Chereads / SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 21 - ♥♡ CHAPTER 20 ♡♥

Chapter 21 - ♥♡ CHAPTER 20 ♡♥

♡ Carson's POV ♡

Halos dalawang oras na akong hindi makatulog dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Napahawak ako dito at pinilit kong tumayo kahit na nahihilo ako. For six months, hindi nakumpleto ang gabi ko ng hindi nakakatulog ng maayos. I made sure to drink that medicine na pinadala ni dad sa akin, but it was just temporary to ease the pain for a while. Palagi na lang ganito ang nararamdaman ko tuwing gabi. No one knows about my situation dahil ayaw kong mag-alala sila. First of all, wala akong sakit. Second, ngayon lang nangyari 'to for a long, long time.

"Sh*t!" bulong ko dahil pagkatayo ko sa kama ko, napaupo nanaman ako sa sakit. Sobrang init ng ulo ko pero alam ko naman na hindi ako lalagnatin. Higit sa lahat, sobrang sakit na parang sasabog na ang ulo ko.

Kahit masakit, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Inhale and exhale for many times hanggang sa mawala ang sakit. Habang hawak ng isa kong kamay ang ulo ko, napahawak pa ang isa kong kamay dahil nakaramdam ako ng kirot...

Let's play outside, kuya...

Dad will probably get mad...

Hindi naman niya malalaman basta sandali lang tayo, sige na kuya...

Fine, fine....

Mas lalo pang sumakit ang ulo ko ng marinig ko ang dalawang boses na tila nanggagaling sa ulo ko. I could even see a boy and a girl...they are like siblings and.....hindi ko maipaliwanag. Madalas kong mapanaginipan ang dalawang batang 'yon pero hindi maliwanag sa akin ang mga itsura nila.

Hindi ko alam kung bakit nangyayari 'to sa akin. Madalas ko silang makita sa panaginip ko at sa tuwing sumasakit ang ulo ko, silang dalawa ang pumapasok sa utak ko at boses nila ang naririnig ko kaya dinadaan ko na lang sa pag-inom ng gamot para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Nang ipadala sa akin ni dad yung gamot na walang label, may nakalagay na sulat sa loob ng bote noon at sabi niya, ang gamot na 'yon ang kaisa-isang paraan to ease the pain temporarily kahit saang parte ng katawan kaya sinunod ko ang sinabi niya kahit na nagtataka ako. After a month, nag-umpisa ng sumakit ang ulo ko that's why I only take that capsule everytime I feel this. Muntik na ngang malaman ni Syden ang nararamdaman kong 'to dahil nakita niya yung gamot pero buti na lang she didn't ask anything further.

I could even feel that I want to vomit lalo na't alam kong namumutla na ako sa sakit at pinagpapawisan na rin ako kaya pinilit kong inumin yung gamot. Pagkatapos kong inumin 'yon, lumabas ako sa kwarto at pilit na naglakad para pumunta sa clinic. Right, clinic is still existing in this g*ddamn building! I will ask the doctor tungkol sa sitwasyon ko. Ayaw kong may makaalam pero unti-unting hindi nagiging normal ang pakiramdam ko. The doctor will be a big help to my situation now.

Habang nilalakad ang hallway, napapahawak ako sa pader at tila lasing na hilung-hilo na pero hindi pwedeng may makakita sa akin na nakahandusay sa sahig kaya kailangan kong labanan 'to hanggang sa kusa akong natigilan at nagtago kahit na nahihirapan ako.

"Syden?"

Anong ginawa ng babaeng 'to sa loob ng kwartong 'yon?

Nakita kong lumabas siya mula sa secret room at maigi niyang inobserbahan ang paligid but good to know na hindi niya ako nakita. Napansin ko rin na parang may iba sa kanya at dahil doon, nagkaroon ako ng lakas ng loob na tumayo ng maayos. Ipagpapaliban ko muna 'tong hindi normal na nararamdaman ko, kailangan kong malaman kung bakit pumasok siya sa kwartong 'yon and good to know na nakalabas siya dahil lahat ng taong pumapasok sa secret room, hindi na lumalabas.

