♡ Syden's POV ♡
Hayyy...ang sarap ng gising ko ngayong umaga. Nakatutok pa naman sa akin yung araw kaya nakakasilaw sa mata. Umupo na muna ako para magmuni-muni bago tumayo sa kama ko. Hindi ko ba alam parang sobrang ganda ng gising ko ngayon kahit na medyo late na.
Pumunta ako sa cr at naghilamos...pagkatapos nagbihis at nag-ayos. Ganito naman kasi palagi yung routine ko. Gigising, maliligo, pupuntahan si muffin ko tapos kakain kami...it's either sa kwarto niya or sa BR room, pero minsan siya 'tong pumupunta dito. Lately nga napaka-busy niya eh. Hindi ko ba alam kung anong ginagawa ng lalaking 'yon eh hindi naman kami nag-aaral para magpaka-busy siya. Busy magpaka-leader. Tsk!
Pero proud ako kasi responsable siya sa mga member niya, hindi siya yung leader na hari-harian yung type na gusto niya nakaupo lang habang inuutus-utusan mga member niya. Kaya nga mahal ko 'yon eh pero syempre mas mahal niya ako dba? Hehe.
Medyo late na nga ako nagising pero hindi pa niya ako pinupuntahan dito. Nakakatampo. Kaya ako na lang ang pupunta kung nasaan man siyang lupalop ng building na 'to.
Pagbukas ko sa pinto...halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko ang isang nakatayong babae at nakangiti siya na parang hinihintay talaga ako.
Sino 'to? Naligaw ata siya?
"Hello!" bati nito sa akin kaya ganon na rin ang ginawa ko kahit hindi ko siya kilala. Ngayon lang nangyari 'to ah?
"H-hello! May kailangan ka?" tanong ko.
"Nothing but actually, I'm here para sunduin ka" sabi niya na ipinagtaka ko kaya itinuro ko sarili ko.
"Ha? Ako? Bakit?" sunud-sunod na tanong ko.
"Your boyfriend is waiting for you" saad pa niya. Si muffin pinapatawag ako? Eh never niya ngang ginawa 'yon dahil siya madalas ang pumupunta dito kaya nakakapagtaka naman.
"Sigurado ka ba?"
"I know you won't trust me...but this is like a...surprise" mahinang sabi nito na parang napipilitan at ngumiti habang yung dalawa niyang kamay nasa likuran niya.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Feeling ko member siya ni Roxanne dahil sa pulang dress niya at sa ayos niya. Wala naman sigurong masama kung sasama ako sa kanya since I trust Redblades dahil kahit papaano may nagbago sa kanila lalo na si Roxanne na bumait ng konti. Konti lang naman pero masungit at maarte pa rin.
"Sige" saad ko at ngumiti. Mas lalo naman ngumiti yung babaeng kaharap ko. Dahil redblades siya, mapagkakatiwalaan naman.
Ni-lock ko yung pintuan ng kwarto ko at ibinulsa yung susi. Naglakad na kami at sumusunod lang ako sa kanya. Walang nagsasalita kaya sobrang tahimik namin hanggang sa...
"Hindi ka lang siguro sanay na pinapatawag ka niya" basag niya sa katahimikan kaya napangiti nanaman ako.
Ano kayang trip ng lalaking 'yon at pinatawag ako? Bakit hindi niya na lang ako pinuntahan kanina para at least maaga rin akong nagising. Ang sungit pa naman nun, kapag hindi ko siya napagbuksan agad ng pintuan, sobrang nag-aalala na. Tsk!
Naglakad pa kami ng matagal at inakyat ang pinakatuktok ng building bago mag-rooftop. Yung pinaka-last na floor which is 10th floor. Ngayon lang ako nakapunta dito dahil hanggang 5th floor lang naman ang napupuntahan ko. Saan ba talaga ako balak na dalhin nito? Ano bang pasabog alam ni Dean Carson?
As usual, after naming tahakin yung pagkataas-taas na hagdan, naglakad nanaman kami hanggang doon sa pinakadulo, "Ahmm, asan na siya?" tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.
"Don't worry, malapit na tayo" saad naman nito na ngumiti kaya tumango na lang ako at tinignan ang paligid.
Habang naglalakad kami, maingay. Paingay ng paingay yung paligid hanggang sa makita ko yung mga iba-ibang kulay ng ilaw na parang may disco sa floor na'to. Bawat nadadaanan naming room, may mga party at sobrang ingay. Nakarating kami sa dulo at mas maingay sa katapat naming room ngayon. Sobrang laki ng kwarto na parang ginawa talaga para pang-disco.
"He's waiting for you inside" saad noong kasama kong Redblades na itinuro ang loob kaya sinubukan kong hanapin si muffin pero bakit hindi ko makita?
