Chereads / SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 62 - ♥♡ CHAPTER 59.0 ♡♥

Chapter 62 - ♥♡ CHAPTER 59.0 ♡♥

♡ Dave's POV ♡

"So what are we going to do now?" tanong ni Dustin kaya nagkatinginan ang lahat. Kasalukuyan kaming nasa staff room ng ganitong oras. Pinag-usapan kasi namin na magkikita kaming lahat ngayong gabi. Alam naming lahat na kailangan naming mag-usap dahil masyado ng magulo ang sitwasyon.

"We need to find out kung ano ba talaga ang nangyari." pahayag ni Clyde kaya napunta sa kanya ang atensyon ng lahat. Nakaupo kaming lahat sa harap ng isang pabilog na lamesa. Kagaya ng plano, pinaalis na namin ang mga members ng Phantoms at Redblades para hindi na sila madamay pa. Well, most of them complained dahil napamahal na sila sa grupo but they knew that they had to or else we're all gonna die.

Nasa pinakaharap si Clyde at siya lang ang nakatayo sa aming lahat. Nasa kanan niya si Roxanne, ako naman sa kaliwa at katabi ko si Dustin. Kasama rin namin sina Stephen, Caleb at Oliver. Sa totoo lang, kulang pa ang Vipers dahil wala pa rin si Sean hanggang ngayon. Nasabi ko na rin dati sa grupo ang tungkol sa pag-alis niya dahil kami lang ni Leigh ang pinagsabihan niya. Kaya hindi rin maiiwasan na nabigla sila nang sabihin ko ang totoo. They never knew that he would do such thing.

"She must have did something to Dean kaya ganon na lang siya umasta sa atin ngayon." dagdag ko naman kaya napatingin sila sa akin, "Lahat naman tayo hindi makapaniwala sa nangyari. Una, hindi natin alam na nandito siya. Pangalawa, hindi natin alam ang tungkol sa kondisyon niya. Pangatlo, hindi sinabi sa atin ni Syden ang totoo-- "

"But that was reasonable. Oo nagalit tayo sa kanya dahil itinago niya sa atin ang totoo but on the other side, we can't blame her. Ano bang expect mong gagawin niya? If I was on her position, I might also do the same thing." pagputol naman ni Roxanne sa sinasabi ko kaya napangiti ako ng masama, "But earlier you almost blamed her for everything."

"Lahat tayo nakaramdam ng galit sa kanya but after she told us everything, pinagsisihan ko na ang ginawa ko. Guys, may pagkukulang din tayo kaya niya nagawa 'yon." depensa niya sa akin.

"Sa tingin niyo ba magagawan natin ng paraan kung sakaling sinabi niya sa atin noon pa man?" singit naman ni Clyde kaya nagkatinginan kami. Seryoso siyang nakatayo sa harapan namin habang nakahawak ang mga kamay nito sa lamesa.

"Hindi niyo ba natatandaan? She told us na wala ng iba pang paraan kaya niya nagawa 'yon. Kinailangan niyang itago ang totoo para protektahan si Dean. She also had to let that girl treat him pero alam natin na kung may iba pang paraan, hindi niya hahayaan na hawakan ng babaeng 'yon si Dean." -Clyde

"Pero may kapalit ang pagtulong ng babaeng 'yon kay Dean." dagdag pa ni Dustin habang nakakibit-balikat ito at malalim na nag-iisip.

"Obviously, noon pa man alam kong gagawin lahat ng babaeng 'yon para makuha ang loob ni Dean."

"She might even use him against us." saad ko kaya napatingin sila sa akin, "At sa tingin niyo ba magagawa ni Dean 'yan?" tanong ni Roxanne na napangiti ng masama kaya ganoon na rin ang ginawa ko, "Nagawa nga niyang lasunin ang utak ni Dean, kaya hindi malayong ipapatay niya tayo gamit si Dean." pahayag ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin, "Ano bang gusto mong sabihin, Dave?" inis na tanong ni Roxanne.

"Bakit? Wala ka bang tiwala kay Dean? Hindi niya hahayaang mangyari 'to sa kanya. Alam nating lahat dito na mahirap kontrolin si Dean." depensa ni Roxanne kaya nagsalita ako, "It's not like wala akong tiwala sa kanya, pero tayo mismo nakita natin na ang laki ng pinagbago niya at kung paano siya makinig sa babaeng 'yon."

"Baka naman pwede nating gawan ng paraan para maniwala siya sa atin?" tanong ni Stephen kaya sinagot ko siya, "Paano? Eh kahit nga makinig sa atin, hindi niya magawa."

"Ano ba talagang pinaglalaban mo, Dave?" inis na tanong ulit ni Roxanne.

"Wala akong pinaglalaban. Ang sinasabi ko lang, imposibleng makausap natin siya ng maayos dahil kontrolado siya ng babaeng 'yon."

