♡ Author's POV ♡
Iminulat nito ang mga mata niya dahil halos magdadalawang oras na siyang nakapikit ngunit ni ilang segundo, hindi siya nakaramdam ng antok. Ilang beses na rin itong nagpalipat-lipat ng posisyon sa hinihigaan niyang kama ngunit wala pa ring pinagbago. Even though she's already tired physically and emotionally, tila hindi magawang makapag-pahinga ng katawan niya dahil sa dami ng iniisip nito. Noong mga oras na 'yon, hindi lang si Dean ang iniisip niya kundi pati na rin si Sean Raven at kung sino ang maaaring traydor sa grupo. Napatingin na lang si Syden sa kisame habang nakahiga pa rin at ilang beses pang kumurap upang pakiramdam ang antok ngunit katulad noong una, hindi magawang matulog ng katawan at isip nito. She knew that time that she also had to make an urgent decision dahil sa hindi magandang sitwasyon ni Dean. Kung hindi ako makakapag-desisyon ngayon, it might be too late and I don't want that to happen. I'll do whatever it takes to save him. Saad nito sa sarili niya at napaupo sa kama. Napahilamos siya ng mukha at nagbuntong-hininga.
Hindi niya maiwasang mag-isip ng malalim kung tama ba ang magiging desisyon niya pero bukod sa desisyon na 'yon ay wala ng iba pang magpagpipilian. I guess, this is the only way. Dagdag pa niya na tumayo na mula sa pagkakaupo niya sa kama. Lumapit siya sa pintuan at binuksan 'yon para lumabas sa kwarto nito. Bumungad sa kanya ang madilim at tahimik na hallway which was also an advantage for her para walang makakita sa kanya na isa sa miyembro ng grupo dahil siguradong paghihinalaan nila siya at baka malaman pa nila ang totoo. Dahan-dahan niyang isinara ang pintuan at tahimik na naglakad sa hallway. Kahit madilim, may mga kakaunting ilaw pa naman na nagsisilbing gabay niya upang makita niya ang dinadaanan niya. Sa hindi kalayuan, natatanaw niya ang secret room dahil sa tapat noon ay mayroong nag-iisang ilaw na patay sindi. Pagdating niya sa tapat nito ay napatingin siya sa paligid niya upang obserbahan kung may nakakita ba o nakasunod kaya't nang masiguro niyang walang nakaalam sa gagawin niya ay tinignan niya ang maliit na kamerang nakalagay sa itaas ng pintuan. She was waiting for the president to give her the way inside the room.
Bumukas ang pintuan at agad ding nagsara pagkapasok niya sa loob. Nadatnan niya ang presidente na nakaupo sa upuan nito at si Finn na nakaupo naman sa harap ng presidente kaya hindi niya maiwasang magtaka. Hindi ba nagpapahinga ang mga taong to? Tanong ni Syden na nagsalubong ang kilay dahil sa nakita niya, "What brings you here?" tanong ng presidente kaya napatingin siya dito, "I've made my decision." diretsong sagot nito kaya nagkatinginan ang dalawang officers, "That's why pumunta ka ng ganitong oras dito?" tanong naman ni Finn na nagtataka ding nakatingin kay Syden. Umupo si Syden sa tapat ni Finn at sa harapan ng presidente, "Kailangan ko namang magdesisyon agad hindi ba? Something bad might happen kapag hindi ako kaagad nagdesisyon and I don't want to regret it in the end that's why I came here." pahayag niya sa dalawa.
"Well, that's good to hear, Ms. Fuentes. I didn't expect na makakapagdesisyon ka ng mabilis and that you would come here all of a sudden ng ganitong oras." sambit naman ni Fortune, "So, how is he?" tanong ni Syden sa kanya. As usual, napapaligiran ng pulang ilaw ang buong kwarto kagaya ng date.
