Chereads / SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 26 - ♥♡ CHAPTER 25 ♡♥

Chapter 26 - ♥♡ CHAPTER 25 ♡♥

♡ Julez's POV ♡

"Casius Julez Estacion, isn't it?"

"Bakit ba kasi dinala pa siya dito?"

"Could you please be careful, he's the brother of the former student council president of Chained School, Zorren Kai Estacion. Baka ano pang gawin niya sa atin?"

"Simula ng dumating siya dito sa building na 'to, nagkagulo na"

"Palibhasa, sinumpa kasi siya!"

"Dahil sa kanya, nagkaroon ng sumpa ang building na 'to"

"If he didn't hurt the girl, walang mangyayaring karumal-dumal sa building dito!"

"It's better na layuan siya, hindi ba kayo natatakot sa kanya na baka ilipat niya sa atin yung sumpa?!"

"We should just kill him!"

"Ano ba? Can't you see, I'm really sure na sa dami ng pinagdadaanan niya, magpapakamatay siya. Hintayin na lang natin 'yon!"

Habang tumatakbo ako, 'yan ang mga naririnig ko. People's judgements without even knowing the real story. Sanay na ako na ganyan ang marinig araw-araw, I blame myself too because of what happened. I didn't know na hahantong ang lahat sa ganito.

Run...

Run...

And run...

Halos araw-araw, ganyan ang ginagawa ko dahil sa mapangutyang pagtingin sa akin ng mga estudyante. Kung hindi ako tatakbo, magtatago ako. Pati sa pagkain, kinailangan kong kumain ng patago. I am always alone, but I don't have any other options but to fight.

I repeatedly and continuously tell myself...na susuko lang ako kapag patay na ako. I am their one and only target but others...takot silang lapitan ako knowing that Zorren is my brother.

6 months. Ganito ang naging takbo ng buhay ko ever since I was intentionally separated from my friends.

Habang patuloy pa rin ako sa pagtakbo para takasan ang mga maiingay nilang pagchichismisan tungkol sa akin, natanaw ko ang isang classroom na bakante. Halos araw-araw, kung saan-saan ako nagtatago para lang hindi nila ako makita.

Pumasok ako sa loob, sinara ang pinto at umupo sa pinakasulok. Finally, I can rest now at naging tahimik na rin ang paligid. If I didn't become strong back then, there would be a big possibility na masiraan na ako ng ulo dahil hanggang sa pagtulog ko, boses nila ang naririnig ko.

I don't want to sleep dahil paulit-ulit ko nanamang mapapanaginipan lahat ng nangyaring hindi maganda...but my body is so d*mn tired kaya pumikit ako.

...

On my first day here in this building, hindi ganon kagrabe kagaya ng nangyayari ngayon. Life was just simple. Wala man ngang namamatay just because everybody chose to live peacefully while waiting for hopes na sabay-sabay kaming makakalabas.

After a week, may isang babae akong nakilala and her name was Klaren. Since then, we became so close. Napagkamalan ngang nililigawan ko siya but actually not, we were just really bestfriends at araw-araw magkasama kami. Nagkwekwentuhan at tawanan.

As day goes by, naging apat na ang mga kaibigan ko. We built our own squad and called it, the star squad because star has total 5 corners na binubuo naming lima and it also represents hope. Pag-asa na makakalabas kami ng sabay-sabay at makakalabas ng buhay. We were so happy until one day....

Someone I didn't know confess to me. Sadly, hindi ko siya gusto at ayaw ko siyang paasahin kaya sinabi ko sa kanya 'yon directly. I saw how her cheerful face turned into sad one. After that day, patuloy pa rin siya sa pagbibigay at pagpapadala sa akin ng mga letters, even chocolates. Later I found out na stalker ko na din siya that's why I confronted her.

Umamin siya ulit sa akin and she desperately wanted me to accept her love but that didn't change my feelings for her. I rejected her many times sa tuwing nagcoconfess siya.

She became mad at me because of that. Her genuine love turned her into psychotic one which made it even harder for me.

"I did everything, Julez. Kulang pa ba? Ano bang mali sa akin?" she asked and nearly cried. I couldn't directly say it to her pero may pagkaisip-bata din kasi siya although magka-age lang kami.

Hindi ko lang talaga siya gusto. How I wish I love her too because of how cheerful she was but you cannot just simply teach yourself to love someone. Love can be realized as time goes by.

"I hate you, Julez! I hate you!" sigaw nito sa akin and I saw how badly hurt she was.

She ran away and I ran after her knowing what she would gonna do next. Pumasok siya sa isang room at binuksan ang bintana then umakyat doon.