"What if..." napatingin kami kay Caleb at sandali siyang natigilan bago ulit nagsalita, "Patayin natin ang babaeng 'yon?" tanong nito na tinignan kaming lahat. He has a point pero parang mahirap gawin 'yon lalo na't nasa kanya si Dean.

"That's too impossible." sagot ni Clyde kaya nagsalubong ang kilay ni Caleb, "Unang-una, kontrolado niya si Dean. Nakita naman nating lahat kung paano niya ipagtanggol si Savannah." pahayag niya kaya tumango ako, "You're right. Mahirap galawin si Savannah ngayon dahil nasa kamay niya si Dean. Nagawa nga niyang pagbantaan ang buhay ni Syden dahil sa babaeng 'yon eh." pagkatapos kong sabihin 'yon, nakaramdam na lang ako ng galit dahil naalala ko ang sinabi ni Syden sa akin kanina.

"Dean Carson threatened Bliss Syden? Is that even possible?" hindi makapaniwalang tanong ni Roxanne, "Yeah. Kinausap ko si Syden kanina pagkabalik niya and she already met him. Dean treated her differently. He doesn't even know na may relasyon sila ni Syden. He proclaimed that he's in a relationship with that bitch kaya hindi na ako nagtaka kung bakit bumalik si Syden kanina na basang-basa ang mukha kakaiyak at namamaga ang mata. Pinagbantaan ni Dean si Syden na kung planuhin man niyang patayin si Savannah, papatayin siya ni Dean. She's in so much pain and despair kaya kung pwede, huwag muna natin siyang isama sa gulo." pakiusap ko sa kanila.

"You're right. Masyado ng nahihirapan si Syden ngayon kaya kailangan natin siyang protektahan." pahayag ni Roxanne.

"Si Syden nga nagawa niyang pagbantaan, tayo pa kaya?" sabay-sabay kaming napatingin kay Dustin na nakangiti ng masama at tila hindi makapaniwala sa mga narinig niya, "Kaya kailangan nating malaman kung anong ginawa ni Savannah kay Dean, para malaman natin kung paano natin maibabalik ang alaala niya." dagdag pa ni Oliver.

"No, we have no problem about his memory..." saad ni Clyde na halatang malalim ang iniisip, "Kilala niya tayo at naaalala niya tayo so it only means na hindi siya tinanggalan ng memorya. There's something in his eyes na nakita ko na date. The time when he was so angry about my hidden relationship with Roxanne." dagdag pa niya na tinignan si Roxanne, "The way he looks at us..." isa-isa kaming tinignan ni Clyde bago siya nagsalita, "He's mad...at 'yon ang kailangan nating alamin. Kapag nalaman natin kung bakit siya galit, we might be able to change his mind."

"At bakit sa tingin niyo bigla na lang siyang nagalit sa atin?" tanong pa niya, "It's because of that girl, siniraan niya tayo kay Dean."

"Do you mean tayo ang nagmukhang masama sa paningin ni Dean?" tanong ni Stephen kaya tumango si Clyde. Nakita kong napakuyom ang kamay ni Clyde at base sa itsura nito, alam kong nagpipigil siya sa galit, "Binaliktad tayo ng babaeng 'yon." galit na saad nito.

Nawala kaming lahat sa pinag-uusapan nang sabay-sabay kaming mapatingin sa pintuan ng bumukas ito at iniluwa ang isang taong hindi namin aakalaing darating, "Would you mind telling me what's happening here?" nabigla na lang kaming lahat dahil sa boses pa lang ng nagsalita, nakilala na namin siya. He was standing there at kitang-kita namin ang pagtataka sa itsura niya kaya hindi namin napigilan na matuwa at mabilis siyang nilapitan, "Long time no see, Sean Raven." pahayag ni Roxanne na nakaupo pa rin at nakangiti.

"Kailan ka pa nakabalik?" natutuwa kong tanong sa kanya pero bago pa man siya makasagot, ang tuwa na nararamdaman namin ay bigla ring naglaho. Bigla na lang namin nakita si Leigh na hinihingal sa pagtakbo hanggang sa makalapit siya sa amin, "What are you doing here?" tanong ko. Nandito ba siya dahil kay Sean?

"S-she...she confronted Savannah." hinihingal na sabi nito na ipinagtaka namin, "Sino?" tanong ko dito.

"Nilusob ulit ni Syden si Savannah but the problem is Dean Carson! Magkasama silang dalawa ni Savannah!" the moment we realized that Dean threatened her, we started to panick.

Don't you dare kill your own girlfriend, Dean.

.......