"Sigurado ka ba?" nang tignan ko ulit yung kasama kong babae, wala na siya sa paningin ko.
"Hi!" napatingin ako sa nagsalita at may hawak itong shot glass. Babae siya, simple lang at maganda ang mga mata.
"Bliss Syden, right?" tanong nito kaya tumango ako. Hindi na ako magtataka dahil halos lahat ata ng tao dito sa eskwelang 'to, kilala ako dahil lang naman sa magaling kong boyfriend.
"You should inside, kanina ka pa niya hinihintay" sabi niya at tinalikuran ako.
Tinignan ko yung loob at maingay. Ayaw ko pa naman sa mga ganitong lugar dahil nahihilo ako sa mga ilaw. Malilintikan talaga sa akin 'tong si muffin bakit dito pa naisipan na gawin ang surpresa niya kung ano man 'yon.
Naalala ko na lang...
Hindi kaya bumalik na sa bisyo ang lalaking 'to kaya nandito siya at hinihintay ako? Humanda talaga siya sa akin kapag nakita ko siya.
Pumasok ako sa loob at hinanap siya pero negative. Bakit kasi hindi na lang ako sinundo? Kakahanap ko sa kanya, sumakit na paa ko lalo na't kanina pa ako naglalakad at umakyat pa sa floor na 'to. Naghanap ako ng bakanteng upuan kaya noong may nakita ako, agad akong umupo doon.
Nasaan na ba kasi siya? Patuloy pa rin ako sa paghahanap sa kanya gamit ang mga mata ko pero wala. Pinagloloko lang ata ako eh? Makaalis na nga.
Tatayo sana ako ng may maglagay ng baso sa harap ko at ng tignan ko...tequila? Tinignan ko yung naglagay noon sa lamesa sa harapan ko. Isang babae din at nakangiti siya, "Someone asked me to serve this to you. Have fun!" saad nito at umalis na.
Napatingin ako doon sa tequila na kulay red na sa amoy pa lang, siguradong cranberry ang flavor noon. Nang kunin ko 'yon, inikot ko at may nakalagay na sticky note na nakapagpangiti sa akin.
'Hi sweetie! Let's have fun but first you need to be energized!'...nakalagay doon kaya napangiti ako. Tingin ng lalaking 'to wala akong energy kaya ipapainom niya 'to sa akin? Lagot talaga siya kapag nakita ko siya. I know he's just somewhere here at tinitignan ako.
Umupo na ulit ako at inenjoy yung pag-inom. Tinitignan ko yung paligid para hanapin siya pero wala talaga. Ayaw magpakita. Wala akong balak na ubusin kaso ang sarap kaya ayon, naubos ko din.
Sobrang ingay tapos halos lahat, nasa gitna at sumasayaw na parang lasing na lasing na. Buti na lang at hindi ako...
Sabi na nga ba, hindi kasi ako sanay sa ganitong lugar at nahihilo ako sa mga ilaw lalo na't nakisabay ito sa pinatunog na music na pang-rock. Parang umiikot tuloy yung paligid ko.
Tumayo ako kasi parang may mali. Kailangan ko ng lumabas. Bakit pa kasi dito ako dinala-dala ng lalaking 'yon? Asan na ba kasi siya?
Napahawak ako sa ulo ko na sumasakit at mas lalo akong nahihilo sa tuwing naririnig ko ang sigawan ng mga tao. Bago ako makalabas, may humarang sa akin, "Hi miss! Wanna join us?" tanong ng isang lalaki na hindi ko mamukhaan dahil nanlalabo na rin ang paningin ko.
"N-no thanks" saad ko at umiling. Hinarang niya yung braso niya kaya hindi ako makadaan at pinipilit kong alisin 'yon sa daraanan ko hanggang sa tatlo na silang nakapaligid sa akin.
"Minsan lang naman, join us" bulong nito pero wala akong pakielam. Kailangan ko ng makalabas.
"Let's have fun, tonight" saad pa nito at hinila ang kamay ko habang ang isa kong kamay, nakahawak sa ulo ko. Napapapikit na ako sa sobrang hilo at sobrang labo na rin ng nakikita ko.
May binuksan siyang pintuan, tumambad sa akin ang isang kwarto na kulay pula ang mga ilaw. May kama...itinulak niya ako doon at ng mapahiga ako, tatlo silang nasa harapan ko.
Pinilit kong tumayo para makalabas, pero pinigilan nanaman ako...
"Bitawan niyo 'ko!" saad ko pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak ng isa sa kanila sa braso ko. Alam kong nakangiti ito ng masama...
"Alam mo bang 'yan ang gusto namin, yung matapang!" sabi pa nito at nagtawanan sila na parang may masamang balak. Kaya ko silang patumbahin, kaya ko pero dahil sa hilo na nararamdaman ko, hindi ako makagalaw ng maayos.
