siyang ibang ginawa kundi ang makinig sa lahat ng gusto kong sabihin. Gusto kong ilabas ang sakit at bigat na nararamdaman ko pero hindi ko alam kung kanino bukod sa kanya. He's always willing to listen kahit na madalas ko siyang binabalewala. Isn't it absurd to tell you that I am slowly trusting him? Ang sarap sa pakiramdam kapag may isang tao na handang makinig sa'yo.

It's been two weeks since I left him unwillingly. Kahit hindi ko kaya, kailangan kong kayanin, para sa aming dalawa.

"Well..." napabuntong hininga ako bago nagsalita habang kitang-kita ko sa mga mata niya na gusto niyang marinig kung ano nga bang iniisip ko, "Our group is slowly breaking down." dahil sa sinabi ko ay nagsalubong ang kilay ni Finn, "What do you mean breaking down?" 

"Uhmmm, I was informed earlier na iilan sa mga members ng Phantoms at Redblades ang inatake kagabi." saad ko na ikinabigla niya, "What?! Again?!" tumango ako dahil sa naging reaksyon nito. We actually had the same reaction. Hindi kapani-paniwala ang mga nangyari but that's the truth. Unti-unti na kaming nasisira, "What happened to them now?" nag-aalalang tanong nito kaya mapait akong ngumiti, "They are all dead." mahinang saad ko na napatingin sa lamesa at ipinatong ko ang isa ko pang kamay doon.

There are times na kusa na lang akong nawawala sa sarili ko at napapansin ko na lang na halos tulala na ako. Sa dami ng iniisip ko, I don't even know how to cope up with my situation everyday. I thought my decision would lessen the problem pero wala ring nagbago. 

"Tell me, wala ka ba talagang alam tungkol dito? Kung sino ang umaatake sa grupo?" tanong ko kay Finn kaya umiling ito. I looked at him directly into his eyes and I could see that he was very sincere and that he was telling the truth, "Believe me, wala akong kinalaman sa lahat ng nangyayari sa grupo ninyo. Wala na rin akong balita tungkol sa iba pang officers, even Mr. Wilford. I only know nothing about the situation of the campus right now...but if ever I find out kung sino ang gumagawa nito sa grupo ninyo, I won't hesitate to inform you. I just want to say that it's not the council. We never planned this against your group. May iba pa tayong kalaban at 'yon ang dapat nating malaman." habang nagsasalita siya, I was all busy observing how he acts and how he speaks. Kailangan kong malaman kung mapagkakatiwalaan ko ba talaga siya. There's something inside telling me that I should not trust him but something's urging me to trust him. 

"I-i don't know how but can you please just trust me." pakiusap niya kaya napaisip na lang ako dahil sa lahat ng sinabi niya. His eyes were pleading me to trust him. Alam kong kailangan ko siya para makakuha ng impormasyon pero alam kong mali rin ang ginagawa ko dahil kaibigan na ang turing niya sa akin. I felt guilty about it.

"Stop getting information about my twin brother." sambit ko na ikinabigla naman niya, "W-why? Is it because hindi mo kayang magtiwala sa akin?" 

"Kasalanan ko din naman kung bakit hanggang ngayon wala pa rin akong alam sa kinaroroonan niya at sa sitwasyon niya. Remember before I bid my farewell to Dean Carson, nakausap ko pa si Fortune but because of my situation, I forgot to ask her about my twin brother. Because of so much concern about my muffin..." bahagya akong napangiti bago ulit nagsalita, "I almost forgot about my twin brother although he also had to sacrifice his own happiness in order to save me. We have the same feeling right now pero alam kong babalik din siya." but this time, pwede bang bumalik sa akin ang kakambal ko nang maayos ang lagay niya? I've been longing to see him again pero sana bumalik siya sa akin ng maayos. Kung matutulad siya kay Dean, baka hindi ko na kayanin. I can't lose both of them, although I almost lost Dean and I am slowly losing him. 