"Whatever you're thinking, stop it" I said habang lumalapit but she stopped me.

"Subukan mong lumapit, tatalon ako" she said. I really wanted to stop her pero binigyan niya ako ng babala.

"You don't need to do that just because of me. You can find someone better than me" I said.

"Eh ikaw lang yung gusto ko eh, mahirap bang intindihin 'yon?!" sigaw nito habang umiiyak. Habang nakatayo siya sa bintana ay nakaharap sa akin.

Isang maling galaw niya, mahuhulog siya and we're at the rooftop. There are no chances for her to be saved.

"I'm sorry...kung hindi ko kayang suklian yung pagmamahal mo but don't do this" pakiusap ko.

"Kapag ba hindi ko tinuloy 'to, will you love me?" tanong nito na parang nabuhayan ng bagong pag-asa.

Napailing ako dahil ayaw kong paasahin siya, "I can't. Sorry...but I can't. I just need you to get down there" pakiusap ko.

Tumango ito at napayuko habang umiiyak, "I-i know" at tinignan ako.

"Please, ako na ang nakikiusap sa'yo. Huwag mo ng ituloy ang binabalak mo"

"You made my situation even harder for me, Julez..but don't worry" dahan-dahan siyang tumalikod sa akin na parang gusto niyang tignan ang tanawin sa labas.

Mapait na nakangiti ito habang lumuluha, "I will make your situation more miserable too" tinignan niya ako at ngumiti ng masama, "Hindi makukumpleto ang araw sa building na 'to ng walang namamatay. Isusumpa ko ang building na 'to hanggang sa kamatayan ko. Curse this building forever, Julez!" at sa isang iglap, inihulog niya ang sarili niya na ikinabigla ko.

I tried to save her pero hindi ko na nahabol pa ang kamay niya para hawakan sana ito. Nagkatitigan kami at kitang-kita ko ang mga luha na tumutulo sa mga mata niya hanggang sa mahulog ito sa ground floor at nagkawasak-wasak ang katawan nito ng salubungin siya ng mga malalaking spikes na nakaabang sa ground floor.

And that's where it all started. Narinig ko ang pagtunog ng mga kampana.

It was a sign that somebody tried to escape and died.

Natahimik ang lahat at alam kong ganon na rin ang nasa iba pang building dahil sa kampanang 'yon.

Simula noong araw na 'yon, nagbago na ang lahat at doon nag-umpisa ang kalbaryo ng buhay ko at ng building na tinitirhan ko. Pinag-uusapan sa tuwing dumadaan at pinagtatangkaan din akong patayin because of her d*mn curse!

She cursed this building!

I tried to forget everything and acted normally kahit pinagtitinginan ako. One day, habang naglalakad ako sa hallway, napansin ko si Klaren na pababa sa hagdanan. I smiled because that girl became my first bestfriend in this building.

I called her name kaya bago ito umapak sa isang hagdan pababa, napatingin siya sa akin. In a second, I just found her na gumugulong pababa ng hagdanan. I took one step para tignan kung anong nangyari until I saw her head on the ground floor, bleeding and her eyes wide open.

Sobrang bilis ng mga pangyayari at napasigaw ang lahat. Nagsitakbuhan sila habang tulala akong nakatitig sa kanya. Ang iba, inisip nilang dahil sa akin kaya 'yon nangyari sa kanya.

I started to blame myself and started a new day na pinagchichismisan nanaman ako. Kasalanan ko daw na nagpakamatay yung stalker ko, even Klaren's death.

Just because my stalker bestowed a curse upon me, including this building.

Another day came, apat na lang kami at malungkot kami sa biglaang pagkawala ng isa sa amin. One of my friends decided na samahan ko raw siya dahil gusto niyang magpahangin at mag-move on sa nangyari. Pumunta kami sa isang classrom at binuksan niya ang bintana but I stopped her.

"Julez bakit?"

"I'm just worried" I said then she smiled.

"Ano ka ba? Okay lang. Dati ko pa ginagawa 'to" muli siyang umakyat doon, same scenario when that stalker of mine decided to kill herself.

Umupo siya habang nakaharap sa labas. Umupo na rin ako sa tabi niya. After all, hindi naman sila naniniwala na kasalanan ko ang lahat. All of those were just accidents. Accidents are unintentional that's why no one is to be blamed.

Pagkatapos ng masaya naming pagkwekwentuhan, I stood up first dahil napag-isipan namin na kumain na. Inilahad ko ang kamay ko para alalayan siyang tumayo at bumaba. When she finally held my hand at aktong bababa, nadulas siya kaya muntikan ng mahulog.

