Chereads / SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 60 - ♥♡ CHAPTER 57 ♡♥

Chapter 60 - ♥♡ CHAPTER 57 ♡♥

♡ Roxanne's POV ♡

FLASHBACK

(ONE WEEK EARLIER)

Pagkapasok ko sa kwarto ni Clyde, nadatnan ko siyang nakaupo sa kama. Nakaupo ito at nakayuko habang nakalapag ang mga kamay nito sa magkabilang gilid niya. Halata rin naman sa itsura nito na marami siyang iniisip dahil sa nangyayari sa grupo ngayon. Isinara ko ang pintuan at umupo sa tabi niya kaya napatingin siya sa akin, "I can't ask you if you're alright dahil halata naman sa itsura mo na hindi ka okay." saad ko kaya bahagyang napangiti ito at hinawakan ko ang isang balikat niya, "Matatapos din ang lahat ng 'to, Clyde." pahayag ko sa kanya.

"I know...but when? Kailan 'to matatapos?" sandali siyang natigilan bago niya itinuloy ang sinasabi niya, "Kapag ubos na tayo?" tanong nito kaya mapait akong ngumiti, "What makes you think na mauubos tayo? Alam mong malabong mangyaring 'yon." sambit ko sa kanya na agad naman niyang sinalungat, "But it's already happening." nagkatitigan kaming dalawa dahil sa sinabi niya and I know, that we're both thinking the same thing again and again. Alam namin na matatapos 'to pero kailan? Lalo na't alam namin na palala na ng palala ang sitwasyon, "Nagagawa na  tayong ubusin ng isang kalaban na tayo mismo, hindi natin kilala. We did everything pero hanggang ngayon wala pa rin tayong napapala. Almost everyday, nababawasan ang miyembro ng grupo."

"And almost everyday, may umaalis sa grupo." dugtong ko sa sinasabi niya kaya tumango siya, "We can't stop them kung gusto nilang umalis." saad niya kaya napaisip ako, "Although we want to keep them, we can't keep our members anymore." at dahil sa sinabi ni Clyde, nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya, "C-clyde, w-what are you even thinking right now?" nauutal kong tanong lalo na't nakikita ko sa mata niya na sobrang lungkot niya at tila pasan nito ang mundo. Since I heard those words, nag-umpisa na akong makaramdam ng takot at kaba. It has been a long time since I felt this...and I am starting to feel it again. This feeling that I really hate. 

Napayuko siya at bahagyang ngumiti even though I could see his sadness. Hinawakan ko ang baba nito at dahan-dahang iniangat ang ulo niya para magtama ang mga mata namin at mas nagulat na lang ako nang makita kong may iilang luha na tumulo mula sa mga mata niya, "C-clyde, tell me." saad ko pa dito at halos maiyak na rin ako dahil bukod sa nahihirapan na kami sa grupo, nahihirapan na rin kaming makitang nasasaktan ang isa't isa. Kitang-kita ko sa mga mata niya na ayaw niyang magsalita pero hindi ko inialis ang tingin ko sa kanya dahil gusto kong marinig kung ano ang iniisip niyang gawin. I knew that moment that he was thinking about something which might not be good or possibly...the worst thing. Hindi siya magkakaganito kung hindi siya sobrang nahihirapan.

"Roxanne..."  dahan-dahan nitong hinawakan ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay at pinunasan ang mga luha ko na kusang tumulo, "We have to give up our members." bigla na lang akong natigilan sa sinabi niya at hindi ko alam kung bakit bigla niya 'yong sinabi sa akin, "W-what? B-bakit, Clyde?" hindi ko na rin mapigilan na mas maiyak pa dahil napamahal na sa aming dalawa ang grupo. 

"As long as they are part of the group, the killings won't stop. Our enemy will do everything para maubos tayo-- can't you see? Inuuna nila ang mga members natin except me, you and the Vipers. Once they finish all of them, tayo ang isusunod nila-- "

"Pero may magagawa pa naman tayo hindi ba? B-baka kailangan lang nating hintayin na bumalik si Dean-- at sa tingin mo ba papayag siya sa gusto mo?" putol ko sa sinasabi niya ngunit tumango siya, "If he was here, I'm sure he would do the same thing." sagot nito.