"Kaya huwag mo ng pilitin na hanapin siya, I'll do it myself. Let me do it for my twin brother, just like how I did it with Dean Carson." saad ko kay Finn at alam kong nagdadalawang-isip siya sa sinabi ko. He might be asking himself right now kung bakit pabigla-bigla ako sa desisyon ko pero napag-isipan ko na rin 'to. I have to make a move or else, I might lose my twin brother, "Fine, if you say so but don't worry, kung sakaling may malaman ako tungkol sa kanya, I'll inform you." sambit pa niya kaya napangiti na lang ako. If Finn wasn't here, I might not be able to make it.

"As you have mentioned Dean..." saad nito kaya nagkatitigan kaming dalawa ng ilang segundo, "N-nakausap mo na ba siya?" tanong pa nito kaya mapait akong ngumiti at umiling, "As much as I want to visit him, alam kong hindi na pwede." and I remembered every moment...every single detail...when I tried to visit him that day...the start of my nightmare.

.........FLASHBACK............

Pagkatapos kong magpaalam sa kanya, walang gabi na hindi ako umiyak at hindi nangulila habang naiisip ko na wala na talaga siya sa tabi ko. That I wouldn't be able to hug him again and again at hindi na namin magagawa ang mga bagay na ginagawa namin dati. Sabay kaming nangarap at sabay din naming  gagawin ang lahat ng 'yon pagkalabas namin sa eskwelang 'to. No matter how long it takes, handa akong maghintay sa araw ng paglabas namin.

Ito ang pampitong gabi na hindi ko siya kasama at kayakap. Pampitong gabi simula ng magpaalam ako sa kanya.

Muli kong iminulat ang mga mata ko at napansin kong nanlalabo pa rin ang paningin ko dahil sa mga luha. Tuwing gabi, hindi ako makatulog ng maayos dahil naaalala ko siya. How I wish na sana katabi kita ngayon...pero sa panaginip na lang mangyayari ang lahat ng 'yon. Tuwing pipikit ako, kusa na lang tutulo ang mga luha. Tuwing imumulat ko ang mata ko, magugulat na lang ako dahil patuloy pa rin ako sa pagluha. Mga luha na kailanman, hindi titigil sa pag-agos. Mga luha na kailanman, hindi mauubos.

That's why after a week of sadness and agony every day and every night, minabuti kong bisitahin siya. I don't even know kung makikita ko nga ba siya, basta ang alam ko lang gusto ko siyang makita. Hindi ko rin alam kung ano ang sasalubong sa akin kapag pinuntahan ko siya pero hindi naman maling subukan hindi ba? 

Nang makarating ako sa tapat ng abandonadong clinic, ramdam ko ang panginginig ng katawan ko at ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Magkahalong takot at saya ang nararamdam ko ngayon. Ilang segundo rin akong nakatayo habang kumukuha ng lakas ng loob. Good to know na hindi nakakadena ang pintuan kaya malaya akong makakapasok sa loob. Dahan-dahan kong hinawakan ang pintuan at binuksan 'yon. Tahimik akong pumasok sa loob at katulad noong una, sumalubong sa akin ang puting kurtina. Dahan-dahan akong lumapit doon para makita ko siya ulit. Hindi ko pa man tuluyang nabubuksan ito ay nakita ko na siya kaya napangiti ako. Kung gaano kabilis ang pagngiti ko ay ganoon rin kabilis na naglaho ito nang mapatingin ako sa kamay niya at may nakahawak dito. 

Sinundan ko ng tingin ang nag-iisang kamay na nakahawak sa kamay niya at 'yon ang tuluyang nakapagpakirot sa puso ko. Kahit nakatalikod siya sa akin, kilala ko kung sino siya. Maayos na nakatitig si Savannah sa kanya habang hawak nito ang kamay niya. Napatakip na lang ako ng bibig gamit ang dalawa kong kamay at naramdaman ko na lang ang kusang pagtulo ng mga luha ko. Tila sinaksak ako ng maraming beses at paulit-ulit akong sinasaksak. Walang katapusang sakit ang nararamdaman ko. Sakit na kailanman hindi matatapos.

