♡ Phoenix's POV (Finn) ♡
Hindi ako mapakali ng makarinig ako ng isang balita. Balitang hindi kapani-paniwala at higit sa lahat...hindi maganda.
Usap-usapan ngayon na tila nagkakagulo ang Blood Rebels dahil may nangyari daw kay Syden. Gustung-gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya at nagkakagulo ang grupo nila pero hindi ko alam kung paano. Ngayon lang may nangyaring ganito.
Una, halos one week ko na siyang hindi nakikita. Pangalawa, hindi ko alam kung nasaan siya...pero isa lang ang posibleng lugar kung nasaan siya ngayon at ang lugar na 'yon ang balak kong puntahan.
I won't deny that I like her...she might look weak but she's actually a brave girl. Unang beses na nagkita kami, alam kong hindi na naging maganda ang impresyon niya sa akin. Sa tuwing nakikita niya ako parang kumukulo ang dugo niya. Wala akong ginagawa pero galit na galit siya just because I am a member of the student council...that's the main reason why many of the students hate me and probably they hate all officers dahil alam nilang sumusunod kami sa utos ni Mr. Wilford.
We were driven here by Mr. Wilford for a reason. Honestly, wala pa siyang sinasabi kung ano ang gagawin namin, ang sabi niya lang we need to stand by at hintayin namin ang utos niya before we make a move.
Pero wala pa siyang inuutos, alam kong gumagalaw na si Fortune at si Savannah. I don't know kung magkasabwat ba silang dalawa but looks like they have their own interest and own agenda...which is not also a good idea, especially Fortune...her ways of thinking is simply amazing, mahirap siyang basahin.
But now, I am ready to face Mr. Wilfords' commands dahil pinapatawag niya kaming lahat for an urgent meeting...but before I go there, hindi ko pa makakalimutan na subukang tignan kung ano talaga ang kalagayan ni Syden. I'm really curious and at the same time, worried...dahil bakit nagkakagulo ang buong grupo nila. I hate Blood Rebels' group the way they hate me but it's not like gusto ko ang nangyayari sa kanila ngayon.
Papalapit ako sa kwarto ni Dean Carson at nakita kong nakabantay doon ang mga Vipers, even other Phantoms na kasama si Clyde kaya nagtaka ako.
Wala naman sigurong masama kung susubukan kong tignan ang sitwasyon niya, right?
Naglakad ako papalapit sa kanila at dinig na dinig ko pa ang pagkwekwentuhan nila habang binabantayan ang paligid. Unity and teamwork...weird pakinggan pero 'yon ang nakikita ko ngayon, Dean Carson must really be a good leader kaya even without his presence, sinusunod nila siya and they highly respect him.
I wish I could be like him. Kapag ako kaya ang nasa posisyon niya, mamahalin din kaya ako ni Syden? Sh*t! What am I thinking?!
Hinarangan ako ni Clyde at lahat sila, naging seryoso ng mapatingin sa direksyon namin, "What are you doing here?" tanong nito at napaka-seryoso niya. It's like he's going to pick a fight with me pero hindi 'yon ang pinunta ko.
"I-i...just want to visit Bliss Syden. Wala naman sigurong masama, hindi ba?"
Masama itong ngumiti at muling nagsalita, "Well, you can't"
"And why? Bibisitahin ko lang naman siya. I heard something happened to her, I am just really worried right now" why can't he just let me in?
"We were strictly told not to let any strangers talk to her. So off you go, nagsasayang ka lang ng oras dito" at tinalikuran na niya ako.
"Then, just tell me what happened to her" natigilan siya at napatingin sa akin then he badly smiled.
"Pretending innocent? Baka nga may alam kayo sa nangyari sa kanya" at muli niya akong tinalikuran kaya nagtaka ako.
What does he meant by that? Paano niya naman ako mapagbibintangan kung ako nga mismo, hindi ko alam ang nangyari until I remember again what he have said.
Council? Wala naman akong alam na target ng council si Syden o kahit na sinumang may galit ka sa kanya...but wait!
Savannah? May alam kaya siya dito?
Nang maalala ko ang babaeng 'yon, hindi ko mapigilang magalit at kumuyom ang mga kamay ko. That girl...I need to talk to that bitch!
Umalis na ako para pumunta sa secret room dahil doon magaganap ang meeting. Hindi rin naman ako handa na makita pa ang buong officers dahil minsan lang kami magkita-kita at ang mga panahong 'yon ay tanging aksidente lang naman. Kapag nagkikita-kita kami, kadalasan...it's just because of an accident or coincidence.
Hindi kalayuan habang papunta ako sa secret room, nakilala ko ang isang babae na papunta rin doon. Kahit nakatalikod siya, nakikilala ko siya at mas lalo pa akong nagalit.
Nagmadali akong lapitan siya. Hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya at hinila papasok sa isang bakanteng classroom. Alam kong nabigla siya at nasaktan sa ginawa ko but who cares kung masaktan ang isang taong walang puso!