"No, he won't. Alam mo kung gaano kahalaga sa kanya ang grupo. He won't easily give up that's why we have to continue this while waiting for him. W-we don't have to let them go."  

Dahan-dahang hinawakan ng isa nitong kamay ang kabila kong pisngi kaya ngayon ay nakahawak na ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong pisngi at diretso akong tinitigan. I can't lose the group. Itinuring ko na silang pamilya, especially my Redblades. I badly want to keep them, "Roxanne listen to me, as long as they are in the group, mas maraming mamamatay at mas lalo tayong mababawasan that's why we have to let them go para hindi na sila madamay pa dito." sambit ni Clyde kaya umiling ako, "No! I can't lose them! They are already my family, Clyde-- "

"I know! Pero kaya mo bang makita silang namamatay? Can you endure watching your family die infront of you? The target is the whole group and as long as marami tayong members, marami rin silang mapapatay. We have to save our members, Roxanne." 

"Pero paano yung grupo natin?" 

"We'll think of another plan! Basta ang mahalaga ngayon, mailigtas natin ang mga members natin-- we have to let them go as much as we can or else, all of us will die." pagpupumilit ni Clyde habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak hanggang sa dahan-dahan niyang ibinaba ang mga kamay niya, "Kapag nakabalik na si Dean, I'll explain everything to him." dagdag pa nito. I was literally pleading him to stop this bulsh*t kahit na alam kong tama rin lahat ng sinasabi niya. 

"We're not doing this for ourselves but for the group." pahayag pa nito, "So please Roxanne, for now we have to give up." dagdag pa niya at hindi noon napatigil ang pag-iyak ko, "C-clyde, what did we...what did we do to end up like this?" saad ko kaya unti-unti niya akong niyakap at ganoon na rin ang ginawa ko, "B-bakit 'to nangyayari sa atin? Is it because of what we did in the past? Nagsisi naman tayo dba?" halos mawalan na rin ako ng boses dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. 

"I-i'm sorry..." nang marinig kong sabihin niya 'yon, ramdam ko na rin ang pagluha niya habang magkayakap kaming dalawa, "I-i don't really have an idea what's really happening, Roxanne." 

"We did our best, but our best isn't enough to do better." sambit ko dito, "I know. Kahit pa anong gawin natin, it will never be enough." maiksing sagot niya. 

Since that night, we had to decide na kailangan na naming paalisin ang lahat sa grupo because we think that it's the only way to save them. Many of them started to complain, napamahal na rin sila sa grupo but there was no other option..or else we're all gonna die. That's why only the main members remained. Me, Clyde, Syden and the Vipers. We didn't want to do it but we had to do it. We can't lose any members anymore that's why letting them go was our only option. Many of them insisted to dwell with us 'til death but we had no choice but to threaten them. If ever they would try to help us or join us again in the middle of a fight, we'll be the one to kill them. No one should help us because we're going to handle the situation on our own without even dragging anyone of our members down. 

In this fight with Redblades and Phantoms, we had to give up. 

.............

"Ayos na ba ang lahat?" tanong ni Clyde pagkapasok niya sa staff room. All of us were preparing para sa plano namin. Napatingin kaming lahat sa kanya hanggang sa maisara niya ulit ang pintuan. Tumayo kaming lahat at itinago sa mga damit namin ang mga pwede naming magamit na armas. Nang makita niyang handa na ang lahat ay aktong lalabas na ito ng hawakan ko ang braso niya kaya napatingin siya sa akin, "Clyde, what about Syden?" nag-aalala kong tanong. Siya lang kasi ang hindi namin kasama ngayon. Napangiti si Clyde at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa braso niya, "Hindi natin siya pwedeng isama sa atin. Masyadong delikado."

"Pero hindi ba mas delikado kapag hindi natin siya kasama?" tanong ko pa. I can't let anything bad happen to her again. It might be really absurd but I started to care about her.

"Don't worry. She's always with that Phoenix guy." saad nito kaya nanlaki ang mata ko. Napansin ko na lang na nakalabas na pala siya kaya hinabol ko siya, "That's why we should not leave her, baka kung ano na lang ang gawin ng lalaking 'yon sa kanya!" pagpupumilit ko kay Clyde na natigilan sa paglalakad at hinarapan ako, "Roxanne, I'm a guy and I know that he likes her secretly. He won't let anything happen to her."