Pero anong ginawa niya doon at paano siya nakapasok? Wala rin naman siyang naikwento sa akin tungkol dito. Pagkaalis na pagkaalis niya, agad akong lumapit sa tapat ng secret room at tinignan ko 'yon. It has been sealed at gawa ito sa metal kaya hindi ako basta-basta makakapasok. No matter what, I need to find the truth. Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko para hawakan ang pintuan pero napatingin ako sa taong humawak ng kamay ko, "Mr. Dean Carson Schulz, I am Amber Samson, the student council secretary. Do you need anything?" saad nito kaya tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"I want to enter this room" saad ko at tinignan ko lang siya ng diretso which only means na bawal siyang tumanggi sa gusto ko.

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay narinig namin na unti-unting bumukas ang mga sealed ng pintuan kaya nagkatinginan kami. Wala na akong panahon para maghintay pa. Tumambad sa harapan ko ang isang kwarto na nababalutan ng pulang ilaw na nakadikit sa bawat sulok nito. May nakita akong lamesa at may isang babaeng nakamaskara ang nakaupo sa harapan nito habang umiinom ng red wine.

"I just heard a commotion out there that's why I didn't hesitate to open the mysterious door of secret room" saad nito na ibinaba ang hawak niyang wine glass at tumingin sa direksyon namin.

"I'm sorry, Ms. President" saad ng sekretarya niya na napayuko at nanatili pa ring nakatayo sa labas.

"It's okay, Amber. You may leave now" saad nito kaya muling nagsara ang pintuan at napatingin ako doon.

"It's my pleasure to meet Mr. Arthur Schulz's son personally. I am Fortune Beatrice Rosenheim" na mukhang nakikipagkamay sa akin pero tinignan ko lang ang kamay niya at hindi na siya pinansin kaya ibinaba niya rin 'yon, "Please, have a seat" saad nito na sinunod ko naman since wala akong balak na tumayo ng matagal sa kwartong 'to.

"Do you need anything, Mr. Dean Carson?" saad nito kaya tinignan ko siya. Since she mentioned it, this girl has something to do with our family.

"So you know Mr. Wilford and my father?" sarcastic kong tanong at ang hirap basahin ng utak niya dahil nakamaskara ito at hindi ko alam kung anong ekspresyon ang ipinapakita niya.

"What about it?" tanong niya na muling uminom ng wine at muling ibinaba 'yon.

"Tell me, ano ba talagang plano nilang dalawa. Alam kong may balak sila kaya ka ipinadala dito, right?" saad ko na bahagyang nilapitan siya at tanging ang lamesa lang ang nagdidistansya sa amin kaya napabuntong-hininga siya.

"As expected from Mr. Arthur's son. You are really the person just like how they described you"

"I'm telling you, you can't trust them. Itigil muna to" saad ko sa kanya. I know my dad, many people trust him pero traydor siya. Just like how they tricked me back then.

"Wala naman akong ginagawang masama. I am just doing my job" sagot nito kaya napangisi ako.

"An unforgivable job?"

"Looks like ang sama ng tingin mo sa akin, Mr. Dean Carson. I highly respect the Schulz family"

"Ano ka ba sa pamilya namin?" tanong ko. She's not at all familiar to me. Ngayon lang kami nagkita pero parang mas marami pa siyang alam kaysa sa akin.

"You are a Schulz yet you still don't know anything but you act like you own everything. I'm a great colleague of your family. Ngayon pa lang kita nakita but I know something about you or let's say...everything about you" pahayag nito na ikinainis ko kaya hindi ako kumibo.

"What did you say to her?" kumuyom ang mga kamay ko ng maalala ko si Syden at galit kong tinignan ang babaeng nasa harapan ko na alam kong ipinagtaka niya.

"What?" she's still acting innocent kahit na alam niya ang tinatanong ko.