"Ano bang problema mo?!" iritang tanong nito at gustung-gusto kong saktan siya pero pasalamat siya at nakakaramdam pa ako ng awa sa isang katulad niya.
"Umamin ka nga sa akin, may alam ka ba sa nangyari kay Syden?"
"What?! Ano namang pakielam ko sa babaeng 'yon- "
"Gusto ko sagutin mo ang tanong ko! May kinalaman ka ba sa nangyari sa kanya?!" galit kong tanong at baka mamaya, hindi ako makapagpigil sa babaeng 'to.
"Wala! Tsaka pwede ba, tigilan mo 'ko! Kung anuman ang nangyari sa kanya, well she deserves that!"
Natagpuan na lang ng magkabilang pisngi niya ang isa kong kamay na nakahawak dito at mahigpit ko 'yong pinisil, "Watch your words, Savannah! Baka hindi ako makapag-pigil at ano pang magawa ko sa'yo!"
"Finn, ano ba bitawan mo 'ko!!" sigaw nito kaya't lalo ko pang hinigpitan. Nanggigigil na ako sa kanya.
Pilit niyang inaalis ang pagkakahawak ko sa kanya pero hindi niya nagawa, "Alam mo bang sa ginawa mo, ang daming nadamay! Pati yung grupo ni Dean Carson, nagkakagulo dahil sa kademonyohan mo...at pati inosenteng babae ginawan mo ng masama!"
"Wala nga akong alam sa nangyari!! Bitawan mo 'ko!" patuloy nitong inaalis ang kamay ko sa pagkakapisil sa magkabilang-pisngi niya.
Hanggang sa may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako dito. Here comes another one kaya masama akong napangiti, "Both of you, stop this. Hindi pwedeng may makakita sa atin dito" he said kaya masama kong tinignan ang babaeng nasa harapan ko na nakahawak pa rin sa kamay ko.
Hindi ko pa rin sinunod ang sinabi niya. Well, he is just Sylvester de Vera. The youngest gambler that's why he's the treasurer...a complete genius and impossible but effective ways of thinking capability. Maayos ang pananamit at isama mo pa yung isang bagay na mas lalong nagpapamukhang matalino sa kanya, he is wearing his glasses.
"Hmmmm, what do we have here?" isang boses ng batang babae ang narinig namin. Kakapasok lang nito sa pintuan kasama si Amber na as always, may hawak nanamang folder.
At her age like this, nakuha niyang magkaroon ng mataas na posisyon sa student council. Kung manamit parang manika at kumakain palagi ng lollipop. What do you expect from a child? Her name is Myrtle Naveree...a 12 year old girl.
Ibinaba ko na nga ang kamay kong nakahawak kay Savannah kaya napahawak siya sa isa niyang pisngi na sobrang namumula na. Dapat talaga tinuluyan ko ng sirain ang pagmumukha niya.
"If Fortune would find out na nag-aaway kayo, for sure we would need to face our president's punishments" kahit bata, kung makapagsalita parang matanda but in full authority. Siya lang naman ang may-ari ng game room. It's how the way she kills but I've never been there before.
"We must go there now habang wala pang tao" saad ni Amber na tinitignan ang hallway.
"Kung ano man ang nangyari dito, we must not let Fortune Beatrice find out about this...if not, pare-pareho tayong malilintikan" Sylvester said na inayos ang salamin niya at naunang ng lumabas.
Sinamaan ko ng tingin si Savannah kaya ganon rin naman ang ginawa niya. Umalis na ako at sumunod na rin ang iba. We are doing this secretly kaya mabilis ngunit tahimik kaming nagsipasok ng bumukas pintuan ng secret room.
Nakaupo na si Fortune sa kanyang lugar at nandoon na rin si Charlotte, our auditor...katulad din siya ni Sylvester, nakasalamin siya at maiksi lang ang buhok. Sa gitna nito ay may pabilog na lamesa at may mga upuan rin na para sa amin. May mga label 'yon kung sino ang uupo...depende sa posisyon namin kaya isa-isa rin kaming umupo at mabilis na nagsara ang pintuan, "Are you ready?" tanong ni Fortune.
Yea, she is just a girl but never did we try to underestimate her, siya ang pinaka-paborito ng Schulz family at ni Mr. Wilford. She's undefeated but only thing what's mysterious about her is her mask. Kahit kami, hindi pa nakita ang itsura niya...only her black long straight hair reveals her as a beautiful lady.
All in all, we are seven na nakaupo ngayon. The student council contains seven members.
May kinuha siyang parang remote at itinutok 'yon sa pader na sinundan namin ng tingin. Wala din namang ibang laman ang kwartong 'to bukod sa book shelf niya kung saan nakatago ang isang pinto. Doon lang naman kami dumadaan kapag pupunta kami sa ibang building just to take a look.
