Chereads / SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 63 - ♥♡ CHAPTER 59.5 ♡♥

Chapter 63 - ♥♡ CHAPTER 59.5 ♡♥

Hinahabol nito ang paghinga niya at kitang-kita ko ang pagpatak ng dugo sa mga mata nito habang nakahawak ang isang kamay niya doon. Napalunok ako ng makita kong lapitan siya ni Dean at hindi ko maiwasan na masaktan habang kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya habang nakatingin sa babaeng 'yon, "Ang sakit!" saad nito kay Dean na umiiyak na.

"Take her to the old clinic, please." sambit ni Dean sa ibang pang estudyante na nanonood sa amin kaya sinunod nila siya. Bago tuluyang makalabas si Savannah, sinamaan niya ako ng tingin kaya napayuko ako.

"What do you think you're doing?" mahina ngunit may galit na sambit ni Dean kaya napatingin ako sa kanya, "I-i'm sorry...h-hindi ko naman sinasadya." nag-uumpisa na akong manginig habang sinasabi ko 'yon. Hindi ko naman talaga sinasadya na matamaan siya sa mata.

"Hindi mo sinasadya?" hindi makapaniwalang tanong nito kaya naluha na ako, "T-tingin mo ba...k-kaya kong gawin 'yon? Pwede bang kahit ngayon lang makinig ka din naman sa akin?" pakiusap ko sa kanya. Wala na akong pakielam kung magmukha akong desperada pero gusto ko lang naman na maibalik ang lahat sa date, yung masaya kami at ako lang ang nakikita niya...yung ako lang yung ipagtatanggol niya at ako lang yung mahal niya.

"Nagawa mo na nga dba? Bakit ba kasi hindi mo na lang kami hayaan?! Pilit mong isinisiksik 'yang sarili mo sa akin!" sigaw nito na itinuro ang dibdib ko at marahas akong itinulak kaya napaatras ako.

"H-hindi ba pwedeng...k-kahit ngayon lang pakinggan mo din naman ako?! Ako yung girlfriend mo pero bakit siya yung pinagtatanggol mo?!" sigaw ko sa kanya hanggang sa biglaan niyang hawakan ng mahigpit ang damit ko kaya nagkatapatan kami, "You, don't f*cking care kung sino ang dapat kong mahalin! Look at yourself! Tingin mo ba kamahal-mahal ka?! Accept the fact na hindi ka katanggap-tanggap sa paningin ko!!!" mas lalo pa akong naiyak dahil sa sinabi nito. Bawat salitang binibitawan niya, sobra-sobrang sakit ang nararamdaman ko. Pasikip ng pasikip ang dibdib ko dahil lumalabas ang lahat ng 'yon sa mismong bibig niya. Ang mga tingin niya sa akin, punung-puno na ng galit ngayon.

"Bakit ba ganyan ka na ngayon?! Hindi mo ba alam kung ano lahat ng sakripisyong ginawa ko para sa'yo?! I did everything and even sacrificed my own happiness just for you!! T-tapos ngayong okay ka na at hindi mo na ako kailangan, tratratuhin mo na lang ako na parang isang basura?! M-may pakiramdam din naman ako, bakit hindi niyo ako subukang intindihin?! Ano ng nangyari sa mga pangako mo?! Sa relasyon natin?!! Nakalimot ka na ba talaga?!" hindi ko na napigilan na sabihin ang lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya. Binitawan niya ako kaya muli akong napaatras habang hindi ko iniaalis ang mga tingin ko sa kanya, "If you think that we are in a relationship, fine. Then let's end it now." at sa mga sinabi niyang 'yon ako natigilan. I can't believe na siya mismo ang nagsasabi sa akin ng lahat ng 'to.

"Y-you can't do that. Hindi ako papayag." halos mawalan ako ng boses nang sabihin ko ang mga 'yon, "You know what..." lumapit siya sa akin habang nakikita ko ang ngiti sa mga labi niya na parang hindi siya makapaniwala. Ganito na lang ba kadali ang lahat para sa kanya?