"Nakita kong galing siya dito. My girlfriend"

"Nothing. Im just doing her a great favor" sagot nito na nagkibit-balikat.

"Tell me" I said coldly.

"Inuutusan mo ba ako?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"What do you think?"

"I can't believe you but fine! She wants to save her friends from another building" I don't believe her, she might have said something to her other than that.

"Is that it? And how are you going to do that?"

"I have control, Mr. Schulz. Baka nakakalimutan mo, I am the SSC President of this academy. Don't worry, I keep my promises. I won't do something to harm her"

"Siguraduhin mo lang" saad ko hanggang sa may maalala ako kaya alam kong hinihintay niya ang susunod kong sasabihin,  "Can you also do me a favor, Ms. President? Actually, I have one"

"Speak up" sagot naman niya.

Hindi ko naman hahayaan na mapunta lang sa lahat ang sakripisyo nina Nash at Zorren para lang matalo ang Venom. The whole BR Group owe them a lot and Zorren has only one wish....

"Casius Julez Estacion from death building. Paano ko siya malilipat sa building na to?" tanong ko sa kanya. Just you wait, Julez. I will surely save you just like how your brother saved us.

"Give me a good reason for me to approve that wish of yours, Dean Carson"

"Malaki ang utang na loob ko sa kanya...sa kuya niya. Makakabawi lang ako kapag naprotektahan ko siya dito. Is that an enough reason?"

"Then save him" maikling sagot nito na hindi ko alam kung kaiinisan ko ba o hindi.

"What do you mean by that?" tanong ko.

"Do you follow conditions?" tanong nito. What the hell is her problem? Bakit niya pa 'to tinatanong? Kaya ngumisi ako at umiling.

"I don't" sagot ko.

"Then, I have no chance but to let you go out. Save him if you want to, cause I won't do it for you. I don't do anything for free but keep in mind that your time is only limited" so if I follow her conditions na hindi ko naman alam, siya mismo ang magdadala dito kay Julez? But that's not me, it's good to know na ako na mismo ang gagawa noon para kay Julez.

May lakas ng loob pa talaga siyang limitahan ang oras na iligtas ko si Julez? She's totally absurd.

"Gaano katagal?" tanong ko.

"Two hours. After two hours, kapag wala pa kayo. Hindi na kayo makakapasok dito. Good luck finding for a place to hide kapag nangyari 'yon. Dalawang oras to save your little brother" pahayag niya kaya natawa ako. I can't believe this, the council is really playing with us. I guess, I should just play their game too.

"Are you kidding me?" tanong ko habang natatawa.

"It's now or never, Dean Carson" hanggang sa mapalitan ng pagkaseryoso ang mukha ko.

"Deal" sagot ko sa kanya.

"See you soon, then" sagot niya kaya tumayo na ako. Tinignan ko ulit ang babaeng nasa harapan ko at nakuha ng singsing na suot nito ang atensyon ko. A gold eagle? Alam kong alam niya na nakatingin ako sa singsing niya kaya iniwas ko ang tingin ko hanggang sa makita ko ang book shelf. Siya lang naman, lamesa at book shelf ang laman ng kwarto na 'to, isama mo na rin yung apat na mapupulang ilaw.

Tumalikod na ako para umalis pero natigilan ako ng magsalita siya, "Have you ever heard of the word, Dark eagle society?" hindi ko alam kung pamilyar ba sa akin ang sinasabi niya but I think I heard it once. Hindi ko lang alam kung saan. But nevermind...

"Never" maiksing sagot ko hanggang sa bumukas ang pintuan.

"Get ready then, members of that society is about to enter this building" saad pa niya na hindi ko na lang pinansin at naglakad na ako papalabas kaya't nalagpasan ko na ang pintuan.

"If I were you, I would stop taking that medicine" napaharap ako sa kanya ng marinig kong sabihin niya 'yon pero pagkaharap ko ay tuluyan ng nagsara ang pintuan.

To be continued...