Napatingin na lang ulit ako sa kamay ni Dean at mas naiyak na lang ako nang makita kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Savannah habang nakapikit pa rin ito.

"Ako dapat ang nasa posisyon niya. I must be the one holding his hand."

'Yon ang mga katagang pumasok sa isip ko habang nakatitig sa kanilang dalawa. Bakit noong mga oras na nakahawak ako sa kamay mo, hindi mo nagawang higpitan ang pagkakahawak sa kamay ko? I was longing for you to hold me once again pero bakit sa kanya madali mo lang nagawa 'yon? Do you even know kung gaano kasakit at kahirap ang sitwasyon ko ngayon? You didn't even leave a single sign of you rejecting my farewell. Bakit ka ganyan? Why are you doing this to me?! Ang dami kong gustong sabihin sa'yo pero hindi ko magawa. Sobrang sakit! Gusto kong isigaw na sobrang sakit pero paano?! I really really wanted to say how much it really hurts pero hindi pwede!!!

...........FLASHBACK......

"I was totally screaming inside that time." pahayag ko kay Finn habang ikinekwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari at madali kong pinunasan ang mukha ko nang maramdaman kong basa ito. I didn't even realize that I was already shedding out tears.

These tears, I'm starting to hate them. 

"That girl..." napatingin na lang ako kung saan habang nag-uumpisa nanaman akong matulala dahil nararamdaman ko nanaman ang sakit, "She really took advantage of everything." I gritted my teeth in anger, my hands formed into fist habang tuluy-tuloy ang mga luha ko sa pag-agos. 

"I-it really hurts...to the point that sometimes, I couldn't feel anything anymore." napatingin ulit ako kay Finn na nakatingin lang sa akin, "N-natatakot lang ako na baka sa sobrang sakit at bigat ng nararamdaman ko, time might come na wala na akong maramdaman. T-that I might completely go numb." pahayag ko sa kanya. Pain really changes people.

"You know what..." tumayo si Finn sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Lumuhod siya para tapatan ako at pinunasan nito ang mga luha ko gamit ang isa niyang kamay at nginitian ako, "Anuman ang nararamdaman mo ngayon, don't ever think that you're all alone. In this fight, I am with you and will always be here for you. Kung kailangan mo ng makakausap, nandito ako. Kung kailangan mo ng masasandalan, nandito ako. Whatever happens, I am just here...for you." dahil sa mga narinig ko ay tumango ako at napapikit hanggang sa maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin kaya kusa na lang gumalaw ang mga kamay ko at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. I didn't think of what might happen. Basta ang alam ko lang, kailangan ko ng masasandalan. 

"If you want to lessen the pain, forget about him for now." saad nito na ipinagtaka ko kaya inilayo ko ang sarili ko sa kanya at nagkatinginan kaming dalawa, "It's not good for you to see him right now. Your situation might get harder." at sa sinabi niyang 'yon mas lalo pa akong nagtaka hanggang sa mapatingin kaming dalawa sa pintuan nang may biglaang kumatok ng malakas dito.

Mabilis kong pinunasan ang mukha ko at nagmadaling tumayo para buksan ang pintuan. Never did I expect that my second nightmare would approach faster than I expected. Pagkabukas ko sa pintuan. Hindi ko maiwasang magtaka nang makita ko sina Roxanne, Clyde at ang mga Vipers. Batay sa mga tingin nila, napansin kong may mali, "R-roxanne? Anong ginagawa niyo dito-- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang matagpuan ko ang sarili ko na nakaupo na sa sahig at nakahawak sa kanang pisngi ko. Nanlaki ang mata ko sa sobrang bilis ng pangyayari at dahan-dahan akong tumingala only to find out na sobrang galit ng mga tingin nila sa akin kaya lumapit na rin si Finn sa akin at inalalayan akong makatayo, "W-what was that for?" tanong ko kay Roxanne dahil sa biglaan at lakas ng pagkakasampal niya sa akin. They were all looking at me at kitang-kita ko ang galit sa mga mata nila. 