"Pero Clyde?! Paano ka naman nakakasiguro?!"

"All this time, he has been protecting her and as long as Phoenix Vernon is with Bliss Syden, no one would try to attack her." 

"That's also an advantage. Hindi mo ba alam?" napatingin na lang ako sa nagsalita at nakita ko si Dave na lumapit sa amin, "Hindi alam ang alin?" nagtatakang tanong ko. 

"Uhmmm, I think Syden is using him dahil member ng officer si Phoenix. Let's just trust her." 

"See? That's why you don't have to worry. She's a smart girl. After this, babawiin rin natin siya sa lalaking 'yon." saad ni Clyde na bahagyang ngumiti habang nakatingin kay Dave at inilipat sa akin ang tingin niya, "Fine, pero kapag nalaman ni Dean 'to, bahala kayong dalawa." inis na saad ko sa kanilang dalawa. Tinalikuran ko na sila at mas lalo pa akong nainis ng maalala ko na halos araw-araw magkasama nga ang dalawang 'yon.

Pagkatapos noon, ginawa na namin ang plano namin. Nakaitim lahat kami para hindi kaagad makita. Halos lahat tulog na at kami na lang ang naglalakad but we had to be careful para walang makakita sa amin. If we can't catch the enemy on the spot, we'll try to catch them kung saan man sila nagtatago. We did everything pero hindi talaga namin sila nahuhuli. This is the only way. It's either we would kill them or we would declare a war against them that's why we have to execute our plan perfectly....to kill them all. Sandali kaming nagtago sa isang kwarto habang naghihintay kami...hanggang sa pumasok si Dustin kaya nagsilapitan kaming lahat sa kanya, "What did you find out?" tanong ko. 

"At the ground floor, I saw Savannah Burleson came out of the clinic." mahinang saad nito kaya nagkatinginan kami, "The abandoned clinic?" nagtatakang tanong ni Clyde kaya tumango si Dustin. 

"Anong namang gagawin niya doon?" hindi makapaniwalang tanong ko habang nag-iisip kaming lahat, "May tao ba sa loob ng clinic?" tanong ko pa na ikinailing ni Dustin, "I wasn't able to take a glimpse inside dahil sobrang bilis ng pangyayari. Bigla rin siyang nawala at maraming nakabantay. Katulad sila ng mga kalaban natin, nakaitim at nakamaskara."

"How many of them?" tanong naman ni Clyde kaya hinintay namin ang sagot ni Dustin. 

"Twenty." 

"What are they exactly doing?" tanong pa ni Clyde.

"They are guarding the clinic."

"But for what?" tanong ko. 

"Hindi ko rin alam but one thing's for sure na may itinatago sila sa loob."

"Then we have to find out." saad ni Clyde na naglakad papalapit sa pintuan at sumilip sa labas. Nang masiguro niyang walang tao ay lumabas na rin siya kaya sumunod kami. 

.....

Pagkarating namin sa ground floor. Sobrang dilim nito pero hindi na nakakapagtaka dahil matagal ng abandonado ang lugar na 'to, kaya rin siguro ito ang napili nila na pagtaguan. Pagdating namin doon, kagaya ng sinabi ni Dustin ay maraming mga nakabantay. Sila nga ang kumakalaban sa amin dahil nakaitim sila at nakamaskara. Palakad-lakad sila at halatang binabantayan ang clinic. Naghiwa-hiwalay na kami kagaya ng napag-usapan. Magkasama sina Dustin at Oliver, sina Stephen at Caleb, ako at si Clyde habang si Dave naman ay nakahiwalay. 

Nang makapwesto na kaming lahat ay maigi kaming nagmasid ni Clyde hanggang sa napansin ko na umakyat ang iilan sa kanila kaya nabawasan sila. Napatingin ako kay Clyde at napangiti dahil advantage sa amin na nabawasan sila. Habang nakatago kami sa bawat sulok kung saan kami hindi makikita, sinenyasan ko si Dave na nasa pinakadulo dahil may papalapit sa direksyon niya. Lahat kami ay nakaluhod at nakayuko para hindi mapansin lalo na't may iilang ilaw na nakasindi. 

