♡ Raven's POV ♡
Iminulat ko ang mata ko dahil sa sinag ng araw na nakatutok pa mismo sa akin. Panira naman, sarap pa naman ng tulog ko. Eh kahit natatakpan ng kurtina yung bintana, naaarawan pa rin ako. Pagtingin ko sa katapat na kama kung saan natutulog si Dave, wala naman siya doon. Sabagay, bakit pa nga ba ako magtataka eh ang aga-aga gumigising ng lalaking 'yon. I stretched my body first bago tuluyang mapaupo sa hinihigaan ko, pero pagkatayong-pagkatayo ko, pagrereklamo ng tiyan ko ang sumalubong sa akin. Tinignan ko yung lamesa na nasa side ng higaan ko at wala namang pagkain.
Naisipan kong tumayo na para maghilamos. Pupunta ako sa kwarto kung nasaan ang buong Blood Rebel's group. Panigurado nag-aalmusal na ang mga 'yon, langya talaga hindi man lang ako ginising ni Dave. Pagkatapos kong maghilamos, nagpalit muna ako ng damit at lumabas na ako sa kwarto at nag-umpisang maglakad. Hindi ko ba alam pero parang hindi maganda ang pakiramdam ko habang naglalakad. Nakakapuyat din naman kasi yung narinig naming pagtunog ng bell na nakapalibot sa lintik na eskwelang 'to. Unang beses na pinatugtog 'yon at parang isang babala. Kainis nga eh! Kaya siguro napuyat ako.
Habang wala ako sa sarili ko na naglalakad sa hallway, napansin ko na lang na may mga iilang babae na panay ang tingin sa akin kaya hindi na ako magtataka. Wala talaga akong magagawa kung nagwagwapuhan sila sa isang tulad ko. Tsk! Sanay na akong marinig ang mga ganoong bagay tungkol sa akin. Nakakasawa na nga eh. Pero kahit na maraming nagpapadala ng regalo sa akin, hinihintay ko pa rin ang isang regalo na galing sa kanya, kahit kailan kasi hindi niya ako pinadalhan ng regalo eh. Gusto ko rin naman siyang bigyan, kaso may boyfriend siya. Oo, mahal ko na siya pero ayaw kong sirain ang relasyon niya sa boyfriend niya. I am not a relationship wrecker.
Speaking of Leigh, natigilan ako sa paglalakad at napahakbang ng limang beses paatras ng hindi ko sinasadyang masilip ang dalawang taong nasa isang kwarto dahil medyo nakabukas ang pintuan. Isang babae at lalaki. Parang pamilyar sa akin yung babae pero hindi ko masiguro kung siya nga 'yon dahil malayo ako sa kinalalagyan nila. Nakita kong nakaupo yung babae. May bitbit na tray ang lalaking kasama niya habang papalapit sa kanya. Puno ng pagkain ang tray na 'yon.
Nakaupo ang babae sa kama habang papalapit sa kanya yung lalaki. Maybe I should just go closer. Nang makalapit ako ng konti, hindi ko naman nakita yung mukha ng babae dahil pumunta sa harap niya yung lalaki kaya natakpan nito ang mukha niya. Nagulat ako ng lumuhod yung lalaki at nakilala ko yung babae kaya alam ko na rin kung sino yung lalaki kahit na hindi ko pa lubusang nakikita ang itsura nito.
Nakita kong nakangiti si Kevin pero si Leigh, tulala at ayaw tignan si Kevin. Parang wala siya sa sarili niya. Don't tell me, may problema silang dalawa? Sinubukang subuan ni Kevin si Leigh pero umiwas lang si Leigh na parang walang balak na kumain. Nakita kong pinipilit siyang pakainin ni Kevin at nagulat ako sa mga nakita ko. Itinabig ni Leigh ang kamay ni Kevin kaya nabitawan nito ang hawak niyang kutsara. Napatingin si Kevin sa kutsarang nabitawan niya at kitang-kita ko ang sobrang pagkainis sa mga mukha niya kaya inihagis niya rin ang dala-dala niyang tray kanina na ikinagulat ni Leigh.