Lumapit si Roxanne sa akin at hindi ko nagustuhan ang mga tingin niya sa akin na parang gusto niya akong patayin, "You knew that Dean Carson is here yet you didn't tell us?" natigilan na lang ako at dahan-dahang naibaba ang kamay kong nakahawak sa pisngi ko nang marinig ko ang sinabi niya, "P-papaanong-- " 

"Alam na namin ang lahat! It's been two weeks since he was brought here at dalawang linggo mo na rin kaming niloloko!!" sigaw nito at tila gustung-gusto na niya akong lusubin pero pinipigilan niya, "L-let me explain-- "

"EXPLAIN?! BECAUSE OF WHAT YOU DID, LALONG LUMALA ANG SITWASYON! DID YOU EVEN KNOW WHAT YOU DID?!" galit na galit silang lahat sa akin kaya nag-umpisa nanaman akong maiyak at hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na sumigaw.

"I-I DID THAT TO SAVE HIM-- I HAD TO PROTECT HIM KAYA HINDI KO SINABI SA INYO!"

"KAYA BA HINDI MO RIN SINABI SA AMIN ANG PANLOLOKO NA GINAWA SA'YO NG BABAENG 'YON?!" sigaw pa nito na ipinagtaka ko at nakikita kong umiiyak na rin siya, "YOU LET HER HANDLE HIS SITUATION!? HINAYAAN MONG GAMUTIN NIYA SI DEAN?!"

"BECAUSE THAT'S THE ONLY WAY! TINGIN NIYO BA GINUSTO KO LAHAT NG 'TO?! DO YOU EVEN KNOW MY SITUATION?!" 

"HINDI KA MAPUPUNTA SA SITWASYON NA 'YAN KUNG IPINAALAM MO SA AMIN! NAGAWAN SANA NATIN NG PARAAN-- "

"WALA NG IBANG PARAAN! THAT'S WHY I HAD TO DECIDE!"

"BUT YOUR DECISION..." tumigil siya sa pagsasalita at mas lalo pang naiyak, "Made it all worse." tila mawawalan na siya ng boses sa mga sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya 'to sinasabi sa akin.

"A-ano bang sinasabi mo? My decision made it worse? Bakit naman mangyayari 'yon?" tanong ko pa sa kanya. Nag-iwas ng tingin si Roxanne  kaya isa-isa ko silang tinignan, "Alam na namin ang lahat. Lahat ng ginawa mo para iligtas siya." saad pa ni Roxanne kaya napatingin ako sa kanya at kitang-kita ko na kumukuha ito ng lakas ng loob para magsalita.

"Kalimutan mo muna si Dean. It's not good for you to see him right now." napatingin ako kay Clyde nang sabihin niya 'yon kaya mas nagtaka pa ako, "W-what do you mean-- gising na ba siya? Is he alright?" hindi mapakaling tanong ko pero bakit tila hindi sila masaya, "Hindi ba kayo masaya na nakabalik na siya kung ganon?" tanong ko pa pero hindi noon nabago ang mga itsura nila. 

"He's alright and totally fine." sagot ni Dave pero mukhang wala siyang gana kaya napatingin ako kay Finn na nakayuko lang. Lahat sila walang kibo, "Then I'll go to him." lalabas na sana ako dahil sa tuwa na nararamdaman ko pero pinigilan ako ni Roxanne kaya napatingin ako sa kanya, "Savannah did something to him." saad nito na muli kong ipinagtaka. As soon as I heard her name, nakaramdam na ako ng kaba, "You were deceived, Bliss Syden." at tila tumigil ang oras ko dahil sa mga sumunod na sinabi ni Roxanne, "Dean Carson is now controlled by Savannah. Wala na siyang kinikilala." 

Ang buong akala ko wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko, but I was wrong...may mas masakit pa pala. 

That's how it started...

To be continued...