Good to know that I was able to hold her. She was crying dahil sa takot and begged many times na huwag ko siyang bitawan, "Hold on" I said na nagpakalma sa kanya at dahan-dahan ko siyang iniangat.

Until may narinig kaming ingay na parang galing sa taas. Later we found out na may nakasabit na parang billboard sa mismong taas ng building and it was written there, 'The Curse Building'. We were in a panic since unti-unti tumatagilid ito na parang anytime mahuhulog.

"Julez, help me!" sigaw nito kaya nagmadali ako until...

"NOOOO!!" I found myself only holding her hand. That billboard thing suddenly fell at dinaanan siya kaya naisama ang buong katawan nito and I was only left holding her right hand.

Since I was shocked, binitawan ko din agad 'yon.

My miserable life even became more habang tumatakbo ang araw at sumasapit ang bawat araw. More and more, I could hear their voices begging na parang nasisiraan na ako ng ulo but I tried harder to fight and become strong kahit na sukung-suko na ako.

Third time, I went in a small club in this building and realized that I miss Nash because of the Street Cheaters club na wala na ngayon. Nagpakalasing ako because I didn't want to remember anything. I just want to drink all day para makalimutan ang lahat. Halos one week akong pumupunta sa club na 'yon para uminom until one day...

Pinuntahan ko ulit but the surrounding was extremely different from usual days. Parang may iba. I was about to drink until everybody suddenly fell down at nagsuka. As in all of them at ako lang ang nakatayo. Nakahawak sila sa leeg nila na parang hindi makahinga at bumula ang mga bibig nila. Napahiga silang lahat na parang nangingisay at bumubula ang bibig. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari.

Inamoy ko yung hawak kong alak and I knew...na nahaluan ng poison ang mga inumin kaya nangyari 'to and it would be hard to survive this kind of poison.

Napatingin ako sa paanan ko ng may mahigpit na humawak dito, "This is all your fault! Y-you killed us!" saad niya na bumubula ang bibig. I tried to get her away from me at nagawa ko lang 'yon ng malagutan ito ng hininga.

Napaupo ako sa sahig and he must be right.

Na kasalanan ko lahat kaya nangyayari ang mga aksidenteng 'to. Since from the start, I didn't want everything to end up this way. Is it really my fault?

Napahawak ako sa ulo ko gamit ang dalawa kong kamay. Maybe, if I was able to hold her hand at napigilan siya...I might have saved everyone from the curse of this building.

Her love for me must really be that deep.

I'm sorry dahil hindi ko nasuklian. It was really my fault why things ended up this way.

......

I woke up and realized...na napanaginipan ko nanaman lahat ng nangyari. Good to know that no one noticed na dito ako nagtatago sa classroom na 'to.

Inayos ko ang upo ko at napahawak sa ulo ko at mapait na ngumiti. Hanggang sa panaginip, sinusundan ako ng mga taong namatay ng dahil sa akin. Since this building was cursed, it became an accident prone lalo na sa mga taong lumalapit sa akin...palagi silang napapahamak sa tuwing mapapalapit sila sa akin.

The last friend I had, also died.

Sa squad namin, ako na lang ang natira.

I wasn't able to talk to him in order to confront and comfort him, knowing that lately, he had been suffering from depression.

Natagpuan ko na lang siya sa isang laboratory. Pagbukas ko sa pintuan, nakita kong nakabigti ito. Gumagalaw pa ang paa niya at nagkatinginan pa kami that's why I knew na maililigtas ko pa siya. I told him to wait a little longer at kukuha ako ng upuan para mapatungan ng paa niya...but isn't it absurd expecting na dumating akong may dalang upuan pero huli na ang lahat.

Seeing his eyes wide open at nakalabas ang dila...masakit makitang ginustong magpakamatay ng isang kaibigan dahil hindi na niya kaya.

I blamed him, yes. I am still here for him pero bakit naisipan niyang magpakamatay? Life is miserable but death is the most miserable thing on earth. Death means ending the pain they say, but it will just give more pain to the people na iniwan mo which means the pain didn't stop, you simply transferred it to them...which makes their life more miserable.

Students in curse building don't simply die because they kill one another...but because of accidents and suicides.

At ako lang naman ang sinisisi nila dahil simula ng mangyari 'yon, doon nag-umpisa ang kaguluhan.

"Tama lang na maramdaman niya 'yan since sa kanya nag-umpisa ang lahat"

Those..are the phrases na naririnig ko sa tuwing may namamatay. Sa akin lahat ang sisi.

I can't help but to cry yet I am a boy. Wala na akong kakampi. Everybody hates me and everybody wants me dead.

I miss kuya Zorren....

And I badly want to meet the Vipers...my older brothers.

To be continued...