"Don't worry. He's still fine...for now." sagot naman nito na ipinatong ang dalawang kamay sa may arm chair at sumandal sa inuupuan niya. Tumango si Syden dahil sa isinagot ng presidente, "So tell us about your decision?" sambit ni Fortune. Sandaling natahimik si Syden at bumuntong hininga, "Kagaya ng gusto niya, I'll talk to her."
"Are you really sure about this?" kalmadong tanong ng presidente. Tumango si Syden at napatingin sa mga kamay nito na nakapatong sa mga hita, "I can't lose Dean Carson. I am ready for the challenges and sacrifices that I would have to take...j-just to save him."
"We're very sorry to say that it's the only way for him to be saved. If there were other options, you wouldn't have to do this and decide all by yourself. I know how you feel right now...and if I could just- " the president said with her tone of empathy, "It's okay." tumingala si Syden at nagtama ang tingin nilang dalawa kaya natigilan ang presidente sa pagsasalita, "If it's the only way, I'd be willing to do it kahit na ako yung mahirapan. This is the least that I can do for him. Let's do it."
Nagkatinginan muli ang dalawang officers na halatang nag-aalala pero dahil sa sinabi ni Syden ay nakapag-desisyon na rin sila, "If that's what you want, we'll help you." pagkatapos sabihin 'yon ni Fortune ay biglang tumayo si Finn kaya napatingin sa kanya si Syden dahil sa pagtataka, "Follow him." saad nito kaya napunta naman sa presidente ang atensyon ni Syden, "I can't meet Savannah Burleson right now, baka mag-away lang kami at ayaw kong sirain ang magiging usapan ninyong dalawa. Phoenix will bring you there and after you talk to her, puntahan mo ulit ako." pahayag ng presidente kaya tumayo na rin si Syden at ginawa ang sinabi ni Fortune.
...........
Habang naglalakad ang dalawa ay tahimik pa rin ang paligid dahil madaling araw pa lang at paniguradong natutulog ang lahat. Syden was just hoping na hindi mapansin ng kahit na sinuman sa grupo ang paglabas niya o kung bakit wala siya sa kwarto niya dahil kapag nangyari 'yon, in a snap mabubulgar ang sikreto nila kay Dean at hindi 'yon pwedeng mangyari. Kahit mahirap sa lugar niya na magsinungaling sa grupo, kailangan niyang itago ang totoo para protektahan ang taong pinakamamahal niya.
"Do you think mapapapayag ko siya?" mahinang tanong niya habang nakasunod ito kay Finn kaya napatingin si Finn sa kanya, "Halos magkasama kami palagi because we have the same duty and position. She is true to her words so don't worry, it will be alright."
"I've never seen myself doing something like this." dahil sa sinabi nito ay bahagyang napangiti si Finn at hinawakan ang isang balikat nito. Natigilan sila sa paglalakad at nagkaharapan, "You're doing this because that's how much you love him." matipid na ngumiti si Syden at napayuko, "You're right. He's my life and I can't lose him."
"I just want to assure you something." nang sabihin ni Finn 'yon ay napatingala si Syden kaya muling nagtama ang mata ng dalawa, "Whatever happens after this, trust him." nagtaka siya sa sinabi ni Finn ngunit hindi na niya nagawang magtanong pa dahil tinalikuran na siya nito kaya sumunod na lang siya at pagkatapos noon, tahimik na lang silang dalawa.
...........
Napahawak si Syden sa binti nito dahil sa taas ng inakyat nilang dalawa. Napatingin siya kay Finn na dire-diretso lang sa paglalakad kaya muli siyang bumuntong-hininga at sumunod sa kanya. Napansin na lang niya na nasa 8th floor sila at tinitignan niya ang paligid na madilim pa rin at tahimik ngunit sa pinakadulo ay may isang kwarto na maliwanag ng konti hanggang sa tumigil sila sa mismong tapat ng kwartong 'yon. Sa taas ng pintuan ay may nakalagay na room number 13th. Kumatok si Finn doon kaya bahagyang bumukas ang pintuan at bumungad sa kanila ang isang babae. Nakahawak ang babae sa pintuan na nakasilip sa kanilang dalawa, "It's Phoenix Vernon. I need to talk to Savannah." saad ni Finn ngunit napatingin ang kausap niyang babae sa gawi ni Syden kaya tinignan niya rin ito, "Don't worry. She's a friend of mine." saad pa nito kaya binuksan ng babae ang pintuan at pinadaan sila.