Itinulak ako sa kama at sabay-sabay silang nagtanggal ng pang-itaas. Tumayo ako pero muling napahiga ng hawakan ng dalawa sa kanila ang magkabilang kamay ko kaya't para akong ipinako sa kama.
Pumatong sa akin ang isa sa kanila. Pinilit kong kumawala, kaya ko pero dahil sa sobrang pagkahilo, nanghihina ako at hindi ko magawang manlaban. Kahit nanlalabo ang paningin ko, kitang-kita ko na tuwang-tuwa sila habang sinunggaban ako ng halik ng lalaking nakapatong sa akin.
Halik sa labi....na parang ayaw akong tigilan.
Umiwas ako...
Umiiwas dahil ayaw ako...
Pero nanlalaban ang sakit ng ulo ko kaya hindi ako makalaban.
Hinalik-halikan niya ako habang tinatanggal ang butones ng damit ko. Kahit anong mangyari, kahit naiiyak na ako, pinilit ko...pinilit na labanan ang lakas nila.
Tatlo sila laban sa akin. Anong laban ko lalo na't hindi ako makagalaw? Sumigaw ako hanggang sa takpan nila ang bibig ko. Wala akong magawa kundi umiyak kahit gusto kong manlaban.
Hanggang sa tuluyan niyang matanggal ang mga butones ng damit ko.
Hinalik-halikan ako magmula labi hanggang sa pababa ng pababa.
Ilang minuto...
Ilang minuto kong tiniis lahat ng ginagawa nila ng isa-isa nila akong halikan. Nakatingin ako sa kisame habang lumuluha sa kawalan.
Parang nabalutan ako ng takot...yung takot na nawala sa akin, ngayon bumabalik na.
Kaya ko ng lumaban, pero bakit ngayon natatakot nanaman ako.
Nagising ako sa realidad ng mapadaing ako. Kasi may naramdaman akong sakit habang nakikita ko sila na tuwang-tuwa. Hindi ko matignan ang sarili ko...diring-diri ako.
Sobrang sakit...
Hindi ko alam kung bakit...
Basta masakit...
Dahil sa sakit na naramdaman ko, napahawak ako sa kama at napahigpit ang hawak ko dito. Mali 'to. Wala dapat ako dito. Hindi ko 'to dapat maramdaman.
Kahit wala ako sa sarili ko, naririnig kong may kaguluhan sa labas. Kailangan kong makalabas dito. Kailangan ko siyang makita.
Kailangan ko siya.
Pumikit ako, isang patak ng luha ang naramdaman ko. Malakas kong iniumpog ang ulo ko sa ulo ng isa sa kanila kaya mas lalo akong nahilo pero wala akong pakielam.
Nagulat sila sa ginawa ko at ginamit ko ang binti ko para itulak ang isa sa kanila palayo sa akin. Tumayo ako agad at nagmadaling lumabas sa pintuan ng madapa ako kaya't nasubsob sa sahig.
Ang hapdi ng tuhod ko na alam kong nasugatan. Nagmadali akong tumayo. Ano mang oras...pwede akong bumagsak dahil hindi ko na kayang labanan ang pagkahilo na'to.
Ang masayang disco kanina...nagkakagulo. May mga binubugbog. Maraming gustong tumakas pero ni isa walang makatakas. Hindi ko mamukhaan yung mga lumusob dahil sobrang labo na ng paningin ko...
Pinilit kong maglakad habang nakahawak ang isa kong kamay sa ulo. Kumukurap-kurap dahil hirap na hirap na ako.
Nang magdilim ang paningin ko, naramdaman ko ang mga brasong sumalo sa akin, "I'm sorry, I'm late" sa boses pa lang niya, puno na ng pagsisisi.
Napangiti ako at mahigpit na yumakap. Kahit hindi ko mabuksan ang mata ko, alam ko kung sino siya. Kahit pa gaano kabigat ang nararamdaman ko ngayon, ngumiti ako...
Umiyak ng umiyak at isinubsob ang ulo ko sa dibdib niya. Yung takot at sakit na kanina ko pa kinikimkim, biglang lumabas habang yakap-yakap ko siya. Mahigpit na yakap din ang binigay niya sa akin pagkatapos niyang ipatong sa likuran ko ang leather jacket na palagi niyang suot.
"Huwag mo 'kong iiwan, please" sambit ko. Samahan mo ako hanggang sa mawala na 'tong nararamdaman ko.
"You've fought enough, sweetie. You're free to give up now. Ako ng bahala dito"
Mga huling salita na narinig ko mula sa kanya.
Yun na rin pala ang huling beses na ngingiti akong kasama siya.
To be continued...