♡ Syden's POV ♡

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at umupo sa kama dahil kahit anong gawin ko, hindi pa rin maalis sa isip ko lahat ng nangyari. His echoing voice was all I could hear in my mind. Paulit-ulit pumapasok sa isipan ko lahat ng masasakit na salitang binitawan niya. Basang-basa pa rin ang mukha ko dahil hindi ko mapigilan na masaktan.

Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko, eto ang igaganti niya sa akin?

Akala ko dahil maayos na ang lagay niya, magiging maayos na ang lahat pero hindi pa pala. Ito siguro ang ibig sabihin ni Savannah sa lahat ng sinabi niya noon. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Pumayag ako sa gusto niya, alam kong gusto niyang lumayo ako at iwan ko si Dean kaya pumayag ako pero hindi ko alam na ganito ang gagawin niya. She completely made me dissappear from his life. He even threatened me dahil lang sa babaeng 'yon.

Dati ako ang pinagtatanggol niya pero hindi ko aakalain na ngayon iba na ang mahal niya!

Kahit gusto kong magalit ng sobra dahil sa sakit na ibinigay niya sa akin, hindi ko magawa dahil alam kong kagagawan lahat 'to ng babaeng 'yon. Dahil sa kanya kaya ayaw na ayaw na sa akin ni Dean ngayon when he used to love me before. Hindi ako papayag na patuloy niya kaming lokohin na dalawa.

I will definitely kill that b*tch!!!

Kusa akong napatigil sa pag-iyak at napakuyom ang mga kamay ko habang inaalala lahat ng nangyari. Tumayo ako at kinuha sa lamesa ang kutsilyo. Itinago ko 'yon sa bulsa ko at tahimik na lumabas ng kwarto. Sa ngayon, wala akong alam na ibang gawin kundi ang makausap ulit si Dean. Kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi ko hahayaan na manalo ang babaeng 'yon. Kung kinakailangang tapusin ko na siya, gagawin ko.

I will do whatever it takes just to reach him once again.

Habang mabilis akong naglalakad, napatingin ako sa kwarto ni Dean at natigilan ako. Mabilis akong nagtago sa isang sulok at sumilip doon. Kahit na alam kong nagagawa niya lang 'to dahil sa ginawa ng babaeng 'yon sa kanya, hindi ko pa rin maiwasan na maapektuhan at masaktan dahil nakikita kong magkasama silang dalawa.

I should be the one holding his hand. Ako dapat ang nasa posisyon ng babaeng 'yon.

Nakita kong lumabas silang dalawa sa kwarto niya at isinara niya ang pinto. Pati ba naman sa kwarto niya, nakasunod ang haliparot na 'yon?! Pinanood ko silang dalawa na magkahawak ang kamay habang nag-uusap at madalas ay ngumingiti pa sila sa isa't isa. What a happy couple. Natawa na lang ako dahil sa nakikita ko kahit na ramdam ko ang sakit pero nilabanan ko dahil kailangan. Pinanood ko sila hanggang sa makalayo sila kaya sumunod ako.

Alam kong ramdam ni Dean na may nakasunod sa kanilang dalawa kaya sa tuwing tumitingin ito sa likuran niya, mabilis akong nagtatago. Hindi ko alam kung saan sila papunta ngayon pero kailangan ko silang sundan. Unti-unti ko na lang naalala ang nangyari sa akin noon ng sumunod ako sa kanila paakyat ng 10th floor habang abala ang haliparot na nakayakap sa braso ni Dean. Naglakad sila papunta sa pinakadulo habang nababalutan ng ingay at masisiglang ilaw ang buong floor. This is the place where it all started.

Sinundan ko sila na pumasok sa isang napakalaking kwarto kung saan napupuno ng masisiglang ilaw at sobrang ingay. Ito ang lugar kung saan ako nabastos at kung saan nag-umpisa ang kalbaryo ng buhay ko. Nang makapasok ako, natigilan ako para kumuha ng lakas ng loob habang nakatitig sa kanilang dalawa. Nakita kong umupo sila sa may bandang sulok kaya nagbuntong-hininga muna ako at lakas-loob na lumapit doon. Umupo ako malapit sa kanila at sinadya kong magpakita kay Dean.

Nagtama ang mata naming dalawa at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya kaya nalipat ang tingin ko kay Savannah nang may ibulong siya dito habang nakangiti ng masama sa akin. Alam kong sa puso mo, ako pa rin ang mahal mo. Kaya gagawin ko ang lahat kahit na ikapahamak ko basta maramdaman kong nandyan ka para sa akin.

May naglapag ng limang bote ng alak sa tapat ko kaya kaagad kong kinuha ang isang bote at uminom doon. Kung kailangan kong gawin 'to para lang bumalik ka sa akin, gagawin ko. Alam kong katulad ng date, hindi mo hahayaan na gawin ko 'to. Desperada na kung desperada pero mali bang gawin ko 'to para bumalik tayo ulit sa date?