Pagkapasok ng dalawa sa loob ay bumungad kay Syden ang hindi kaaya-ayang kulay ng mga ilaw. Medyo malaki ang kwarto at sa bawat sulok nito ay may mga nakalagay na kulay lilang mga ilaw, "P-please...h-help me...." napatingin siya sa direksyon kung saan narinig niya ang boses ng isang babaeng nagmamakaawa at tila humihingi ng tulong. Napalunok ito ng makitang may tatlong estudyante ang nakasabit patiwarik sa bandang sulok. Ang isa ay nagmamakaawa habang nakatingin sa kanya, ang pangalawa ay hindi na gumagalaw at halos lumabas na ang utak nito habang ang pangatlo naman ay ang nakapag-patakip sa bibig ni Syden gamit ang mga kamay nito. Nakita niyang patay na rin ito at hindi na gumagalaw katulad noong pangalawa, may mga dugo pa ng lumalabas mula sa nakapikit nitong mata, ilong, bibig at tainga. Tumutulo pa ang dugo sa sahig habang naaabot na ng buhok nito ang sahig kasabay ng pagtulo ng dugo. Sa harapan ng tatlong 'yon ay isang lamesa na gawa sa bakal. Nagulat si Syden ng bigla na lang may humiwa sa tiyan ng pangatlo kaya nagsilabasan ang mga bituka nito. Napansin na lang ni Syden na may tatlong babae sa loob ng kwarto na 'yon na halatang binabantayan at pinahirapan ang tatlong biktima. Pagkatapos hiwain ang tiyan ng isa ay lumipat naman ang babae sa pinakaunang biktima nila. Tinulungan siya ng dalawa pa para ilipat ang biktima nila sa may lamesa. Nagpumiglas ito pero hindi siya makagalaw dahil sa higpit ng pagkakatali nito.
Ang pinakahuling nakita ni Syden ay hinawakan ng dalawa ang babae habang ang isa naman ay unti-unti niyang tinatahi ang bibig ng babae gamit ang alambre. Bigla siyang hinila ni Finn sa kanang bahagi nito para iwasan na mas lalo pang matakot si Syden, "Don't mind them." mahinang saad ni Finn habang patuloy pa rin sila sa paglalakad. Pumasok muli sila sa isang pintuan at kagaya noong una ay ganoon rin ang tumambad sa kanila. May mga ilaw na kulay lila ngunit mas maliit ang kwarto na 'yon kumpara sa una. May isang lamesa nanaman na gawa sa bakal ang nandoon at nakita ni Syden na may nakahigang isang lalaki ngunit napagtanto niyang patay na ito dahil bukod sa wala ang buhok at buong anit nito at may isang lalaki na maiging tinitignan ang nakalabas na utak ng biktima, "They were supposed to be nursing students but in opposite way, because of what happened back then...naadik sila sa mga lamang loob." saad ni Finn ng mapansin niyang hindi makapaniwalang nakatingin si Syden sa mga nadadaanan nila, "But don't worry, their victims willingly surrendered themselves here."
"Pero bakit narinig kong nagmamakaawa yung isa kanina?" tanong ni Syden nang maalala niya ang babae sa pinakaunang kwarto na pinasukan nila.
"She forgot that she submitted herself here, ang buong akala niya kinuha nila siya. She completely lost her mind."