Biglang lumitaw doon si Mr. Wilford, just like a hologram kaya napayuko kami ng konti. Natuwa siya ng makita kami. We highly respect him more than others dahil utang namin sa kanya ang buhay namin.
"It's nice to see you all well, my children or should I say, my eagles" masayang sabi nito.
"It's our pleasure to have a conversation with you, Mr. Wilford" sagot ni Fortune.
"My dear Fortune, kahit kailan talaga hindi ka nagbago that's why you're my favorite above all" tapos ay tumawa ito.
"Grandfather, how about the society?" tanong ni Myrtle na busy pa rin sa pagkain ng lollipop. Dahil siya ang pinakabata, parang apo na siya ni Mr. Wilford.
"You're really worried about that, my Myrtle. I see, it became your home after all. Don't worry, our society is still under my control"
"Good to hear about that sir, but why did you call for an urgent meeting. Is it about the plan?" magalang na pakikiusap ni Fortune.
"You really think a step ahead, right Fortune?" nagsalin ito ng wine sa baso na nasa harapan niya. Ininom niya 'yon at muling ipinatong sa lamesa.
"We don't have to waste our time. The news spreading about Felicity and Xyrone Grover will start the chaos in that academy once again. Surely, they will hunt both of them down. While having their busy time, it's time for you to make a move and spread your wings. Sabayan niyo ang galaw ng mga estudyante para makalimutan nila kayo at mawalan sila ng oras na panuorin ang bawat galaw niyo. In that case, all of you can play safely along with them. When everything is cleaned up, take both of them down and don't..." sabi nito na diniin pa ang pagkasabi sa salitang 'don't'
"Ever let anyone stand. Ayaw ko ng may tira-tira. Linisin niyo lahat ng kalat at patumbahin ang mga haharang sa inyo. Do I make myself clear?"
But how are we going to kill those two kung kami mismo, hindi namin sila kilala?
"How about the three eagles? They might be useful" biglang tanong ni Fortune na naka-kibit balikat.
Nabigla din kami kung bakit bigla niyang tinanong 'yon? Matagal ng wala sa samahan ang tatlong 'yon.
"What?!" nagtatakang tanong ni Savannah kaya hinarapan siya ni Fortune.
"The dark three eagles are here in this academy" saad pa nito na ikinabigla namin. What?!
Hindi na kami nakapagtanong pa kahit gustuhin namin dahil nagsalita na si Mr. Wilford, "You're right, Fortune Beatrice. Convince them to join the council's side.
You're all perfect, my children. Lumaki kayo sa poder ko na ni minsan, hindi pumalpak. This time, I want everything to end up completely and cleanly. Don't dissappoint me" his authoritative voice echoed all over the place kaya bahagya nanaman kaming napayuko.
He just gave his orders. Wala kaming magagawa kundi ang sumunod. At nasama na sa kultura na bago namin gawin ang misyon, isa-isang magsasalita.
"We will surely complete this task, Mr. Wilford" -Fortune
"As you wish, grandfather. We'll play along with them and set traps everywhere" -Myrtle
"We'll use traitors as ally but in the end, will get killed too...in our hands" -Amber
"We'll aim from the weakest...to the strongest" -Charlotte
"Dissappointments are surely the exception this time, Mr. Augustus"
-Sylvester
"I'll eliminate the threats" -Savannah
"I've got everything under control" I said.
"All settled, then" sagot nito sa amin na natutuwa.
"We'll be needing your last order, sir" -Fortune.
Ito ang pinakahuling bagay na sinasabi niya palagi, bago namin umpisahan ang totoong laban.
"Disperse...and spread your wings, my dark eagles" right after he said that, nawala na ang hologram kaya nagkatinginan kami for a few seconds.
"Didn't you hear him? Disperse and do what must be done" this time, the president used her authoritative voice.
Napatayo kaming lahat at isa-isang nagsialisan kasabay ng otomatikong pagbukas ng pintuan na kontrolado ni Fortune, pero siya...nakaupo lang. What exactly is your plan, Fortune Beatrice? You're so calm. Just like what I've said earlier, mahirap makita ang mukha niya at mahirap ding basahin ang nasa isip niya.
Napangisi na lang ako at umiling. Tumalikod na para umalis dahil ako na lang ang hindi lumalabas pati siya na nakaupo pa rin.
Nakita kong nagsara agad ang pinto pagkalabas ni Savannah dahil siya ang nasa harapan ko at medyo malayo pa ang distansya ko sa kanya, "Let's talk, Phoenix" saad nito kaya napatingin ako sa kanya.
"About what, Ms. President?" tanong ko na nakangiti ng masama at naglakad papalapit sa kanya.
What do you expect from the dark sole eagle? Ibang klasing pag-iisip ang meron siya. How is she going to convince her mortal enemies to join us? Oh I remember, siya nga pala ang nagbanggit nito kay Mr. Wilford.
I guess, she already have a plan.
Is she an enemy...or an ally?
"I have a special task for you while Dean Carson is away"
See? She has a plan.
To be continued...