Diniretso kong inumin ang laman ng buong bote kahit na alam kong hindi ko kakayanin pero dahil sa sakit na nararamdaman ko, hindi ako nagdalawang-isip na kunin ang pangalawang bote at inumin 'yon.

Gusto kong ipakita sa kanya ang sakit na nararamdaman ko! Gusto kong maramdaman niya ang takot, takot na mawala ako ulit sa tabi niya!! Gusto kong ilabas ang sakit at ipagsigawan 'yon sa harapan niya! Hindi ko man lang naramdaman na kusa na palang tumutulo ang mga luha ko habang umiinom. Sobrang sakit sa lalamunan pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. I did my best to make everything work pero kulang pa ba? Hindi ba sapat ang sakripisyo na binigay ko?

When will it be enough?!!

Tignan mo ako ngayon, Dean Carson!! Ang babaeng binuo mo na unti-unti mo ring sinisira. Gusto kong iparamdam sa kanya ang sakit pero paano?! Wala na ba talaga siyang pakielam sa nararamdaman ko?! Paano na yung mga pangako niyang hindi niya ako iiwan? Mga pangakong unti-unti mong binabasura!

Wala na lang ba lahat ng 'yon sa kanya?! Tuluyan na ba talaga siyang nakalimot?! What did I do to feel this pain?!! I-i'm in so much pain and I don't know how to breath anymore! I'm losing and I want to end this pain!!! Sobrang sakit! Sobrang hirap! Sobra-sobra na ang lahat ng 'to pero tila kulang pa rin para sa mundo na pahirapan ako?! I am literally screaming inside pero hindi ko magawang ilabas!

Tuluy-tuloy pa rin ako sa pag-inom ng alak hanggang sa maubos ko ang pangalawang bote. Ramdam kong umiikot na ang paningin ko pero hindi ako tumigil at kinuha pa ang isang bote. I was waiting for him to stop me, kagaya ng ginagawa niya date pero walang nangyari. Umiiyak na ako habang umiinom pero wala talaga siyang pakielam. Wala na siyang pakielam sa kung ano mang pwedeng mangyari sa akin. Hindi ba talaga siya makakaramdam ng takot kahit mawala na ako ngayon?!!

Pinilit kong tumingin sa gawi nila at kahit nanlalabo na ang paningin ko, kitang-kita ko ang kababuyan na ginagawa nila. Dahan-dahan niyang ipinalupot ang dalawang kamay niya sa leeg ni Dean habang nakangiti ito ng masama at nakatingin sa akin. Hinalikan niya ito sa labi hanggang sa nakita kong unti-unting hinawakan ni Dean ang baywang nito gamit ang dalawa niyang kamay. Tila tumigil ang oras at kusa akong nanigas sa kinatatayuan ko. Wala akong ibang nakita kundi silang dalawa lang. Kahit maingay, wala akong naririnig.

Napakuyom ang mga kamay ko at kahit anong pigil ang gawin ko, hindi ko magawa. Binasag ko ang hawak kong bote at malakas 'yong ipinukpok sa lamesa na nasa harapan ko. Natigilan ang iba dahil sa ingay na nagawa ko pero ako, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis akong lumapit sa kanilang dalawa. Mahigpit kong hinawakan ang buhok ni Savannah at sapilitang inilayo kay Dean kaya napasigaw siya sa sakit. Natigilan ang lahat at napunta sa amin ang atensyon.

"You motherf*cking b*tch!!!" galit na saad ko dito. Bawat salita, katumbas ng sakit na nararamdaman ko.

"What the hell is your problem?!" galit na tanong nito. Hawak ko pa rin ang buhok nito habang nasa likuran niya ako. Ang kaliwang kamay ko naman ay hawak-hawak ang basag na bote at nakatutok sa kanya kaya walang makalapit sa amin, "You stole him away from me! At ngayon ang lakas ng loob mong angkinin siya?! You, completely made my life miserable! Alam mo ba kung gaano kasakit?! Kung hindi mo alam, ipaparamdam ko sa'yo!" may diing sabi ko dito. Right at this moment, gusto kong ipasok sa leeg niya ang hawak kong bote.

Bago ko pa man magawa ang balak ko, nakita ko ang mabilis na paglapit ng isang kutsilyo sa direksyon ko kaya agad akong napayuko at nabitawan siya, "Nooooo!" napatingala ako at nakita ko na lang na nakahawak si Savannah sa isa niyang mata at dumudugo 'yon. Tinignan ko ang hawak kong bote at may dugo sa dulo nito.

I just realized na natamaan ko siya sa mukha gamit ang hawak kong bote dahil sa biglaan kong pagyuko kaya unti-unti ko ring nabitawan ang hawak kong basag na bote.

End of part 1...