Hindi na naisipan pa na magtanong ni Syden dahil hindi naman 'yon ang pinunta nila sa lugar na 'yon. It was Savannah na kailangan niyang makausap. Tumigil si Finn sa paglalakad nang makapunta sila sa tapat ng isang pintuan. Kumatok siya doon at pagkalipas ng ilang segundo ay bumukas ang pintuan, "What is it now? Kung pumunta ka dito para kulitin ako- " lumabas si Savannah na iritang nakatingin kay Finn habang nakakibit-balikat ito. Natigilan siya ng makita niya si Syden at sumilay sa labi nito ang isang malademonyong ngiti, "Oh, look who's here? I didn't expect that you would visit me, Bliss Syden. As far as I know, galit na galit ka sa officers, right?" tanong nito ngunit seryoso lang ang tingin ni Syden sa kanya, "I need to talk to you." matapang na sagot nito kaya tinignan ni Savannah sa Finn at muling ibinalik kay Syden ang tingin nito, "About what?" sarkastikong tanong niya.
"I know you've been waiting for me to come here, so stop pretending na hindi mo alam kung ano ang pinunta ko dito." dahil sa naging sagot ni Syden ay tinapatan siya ni Savannah habang hindi pa rin nawawala ang masamang pagngiti nito, "Look, kung sino pa ang may kailangan, siya pa ang matapang." sambit nito na napatingin kay Finn at bigla itong natawa, "I was just kidding. Let's talk inside." tinalikuran na niya ang dalawa at pumasok sa loob kaya nagkatinginan sina Finn at Syden, "Hanggang dito na lang kita masasamahan but don't worry. I'll wait for you to come out." sambit ni Finn kaya ngumiti si Syden at tumango. Papasok na sana siya sa loob kung nasaan si Savannah hanggang sa may bigla itong naalala kaya muli niyang hinarapan si Finn, "I-i just want to ask about my twin brother." biglang napaiwas ng tingin si Finn dahil doon, "A-about Sean Raven..." pinilit niyang tignan si Syden although he felt guilty about it, "I don't really have an idea...kung anong mangyayari sa kanya. Maybe you can ask Fortune about it. Sa ngayon, just do what you have to do first." pahayag niya kaya napayuko si Syden at tumango bago siya tuluyang pumasok sa loob.
........
Pagpasok niya sa loob ay hindi na ito katulad noong naunang dalawang kwarto, it was completely an isolated room na maliwanag. Tinignan niya ang buong kwarto na katamtaman ang laki at napupuno ng mga divider sa gilid nito kung saan nakalagay ang iba't ibang klasi ng mga kemikal. There were also beakers where chemicals are stored. Iba't ibang kulay ang mga nakita niya which only means that there were different chemicals present in that room, it was totally a laboratory. Nadatnan niya si Savannah sa bandang sulok at nakaharap sa isang divider na pinaka-kakaiba sa lahat. Isa lang ang maaaring pagpatungan at isang malaking bote din ang nakalagay doon. Kinuha ni Savannah 'yon at isinalin ang laman sa isang maliit na baso. Pagkatapos noon ay kumuha pa ulit siya ng isang baso at nagsalin doon. It was just a transparent liquid na parang tubig. Ibinalik niya ang bote sa lalagyanan nito at kinuha ang dalawang baso na nilagyan niya ng laman. Hinarapan niya si Syden at naglakad papalapit sa lamesang nakapagitna sa kanilang dalawa at ipinatong niya ang dalawang baso doon. May isang upuan sa harap ni Syden at may isa ring upuan na malapit kay Savannah at tanging ang lamesa lang ang nagsisilbing distansya ng dalawa. That table was made of glass, "I don't want you to feel uncomfortable that's why maayos akong makikipag-usap kagaya ng gusto mo. Please, take a seat." saad niya na ginawa naman ni Syden at naupo na rin si Savannah.