Biglang pinisil ng gagong 'yon ang magkabilang pisngi ni Leigh kaya diretso silang nagkatinginan, "Pwede ba Kevin, itigil na natin 'to!! Ayaw ko na!" sigaw ni Leigh at nakita ko na lang na napahiga siya sa kama at napahawak sa pisngi niya ng sampalin siya ni Kevin kaya hindi na ako nakatiis pa. Sino ba siya para saktan si Leigh? Kahit boyfriend pa siya ni Leigh, wala siyang karapatan na ganituhin ang isang babae!
Agad akong tumakbo papunta sa kanilang dalawa. Aktong sasaktan niya ulit si Leigh ay iniharap ko na si Kevin sa akin at sinuntok ng malakas kaya napasalampak siya sa sahig at gulat na napatingin sa akin. Dumugo ang labi nito at pinunasan niya 'yon gamit ang kamay niya. Tinignan niya ang kamay niya at nakitang dugo ito kaya sinamaan niya ako ng tingin, "Sino ka ba para makielam sa amin?!" tanong nito na unti-unting tumatayo kaya natawa ako.
"At sino ka ba para saktan ang isang babae?" sagot ko sa kanya.
"Hoy, ikaw!" turo nito sa akin na parang binabalaan ako.
"Wala kang karapatan na makielam sa aming dalawa kaya lumayas ka dito" saad nito kaya tinapatan ko siya.
"Baka gusto mong ako ang magpalayas sa'yo palabas ng building na'to!? Kaibigan ko si Leigh kaya natural lang na makielam ako dahil hindi ko hahayaang saktan mo siya!" pahayag ko. Napatingin ako kay Leigh ng hawakan nito ang braso ko at nakita kong umiiyak siya.
"Sean, lumabas ka na. Hayaan mo na ako" saad nito na ikinainis ko.
"No! Hindi ako lalabas dito, hinahayaan mo bang saktan ka ng gagong 'to?!" saad ko sabay turo sa walang hiyang Kevin, "Sabihin mo nga sa akin Leigh, ganyan ka ba dapat tratuhin ng pinagmamalaki mong boyfriend. He doesn't even deserve to be loved!" saad ko na aktong lalapitan pa si Kevin pero pumagitna si Leigh.
"Tama na. Umalis ka na lang, please!" saad nito sa akin kaya hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Is she crazy? Ok lang sa kanya na ganito siya tratuhin ng boyfriend niya?! That's totally absurd! Ako na nga itong gusto siyang iligtas, ako pa ang pinapaalis niya?
"Fine. Aalis ako pero once na saktan ka ulit ng lalaking 'yan. Hindi ko na palalampasin" seryoso kong sabi at sinamaan ng tingin si Kevin. Tinignan ko rin si Leigh at kahit ayaw kong magalit, hindi ko mapigilang magalit sa kanya. Ano nga bang magagawa ko when I'm not even her boyfriend? Tinalikuran ko na silang dalawa at naglakad papalabas ng muli akong natigilan ng may marinig ako kaya napatingin ako ulit sa kanilang dalawa, "Stop this nonsense, Kevin. Not him!" nakita kong may hawak na kutsilyo si Kevin habang masamang nakatingin sa akin kaya napangiti ako ng masama at napaharap sa kanila.
Was he planning to kill me? In my own perception, balak niyang saksakin ako habang papalabas ako pero hindi niya nagawa dahil pinigilan siya ni Leigh, "Oh, do you want to kill me? Then, you must try to kill me, if you can" saad ko kaya mas nginitian ko pa siya ng masama. What an attitude?
Muli akong tumalikod ng magsalita si Leigh, "Don't leave yet. Ngayon ko lang napatunayan kung sino ang dapat umalis dito. Umalis ka na, Kevin. Huwag na huwag mo na akong babalikan. I'm tired of this relationship" sa ikalawang pagkakataon, nagawa kong tignan si Leigh at kitang-kita ko ang pagiging matapang niya pero may kasamang luha ang mga 'yon.
"So ngayon, pinagtutulungan niyo akong dalawa?" sarcastic na tanong nito na ikinatawa ko nanaman.
"If that's what you think, wala akong magagawa. Baka nakakasawa ka lang talagang mahalin?" pang-aasar ko sa kanya lalo pa't masama akong ngumiti kaya kitang-kita ko ang determinasyon niyang patayin ako. Good luck to us, Kevin!