"I think you really deserved what happened to you." saad nito, "W-what?"

"Bliss Syden, do you even know why you were raped?" tanong pa nito na ikinatigil ko. Bakit niya pa pinapaalala sa akin 'to?

"Because you really deserved it and I don't regret being late on that night. I don't even know why I tried to save you when in fact pinabayaan na lang sana kita. Promises?" natawa ito bago ulit nagsalita kasabay ng unti-unti kong pagluhod sa sahig habang nakatingin sa kung saan. His words are slowly killing me.

"I don't even remember keeping a promise with you. Promises are just trash because we could even deny them anytime we want. Tingin mo ba kaya kong mahalin ang isang tulad mo? Look at yourself, you are just someone who interferes with my life. You should have killed yourself from the start. Hindi kamahal-mahal ang isang katulad mo. Iniisip ko pa lang na may relasyon tayo, sukang-suka na ako. You are so disgusting!" pahayag niya at wala na akong nagawa kundi mapait na ngumiti. I was so speechless at sobrang sakit, sobrang sakit sa pakiramdam. You know what really hurts? The man I loved, is now willing to deny and reject me.

"You used to say that...before they kill me, they would have to kill you first. And now you're telling me the opposite way? I would have to kill you first before I kill that girl." natatawang saad ko habang umiiyak pa rin, nakaupo sa sahig at nakatingin sa kawalan. Sapilitan niya akong pinatayo at tinignan ako sa mga mata, "That's why you should not meddle with my life, ever again." galit na saad nito. I was left emotionless. I couldn't find the right words dahil mas nangingibabaw ang sakit.

"I don't want to see your face ever again-- " hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at sinampal ko siya ng malakas, "After all that you've said to me, sa tingin mo ba kaya ko pang mabuhay? Ikaw ang pinakaunang rason kung bakit ako lumalaban, pero wala na akong magagawa kung ikaw na mismo ang bumitaw. Don't worry, hinding-hindi mo na makikita ang mukhang 'to. You were right. I should have ended my life." mahina kong sabi at pinilit kong ngumiti, "But before I do that, isasama ko ang babaeng 'yon."

Dahil sa sinabi ko, alam kong mas makakaramdam siya ng galit. Kahit masakit para sa akin na makitang apektado siya dahil sa babaeng 'yon, wala na akong pakielam. He was about to attack me hanggang sa makita ko na lang na napaupo ito sa sahig at napahawak sa bibig niya, "F*ck you, Dean Carson!" napatingin ako sa nagsalita dahil nakilala ko ang boses niya, "R-raven?" nakita kong galit na galit siyang nakatingin kay Dean at kasama niya rin ang grupo.

Nang tignan ni Dean ang kamay niya, may dugo ito kaya sinamaan niya ng tingin si Raven at tumayo, "What the hell is your problem?!" sigaw nito. Naramdaman ko na lang na may humila sa akin papunta sa likuran niya at nakita ko si Dave. Mahigpit na hinawakan ni Raven ang damit ni Dean, "Ikaw! Ikaw ang problema! After all that we've done to you, eto ang gagawin mo sa amin lalung-lalo na sa kakambal ko?!!" galit na saad nito na sinuntok ulit si Dean.

Aktong susuntukin siya ulit ni Raven ngunit pinigilan ni Dustin si Raven kaya napatingin siya dito, "Let him be." tinignan ni Dustin si Dean na masama na ang tingin sa kanya ngayon, "Hindi na siya ang dating kilala natin. Dean Carson is dead." saad nito.

Lumapit si Clyde sa kanya at nagkatapatan ang dalawa. Kahit mahina, rinig na rinig ko ang sinabi ni Clyde, "Don't. You. Dare. Lay your hands on our queen ever again...kung ayaw mong tayo ang magpatayan dito." tinalikuran niya si Dean habang masama ang tingin ng buong grupo kay Dean. Hinawakan ni Dave ang kamay ko at hinila papalabas sa lugar na 'yon.

To be continued...