"I could see that you are still looking at me with those angry eyes at ayaw kong mapunta sa away ang usapan na ito. Both of us need to stay calm." hinawakan nito ang isang baso at inilapit kay Syden kaya napatingin siya dito, "Have a drink." seryoso lang siyang tinignan ni Syden kaya napangiti ito at sumandal sa kinauupuan niya, "Don't worry. Hindi 'yan lason." kinuha ni Savannah ang baso sa tapat niya at uminom doon. Itinaas niya ang baso at ipinakita kay Syden na hindi nga 'yon lason dahil sa magkaparehong bote lang naman nanggaling ang laman ng dalawang baso, "See?" ipinatong niya ulit sa lamesa ang baso kaya nagbuntong hininga si Syden at kinuha ang baso sa harapan niya. Tinignan niya muna si Savannah na nakangiti lang bago siya dahan-dahan na uminom doon. Pagkalunok niya dito, she felt something. Something which was good.
"I made it to keep myself calm. I want the both of us to stay calm kaya ko ipinainom sa'yo 'yan. Do you feel it?" tanong nito kaya tumango si Syden. Kagaya ng sinabi ni Savannah. She felt herself turned so calm.
"So shall we start? What do you want?" tanong nito na sumandal muli sa kinauupuan niya.
"You already know what I want. Gusto kong gumaling siya." diretsong sagot ni Syden without showing any emotions.
"I know that it's only me who can do that...if not hindi ka naman pupunta dito right?"
"That's why you want me to beg for it, tama ba?" pabalik na tanong ni Syden.
"That's right." diretso ang titigan ng dalawa, "Hindi ako pumayag sa pakiusap ni Fortune dahil gusto ko ikaw ang makausap ko."
"Just like what you wanted, here I am. Pero kahit naman hindi ako pumunta, I'm sure that you'll do everything to save him, right?" kampanteng sagot ni Syden kaya napangiti si Savannah, "And what makes you think that I'm gonna do that?"
"Because I know that you already love him. In fact..." napangisi ng masama si Syden habang nakatingin pa rin kay Savannah, "You are deeply obsessed."
"You might be right, Bliss Syden. But why would I choose to save the person who wouldn't even choose me in the end? Isn't it better kung pareho tayong mawalan?" Syden never expected that she would hear this pero alam niyang hahantong sa ganito ang lahat kaya hindi siya nakakibo.
"He's been the target of everyone at hindi magandang may makaalam pa ng tungkol sa kondisyon niya. The president did everything to protect him while the Blood Rebels' group isn't even aware of what was happening to their leader. I can see that you are aware by now kung ano ang kayang gawin ng council to protect him. He's been stabbed because they mentioned your name and if you keep on interfering with his situation now, you might be the one having him killed. As you can see, he had his weaknesses because of you. You are his weakness kaya nangyayari ang lahat ng 'to sa kanya, makakaya mo bang makita siyang nahihirapan habang kasama mo siya?" tumayo si Savannah ng makita niyang unti-unti na niyang naipapaintindi kay Syden ang lahat. Nagumpisa nang mamuo ang mga luha nito habang diretso lang ang tingin. Pumunta si Savannah sa likuran niya at inilapit ang bibig nito sa tainga niya, "And in order for him to regain his strength, the weakness itself must be eliminated." at dahil doon, tuluy-tuloy ng bumagsak ang mga luha ni Syden pero pinipilit niya pa ring maging matatag dahil kailangan.
"What do you want me to do?"
"I've always knew you would come that's why I already had to set my conditions but don't worry, ginawa ko nang madali ang lahat para hindi ka na mahirapan, so you should be thankful." maayos itong tumayo at bumalik sa kinauupuan niya, "You want something from me and I want something from you. We'll both benefit from this."
"Tell me." tanong ni Syden na walang emosyon habang lumuluha pa rin.
"I will make sure na hindi masasayang lahat ng sakripisyo mo para sa kanya. I will do everything to save him because it's only me who can do that. In exchange..." sandali itong natigilan at ngumiti ng masama, "Let him go and dissappear from his life. That's all I want."
To be continued...