Dahil sa ginawa ko ay sinamaan niya kami ng tingin ni Leigh at galit na galit kaming iniwanan. Pinanood ko siya sa paglayas niya hanggang sa hindi ko na siya makita. Buti naman at naisipan niyang umalis. Napatingin ako kay Leigh na nakatalikod sa akin at napaupo sa kama niya kaya nilapitan ko siya at lumuhod ako para tapatan siya. Nakita kong namumula ang pisngi nito kaya hahawakan ko sana pero umiwas siya kaya natigilan ako at dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko, "Are you ok?" nag-aalala kong tanong pero siya, nakayuko habang lumuluha
Sh*t! I can't even dare to look at her in this situation! Parang wala ata siyang balak na magsalita habang alalang-alala ako sa kanya. Papatayin niya ba ako sa pag-aalala?
"Pwede bang magsalita ka? Nag-aalala na ako" mahina kong sabi dito.
Bigla na lang siyang napatingin sa akin at parang galit siya, "Bakit pa dumating ka?" tanong nito kaya nakaramdam ako ng kirot. Ayaw niya ba akong makita? Ayaw ba niyang niligtas ko siya sa kamay ng lalaking 'yon?
"Bakit ba ganito ka sa akin, Leigh? I just want to help you because I really care pero bakit feeling ko, sa tuwing nakikita mo ako galit na galit ka sa akin?" tanong ko sa kanya pero galit pa rin siyang nakatingin sa akin habang umiiyak.
"Oo, galit ako sa'yo kasi ang tagal na niya akong sinasaktan pero hindi ako makalaban- " this time, I didn't let her finish her passage.
"Why did you let him treat you like that?!" sigaw ko na ikinatahimik niya.
"Tapos ngayong tinutulungan kita, ikaw pa yung galit sa akin?! What the hell, Leigh! Can't you even give me a little bit of love?!" saad ko at huli na ng marealize ko lahat ng sinabi ko sa kanya. What did you, Sean Raven? Yung galit niyang tingin kanina, napalitan ng pagkagulat kaya umiwas ako ng tingin at dahan-dahan akong tumayo. Tinalikuran ko siya dahil hiyang-hiya ako sa sarili ko. This tongue of mine...shit!!
"What did you just say?" tanong nito pero hindi ko pa rin siya tinignan. Umupo ako sa kabilang sulok ng kama na malayo sa kanya at napahawak sa mukha ko pero alam kong tinitignan niya ako.
"Nothing" napabuntong-hininga na lang ako. Naramdaman kong gumalaw yung kama kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong lumapit siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin kahit na alam kong nakaupo na siya ngayon sa tabi ko. Ano bang balak niyang gawin at hinarapan niya ako?
"Galit ako sayo. Galit na galit. Kasi sa tuwing sinasaktan niya ako, hindi ako lumalaban hoping that you would come to save me. Hinihintay kita pero bakit hindi ka dumadating? Kaya nawalan ako ng pag-asa at hindi na ako umasa na darating ka para ilayo ako sa kanya. Kaya galit ako sa'yo, kasi bakit ngayon ka lang dumating at bakit dumating ka pa?" ng marinig ko ang lahat ng 'yon, kahit ayaw ko napatingin ako sa kanya at nakita kong lumuluha siya habang nakatingin sa akin. Totoo ba lahat ng narinig ko? O baka nananaginip lang ako? Should I just confront her?
I think this is the right time.
Pinilit kong ngumiti at pinunasan ang mga luha niya, "Bakit mo ako hinihintay? Sa dinami-rami ng tao, bakit ako pa ang hinintay mo?" tanong ko sa kanya. May halong lungkot, pagkabigla at saya ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko maiwasang mapatitig sa mapupula niyang labi, sa maganda niyang mata at pilikmata at sa suot niyang damit na kulay pula. What do you expect from a member of Redblades? Nakatitig lang ako sa kanya habang naghihintay sa sagot niya.
"I won't be given any more chance to confess. I'm always finding for the right time to tell you what I really feel pero sorry kasi hindi ko na mapigilan, Sean Raven" saad nito na bigla na lang lumapit sa akin at hinalikan ako.
Even though I'm in a state of shock, why would I choose not to respond on her sweet kiss? So I did the same without any doubts.
To be continued...