Nang makatapat na ang lalaki kay Dave ay nilusob na niya ito para makakuha ng atensyon sa iba pang kasama ng lalaki. Lahat sila ay napatingin sa direksyon nila at isa isa nilang nilusob si Dave kaya lumabas na rin sina Dustin, Oliver, Stephen at Caleb sa mga pinagtataguan nila para patumbahin ang iba pa. Napansin namin ni Clyde na may mga paparating pa at madami sila. Alam naming mangyayari 'to at hindi magiging madali dahil medyo mahirap na ang mga nakakalaban namin at hindi ganon kadaling patumbahin, "Go. I'll stop them." saad ni Clyde kaya tumango ako at nagmadaling tumakbo papunta sa loob ng clinic. May mga iilan na nakasunod sa akin na pinipigilan naman ni Clyde pero hindi pa rin maiwasan na malagpasan siya ng iba kaya nilabanan ko muna sila at hindi naging madali sa akin na makapasok sa clinic. 

Tinulungan ako ni Clyde at isa isa silang pinatumba kaya tumakbo na ako papunta sa clinic. Nakabukas ang pintuan nito kaya diretso akong pumasok sa loob. Sumalubong sa akin ang isang puting kurtina at tanging ingay lang sa labas ang naririnig ko. Tahimik sa loob ng clinic at parang walang tao. Tinignan ko ang buong lugar at halatang matagal ng ginagamit ito kahit abandonado na pero parang pasikretong ginagamit. Dahan-dahan kong hinawakan ang kurtina at binuksan 'yon. Ang buong akala ko, may makikita ako pero tumambad sa akin ang isang kama at ang monitor na nasa tabi, "B-bakit may ganito dito?" mahinang tanong ko lalo na't wala namang taong nakahiga doon. Nakaramdam na lang ako ng kaba nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao sa likuran ko.

Mabilis akong humarap sa likuran ko ngunit bago ko pa man magawa 'yon ay tinakpan nito ang bibig ko. Hindi ko siya mamukhaan dahil nasa likuran ko siya. Sobrang lakas nito ngunit pinilit kong magpumiglas at labanan siya. Mabilis akong naglabas ng kutsilyo ngunit nabigla ako ng mabilis niyang hawiin ang kamay ko kaya nabitawan ko ang kutsilyo. 

Hinawakan niya ako ng mahigpit sa leeg gamit ang isa niyang kamay at mabilis akong itinulak sa pader habang hawak niya pa rin ako sa leeg. Pahigpit ng pahigpit ang pagkakasakal niya sa akin kaya sinubukan kong alisin ang isa niyang kamay gamit ang dalawa kong kamay. Sobrang bilis ng pangyayari at hindi ko inakala na alam niya ang bawat galaw ko kaya napipigilan niya ako. 

Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa sahig ng mabitawan ako nito. Napahawak ako sa lalamunan ko gamit ang mga kamay ko at ilang beses na napaubo. Unti-unti akong napatingala at nakita ko si Clyde na mahigpit na ang hawak nito sa damit ng lalaki. Kagaya ng kalaban namin, nakaitim ang lalaki at nakamaskara kaya galit na galit ang mga mata ni Clyde na nakatingin dito, "Who are you?" tanong nito ngunit hindi man lang nakaramdam ng takot ang lalaki sa ginawa ni Clyde. Hindi rin ito nagpupumiglas at hinahayaan niya lang si Clyde. 

Naglabas ng kutsilyo si Clyde at itinutok 'yon sa leeg ng lalaki, "Now tell me, who are you? What do you want from my group? Kung hindi ka magsasalita..." mas idiniin pa nito ang kutsilyo kaya mas napatingala ang lalaki dahil sa ginawa niya, "I won't hesitate to kill you." nagpipigil sa galit na saad nito. 

Napayuko si Clyde dahil sa hindi pa rin nagsasalita ang lalaki at napangiti siya ng masama bago ulit tinignan ang lalaki, "Then die." saad nito na halatang tutuluyan na niya ang lalaki ngunit nabigla kaming pareho ng mabilis itong makalayo kay Clyde at halatang gustong tumakas ngunit mabilis lang siyang nahuli ulit ni Clyde at malakas na itinulak sa pader.

Sabay kaming napatingin sa sahig ni Clyde nang makita naming nahulog ang maskara nito, kasabay ng pagkahulog ng maskara niya ay narinig kong nabitawan  ni Clyde ang hawak niyang kutsilyo kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi maipinta ang itsura nito na nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa lalaki kaya napatingin ako doon. At katulad niya...nanlaki rin ang mata ko ng makita ko ang itsura ng lalaki at nanigas kami pareho dahil sa pagkabigla, "H-how...could this be?" napatakip na lang ako ng bibig gamit ang isa kong kamay at unti-unting napatayo habang gulat na gulat kaming nakatingin sa lalaki, "D-dean?" hindi makapaniwalang saad ni Clyde. But what totally made us confused is because of the way he looks at us. Parang ibang tao siya.

"Nice to see you again, Clyde." saad nito kay Clyde. Masama siyang nakangiti at lumipat sa akin ang mga tingin niya. Unti-unti na ring naibaba ni Clyde ang mga kamay nitong mahigpit na nakahawak sa damit niya. Pareho kaming natulala at nabigla dahil hindi kami makapaniwala sa nakikita namin, "You look so shocked." napatingin kaming pareho ni Clyde sa pintuan ng clinic ng magsara ito at nakita namin si Savannah na nakatayo doon. Masama itong nakangiti at nakatingin sa amin, "You b*tch!" 

Mabilis kong kinuha ang kutsilyong nabitawan ni Clyde sa sahig at mabilis na lumapit sa babaeng 'yon dahil sa nararamdaman kong inis at galit. I really really want to kill her right now. Aktong sasaksakin ko na ito ng maramdaman kong may mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Dahan-dahan akong napatingin dito at mas ikinabigla ko pa ang sumunod na nangyari, "Let her go." seryosong saad ni Dean habang masama itong nakatingin sa akin. Dahil sa nakita ko, tila naputulan ako ng dila. Pahigpit ng pahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya unti-unti kong nabitawan ang kutsilyo. Tama ba 'tong nakikita ko? Pinagtatanggol niya ang babaeng 'to? I-i can't believe this! S-seryoso ba siya?

Galit niyang binitawan ang kamay ko habang hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya, the way he looks...ibang-iba na. Napaatras ako dahil sa ginawa niya kaya naramdaman ko si Clyde sa likuran ko na inalalayan ako. Habang nakatingin kami sa kanya, napahawak ako sa kamay ko na halos mamanhid dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

"Are you okay?" tanong nito kay Savannah at alalang-alala ang mga mata niya, "Don't worry, I'm fine." sagot naman ng babaeng 'yon kaya natawa na lang ako, "What the hell!" sambit ko kaya napatingin silang dalawa sa akin. Demonyong ngiti ang natanggap namin kay Savannah habang seryoso ang mga mata ni Dean. Parang hindi niya kami kilala.

Aktong lulusubin kami ni Dean ay pinigilan siya ni Savannah kaya napatingin siya dito, "Could you please give us some privacy? Me and your so-called friends have to talk." sarkastikong saad nito. Sandali kaming tinignan ni Dean bago ibinalik ang tingin kay Savannah. Don't tell me may relasyon ang dalawang 'to?! What the hell! D*mn hell!! WHAT ON EARTH IS HAPPENING?!

"Fine, just call me if you need help." nanlaki na lang ang mata ko ng makita kong hinalikan siya ni Dean sa pisngi, "Of course...babe." habang ginagawa ni Dean 'yon, nakangiti ang demonyo habang nakatingin sa amin. SERIOUSLY?!!! ANONG KAHIBANGAN 'TO?!! NAGPAPANGGAP BA SI DEAN O NASIRAAN SIYA NG ULO?! I almost screamed inside ngunit tila napipi kami ni Clyde dahil sa natunghayan namin.

Pagkalabas ni Dean, nakatingin pa rin sa amin ang demonyo kaya ganoon na rin ang ginawa namin, "What the hell did you do to him?" tanong ko at nagpipigil ako sa galit.

"Nandito siya pero parang ibang tao siya." dagdag ko pa kaya lalong lumawak ang ngiti ng demonyo at nagkibit-balikat ito.

"Nasa kabilang building palang siya, hindi na maganda ang sitwasyon niya. He was screaming in pain. He was having a retinal migraine and severe headache to the point that he had been the target of everyone because he already had his weakness...that's why the council brought him back here...secretly. He was in a bad situation that's why I had to treat him. Never did I expect that time would come that he would totally listen to me." pahayag nito kaya nagsalubong ang kilay ko, "Bakit hindi namin alam ang tungkol dito?! What did you do, you b*tch!" galit na saad ko. Diretso ang tingin nito sa akin, "Instead of appreciating what I did, why are you blaming me? Why don't you blame the one who's been deceiving you all this time?"

"W-what do you mean?"

"Bliss Syden knew everything...two weeks ago since Dean Carson was brought here secretly. Alam niya ang lahat pero hindi niya sinabi sa inyo, kaya nga wala kayong alam dba?" mapang-inis na pahayag nito kaya napakuyom ang kamay ko. Does she really know?! Pero bakit niya itinago sa amin?! This girl might be lying!

"And you dared touch him?! Hindi ganon si Dean, you did something tama ba ako?! May ginawa ka sa kanya kaya ganon na lang niya kaming tratuhin! He would never save you!" diin kong saad dahil sa galit.

"Don't blame me. I had to treat him because his girlfriend had given me the permission to do so or should I say..."

"His ex-girlfriend?" dagdag pa nito at halos matulala kami ni Clyde dahil hindi namin maintindihan ang mga pinagsasasabi niya.

"I was the only one who could treat him but I wanted her to suffer. That's why..." lumapit ito sa akin at tinapatan ako, "I had to make her choose. If she wanted to save him, she must dissappear from his life...and that's what she exactly did. She had let me handle his situation and now he's back. As strong as he was before." pahayag nito kaya napakuyom ang kamay ko. I could not stop myself but I gritted my teeth in anger.

Kung totoo man ang lahat ng sinasabi niya tungkol sa panlolokong ginawa sa amin ni Syden. Now I know why, kaya ngayon halos manginig na ako sa galit.

"Y-you put her in that situation and made her life miserable? Hinayaan ka niyang gamutin mo si Dean and then you did this bulsh*t!! I knew it! You did something to him kaya ngayon sumusunod siya sa mga gusto mo!" sigaw ko dito.

"That's exactly what I planned to do even before giving Bliss Syden a chance to choose." gusto ko siyang lusubin pero nakahawak si Clyde sa akin.

"At hindi sana 'yon mangyayari kung hindi siya pumayag sa gusto ko. Bliss Syden never asked me kung anong magiging sitwasyon kapag gumaling na si Dean. She just agreed but she never asked." may diin nitong sabi at napaiyak na ako.

Syden had been deceived.

"That's why you can't do anything now. He only listens to me. Kung ano ang sasabihin ko, 'yon lang ang paniniwalaan niya. He's completely under my control. He's all mine and soon..." mas tinapatan niya pa ako bago siya bumulong, "He'll come to kill you all." gustung-gusto ko siyang lusubin pero hindi ko magawa dahil pinipigilan ako ni Clyde  hanggang sa marinig kong bumulong siya mula sa likuran ko, "May oras din siya. Huwag ngayon, Roxanne." hindi na ako nagpumilit pa at sinamaan ng  tingin si Savannah, "We'll definitely bring him back. Hindi pa tayo tapos! Kaya ito ang tatandaan mo..." this time, siya naman ang tinapatan ko at tinignan ng masama, "Aalamin namin ang lahat at sisiguraduhin naming pagbabayaran niyo 'to." pagkatapos noon hinila na lang ako ni Clyde papalabas ng clinic. Alam kong galit na galit din siya dahil sa lahat ng nangyari.

Alam naming nabiktima si Syden, pero may pagkukulang din siya dahil itinago niya sa amin ang totoo, that's why we had to confront her at hindi ko na napigilan ang galit ko.

...END OF FLASHBACK......

To be continued...